Kapwa pagod at hapo pero bakas ang ngiti sa kanilang mga labi. Nakahiga si Althea at nilagay ang ulo sa dibdib nito. Masarap ang pakiramdam na yakap-yakap siya ng lalaki mahal. Kita ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Tumingala siya at nakita ang guwapong mukha nito. Nakitang ngumiti ito nang magtama ang kanilang mga mata. “Happy?” tanong nito sa kaniya. Tumango siya rito bilang tugon. Mahal na mahal niya ito at hindi niya iyon maikubli sa sayang nadarama habang kapiling ito. Hinawakan nito ang kaniyang baba. Nilalaro-laro iyon ng kaniyang hinlalaki. Muling sumilay ang kaniyang ngiti. “Very,” tugon niya rito. Sabay haplos sa dibdib nito. “Same here,” ani naman ni Wynn. Hindi maipaliwanag ang sayang nadarama sa tuwing hawak at yakap ito. Parang gusto na niya itong angkinin at ariin. Kung p