Chapter 5: Disrupted Plan

2677 Words
Mabilis na tumalikod sa Althea matapos abutin ang sobreng inabot ng boss. Ayaw sana pero naisip na kakailanganin niya iyon kung saka-sakali. Agad siyang tinungo ang bahay nila at bago pumasok sa may pintuhan nila ay lumingon siya sa direksyon ng boss at nakitang nakatingin ito sa kaniya. Bigla ay nahiya kaya nagbaba siya ng tingin. Pagkapasok ay nakita ang amang nasa wheelchair habang may inaayos na bentilador. "Oh anak, naririyan ka na pala anak?" bungad nito. "Ang Inay mo ay nasa silid niyo ng Tiyahin mo," wika pa nito. Agad na tinungo ang silid nila at nakita roon ang ina habang pinupunasan ang tiyahin niya. Mabilis na dumulog sa mga ito. "Mainam naman at nandito ka na. Dalhin na kaya natin ang Tita mo sa ospital," saad ng ina na puno nang pag-aalala ang mukha nito. Agad na kinapa ang tiyahin at halos mapaso siya sa taas ng lagnat nito. "Tita," turan dito ngunit ungol lang ang narinig dito kasabay nang panginginig ng katawan nito. Mabilis na kumilos upang lumabas ng bahay at humanap ng taksi na pagsasakyan sa tiyahin nang mapansing naroroon pa rin ang sasakyan ng boss at matamang nakatingin sa kaniya. Nang mapatigil siya ay bumaba ito. "Is there something wrong?" tanong nito habang papalapit sa kinatatayuan. "Dadalhin ko si Tita sa ospital," aniya at nang maalalang maghahanap siya ng taksi ay naglakad siya. "Kailangan ko ng taksi," turan saka bumilis ang mga paang naglakad patungo sa labasan nang hinabol siya nito at hinawakan sa kamay. Para na kasi siyang mababaliw sa lahat ng mga nangyayari sa buhay nila. Mula sa pagkakaaksidente ng ama hanggang sa pagkakaparalisa ng ina at ngayon ay heto ulit sila. "Sir, kailangang kong humanap ng taksi," aniya sabay tanggal sa kamay nito. Hindi alam ni Wynn kung matutuwa ba o maaawa sa kalagayan ni Althea. Batid niya ang hirap na pinagdadaanan nito, ang bigat ng pasanin nito. "Let me help you, we'll bring her to the hospital," turan dito dahilan upang mapatigil ito. Noong ipahanap ito sa imbestigador ay gusto lang niyang malaman kung ano ang nangyari dito. Nais gantihan pero sa nakikitang sitwasyon nito ay parang mas gusto niya itong yakapin at ikulong sa bisig niya at sabihing okay lang ang lahat. "Let me help you," ulit niya sa natitigilang babae saka nagpatiunang naglakad patungo sa bahay ng mga ito. Nabigla si Althea nang makitang patungo ang boss sa kanilang bahay kaya patakbo siyang sumunod rito at saktong nasa may pintuhan na ito nang maabutan. Hahawakan sana ito sa kamay upang pigilan nang biglang mauntok ito sa hamba ng kanilang pintuhan. Napaatras si Althea. Masyado kasing mataas ang boss at may sunglasses pang suot kaya marahil ay hindi nito napansin. Agad na kinapa ni Wynn ang noo. Gustong magmura pero ayaw niyang matakot sa kaniya si Althea na noon ay natitigilan. Nagkatinginan sila habang hawak-hawak ang noo. "Anak, may bisita ka yata?" tinig ng ama na nagpalingon sa kanilang dalawa. Sasagot pa lamang sana si Althea nang magsalita si Wynn. "Good afternoon po, Sir," bati nito sa kaniyang ama. "Naku Hijo, huwag ng Sir," ani naman ng ama sa kaniyang boss. Tumikhim siya upang awatin ang ama at ipakilala ang boss rito. "Ah! Pa, boss ko nga po pala," pakilala rito. "Ay, ikaw ba ang bagong boss nitong anak ko? Buti at nagawi ka dito sa amin," turan pa ng ama ng lumabas ang ina mula sa silid hawak ang plangganita at bimpo. "Oh anak, nakakuha ka ba ng taksi?" tanong ng ina saka napansin ang boss niya. Hirap pa ring maglakad ng ina pero kahit papaano ay nakakausad naman. "Ma, boss ko po. Si Sir Wynn," pakilala naman sa ina. Doon ay nakipagkamay ang boss sa ina at maging sa ama na noon ay binitawan na ang kinukumpuning bentilador. "Mainam siguro anak ay dalhin na natin ang Tita mo sa ospital," untag ng ina. "Binihisan ko na siya," dagdag pa ng ina. Tumingin ang boss sa kaniya. "Is she manage to walk?" maang na tanong niya kay Althea. Doon naman ay natauhan si Althea saka nagpaalam sa boss upang