Ito na ang araw na hinihintay niya, ang makasal sa lalaking minamahal. Buong araw niyang hindi nakita si Liam. Ayon kasi sa Lola niya hindi pwedeng magkita ang dalawang ikakasal. Hindi naman siya naniniwala sa kasabihang yon pero kung mawawala naman sa kanya si Liam kailangan niyang sumunod sa mga paniniwala nang matatanda. Hanggang ngayon may kaba pa rin siyang nararamdaman. Sa isang buwan kasi na pagtira ni Liam sa kanila naging magkaibigan na sila nito pero nararamdaman niya pa rin na ilang ito sa relasyon nila at alam niya kung bakit dahil hindi nito tanggap na makasal sa isang babae. Pakiramdam niya minsan napipilitan lang itong umarteng bakla para mapaniwala siya. Gusto niyang maniwala na bakla ito pero hindi ang puso niya dahil patuloy pa ring umaasa ang puso niya na isang araw ay mamahalin din siya nito. “Ang lalim ng iniisip ng bride ah?” pukaw sa kanya ni Loida. Ito ang maid of honor niya samantalang si Douglas naman ang bestman ng asawa. Ayaw niya sanang pumayag na si Douglas ang bestman nito pero wala rin siyang nagawa.
“Iniisip ko lang si Liam.”nakangiti niyang sagot sa kaibigan.
“Natatakot kang biglang magbago ang isip niyang magpakasal sayo at hindi siya sisipot sa kasal niyo?”
Tumango siya. “Iniisip ko lang paano kung hindi niya ako matutunang mahalin pagkatapos ng kasal na ito?”nangangamba niyang tanong sa kaibigan.
“Ano pa ang hahanapin sayo ni Liam, unang-una napakaganda mo at higit sa lahat apo ka ng tagapagmana. Instant millionaire siya kapag namatay ka.”
“Patay naman agad niyang nasa isip mo.Alam mong hindi yan ang problema namin kundi ang pagkatao niya. Hanggang ngayon palagi niya pa ring sinasabi na bakla siya at wag na raw akong umasa na mamahalin niya ako.”
“Sorry best ha? Wala akong maitutulong diyan. Alam mo naman siguro na kahit baliktarin mo ang mundo ang bakla ay bakla pa rin. Maging asawa ka man niya at magkaroon kayo ng anak hindi mo pa rin maiiwasang maghanap siya ng lalaki. Dun siya masaya eh at hindi mo saklaw ang mundo niya.” Pangaral pa ng kaibigan niya.
Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa sinabi ng kaibigan. Natatakot siyang mawala nang tuluyan sa kanya si Liam. Hindi niya lang ito basta mahal kundi mahal na mahal.
“Itigil mo yang pag-iyak mo. Ang isipin mo nalang ngayon na ikakasal ka sa lalaking mahal mo.” naiiyak ding turan ng kaibigan. “Mamimiss kita best. Wala na akong katabi sa pagtulog.” umiiyak nitong yakap sa kanya.
“Para namang hindi tayo magkikita eh nasa iisang bahay lang naman tayo nakatira.” natatawa niyang turan.
“You mean pwede pa rin akong matulog sa tabi mo kapag hindi ako makatulog?” tanong nito sa kanya kaya naman kinurot niya ito.
“ Yan ang hindi na mangyayari dahil alam mo naman na si Liam lang ang gusto kong makatabi simula sa araw na ito. Saka bigyan mo muna kami ng time dahil alam mo na honeymoon namin. Parang gusto mo yatang tuluyan akong matigang.” hagikhik niya.
PUNONG-PUNO ang simbahan nang huminto ang bridal car na sinasakyan niya. Lahat nag-aabang sa pagbaba niya. Agad siyang napangiti ng makita niya sa gilid ng simbahan ang kanyang magiging asawa akala niya kasi hindi niya makikita ang mukha nito sa simbahan at tinakbuhan nalang siya.
“Nangangatog yata ang tuhod ko Lola.” turan niya sa Abuela na kasama sa sasakyan.
“Ito na ang araw na hinihintay mo apo. Wag kang kabahan dahil ikaw ang bida dito. Napakaganda mo sa araw na ito.” lumuluhang sagot nito sa kanya.
