Matapos ng mainit na sandali ay hindi napigilang mapaluha si Althea. Napatagilid siya sa pagkakahiga sa malambot na kama ng boss. Ramdam niyang nakatingin ito sa kaniya kahit nakatalikod siya. Nalilito siya kung bakit hindi nagawang pigilan ito. Paano na ngayon, ngayong nakuha na nito ang kaniyang p********e. Sa isiping iyong ay muling napaluha si Althea. Kahit ulit-ulitin at balik-balikan sa isip ang lahat, hindi mapigilang isipin kung bakit siya nagpadala sa init ng halik ng boss. Iniisip ang mga magulang kung ano na lamang ang sasabihin ng mga ito. Ang kaniyang Papa, tiyak na sisisihin na naman nito ang sarili sa kaniyang maling desisyon. Nakatingin si Wynn sa makinis na likod ng babaeng nakatagilid sa kaniya. Hindi man kita pero batid na umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat nit