tignan ang tiyahin. Nakita itong nagsusubok tumayo kaya mabilis na inalalayan. Pagkalabas sa pintuhan ay umalalay rin ang boss dahil kita na nahihirapan siya sa pag-alalay sa tiyahin. Lumingon pa ito sa magulang niya bilang paalam sa mga ito. Mabuti ay naroroon ang boss at mabilis na nadala sa ospital ang tiyahin. "Salamat, Sir," sambit rito. "Pasensiya na sa abala," wika pa saka pinilit ngumiti rito. Nakapamulsa lang si Wynn habang pinagmamasdan si Althea habang nakatungo. Bakas sa pigura nito ang hirap na pinagdadaanan nito. Hindi ito mapakali habang nasa loob ng emergency room ang tiyahin nito at hinihintay ang paglabas ng doktor na sumuri sa tiyahin. Sumandig ito at nagkatinginan sila. "Sir, pwede niyo na po akong iwan. Pasensiya na talaga sa abala," muling hingi ng paumanhin rito. "Wala iyon?" aniya rito saka umupo sa tabi. Hindi alam kung bakit pero gusto pa niya itong makasama. Hindi umimik si Althea nang imbis na umalis ang boss ay umupo pa ito sa tabi niya. Naisip na marahil ay naaawa ito sa kaniya. Nakita na nito ang kondisyon ng pamilya niya. Sa isiping iyon ay muling bumalong ang luha sa mata habang nakatitig sa kawalan. Hindi man bumaling si Wynn sa babaeng katabi ay batid na naiyak ito dahil sa panaka-naka nitong pagsinghot. Gustong-gusto niya itong yakapin ngunit hindi alam kung papaano ilalapit ang sarili dito. "Okay ka lang ba?" mahinang sambit ng boss sa kaniya. Doon ay lumingon siya dito. Hindi alam kung ano ang ekspresyon ng mukha nito dahil sa salamin nito pero batid na naaawa ito sa kaniya. Tumulo ang luha pero tumango siya rito. Pinipilit magpakatatag sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdadaanan para sa magulang niya. Hanggang sa maramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Luhaang tumitig rito at hindi napigilang yumakap dito. Kahit papaano ay may panghuhugutan siya ng lakas. Hindi na napigilan pa ni Wynn na isandig si Althea sa dibdib niya. Ramdam niyang nanghihina ito sa mga nangyayari sa pamilya nito. Maging ang panginginig ng katawan nito tanda ng malabis na emosyong nananahan sa sarili nito. Tinapik-tapik ang likod nito. "It's okay, minsan kailangan nating umiyak para mawala ang bigat na ating dinadala," aniya. Bahagyang nahimasmasan si Althea at kumalas sa pagkakayakap sa boss. Nahiya siya rito at tumingin. "Sorry," hingi ulit ng paumanhin. "It's okay," ngiti ni Wynn na kinabigla ng babaeng kaharap. Magkahinang ang kanilang mga mata nang tumunog ang cellphone niya at nakitang natawag si Glydel. Naalalang may lakad nga pala sila. Batid na magtatampo ito kapag hindi sumipot. Napatingin siya muna kay Althea bago sinagot iyon. "Hello," mahinang sambit rito. "Hi, sorry. Nadisturbo ba kita? Ipapaalala ko lang, seven-thirty. Sa lobby ng hotel na lang tayo magkita," excited na tinig nito. Nang maulinigan ang tawag ng boss ay naalala ang sinabi nito kanina sa dating kasintahan nito. Marahil nga ay may dini-date na ito. "Okay lang ako dito, Sir. Mukhang naghahanda na ang ka-date niyo," aniya rito at tila nais magsisi sa sinabi dahil napatigil ito habang nakatingin sa kaniya. "Ayos ka lang ba ditong mag-isa?" tanong pa kay Althea. "I can stay, anyways. It's not really a date, pumayag lang ako dahil mapilit siya." Tumayo saka muling tumitig rito. "If you need something, just call me," dagdag pa rito. Tumingin si Althea sa boss. "Thank you, Sir," turan dito. "You're welcome, Althea," aniya sa pangalan nito. Doon ay muli itong nagtaas ng tingin. Kahit papaano ay nalugod ang pusong nadamayan ito. Gustuhin mang samahan pa ito pero kinakailangan niya na ring maghanda sa dadaluhan nila ni Glydel na birthday party ng kaibigan nito. Pagkaalis ng boss ay siyang labas naman ng doktor na sumuri sa tiyahin. "Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?" pormal na tanong nito. Bahagya tuloy siyang kinabahan dito. Dalangin na sana ay hindi naman seryoso ang sakit ng tiyahin. "As of now ay wala pang result ang blood test niya. Sa tingin ko naman ay over fatigue lang na dinagdagan ng pulmonya. Saan po ba siya nagtatrabaho?" tanong pa nito. Tumango siya saka sumagot. "Sa palengke po," wika rito. "Marahil ay natuyuan siya ng pawis. Habang tumatanda ang katawan natin ay nababawasan ang immune system natin. Lalo na kung sa pwesto pa niya ay matubig gaya ng isdahan," dagdag nito saka tumingin sa kaniya. "Kailangan niyang magpahinga, bukas pa lalabas ang resulta ng blood samples niya at sana ay wala siyang seryosong sakit. Sa ngayon ay maayos na siya," anito na kahit papaano ay nakapagpaluwag sa kaniyang dibdib. Nang makaalis ang doktor ay agad na tinawagan ang ina upang ipaalam na maayos na ang kaniyang tiyahin. "Hello, anak? Kumusta ang Tita mo? Sana naman ay walang—" "Ma, okay na po si Tita," sabad rito. Batid sa tinig nito ang pag-aalala kaya sumabad na siya bago pa ito maiyak. "Mabuti naman kung ganoon, anak. Uuwi na ba kayo?" maya-maya ay tanong nito. "Hindi pa Ma, sabi ng doktor ay hihintayin pa ang resulta ng blood test ni Tita pero okay na po siya. Sana nga ay pagod lang siya," turan dito. "Sana nga anak," segunda naman ng ina. Pagkadating ni Wynn sa kaniyang condo ay agad na naligo upang maghanda. Alas sais kuwarenta'y singko na kasi kaya mabilisan ang kilos niya. Habang nasa ilalim ng shower ay naalala si Althea. Kasunod ang mga plano rito noon. Bigla ay tila nawala ang lahat ng kaniyang balak dahil sa yakap nito. "Althea," usal niya habang pinagsilahop ang palad sa mukha kasabay ng pagpatay ng shower. Mabilis na tinuyo ang katawan saka tinungo ang closet. Mapilit si Glydel, pati Papa nito ay ginamit para lang mapapayag siyang samahan ito sa birthday ng kaibigan nito. Nahiya naman siyang humindi dito dahil baka kung ano ang isipin. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag ng walang gaanong trapiko at saktong nakarating sa lugar sa takdang oras. Agad na bumungad sa kaniyang paningin ang magandang at sopistikadang babae. Napaka-sweet ang ngiti nito sa kaniya. "Glad that you're here," agad na salubong sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang tuwa. "Let's go," pormal na yakag rito. Ayaw niyang magpakita ng anumang emosyon rito dahil ayaw niya itong umasa. "Okay," anito na tila nadismaya sa malamig na pakikitungo rito. Pagkarating sa function hall sa hotel na iyon ay puno ng bisita. Pagbungad ay sumalubong sa kaniya ang isang babae. "Hey, Glydel you look great," wika ng babae. "Thanks, Jane, so how's the party? Where is the birthday celebrant?" dinig na tanong nito. "Oh sorry, si Wynn nga pala," pakilala sa kaniya ni Glydel sa babaeng kausap nito. Marunong naman siya makipagkapwa-tao kaya ngumiti siya rito saka inabot ang kamay bilang tanda ng pakikipagkilala rito. "Nice to meet you, Wynn," ngiti ng babae saka tumingin kay Glydel. Hindi man batid ang ibig sabihin ng tingin nito sa babaeng kasama pero hinayaan na lamang. Maya-maya ay may babaeng lumapit sa kinaroroonan nila at batid na ito na ang birthday celebrant. "Happy birthday, girl," bati ni Glydel rito. "Thanks, girl. So?" anito habang nakatingin sa kaniya ang babae. "Siya ba ang boyfriend mo?" tanong ng babae. Ngumiti lang si Glydel. "Not yet," sagot nito. Gusto man niyang tumutol sa sinabi nito pero hinayaan na lamang dahil ayaw niyang mapahiya ito sa harap ng mga kaibigan. Dahil wala namang kakilala doon si Wynn maliban kay Glydel ay tinuon na lamang ang pansin sa pag-inom. Kahit naiinis sa panay kapit sa kaniya ni Glydel kahit abalang nakikipag-usap sa dalawang kaibigan nito. Hanggang sa may lumapit na lalaki sa birthday celebrant. May sinabi ito at saka naman bumulong ang babae kay Glydel. "Okay girls, titignan ko lang ang iba kong guests. Enjoy the night," paalam ng isang babae. Muling kumuha si Wynn ng alak. Lingid sa kaniyang kaalaman na may plano pala ang dalawang babaeng kasama. Hindi pa man nagtatagal ay mukhang tinatablan na siya. Pinilit tumayo upang hamigin ang sarili pero tila may magnetong