Napasugod siya sa loob ng bahay nang marinig niya ang isang malakas na kalabog at sigaw. Napatingin ang mga ito sa pagpasok niya. Hindi lang ang mga ito ang nagulat sa pagpasok niya dahil maging siya ay nagulat nang dumako ang paningin niya sa lalaking nakasalampak sa sahig. Nakaside view man ito sa kanya kilalang-kilala niya pa rin ito. Natutop niya ang kamay sa bibig sa labis na pagkabigla. Ang lalaking nakatakda niyang maging asawa ay ang lalaking hinalikan niya sa loob ng bar, hinihimas nito ang pisnging nasaktan. Tiyak niyang nakilala siya nito. Napakurap-kurap pa siya. Bading ang lalaking hinalikan niya? Napailing siya sa natuklasan. Hindi kayang tanggapin ng isip niya ang mga natuklasan. Pinaglalaruan ba ako ng kapalaran?
“Sino ka?” tanong ng isang may edad na lalaki sa kanya. Nagbabaga pa rin ang mga mata nito sa galit sa anak.
“Apo po ako ni Stella Villamor.” Magalang niya sagot. Agad na nagbago ang anyo ng mukha nito. Bigla itong nataranta sa pagdating niya. Agad siya nitong inakay na umupo pero hindi niya ito pinaunlakan. Maging ang asawa nito ay nataranta pero wala siyang pakialam nakatingin lang siya sa lalaki. Tinulungan niya itong tumayo at inakay sa upuan.
“Okay ka lang?” nag-aalala niyang tanong. Tumango lang ito sa kanya pero hindi man lang siya nito sinulyapan.
“Senyorita bakit hindi po kayo nagpasabi na darating kayo?” tanong sa kanya ng babae. “Gusto ko lang sana makilala ang lalaking mapapangasawa ko. Saka po wag niyo na akong tawaging senyorita. Gemma nalang po total magiging Nanay ko na rin kayo.”nakangiti niyang sagot.
Ano ba itong sinasabi niya? Bakit biglang-bigla gusto niyang maging asawa ang itinakda ng kanyang Lola? Gusto niya sanang magdiwang dahil iisa pala ang lalaking nakilala niya sa bar at ang lalaking gusto ng kanyang Lola pero hindi niya magawa dahil sa natuklasan niya.
“Paanong naging bading ang isang matipunong lalaki? Sayang naman ang lahi nito kung hindi ito mag-aasawa. Hinding-hindi siya papayag. Magiging asawa niya ito sa ayaw at gusto nito. Babaguhin niya ang pagkatao nito.”
Binalik-balikan niya ang bar na yon dahil dito. Nabihag nito ang puso niya. Kaya niya ito hinalikan noon dahil iyon ang utos ng puso niya. Gusto niyang mag-iwan dito ng alaala kahit sa pamamagitan lang ng halik pero ang hindi niya inaasahan ang muli nilang pagtatagpo.
“Hindi ako pwedeng magpakasal sayo dahil bakla ako!” pagtutol na naman nito. Kahit na pinandilatan ito ng ama nito wala itong pakialam. Pinapanindigan pa rin nito ang pagiging bading.
“Tumigil ka nga! Kay laki-laki ng katawan mo tapos sasabihin mong bakla ka?”sigaw uli ng ama nito. Sa tingin niya parang aatakihin ito sa galit. Siguro kung hindi siya dumating tiyak na bugbog sarado ang mapapangasawa niya lalo pa at alam niyang nagpipigil lang ng galit ang ama nito. Sa pagkakaalam niya ang Lola niya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sariling talyer ang mga magulang ng lalaki at dahil din sa Lola niya kaya ito nakapag-aral, naging scholar ito ng Lola niya. Sa madaling salita malaki ang naimbag ng Lola niya pamilya nito.
“Babaguhin kita Liam! Babaguhin kita ng pagmamahal ko!” turan niya sa sarili. Nasa sariling silid na siya at binabalikan ang kanilang pag-uusap. Nasa isip niya pa rin ang mukha ng mga magulang ni Liam nang harapan nitong sinabi sa kanya na hindi ito magpapakasal sa kanya. Alam niyang hiyang-hiya ang mga ito sa kanya dahil sa pagtanggi ng anak nito lalo pa ng iwan sila ni Liam sa sala. Aaminin niyang nasaktan siya sa pagtanggi ng lalaki pero hindi pa rin siya sumuko.
