Chapter 17:

1985 Words

Nagkukumahog na umuwi si Althea. Ngayon lang siya ulit mahuhuli sa pag-uwi. Tiyak na magtataka ang mga magulang at ang kaniyang tiyahin. Humugot muna siya ng buntong-hininga bago siya tuluyang pumasok at nakitang nasa sala lahat sila at isahang napatingin sa kaniya matapos pumasok. Mas lalo tuloy bumilis ang kabog ng dibdib sa tinging pinupukol ng mga ito. Napapalunok dahil sa tensyong bumabalot sa kaniya. "Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" puna ng ina na unang nakabawi. "Ah? Ah, hindi Ma. Pagod lang ako kasi may nilakad kami ni Boss," aniya rito. "Na inabot kayo hanggang alas siyete?" maang pa ng ina. "Ah, oo kasi—" putol na wika dahil hindi siya nakapaghanda ng konkretong idadahilan. Masyado siyang nadala sa ligayang hatid ng mga nangyari sa kanila ng boss.  "Kasi ay?" dugtong n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD