“Oh, bakit natigilan ka? May iba ka pa bang lihim?” dinig na turan ng kaniyang Mama na kinabahala niya. Nabigla siya sa narinig kaya bago pa ito tuluyang mag-usisa ay niyakap na niya ito. “Mama, talaga kung anu-anong iniisip. Wala na po,” pagsisinungaling dito na pilit tinuwid ang dila upang hindi siya mautal. Ngunit muling tumiim ang titig nito. Muli ay kinabahan siya nang hawakan siya nito at iharap dito. “Anak, sure ka na ba sa kaniya?” tanong nito. “Anong ibig mong sabihin, Ma?” nagugulumihanang turan dito. “Sa boss mo na long-time crush mo,” hirit nito. “Maaaa?” muling salag rito. Tumawa ang ina sa kaniyang reaksyon. “Sus! Batang ito, anak. Pinapaalalahanan lang kita, paano pala kung—” putol ng ina at sa hitsura nito ay batid na niyang nangangamba lamang ito na baka hindi sery