“Kahit bading po ang anak niyo willing pa rin akong pakasalan siya. Mahal na mahal ko ang Lola ko kaya ayokong masaktan siya. Ang anak niyo pong si Liam ang napipisil ni Lola na maging asawa at wala ng iba pa, kaya sana makikipagkasundo ako sa inyo kung okay lang po.” panimula niya sa mga magulang ni Liam nang makaalis si Liam.
“Nahihiya ako kay Senyora Stella at maging sayo Gemma. Wala na kaming mukhang maihaharap sa inyo kaya sabihin mo kung anong kasunduan yan at pinapangako kong gagawin namin.” sagot ng ama ni Liam.
“Ang gawin niyo lang po ay ang pilitin si Liam na pakasalan ako. Sabihin niyo rin po sa kanya na tanggap ko ang pagkatao niya at wala siyang magiging problema sa pagsasama namin.” turan niya pa at pumayag naman ang mga ito. Nagpaalam din siya na pupuntahan niya sa sariling silid si Liam at pinayagan naman siya ng mga ito. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang pinipihit ang doorknob. Nadatnan niyang nakaupo sa kama si Liam, wala itong suot na pang-itaas. Hinihimas nito ang nasaktang panga. Napalunok siya nang mapagmasdan ang katawan nitong hitik sa abs. Kung ganito kamacho ang mga bakla na makikilala ng lahat ng babae tiyak na marami ng pumapatol sa bakla at kabilang na siya dun.
“Pwede bang pumasok?” tanong niya ng mabuksan ang pinto. Nararamdaman niya ang pangangatog ng mga tuhod ng mga sandaling yon.
“Kahit hindi kita papasukin alam kong papasok ka pa rin.” mainit ang ulo nitong sagot sa kanya bago siyang binigyan ng masamang tingin.
“Tama ka kahit hindi mo ako papasukin, papasok pa rin ako. Remember me?” tanong niyang nakataas ang kilay. Pinagmasdan siya nito ng mabuti mula ulo hanggang paa bago ngumiti ng mapakla.
“Hindi kita maaaring makalimutan dahil ikaw lang naman ang baliw na babaing nanghalik sa akin sa bar.”masungit nitong sagot sa kanya.
“Good. Mabuti naman at natandaan mo pa ako at isa pa hindi ako baliw dahil nandito ako ngayon sa harapan mo at malinaw na malinaw ang mag-iisip. “ mataray niyang sagot. Baliw pala ang tingin nito sa kanya. “Malala pa yata it okay Loida.” Sa loob –loob niya. “Well, nandito ako para sabihin sayo na tuloy ang kasal natin whether you like it or not.”
Napatayo ito dahil sa sinabi niya. Bakas sa mukha nito ang galit.
“Bingi kaba? Diba sinabi ko naman sayo na bading ako? Paulit-ulit lang?” madiin nitong ulit sa kanya pero hindi siya nagpasindak.
“I like you Liam. I dont care kung bakla ka dahil im sure mawawala ang kabadingan mo sa pagmamahal ko.”
“Nababaliw kana!”napapailing nitong sagot.
“Arranged marriage ito nang magulang mo sa Lola ko. Sila ang nakipagkasundo sa Lola ko kaya wala kang magagawa. Sa ayaw at gusto mo pakakasalan mo ako! Babaguhin kita Liam.” turan niya pa. Kitang kita niya ang pamumula ng mata nito sa tindi ng galit sa kanya.
“Hindi mo ako mababago dahil ang bakla ay bakla! Hindi ito sakit na pwede mong ipagamot! At lalong ayaw kitang maging asawa! Naiintindihan mo?” bulyaw pa nito sa kanya.
“Gagamutin ko yan at kapag hindi ko talaga makayang konsentihin ang kabadingan mo, ako mismo ang makikipaghiwalay sayo but for now on ayusin na natin ang nalalapit nating pagpapakasal. Dont worry bibigyan kita ng share sa mga mamanahin ko. I’ll make sure na hindi ka dehado kung magpapakasal tayo. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Just marry me! Yan lang ang dapat mong gawin. Nothing else!” taas noo niyang turan.
“Alam mo nababaliw kana. Bakit hindi ka nalang maghanap ng ibang lalaki diyan, yong tunay na lalaki at hindi binabae na tulad ko. Sasayangin mo lang ang pera mo sa akin! Gumising ka nga!” tanggi pa nito. Alam niyang nakukulitan na ito sa kanya pero hindi pa rin siya titigil hanggat hindi ito papayag.
“I like you Liam! Ikaw lang ang gusto ko at sa ayaw at gusto mo magpapakasal tayo sa susunod na buwan.” maarte niya pang turan bago ito iniwan. Narinig niya pa ang sigaw nito bago siya bumaba ng hagdan, mabuti nalang at hindi nito naisip na buhatin siya at itapon sa labas ng bintana, tiyak na nagkalasog-lasog ang buto niya.
MULI siyang napangiti habang iniisip ang lalaki. Walang palatandaan na isa itong bakla. Kahit saang sulok ng katawan mo tingnan hindi mo maiisip na may tinatago ito sa likod ng kamachuhan nito. Gagawin niya ang lahat, maging tunay lang itong lalaki. Napilitan siyang bumangon mula sa kama nang may biglang kumatok. Agad niyang dinampian ng halik ang abuela nang mapagbuksan ito. Inalalayan niya itong pumasok sa loob ng silid.
“Ang saya ng apo ko ah!” puna nito sa kanya. Umupo ito sa kama niya at hinawakan ang kamay niya. Mahina na ang Lola niya kaya siguro naisip nitong ipagkasundo siya kay Liam.
“Nakilala ko na po si Liam at tama po kayo napakagwapo nga niya. I like him Lola.” amin niya sa matanda. Nagulat pa ito sa sinabi niya, siguro iniisip nitong hindi siya magpapakasal sa lalaking napipisil nito.
“Wala ka kasing tiwala sa akin.” natutuwang pahayag ng Lola niya. “So tuloy na ang kasalan?” tanong pa nito.
“Hindi ko pa alam Lola. Nabigla yata si Liam but dont worry papayag din yon.”
“Ikaw handa ka bang pakasalan ang lalaking napipisil ko?”
“Lahat gagawin ko para sa inyo Lola. Pakakasalan ko siya at gagawin ko ang lahat para maging forever na talaga kami pero kung hindi talaga mag-work. Wala na po akong magagawa kundi ang ibigay ang kalayaan niya.” pahayag niya sa matanda. Habang binibitawan niya ang huling sinabi tila ayaw pumayag ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya samantalang wala naman silang pinagsamahan ni Liam para mahalin niya ito.
“Naiintindihan ko. Wag kang mag-alala apo. Ang lahat nang ito ay magiging forever dahil madali kang mahalin. Hindi ka lang maganda kundi napakabait mo pa at maalaga.” puri pa nito sa kanya.
“Niyakap niya ang abuela dahil sa sinabi nito. Sana nga magdilang-anghel ito at hindi niya pagsisisihan ang gagawing desisiyong pagpapakasal.
Hindi agad makatulog si Gemma nang makaalis ang Lola niya. Kung anu-ano kasi ang naiisip niya. Tulad nalang na baka hindi pumayag si Liam na pakasalan siya? At kung pumayag man ito mababago niya kaya ito? Paano kung hindi siya nito mahalin at siya lang ang nagmamahal? Tiyak na masasaktan lang siya.
Ang tanong handa nga ba siyang masaktan? Yan ang hindi niya alam. Bahala na si batman.
Malakas na yugyog sa balikat ang gumising kay Gemma. Antok na antok pa siya kaya hindi niya magawang imulat ang mga mata. Tanging boses ni Loida ang naririnig niya. Tinakpan niya ng unan ang magkabilang tenga sa labis na inis kaya tumigil din ito. Bumalik siya uli sa tulog nang maramdamangl umabas ito ng silid pero muli siyang nagising nang may humila ng unan niya.
“Ano ba Loida! Inaantok pa ako!” inis niyang turan pero ganun nalang ang gulat niya ng makita kung sino ang humila ng unan niya. “Liam?” gulat na gulat niyang tanong. Kinusot-kusot niya pa ang mata baka mamaya nananaginip lang siya kaya sinampal niya ang sariling mukha. Saka lang niya napagtanto na hindi siya nananaginip. Si Liam nga ang nasa harapan niya, wala ng iba.
“Buo na ang araw ko!” kinikilig niyang turan sa sarili.
“Gusto mo ako na ang sumampal sayo para magising ka?” nakaismid na alok nito.
“Anong ginagawa mo sa silid ko?” nataranta niyang ayos sa sabog na buhok. Agad niya ring pinunasan ang gilid ng bibig baka kasi may laway pa.
“Para sa kaalaman mo kanina pa ako sa baba ng bahay niyo. Dalawang oras na akong naghihintay sa baba kaya minabuti ng Lola mo na umakyat na ako.”mainit ang ulong sagot nito sa kanya.
“Dapat kasi nagpasabi ka na pupunta ka sana maaga akong nagising.”nakangiti niyang sagot.
“Wala akong panahon!”
Napaismid siya sa sagot nito. Hindi niya alam kung mataray o masungit ang itatawag niya dito. “Bakit ka ba nandito?” tanong niya. Hindi niya malaman ang gagawin kung tatayo na ba siya sa kama o mananatiling nakaupo lalo pa at manipis na nighties ang tanging suot niya at wala pa siyang suot na bra. Tiyak na makikita nito ang maganda niyang alindog. Napangiti siya ng may pumasok na kapilyahan sa isip. Ngayon niya malalaman kung bading ito. Dahan-dahan siyang tumayo sa kama at hinarap ito. Hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan bagkus nakatitig lang ito sa kanya at pinagmamasdan siya. Kung kinakailangan akitin niya ito aakitin niya ito.
“Ganyan ka ba talaga?”nakataas ang kilay nitong tanong.
“Anong ganyan? Nagmamaang-maangan niyang tanong.
“Alam mo na ganyan ang suot mo pero kulang nalang maghubad ka sa harapan ko!”
“Affected ka ba? I thought gay ka? Or else nagsisinungaling ka lang.” panunukso niya dito. Bahagya niya pang nilapit ang sarili sa katawan nito pero para itong tuod sa harapan niya. Nangangalay na siyang tumingala. Kulang nalang maghubad siya sa harapan nito pero deadma ang beauty niya.
“Kahit maghubad ka pa sa harapan ko wala akong pakialam!” ismid nito sa kanya. Agad itong naghanap ng upuan at agad na umupo. Naka cross legs pa ito kaya inis na inis siya. “Nandito ako para sabihin sayo na pumapayag na akong magpakasal sayo in one condition!” maarte nitong turan sa kanya. Kumukumpas pa ang mga kamay nito tulad ng ibang bakla.
“Kahit anong kondisyon payag ako.” nakangiti niyang sagot sa lalaking kaharap. Nakatayo pa rin siya sa harapan nito. Kulang nalang sumayaw siya ng careless whisper.
“After two years maghiwalay tayo.”
“What?”
“Kung ayaw mo madali lang ang lahat aaminin ko lang sa Lola mo na bading ako and im sure hindi ka na niya pipilitin para makasal sa akin. Wala ng magiging problema diba?”
“Paano kapag mahal mo na ako? Makikipaghiwalay ka pa rin?”
“Hindi yan mangyayari Gemma dahil bakla ako! Ang gusto ko lang malaman ngayon kung pumapayag ka na sa gusto ko? Gagawin ko ito hindi dahil sa pera na kaya mong ibigay sa akin kundi dahil sa utang na loob ko sa Lola mo.” Seryoso nitong sagot.
“Ok deal, pero ako ang masusunod sa lahat ng bagay. Walang sinuman ang dapat na makaalam na bakla ka at sa harapan ni Lola dapat mag-asawa ang turing natin sa isat-isa. Ayokong nag-iinarte ka sa harapan niya. We do this because of Lola pero sana gampanan mo ang obligasyon mo bilang asawa.” hamon niya dito.
“Yuck!” maarte nitong pahayag na tila alam ang tinutukoy niya.
“Im sure magugustuhan mo!”napabungisngis niyang turan bago umupo sa kandungan nito.
“Over my dead body!” sabay tayo nito na akala mo may sakit siyang nakakadiri. Kung hindi lang siya nakahawak tiyak na napasubsob siya sa carpet.
“Ako ang masusunod!”
HINDI pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Sa mansiyon na titira si Liam habang inaayos nila ang nalalapit na kasalan. Request iyon ng Lola niya kaya hindi nakatanggi si Liam pero syempre pabor sa kanya lalo pa at sa iisang silid lang sila matutulog. Iwan niya lang kung hindi pa maging lalaki si Liam. Titiyakin niyang mamahalin siya nito at hinding-hindi ito makikipaghiwalay sa kanya.
“Hindi maalis ang ngiti natin ah?” pukaw sa kanya ni Loida. Pinapanood niya kasi si Liam na binubuhat ang mga gamit nito papunta sa silid nila. Lalaking-lalaki ang kilos nito at pananamit kaya kahit sino hindi iisiping may tinatatago ito.
“Excited na akong maging Mrs. Clemente.” napapangiti niyang turan sa kaibigan.
“Kahit na bading siya?”
“Ano ka ba naman Loida mamaya marinig ka ni Lola.”pigil niya sa bibig ng kaibigan.
“Kung ako ang tatanungin mo Gemma hindi rin ako maniniwala na bading si Liam. Tingnan mo nga hot na hot ang katawan. Kay sarap yakapin at halikan at punong puno pa ng abs ang katawan. Hindi kita masisisi kung mabaliw ka sa kanya.” kinikilig nitong pahayag.
“Naniniwala pa rin akong hindi siya bakla. Isa siyang makisig na lalaki! Isang lalaking handa akong ipagtanggol at handang gawin lahat ng naisin ko.” umaasa niyang pahayag.
“Push mo yan teh! Malay mo mangyari nga.”
“Welcome home iho!” narinig nilang bati ng Lola niya kay Liam. Halatang gustong-gusto nito ang lalaki para sa kanya. Inalalayan nito ang Lola niya hanggang sa makaupo ito.
“Mukhang may karibal ka kay Fafa Liam?” bulong sa kanya ni Loida.
“Baliw! Alam mo ba kung hindi dahil kay Lola hindi niya ako papakasalan? He dont care about the money na makukuha niya sa akin kapag pinakasalan niya ako kundi tumatanaw siya ng utang na loob kay Lola.”
“Kaya ka nga patay na patay.”tukso pa nito sa kanya.
Masaya silang nagsalo-salo sa hapag-kainan. Unang araw ni Liam sa mansiyon kaya parang may handaan sa dami ng pagkain. Nakamasid lang siya sa kinikilos ng lalaki. Mas asikaso pa nito ang Lola niya kesa sa kanya. Nakahanap bigla ng nurse ang Lola niya sa katauhan ni Liam. Hindi niya ito pinansin habang kumakain dahil parang hindi siya nito nakikita. Daig niya pa ang multo sa harapan nito . Kahit naiinis siya pilit pa rin siyang tumatawa kapag nagsasalita ang Lola niya ayaw niyang maramdaman nito na inis siya sa lalaki. Nakahinga siya nang maluwag nang tumayo na ang abuela at nagpahatid kay Loida sa sariling silid. Naiwan silang dalawa ni Liam.
“Hindi mo ba ako kakausapin?” inis niyang tanong sa lalaki. Panay lang kasi ang subo nito.
“Hindi ka naman nagsasalita kaya bakit kita kakausapin?” mahina nitong sagot sa kanya kaya nainis na naman siya. Halos buong araw kasi hindi niya ito nakakausap dahil palagi itong nakadikit sa Lola niya tapos ngayong solo niya na ito hindi pa siya nito kinikibo.
“Ako ang magiging asawa mo Liam hindi si Lola baka nakakalimuan mo?” turan niya dito.
“Ano ba ang gusto mong malamang kung kailan ko naramdaman na bakla ako? Well, hindi mo na kailangan pang malaman dahil kahit ano pa ang gawin mo ang bakla ay bakla. At ang bakla ay para lang sa mga lalaki. Kuha mo?” mataray nitong pahayag sa kanya kay naumid ang dila niya.
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito.