Napatingin si Wynn sa kaniyang kapatid na noon ay napatigil sa pagtawa. “Oh, maupo kayo. Mabuti naman at sumama ka, hija,” segunda ng kaniyang Papa na sa pagkakataong iyon ay mas bukas na ang mukha. Agad niyang inalalayan si Althea at naupo malapit sa kaniyang Mama habang siya naman ay naupo malapit sa kapatid. Bakas sa mukha ng ina ang tuwa nang makilala si Althea. Habang bakas na bakas naman sa mukha ni Althea ang kaba. Hindi malaman ni Althea kung papaano kikilos lalo na nang makitang matiim na nakitingin si Winser sa kanila ng Kuya nito. “Happy birthday,” nahihiyang wika dito. “Salamat sa pagpunta,” magiliw naman nitong wika. Ngumiti siya rito at maging ito man ay ngumiti rin. Naramdaman niya ang palad ni Wynn sa kaniyang palad. Agad na napalingon dito ay nakita niya ang mabini nito