CHAPTER ONE
Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang Lola Stella. Ito ang nagpalaki sa kanya simula pagkabata. Maaga kasi siyang naulila kaya ito na ang kinalakihan niyang magulang. Lutang pa rin ang isip niya dahil sa sinabi nito. Disperado na ba ito para ipakasal siya sa lalaking hindi niya naman kilala?
“Arrange marriage? Seryoso ka Lola?” nanlalaki ang mata niya sa sinabi nito. Napatayo rin siya sa pagkakaupo sa labis na pagkagulat. Kung hindi niya lang ito mahal baka kanina pa siya nag-alsa balutan.
“Tama ang narinig mo apo. Nakatakda kang ikasal sa anak ng amiga ko. Mapapabuti ka sa kanya.” turan pa nito na tila siguradong-sigurado sa lalaking pakakasalan niya.
“Martial Law na ba ngayon Lola at naging dektador kana?” inis niyang sagot.
“Matanda na ako Gemma. Gusto ko naman, bago ako mawala sa mundong ito stable na ang buhay mo .I want to see someone take care of you and love. Twenty eight kana kaya nga ito na ang naisip kong paraan.” Mahinahon nitong paliwanag sa kanya kaya naawa naman siya dito. Naramdaman niya ang labis na pagmamahal nito sa kanya. Seventy two na ito at anumang oras pwede itong mamatay at maiwan siyang mag-isa at baka hindi niya kayaning mawala ito dahil sa ngayon ito lang ang buhay niya. Ang abuela niya ang tanging inspirasyon niya. Ang tanging pamilya niya sa mundo. Kung mawawala ito paano na siya?
“Ok Lola, bago ako papayag gusto ko munang makilala ang lalaking itnakda ninyo sa akin. Baka mamaya unggoy pala ang mapapangasawa ko, mahirap nang hindi ko siya makilala bago ako magdedesisyon.”sagot niya para mapanatag ito pero deep inside nagwiwelga ang puso niya.
“Magaling akong pumili apo. Hindi ako pipili na alangan sa ganda mo, syempre ang pipiliin ko ay ang lalaking nababagay sa ganda mo. Isa kang asyendera. Lahat ng pag-aari ko ay mapupunta sayo kaya dapat lang ang kamukha ni Prince William ang magiging asawa mo.” nakangiting pahayag nito sa kanya kaya natuwa naman siya. Kilalang-kilala talaga siya nito. Alam na alam nito na mahilig siya sa gwapo. Hindi naman alangan ang ganda niya kung mahilig siya sa gwapo. Unang-una mestisa siya. Maputi at makinis ang balat. May matangos na ilong at mapulang mga labi na tila nag-aanyaya sa sinuman na halikan siya. Maipagmamalaki siya sa kahit sinumang lalaki.
Pagbibigyan niya ang abuela pero hindi ibig sabihin magugustuhan niya ang lalaking ipapakilala nito ngayon pang kakagaling niya lang sa hiwalayan, sa isang masalimoot na relasyon. Nahuli niya ang nobyo na may ibang babae kaya agad niya itong hiniwalayan. Sayang lang ang inukol niyang pagmamahal dito kung lahat pala ay isang pagkukunwari lang. Tulad nga ng sinabi ng Lola niya. Asyendera siya. Pagmamay-ari nila ang malawak na lupain sa Tarlac. May malawak silang taninam ng ibat-ibang gulay at prutas. Senyorita ang tawag sa kanya ng mga tauhan nila. Mataas ang respeto ng mga ito sa kanya kaya naman sinusuklian niya ng kabutihan. Hindi siya mapag-mataas na tao. Down to earth siyang tao tulad ng Lola Estella niya kaya naman mahal na mahal siya ng nasasakupan.
“Gimik na naman? May problema ka ba Gem?” hindi maiwasang tanong ng kaibigan niyang si Loida, halos tatlong araw na silang gumigimik simula ng nalaman niyang malapit na siyang ikasal. Anak ito ng isa sa mga tauhan nila pero bestfriend niya ito. Kahit saan siya magpunta kasama niya ito. Pinag-aral din ito ng Lola niya para hindi sila magkahiwalay. Nasa condominium siya ngayon sa Manila. Binili iyon ng Lola niya noong nag-aaral pa siya.
“Sa susunod na araw ko na kasi makikilala ang lalaking magiging asawa ko.” Inis niyang sagot.
“Kaya pala mukhang pinagsakluban ng langit at lupa niyang mukha mo.”
“Ayokong biguin si Lola. Minsan lang siya humiling tapos tatanggihan ko pa? Napakarami niya ng sakripisyo sa akin tapos hindi ko man lang mapagbigyan ang hiling niya.”malungkot niyang pahayag.
“Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin dahil talagang napakabuti ni Senyora. Siguro naman hindi ka niya ipapakasal sa taong hindi niya kilala ang ugali diba? O baka naman kasi iniisip mo ang dati mong nobyo kaya ka nagkakaganyan?” ismid nito.
“That b***h! No way! Sinayang ko lang ang oras ko sa kanya, kahit anong pilit niya hindi na ako makikipagbalikan sa kanya kahit pa mahal ko siya.” Galit niyang sagot.
NAKAKABINGI ang sounds sa loob ng disco bar na palagi nilang tambayan, pero yon ang gusto niya. Ang maingay. Agad silang naghanap ng bakanteng upuan. Napansin agad ng mga mata niya ang pigura ng isang lalaki. Ilang araw niya na itong nakikita at sa tingin niya palagi itong nasa bar. Yon ang dahilan kung bakit binabalikan niya ang naturang bar. Dahil sa estrangherong lalaking umaagaw sa kanyang atensiyon. May mga kasama itong kaibigan. Nakakawala ng stress ang halakhak nito kaya naman para siyang asong nakatanghod dito.
“Siya ba ang dahilan kung bakit nagtitiyaga ka sa maliit na bar na ito?”pukaw sa kanya ni Loida. Napansin siguro nito ang pagtitig niya sa lalaki.
“I like him.”prangka niyang sagot.
“Well, hindi kita masisisi dahil kahit sino napapatingin sa kagwapuhan niya and take note ha ang ganda ng katawan niya.” kinikilig na pahayag ng kaibigan.
“So hot.” tanging sagot niya kapwa sila napahagikhik ng kaibigan.
Panay ang kwento sa kanya ng kaibigan pero wala dito ang focus niya kundi nasa lalaki. Musika sa pandinig niya ang mga salita nito. Nagbawi siya ng tingin nang bigla itong tumingin sa kanya. Bahagyang nagtama ang mga paningin nila. Nilagok niya ang natitirang alak sa kopita. Pakiramdam niya kasi pinagpawisan siya nang magtama ang paningin nila.
“Saan ka pupunta?”tanong sa kanya ni Loida nang tumayo siya ng mesa. Kinuha niya ang bag sa table sabay kindat sa kaibigan. Napakunot ang noo nito.
“Cr lang ako.” Sagot niya.
“Samahan na kita.” Presinta nito pero pinigilan niya. Agad niyang tinungo ang restroom nang masiguro na hindi sumunod ang kaibigan. Napangiti siya nang makasalubong ang lalaking sinundan. Para itong model kapag naglalakad at ang tangkad nito. Halos nakatingala siya nang makalapit siya. Hinarangan niya kasi ang daraanan nito. Tiningnan siya nito. Nakakatulala ang bawat titig nito, kaya kahit kinakabahan nginitian niya ito.
“Excuse me, mi-
Pinutol niya ang sasabihin nito nang bigla niya itong kinabig at sinakop ang mga labi. Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat. Hindi man lang ito nakahuma sa ginawa niyang kapangahasan dala sa sobrang kabiglaan. Kininditan niya pa ito bago iniwan.
Agad niyang kinaladkad ang kaibigan nang makarating siya sa table nila. Habol niya ang hininga nang marating nila ang sasakyan pero hindi pa rin maalis sa mga labi niya ang ngiti ng pagiging pilya niya. Sa wakas nanakawan niya ng halik ang lalaking ilang araw ng pumukaw sa atensiyon niya. Mabilis pa sa alas-kwatrong nakapasok sila sa sasakyan.
“Anong nangyari sayo?” naguguluhan nitong tanong sa kanya maging ito ay hingal na hingal. “Alam mo kung hindi lang lang kita kasama araw-araw iisipin kong nakadrugs ka!”dagdag pa nito habang nag-mamaneho.
“I kissed him!” amin niya.
Muntikang pang mauntog ang ulo niya sa unahan ng kotse nang bigla itong nag-preno. Hindi kasi siya nakasuot ng sealtbelt sa labis na pagmamadali.
“Ikaw kasi eh, ginugulat mo ako!” nakangiwi nitong sagot.
“Grabe ka halik pa lang yon papatayin mo na ako!”angal niya.
“Binigla mo kasi ako. Paano mo siya hinalikan? Ikwento mo nga.” usisa pa nito.
“Mamaya na sa condo baka mamaya magpreno ka na naman!” ingos niya sa kaibigan.
“Grabe ang trip mo ngayong gabi ha?”
“Ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Pakiramdam ko nga nasa alapaap na ako kaya wag ka ng kumotra.” Kinikilig niyang pahayag.
Hindi maalis ang ngiti niya sa mga labi hanggang sa makarating siya sa condo unit niya. Heaven talaga ang pakiramdam kapag nahalikan mo ang labi ng lalaking gusto mo. Damang-dama niya pa ang malambot nitong mga labi. Kahit hindi ito tumugon naramdaman niya pa rin ang bahagyang pag-galaw ng dila nito dala siguro sa pagkagulat pero mas okay sana kung gumanti ito ng halik sa kanya baka naglupasay na siya sa kilig kapag nagkataon.
“Hindi ko kinakaya niyang sinasabi mo!” napapailing na turan ng kaibigan.
“Kahit ako hindi ko rin lubos maisip na ginawa ko yon kaya nga kinaladkad na kita palabas ng bar sa sobrang hiya.” Kinikilig niya pa ring sagot.
“So ano ang lasa ng laway?”
“Super good! Pakiramdam ko nasa langit ako at ang lambot ng mga labi niya. Hihimatayin ako sa kilig!” atungal niya pa.
“Dapat hiningi mo ang number niya.”
“Paano ko mahihingi e’h agad ko ngang sinunggaban ang mapupula niyang mga labi. Naakit ako bigla kaya yon ang nangyari.” Panghihinayang niya.
“And im sure hindi niya talaga sayo iibigay ang number niya dahil sa ginawa mong kapangahasan.” Kontra pa nito.
“Ang sama mo! Parang hindi kita kaibigan.”
“Hindi mo ba alam na pwede kang magkasakit dahil sa ginawa mong panghahalik?” turan pa nito sa kanya.
“Isang halik lang sakit agad? Kaloka ka!”
“Kung may aids yun tiyak na nahawa kana.”
“Grabe talaga yang isip mo, wala ng tatalo pa.” natatawa niyang sagot. Hindi naman mukhang may sakit ang lalaking hinalikan niya kanina dahil unang-una alam niya namang maraming humahabol na babae dito at kabilang na siya dun.
HANGGANG sa makauwi siya ng probinsiya hindi pa rin maalis sa isip niya ang lalaking ninakawan ng halik. Ito ang laman ng panaginip niya at kahit saang sulok siya tumingin mukha nito ang nakikita niya. Ginayuma yata siya ng lalaking yon at hanggang ngayon lasing pa rin siya sa halik nito, kung hindi lang sana siya ikakasal tiyak na pipikutin niya ang lalaking yon kasehoda pang baliktarin niya ang mundo makita niya lang ito ulit gagawin niya. Laman pa rin ng isip niya ang lalaki habang binabaybay niya ang bahay ng magiging asawa niya. Gusto niyang makilala ang anak ng amiga ng Lola niya kaya hiningi niya sa abuela ang address ng mapapangasawa. Tumikhim muna siya bago bumaba ng sasakyan, gusto niya munang sumagap ng hangin bago siya haharap sa lalaking itinakda sa kanya. Driver nila ang kasama niya dahil may lakad si Loida. Hindi na siya nag-abala pang mag-doorbell dahil bukas naman ang gate. Hindi kalakihan ang bahay ng mga ito, tama lang ang isang kotse sa garahe at may kalumaan na rin ang naturang bahay na gawa sa kahoy. Napahinto siya sa paglalakad nang may narinig siyang pagtatalo sa loob ng bahay. Kumubli siya sa bintana at pinakinggan niyang mabuti ang pagtatalo.
“Palengkera pa yata ang pamilya ng lalaking ito.” Sa loob-loob niya habang nakikinig sa mga batuhan ng salita.
“Ayokong magpakasal sa taong hindi ko kilala!” narinig niyang sagot ng isang lalaki. Sa tingin niya ito ang mapapangasawa niya. Napangiti siya.
“Same feeling.” Bulong niya sa sarili.
“Ngayon lang ako humingi ng pabor sayo, Liam! Kung hindi dahil kay Senyora wala tayo ngayon at lalong wala ka ngayon kung nasaan ka man! Hindi naman siguro lingid sayo na siya ang nag-papaaral sayo! Malaki ang utang na loob natin sa kanya!” narinig niyang sumbat ng isang babae. Sa tantiya niya ang ina nito ang nagsasalita.
Namagitan ang katahimikan sa pag-uusap. Papasok na sana siya sa loob ng bahay nang may biglang nag-salita.
“Hindi ako pwedeng magpakasal dahil bading ako! Bakla ako Nay, Tay!”
Gimbal siya sa narinig pero isang parte sa pagkatao niya ang gustong magdiwang. Tiyak kasing walang matutuloy na kasalan kapag nalaman ng lola niya na bakla ang lalaking napipisil nitong maging asawa niya. Ipapakasal siya ng Lola niya sa isang bading? Crazy!! Kahit kailan hindi siya papayag na ipakasal sa isang bakla. “Over my dead body!”