Hindi malaman ni Althea kung saan ibabaling ang tingin matapos ibaba ang tawag ng boss. Nahihiya kasing malaman nitong nakikinig siya sa usapan nila ng kausap nito. "Are you done?" tanong nito. Tumango lamang siya rito. "Let's go," ani ni Wynn sabay tayo at lahad ng kamay sa babae. Kapwa sila nagkatinginan. Hindi niya alam kung bakit nagawa iyon marahil ay katawan na niya mismo ang nagkanulo sa kaniya. Napatingin siya sa mukha ni Althea at bakas doon ang gulat at hiya kung tatanggapin ba ang palad o hindi. Maging si Wynn ay nahiya kaya ibababa na ang palad nang ilagay ng babae ang kamay nito. Ramdam ang init ng palad nito habang inaalalayang tumayo. Bukod ay ramdam din sa palad nito ang palad ng isang babaeng marunong sa buhay. Sa nakalap ng kaniyang imbestigador ay marami itong pinasu