humihila sa kaniya. May pagtataka sa isipan dahil hindi naman siya ganoon kadaling tablan ng alak. Pinilit paglabanan ang nararamdaman pero tinatalo siya ng pagbagsak ng talukap. Naulinigan pa niya ang dalawang babaeng nag-uusap sa tabi niya. "So, what's your plan to do with him?" tanong ng isang babae. "Ano pa nga ba? Dalhin natin siya sa ni-reserve kong hotel room," ani ni Glydel. Hindi siya makakapayag na muling mawala ito lalo na at nagbalik si Maxine. "Baliw ka talaga," saad ng kaibigan rito. "I know?" sabad naman nito saka ngumiti. Akmang pagtutulungan na bilang magkaibigan ang lalaking tulog nang biglang may humila rito. "Winser?!" gulat na sambit ni Glydel. Alam niyang naroroon ito dahil kaibigan nito ang boyfriend ng kaibigan niyang si Faith na siyang may birthday. "Ganyan ka na ba ka-desperada?" mapang-usig na wika nito. Napakunot-noo pa si Glydel na animo ay hindi alam kung ano ang tinutukoy nito. "I saw what you did?" Hindi makakapayag si Glydel na mabulilyaso ang plano niya. Ito na iyong tamang pagkakataon niya. "Please Winser, leave us alone!" giit sa kapatid ni Wynn. Batid naman niyang matagal na itong may gusto sa kaniya pero anong magagawa niya kung sa kuya niya ito siya nagkagusto. Agad siyang hinawakan sa kamay nito at hinila. Mabilis naman siyang nagpumiglas. "You're coming with me or I'll bring my brother home?" matigas na turan ni Winser habang nakatunghay sa kapatid na tulog na tulog. Mabuti na lamang at nagpunta siya kahit banas na banas dahil dapat siya ang ka-partner ni Glydel. Agad na nasipat ang kapatid at si Glydel ng dumating ang mga ito hanggang sa makipag-usap ito sa mga kaibigan. Habang ang kapatid ay panay ang inom hanggang sa makitang may nilagay si Jane sa inabot na inumin sa kaniyang Kuya. Batid na may plano ang mga ito at hindi nga siya nagkamali. "Please, Winser," pakiusap pa ni Glydel ngunit mas matigas siya at mabilis na nahila ito palabas doon. "What do you think you're doing?" gilalas sa babae. "Bakit ba lagi kang hadlang sa lahat ng plano ko?" inis rin nito sa kaniya. "Alam mo namang mahal kita 'di ba?" turan rito. "Pero Winser, ang Kuya mo ang gusto ko. Siya lang," tila naiiyak na turan nito. "Bakit mo ba pinagpililitan ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo?" giit na wika rito. "Bakit hindi mo rin tanungin iyan sa sarili mo?" turang balik nito sa kaniya. Natigilan si Winser saka tumingin kay Glydel. "Huwag kang umasa dahil kailan man ay hindi ka mamahalin ni Kuya," saad niya saka humakbang pabalik sa pinanggalingan nang marinig ang sagot ng babae. "Bakit ba? Lahat naman ginawa ko 'di ba? Ganoon ba ako kahirap mahalin?" garalgal na boses nito. Nagpamulsa si Winser ngunit hindi hinarap ang babae. "Hindi pero nagmamahal ka sa maling tao. Hindi si Kuya ang nararapat sa'yo," saad saka humakbang nang muling marinig tinig nito na nagpahinto sa kaniya. "Paano mo nasabi? Sino ka para diktahan kung sino ang nararapat sa akin. Ha!" luhaang saad nito. Doon ay humarap si Winser kay Glydel. Ngumiti ng mapait dahil umiiyak ang babaeng mahal sa taong kailan man ay hindi siya papansinin nito. "Kung pwede ko lang diktahan ang puso mo para ibaling sa akin ang lahat ng pagtingin mo kay Kuya ay ginawa ko na. Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan habang nakikita kong umiiyak ka dahil sa kapatid ko," turan dito na nagpipigil ng luha. "Sana ako na lang," dagdag pa saka tumalikod. Sa gilid ng mga mata ay nakita pa ang pagsapo ni Glydel sa mukha ngunit hinayaan na muna. Binalikan ang kaniyang Kuya upang iuwi na ito sa condo nito. Naalimpungatan si Wynn nang tila umaalog ang ulo. Pinilit-idilat ang namimigat na talukap ng mga mata at nakita ang mukha ng kapatid. Pinikit-pikit pa ang mata marahil ay namamalikmata lamang siya. "Kuya," tinig na pumukaw sa kaniyang papikit na mata. Hindi nga siya namamalikmata dahil ang kapatid ang yumuyugyog sa kaniyang balikat upang gisingin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD