CHAPTER THREE

2814 Words
                                                Kanina pa siya naghihintay sa magiging silid nila ni Liam pero hanggang ngayon wala pa rin ito. First day silang matutulog na magkatabi sa iisang kama kaya naman naghanda siya ng mabuti naligo pa siya ng mabuti para mabango naman siya kapag katabi niya ito. Nagpalipas muna siya ng oras sa pagbabasa, alam niya kasing papasok lang ito ng silid kapag tulog na siya pero nagkamali ito dahil hindi siya matutulog hangga’t wala ito. Maghihintay siya kahit mag umaga pa.        “Bakit ang tagal mo?” tanong niya dito nang bumukas ang pinto. Atubili itong umupo ng kama.        “May kausap lang ako sa cellphone.”        “Dalawang oras kayong nag-usap?”nakaarko ang kilay niyang tanong.        “Anong masama?”       “Wala naman. Sino ba kasi ang kausap mo at ang tagal naman yata.” usisa niya pa.       “Boyfriend ko.”        Hindi siya makasagot sa sinabi nito. “Gusto ko makipaghiwalay ka sa kanya.”utos niya kay Liam.  She dont care kung demanding ang tingin nito sa kanya o ano pa man.        “Kasama ba sa kasunduan natin na hindi ako pwede magkaboyfriend?”        “Oo, Liam. Mahiya ka naman sa akin. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita ka nilang may kahalikang lalaki?”naiirita niyang tanong.      “Diba sabi mo tanggap mo ako pero bakit ngayon parang gusto mong kalimutan ko na bakla ako?”         “Ikaw ang nagdesisyon na magpakasal sa akin. Hindi naman kita pinilit. Kung kailangang kalimutan mo na bakla ka gawin mo! Konting tiis lang dahil ayon nga sayo maghihiwalay din tayo! Alam mong gusto kita pero bakit mo ako sinasaktan?” sumbat niya dito.         “Ngayon pa lang sinasabi ko sayo na itigil mo yang pagmamahal na yan dahil wala yang patutunguhan. May iba akong mahal at hindi ikaw yon! Wag ka ng umasa!” turan pa nito.        “Wag lang kayong papahuli sa akin dahil tiyak na sa kangkungan kayo pupulutin.” banta niya sa mga ito pero tinawanan lang siya. Nakangising tumabi sa kama.  Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa at hindi na ito muling nagsalita pa. Nakiramdam siya pero mukhang matutulog na talaga ito dahil panay ang hikab nito.         “Malapit na tayong magpakasal kaya sana naman magkasundo na tayo.” pakiusap niya. Tumagilid siya ng higa, nakatalikod ito sa kanya. Dinantay niya ang kamay sa bewang nito.         “Alam ko. Kung tanggap mo ako tiyak na magkakasundo tayo. Hindi ako mahirap kausap kaya please lang alisin mo ang kamay mo dahil hindi ako pumapatol ako sa babae.”  turan nito sa kanya pero nagmatigas siya. Hindi niya ito pinansin, nanatili ang kamay niya sa bewang nito.               “Mahal na kita Liam.” amin niya. Kinuha niya ang kamay nito at dinala sa tapat ng puso niya. “Nararamdaman mo ba?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang malakas ng t***k ng puso, pero hindi ito sumagot kaya bumangon siya at tiningnan ito at tama nga ang kutob niya. Tinulugan siya ng mokong. Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha nito, kahit nakapikit ito mapupungay pa rin ang mga mata nito at ang tangos ng ilong nito dinama niya ang mukha nito sa pamamagitang ng mga palad bago niya kinantilan ng halik ang mapupula nitong mga labi. Nakatulog siyang nakayakap sa lalaki.  Alam niyang simula sa araw na ito mababago na ang buhay niya.       