“Thank you Lola dahil kung hindi dahil sayo wala ako sa mundong ito at lalong hindi ko makikilala si Liam. Salamat dahil binigay mo siya sa akin.” turan niya sa abuela. Pinipigilan niyang wag umiyak para hindi masira ang make-up. Niyakap niya ito ng mahigpit bago bumaba ng sasakyan.
Hinatid siya ng Lola niya sa aisle. Hilam ang luha niya habang nakatingin sa lalaking naghihintay sa kanya sa altar. Sana ang lahat ng ito ay totoo, walang halong pagkukunwari.
“Liam, wala akong masasabi kundi mahal kita. Nang una palang kitang nakita sa bar agad mong nabihag ang puso ko. Ang puso kong tapat ang buong-buo kong binibigay sayo. I promise to be patient and to love you more everyday. You are the reason why I’m here and no matters what happens i won’t give up baby. Ngayon, binibigay ko ang sarili ko at ang tanging hinihingi ko lang ay ang tapat mong pagmamahal. I give you all of my love. You are my forever and my love.” pahayag niya sa kanyang vows at habang binibigkas iyon hindi niya maiwasang umiyak dahil lahat ng sinabi niya ay galing sa puso niya dahil iyon ang nararamdaman niya.
“Gemma, wala akong maipapangako sayo kundi ang mahalin ka habang asawa kita. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong tawagin kang asawa ko. I promise to always be there, to love you and make you smile every single day, to protect and comfort you. “ bigkas ni Liam sa vows nito. Gusto niyang paniwalaan ang lahat ng sinabi nito pero alam niya na ang lahat nang binitawan nitong salita ay parte ng pagpapanggap nila. Napaiyak siya habang hinahawakan nito ang kamay niya para isuot ang singsing. Maging ang mga tao sa loob ng simbahan ay impit ang iyak dahil sa kasalang nasaksihan. Hindi na niya naintindihan ang ibang sinabi ng pari maliban sa pag-anunsiyo nitong ganap na silang mag-asawa. Impit ang kilig niya sa mga oras na iyon. Mismong si Liam pa ang humalik sa mga labi niya kaya ginamit niya ang pagkakataong yon para mahalikan ito ng mataga kung hindi pa naghiyawan ang mga tao hindi maghihiwalay ang mga sabik nilang labi. Hindi maalis ang ngiti niya nang humarap sa naging saksi ng pag-iisang dibdib nila.
“Thank Liam. You made my life.” bulong niya sa lalaki. Ngayon lang kasi natapos ang pagdiriwang ng kasal nila. Nakahiga na ito sa kama samantalang nakaupo siya sa gilid nito. Tulad ng wala niyang sawang ginagawa minagmamasdan niya na naman ang mukha nito. Kung magaling lang talaga siya magdrawing matagal niya nang naiguhit ang mukha nito.
“Marunong akong sumunod sa usapan natin at sana naman ganoon ka rin.” malamig ang boses na sagot nito sa kanya. Ibang Liam ang kaharap niya ngayon. Ang malambing niyang asawa sa reception kanina tila naging isang tuod at malamig pa sa bangkay.
“Kung ang iniisip mo ay ang annulment natin after two years walang problema. Ibibigay ko pa rin sayo ang kalayaan mo kahit masakit at tutuparin ko pa rin ang pangako kong bbigyan kita ng share sa mamanahin ko.” sagot niya. Bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya ang naging kasunduan nila gayong wala pang isang araw silang ikinasal. “ Ang gawin natin ngayon, mag-enjoy muna tayo bilang mag-asawa. Let’s make the most of it.” dagdag niya pa pero parang wala lang itong narinig.
“Matulog na tayo.” yaya nito sa kanya.
“Pero honeymoon natin ngayon.”
“Pagod ako Gemma, gusto kong magpahinga!” tanggi nito sa kanya bago tumalukbong ng kumot. Naiwan siyang masama ang loob.
“Gusto mo yan Gemma kaya magtiis ka!” sabi sa kanya ng isip. Lahat gagawin ko para sayo Liam. Hindi tayo aabot sa annulment. Mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. Hindi ako susuko. Maghihintay ako hanggang mahalin mo ako. Magtitiis ako.
Kahit pagod siya dahil sa mahabang araw kahapon pinilit niya pa rin bumangon. Agad niyang kinantilan ng mabilis na halik ang asawang humihilik pa. Inayos niya rin ang comfort room at damit na isusuot nito. Balak niya kasing yayain itong mamasyal mamaya at tulad nang ginagawa ng asawa pinaghandaan niya rin ito ng almusal.
“Breakfast in bed baby!” pukaw niya sa asawa. Dahan-dahan niyang binaba ang tray na puno ng pagkain. Agad niya itong niyakap ng mahigpit at mabining kinantilan ng halik. “Goodmorning.” nakangiti niyang bati.
“Hindi mo ito dapat ginagawa.”humihikab nitong sagot.
“Asawa kita kaya hayaan mo akong pagsilbihan ka.” turan niya. Isang ulirang asawa.
“ Sa papel lang tayo naging kasal kaya hu’wag mong sanayin ang sarili na nandito ako dahil ang lahat nang ito ay walang katiyakan.” kontra pa nito. Kahit gusto niya na itong patulan nagtimpi pa rin siya. Mahal niya ito kaya pipilitin niya itong intindihin kahit na sobra na siyang nasasaktan na siya.
“Sabi pala ni Lola pwede daw tayong mag-out of the country.” pag-iiba niya ng usapan.
“Hindi naman kailangan. Isa pa magastos yon.” tanggi na naman nito.
“Si Lola ang magbabayad sa trip natin kaya walang problema.”
“Alam ko naman yon. Pwede namang dito lang tayo kasama ang Lola mo. Matanda na ang Lola mo kaya anumang oras kailangan ka niya.” palusot nito.
“Dahilan mo ba ito para hindi tayo mapagsolo?” hindi mapigilan niyang tanong. Obvious naman kasing ayaw siya nitong makasama at ang Lola niya ang ginagawa nitong dahilan.
“Oo. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Natatakot ako na mapagsolo tayo!”ganti nito.
“Kung bakla ka wala kang dapat katakutan puwera nalang kung niloloko mo ako!” inis niyang turan.
“Natatakot ako baka lalo kang mahulog sa akin. Ayokong saktan ka Gemma dahil kahit ano ang gawin mo hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo! Ayokong mamuhi ka sa akin pagdating ng araw.”
Pakiramdam niya sinaksak nito ang puso niya dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya mapigilang umiyak sa sakit na nararamdaman.
“Hindi mo ba naisip na sa simula pa lang nang dumating ka sa buhay ko minahal na kita! Sana lang hayaan mo akong mahalin ka dahil hindi ko naman ito gusto. Walang taong gustong masaktan! At lalong walang babaing gustong magmahal ng bakla! Kung hawak ko lang ang puso ko matagal ko na itong kinontrol at hindi ako magmamahal sa taong kailangan pang ipilit ang sarili ko!” humahagulhol niyang sambit.
Hindi ito nakasagot sa sinabi niya. Maya’t maya pa naramdaman niya ang paghagod nito sa likod niya. Niyakap siya nito para aluin.
Kahit dalawang buwan na silang mag-asawa ni Liam wala pa ring nangyayari sa kanila. Umiiwas kasi ito sa kanya kapag nararamdaman nitong inaakit niya ito, mabilis itong makatunog kapag may binabalak siya. Naging kampante na sila sa isat-isa at kahit papano masaya ang naging magsasama nila sa loob ng dalawang buwan.
“Ano yan?” tanong ni Gemma kay Loida. May hawak kasi itong isang tangkay ng rosas at inaabot sa kanya. Napatingin siya sa hawak nito.
“Bulaklak!” nakangiting sagot nito nah along panunukso.
“Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay kung sino ang nagpapabigay?” maang niyang tanong nang inabot nito sa kanya ang tangkay ng rosas.
“Sino pa nga ba eh di ang asawa mo!” kinikilig nitong sagot sa kanya.
“Galing yan kay Liam? Sigurado ka? Hindi ito goodtime?” sunod-sunod niyang tanong. Ayaw niyang umasa na galing nga sa asawa ang mapupulang rosas dahil never pa itong nagbigay ng bulaklak sa kanya. Kung siya oo, binibigyan niya ito ng bulaklak pero si Liam mukhang suntok sa buwan yata.
“Naku best wala akong panahon para makipag-goodtime sayo at lalong hindi ako mag-aabalang mamitas ng mga rosas para lang ibigay sayo, matinik pa ako!” sagot nito sa kanya. “Dahan-dahan baka matinik ka!” pigil nito sa kanya nang amuyin niyang ang naturang bulklak.
“Ayos lang.” kinikilig niyang sagot habang inaamoy ang mga bulaklak.
“Daig mo pa ang adik. Dahil lang sa bulaklak nagkakaganyan ka na? Matinik na pagmamahal nga naman.” Turan pa nito.
“Iba kapag galing sa mahal mo ang bulaklak. Ewan ko lang kung hindi ka maglupasay kapag binigyan ka ng crush mo ng bulaklak. Siguro kahit bulaklak yan ng kalabasa ilalagay mo pa sa vase para wag lang malanta.” turan niya sabay ingos dito.
“Corny mo!” sigaw sa kanya nang kaibigan ng akmang tatalikuran niya ito. Halakhak lang ang naging sagot niya. Agad niyang nilagyan ng aspirin ang mga roses para tumagal ang buhay at nilagay niya ang mga iyon sa flower vase.
Pawis na pawis si Liam nang pumasok ito sa silid nila. Agad niya itong nilapitan at tinulungang punasan ang butil-butil na pawis. Kahit na marungis itong tingnan hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan nito. Hindi ito tumanggi sa ginawa niya. Mukhang nasa nasa mood ito dahil pasipol-sipol pa.
“Saan ka ba nanggaling at pawis an pawis ka?” tanong niya habang nilalagyan ng towel ang likod nito.
“Tumulong akong mamitas ng roses kulang kasi ng tao kanina kaya nag-volunteer na ako total naman wala akong ginagawa dito sa mansiyon.” Sagot nito.
“Saka nga pala salamat sa roses na pinadala mo kay Loida.” kinikilig niyang sabi.
“Nagustuhan mo ba?”
“Oo naman, basta lahat ng galing sayo at kahit ano pa yan. Magugustuhan ko.”nakangiti niyang turan. “Thank you!” dagdag niya bago nilambitin ang mga kamay sa leeg nito at agad na sinakop ang mga labi nito. Hindi niya binitiwan ang mga labi nito. Hinihintay niya kasing ito ang unang bibitaw pero hindi nito ginawa kaya pinagpatuloy niya ang paghalik sa asawa.
Naramdaman niyang nadadala ito sa sitwasyon dahil naramdaman niya ang p*********i nito sa harapan niya. Naging mapusok ang naging palitan nila ng halik sa isat-isa hanggang sa naramdaman niya ang paghaplos nito sa pang-upo niya. Napaliyad siya sa sensasyong dulot ng ginagawa nito. Pakiramdam niya nag-aapoy siya ng mga oras na iyon. Sa cr nila pinagpatuloy ang ginagawa. Nakatapat ang mga mukha nila sa dutsa ng shower habang magkalapat pa rin ang labi. Hindi lang kamay niya ang naging malikot sa pagdama dahil maging ang kamay nito ay naglumikot na rin patungo sa dibdib niya pababa hanggang sa unti-unti nitong inalis ang mga damit niya. Dinama nila ang init ng katawan ng bawat isa hanggang sa umabot sa leeg niya ang mga halik nito. Wala siyang nagawa kundi ang yumakap dito ng mahigpit at damhin ang sarap na dulot nito. Hanggang sa naramdaman niya ang paggalaw nito sa harapan niya. Naramdaman niya ang pag-iisa ng katawan nila. Impit ang daing niya sa bawat galaw nito. Halos bumaon ang mga kuko niya sa likod ng asawa nang maramdaman ang p*********i nito sa kaselanan niya. Natigilan ito sa ginagawa at tiningnan siya kaya sinalubong niya ng halik ang nakaawang nitong labi. Alam niyang nagulat ito sa natuklasan kaya hindi siya papayag na hihinto na naman ito. Naging mapangahas ang mga halik nito sa kanya hanggang sa narating nila ang kasukdulan.