Bigla ay naturete ang isip ni Althea nang malasap ang matamis na halik ng boss. Malabot ang labing umaangkin sa kaniyang labi. Noong una ay hindi alam kung paano tutugunin iyon pero tila desidido itong turuan siya sa bagay na iyon. Dahilan upang iuwang ang labi at tuluyang lasapin ang halik nito. Nabigla si Wynn nang maya-maya ay natugon na si Althea sa kaniyang labi. Hindi man ito ganoon kabihasa pero kahit papaano ay naramdaman niyang gusto nito ang kaniyang halik. Ngunit kailangan niyang tigilan na ito dahil baka kung saan pa mapunta ang lahat. "Let's go," ani ni Wynn matapos magkalas ang kanilang mga labi. Nahihiyang napalunok na lamang si Althea. Baka isipin ng boss na nagustuhan niya ang halik nito dahil sa kapangahasang ginawa. Wala siyang nagawa kundi ang magyuko at lumabas mu