Si Liam ang agad hinanap ng mga mata niya kinaumagahan. Wala kasi ito sa tabi niya. Napasulyap siya sa wall clock. Alas otso na ng umaga kaya pala mataas na ang liwanag sa labas. Agad siyang nag-ayos ng sarili bago pumanaog. Nadatnan niyang nag-aalmusal ang abuela at ang kaibigan. Agad niyang hinalikan ang abuela bago sumabay sa mga ito.          “Si Liam La?” tanong niya.          “Mukhang napagod ka ah?” tukso ng Lola niya sa kanya          “Blooming ang friend ko ah mukhang nadiligan kagabi.” sabat naman ni Loida. Pinandilatan niya ito ng mata kaya tumigil ito. Ito kasi ang madalas na nag-aalaga sa Lola niya kapag nasa mansyon ito.          “Sa tingin mo Loida kailan kaya ako magkakaroon ng apo sa tuhod?” tanong pa ng Lola niya sa kaibigan na ikinaubo niya, maging si Loida ay nasamid dahil kasalukuyan itong sumusubo. Mabuti nga sana kung napuyat siya dahil diniligan siya ni Liam ang masakit mukhang matutuyo siya sa paghihintay at mukhang matitigang siya sa paghihintay.         “Mukhang matagal pa siguro tayo diyan Lola. Nasa getting to know each other palang kami.” natatawa niyang sagot.        “Aba kay’tagal naman niyan. Ako na nga ang gumawa ng paraan para dito na matulog si Liam, ako pa ba ang gagawa ng paraan para magkaapo?” angal ng Lola niya.         “Friend sabihin mo na kasi kay Liam na bilis-bilisan niyo na para makarami.”sulsol pa ni Loida sa kanya.       “Kung pwede lang.” sa loob loob niya. Kahit yata akitin niya ito gabi-gabi walang mangyayari.     TULAD ng kanyang nakagawian  sa umaga sumakay siya sa kanyang paboritong kabayo at umikot sa lupaing nasasakupan ng kanyang Lola. Bumaba siya sa kanyang kabayo nang may makita siyang naghaharvest ng kape. Isa-isang nagbigay galang sa kanya ang mga ito.         “May hinahanap po ba kayo Senyorita?” tanong sa kanya ni Boyet. Isa sa mga pinagkakatiwalaan nilang tauhan.         “Hinahanap ko kasi Mang Boyet si Liam.” magalang niyang sagot. Napansin siguro nitong may hinahanap siya dahil panay ang linga niya sa paligid.         “Si Senyorito Liam pala. Nasa manggahan po Senyorita kasama si Sir Douglas.” sagot nito sa kanya. Si Douglas ang anak  ng Mayor nila. Agad siyang sumakay sa kabayo para hanapin si Liam. Kung bakla nga ito duda siya sa pakikipaglapit nito kay Douglas. Umuusok ang ilong niya sa inis habang iniisip kung bakit nito kasama si Douglas. Unang-una kasi hindi naman magkakilala ang dalawa para mag-usap ang mga ito.       “Magtago ka na Liam!”       Kulang nalang paliparin niya ang kabayo para makarating lang sa manggahan, nasa dulo ng lupain nila ang manggahan kaya naman malayo-layo rin ang nilakbay niya. Malayo palang siya nakikita niya na ang dalawang lalaking nag-uusap. Nakatalikod ang mga ito sa kanya kaya hindi siya napansin ang pagdating niya. Dinig na dinig niya ang matunog na tawa ni Liam habang nag-uusap ang mga ito. Nagulat pa ito ng makita siyang paparating. Agad na  lumapit sa kanya si Liam at inalalayan siyang bumaba ng kabayo. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito para maramdaman nito na galit siya.           “Kumusta?” nakangiting tanong sa kanya ni Douglas.           “Okay lang. Anong pinag-uusapan ninyo?” pilit ang ngiting tanong niya.          “Wala naman. Masaya pala ako at si Liam ang makakatuluyan mo.”turan pa nito sa kanya.          “Salamat. Sana makarating ka sa kasal namin.” Madiin niyang sagot.          “Darating ako. Dont worry. Paano mauuna na ako sa inyong dalawa?” paalam nito.          “Sige pare.” sagot ni Liam, nakamasid lang ito sa kanya. Nagkamay pa ang mga ito bago tuluyang umalis si Douglas.                        “Bakit para kang susugod sa giyera?” tanong nito sa kanya ng mawala sa paningin nila ang sasakyan ni Douglas           “Naiinis kasi ako sayo! Bakit ba dito pa kayo nag-usap ni Douglas kung saan malayo sa mga tao?” hindi niya mapigilang tanong.             “Nakita ko lang siya kanina kaya sumama na ako. Nasira kasi ang electric bike na gamit ko kaya nakisabay nalang ako.”            “Dapat tinawagan mo nalang ako para sinundo kita. Hindi yong makakita ka lang ng lalaki sasama ka na agad kahit na hindi mo naman kilala.” Sabay ingos niya.              “Ginagawa mo naman akong maliit na bata eh. Nagseselos ka ba?”            Hindi siya makasagot sa tanong nito.  Nagseselos na nga ba siya?” Ang masakit sa lalaki siya nagseselos.            “Oo nagseselos ako! Ang nakakainis lang sa kapwa mo lalaki ako nagseselos!”bulyaw niya dito pero bungisngis lang ang sinagot nito sa kanya. Sa inis niya nahampas niya ito.            “Malaking problema nga yan.” sabay tawa nito kaya hindi niya ito tinigila sa paghampas. Wala itong nagawa kundi ang sanggain ang bawat hampas niya.               “Bakla!!!” bulyaw niya pa.                “Matagal na.” sagot nito na labis niyang ikinainis.                             “Aminado ka pa talaga ha? Hiyang-hiya naman ako sa kabaklaan mo!”             “Hindi ko na kailangan pang ikaila dahil alam mo na ang lihim ko. Nasa sayo nalang kung tatanggapin mo ako.”            “Tanggap naman kita kung bakla ka dahil alam ko rin naman kapag kasal na tayo magiging isang lalaki ka rin.” pang-aasar niya . Tulad na parati niyang sinasabi sa sarili gagawin niya ang lahat maging isang ganap na lalaki lang ito.             Hindi siya nito sinagot. Nagulat nalang siya ng hilahin siya ito palapit sa kabayo niya.            “Mauna ka!” utos nito sa kanya na ang ibig sabihin ay sumampa siya sa kabayo. Tinaasan niya ito ng kilay.              “Ikaw ang lalaki kaya ikaw ang mauna!” pag-iinarte niya.              “Hindi ako marunong sumakay sa kabayo at isa pa baka matakot ang kabayo mo at bigla akong sipain. Mahirap ng masira ang beauty ko.” maarte nitong sagot sa kanya. Hahampasin niya sana ito pero umiwas na naman ito.               “Ikaw ang lalaki kaya ikaw ang mauna!” tanggi niya pa rin.                “Bakla ako!”                “Pero lalaki ka pa rin. Kung ayaw mong sumakay diyan sa kabayo ko maglakad ka pauwi ng mansiyon at kung gusto mo naman tawagin mo ang Douglas mo at magpasundo ka!” pang-aasar niya dito kaya wala rin itong nagawa kundi ang sumampa. Hindi naman nagpumiglas ang kabayo niya dahil nakisama naman ito.            “Alalayan mo ako!” sigaw niya dahil parang wala itong balak alalayan siya. Kampante itong nakaupo sa kabayo niya habang hawak ang renda ng kabayo.                “Kaya mo na yan.” tanggi nito.                “Ihuhulog kita diyan!” banta niya habang tinutulak ang katawan ng kabayo kaya wala itong nagawa kundi ang hawakan ang kamay niya. Napangiti siya sa pagiging aso’t pusa nila pero siyempre titiyakin niyang siya ang parating mananalo. Mahigpit niyang niyakap ang mga kamay sa braso nito kaya naman panay ang reklamo nito. Hindi niya rin pinapalampas ang mga abs nito na nasasagi ng kanyang mga palad. Chance niya ng makascore.                “Nakikiliti ako!” angal nito. Pilit nitong inaalis ang kamay niya pero hindi niya pa rin binibitawan ang bewang nito. “Hindi na ako makahinga!” reklamo pa nito pero tawa lang ang isinukli niya.                “Kapag nahulog ako lagot ka kay Lola.” banta niya dito kaya sa huli siya na naman ang panalo. Hinilig niya ang ulo sa likod nito nagulat pa siya ng biglang patakbuhin nito ang kabayo kung kailan feel na feel niya ang amoy ng katawan nito kaya kahit gusto niyang damhin ang katawan nito hindi naman pwede.                “Ihinto mo muna!” pigil niya kay Liam. Kahit nagtataka ito sa kanya pinatigil din nito ang kabayo. Agad siyang bumaba at hinila itong bumaba na rin pero na out of balance siya. Natumba si Liam sa harapan niya. Hindi naman siya nasaktan dahil damuhan ang kanyang binagsakan. Nabigla lang siya sa bigat ng katawan nito kaya siya nabuwal.  Maliit na distansiya lang ang pagitan  ng mga labi nila. Nararamdaman niya rin ang mainit nitong hininga sa mukha niya. Nakipagtitigan siya kay Liam at hindi naman nito binawi ang tingin sa kanya. Pinagmasdan niya itong mabuti. Nababaliw siya sa ganda ng mukha nito, dagdagan pa ng mga mata nito na tila hinihigop ang buong pagkatao niya. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso. Hindi na siya nakapagpigil, dahan-dahan niyang tinawid ang maliit na distansiyang iyon. Muling nagtagpo ang mga labi nila. Sabik niyang hinalikan ang mapupulang labi nito pero hindi ito sumasagot sa bawat galaw ng labi niya. Mawawalan na sana siya ng pag-asa at bibitiw nalang nang biglang gumalaw ang dila nito at kusang sinakop ang mga labi niya. Nagpalitan sila ng mainit na halik na tila sabik sa isat-isa. Wala silang pakialam sa paligid kung may makakakita man sa kanila. Pikit ang matang sinalubong niya ang mga halik ni Liam. Naglumikot din ang mga kamay nito patungo sa kanyang dibdib nang bigla itong tumigil sa ginagawa. Nataranta siya kaya inunahan niya itong bumangon. Ayaw niyang mapahiya.            “I win!” sigaw niya habang nakataas ang kamay. Pilit siyang ngumiti kahit ang totoo gusto niyang umiyak sa sakit.            “I’m sorry. Hindi ko talaga kaya.”turan nito. Nakaupo pa rin ito sa damuhan habang nakatingin sa mukha niya. Gusto niyang umiyak pero nagpigil siya. Kailangan niyang maging matatag sa pagharap at pagtanggap na ang lalaking mahal niya ay isang bakla.            “Kaya mo Liam dahil sumagot ka sa halik ko. Hinalikan mo ako kaya hindi ka bakla!” tanging sinagot niya. Tinulungan niya itong tumayo.              Magkaholding hands nilang binabaybay ang lugar na palagi niyang pinupuntahan. Kahit ayaw nitong hawakan ang kamay niya wala naman itong choice dahil palaisdaan ang binabaybay nila at tiyak na mahuhulog siya kapag nag-inarte ito. Dinala niya ito sa dulo kung saan nandun ang batisan. Simula pagkabata nila ni Loida dito na sila naliligo. Napakalinis pa rin ng tubig, pwede ka na ngang magsalamin sa sobrang linaw. Dinala niya ito sa tapat ng maliit na kubo na pinagawa niya na tanging sila lang ni Loida ang pwedeng pumasok. Nakita niya sa mga mata nito ang pagkamangha sa lugar na pinagdalhan niya. Saglit nilang nakalimutan ang nangyari kanina. Namitas siya ng bulaklak at inabot sa lalaki.           “Welcome sa aking paradise!” nakangiti niyang sambit sa lalaki. Pinagmasdan nito ang paligid at sa tingin niya nagustuhan nito ang mga nakikita. Punong-puno iyon ng ibat-ibang bulaklak kaya naman hindi mo mabilang kung ilang paru-paro ang dumadapo sa bulaklak na lalong nagpapaganda sa kapaligiran. Agad itong nagtampisaw sa tubig.           “Alam mo bang pangatlo ka pa lang sa nakapunta dito?” Ito ang paraiso ko, kapag malungkot ako o masaya dito mo ako makikita. Ito lang ang lugar na ipinagbabawal kong puntahan ng iba.” amin niya habang pinagmamasdan itong magtampisaw.           “Bakit mo ako sinama dito kung bawal pala?” tanong nito kaya lumapit siya dito at hinawakan niya kamay nito. Muli silang nagkatitigan.           “Dahil malapit na kitang maging asawa. Gusto ko alam mo kung ano ang mga pinupuntahan ko para hindi ka mahirapang hanapin ako kung sakaling mamiss mo ako.” turan niya sabay kindat.            “Ayoko ko lang kasing pagsisihan mo balang-araw na dinala mo ako dito.”           “Hindi yon mangyayari baby! Halika sa loob may ipapakita ako sayo!” yaya niya sa lalaki.           Alam niyang hindi makapaniwala si Liam sa nakita sa loob kubo. Aakalain mo kasing maliit lang ang naturang kubo pero kapag nakapasok ka pahaba iyon at kumpleto sa kagamitan. May maliit na kama at sala. May ilaw din sa loob ng bahay.            “Ang galing!” tanging nasambit ni Liam habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.             “Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong ako ang nagdesign nang lahat ng ito?” tanong niyang may pagmamalaking tinig.              “Amazing, Gemma. Ang ganda nang lugar na ito. Iisipin ko bang may kongretong bahay sa gitna ng gubat?” mangha nitong pahayag.              “Kung gusto mo may paraan. Tulad mo, gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako. Hindi ako susukong umasa na balang-araw sasabihin mong mahal mo rin ako at hindi ka bakla.” seryoso niyang pahayag pero tulad ng dati tahimik lang ito at walang naging tugon.            “Maiba ako Liam. Paano mo nalamang bakla ka?” tanong niya sa lalaki habang kumakain. Nagbukas lang sila ng ready to eat na pagkain at iyon ang pinagsaluhan nila habang nagkwekwentuhan.                        “Hindi ko alam kung kailan nagsimula basta ang alam ko hindi ako nagkakagusto sa babae. “ sagot nitong hindi makatingin sa kanya. Panay lang ang subo nito.             “Hindi mo ba sinubukan na magmahal ng babae kahit minsan? Usisa niya pa.             “Sinubukan ko naman pero hindi talaga nag-work. Noon kasi hindi ko rin tanggap kong ano ako pero ito talaga ako eh at kailangan kong tanggapin kung sino ako dahil wala namang tatanggap sa akin kundi ako mismo diba?” turan pa nito.              Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. “Bakit ang laki ng katawan mo? May abs ka pa. Hindi mo ba naisip na magbihis babae?”            “Hindi ko kailangan magbihis babae para sabihin sa ibang tao na bakla ako, ang importante lang naman sa akin ay kung sino ako. Hindi ko kailangan ang opinion ng iba para mabuhay.”            “Hindi mo naman siguro ako masisisi kung mamahalin kita diba? Hilam ang luhang tanong niya.            “It takes time para malaman mong mahal mo talaga ang isang tao. Wag kang papalinlang sa damdamin mo lalo pa at alam mong masasaktan ka lang sa huli.” Sagot nito sa kanya bago muling namagitan ang katahimikan sa pagitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD