Dream come true para kay Gemma ang nangyari sa kanila ni Liam. Akala niya hindi niya ito mararanasan sa lalaki pero ito siya ngayon kayakap ang hubad na katawan ng asawang humihilik pa. Wala siyang pinagsisihan na dito niya binigay ang virginity dahil iyon ang alam niyang tama dahil ito ang asawa niya ito ang lalaking bumihag sa puso niya at Ito lang ang nag-iisang lalaking nagpagulo sa isip at puso niya.
Wala na sa tabi niya si Liam nang magising siya kundi isang tray ng pagkain at isang roses ang nakita niya sa side table. Muli siyang napangiti dahil dama niya pa rin ang mga nangyari kagabi. Napansin niyang may note sa gilid ng juice kaya agad niyang binasa ang nakasulat.
Gem, pupunta lang ako ng Manila. Wag mo na akong hintayin dahil gagabihin ako. TAKE CARE!!
Nawala ang ngiti niya sa mga labi dahil sa nabasa. Sino naman kaya ang pupuntahan nito sa Manila samantalang nandito naman sa lugar nila ang mga magulang ito? Kung anu-ano tuloy ang mga naisip niya. After what happen last night ito na naman sila, mag-iiwasan na naman. Nawalan siya ng ganang kumain dahil sa nabasa.
“Hindi kaya pupuntahan niya ang boyfriend niya?” tanong niya sa sarili.
Maghapon lang siyang nagkulong sa sariling silid. Wala siyang ganang kumilos dahil nasasaktan siya sa mga iniisip. Kung anu-ano kasi ang tumatakbo sa isip niya. Hindi niya man gustong mag-isip ng masama pero makulit talaga ang isip niya.
“Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Magkasama kaya sila ngayong ng boyfriend niya?” pagkakausap niya na naman sa sarili. Tiyak na masayang-masaya ang mga ito. Hindi tulad niyang mukhang talunan.
Sumapit ang gabi pero wala pa rin si Liam. Nag-aalala na siya sa asawa baka mamaya may nangyaring masama dito, kaya hindi kaagad nakauwi. Hindi pa man siya matagal na nakaidlip nang may pumasok sa kwarto. Alam niyang si Liam iyon. Nagpanggap siyang tulog nang makapasok ito. Hindi niya naramdaman ang hakbang nito dahil nakacarpet ang buong silid. Muntikang niya pang imulat ang mga mata nang halikan siya nito sa labi pero nagpigil siya. Gusto niyang tugunin ang halik nito pero hindi niya magaw, alam niyang pinagmamasdan siya nito kaya nagtulog-tulugan pa rin siya. Naramdaman niyang inayos nito ang buhok niyang nakatabing sa maganda niya mukha. Muli siya nitong hinagkan sa labi bago tumayo. Nagmulat lang siya ng mata nang maramdaman naliligo na ito sa cr. Pigil niya ang malakas na t***k ng puso. Agad siyang umayos ng higa nang maramdamang tapos na ito. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya bago tuluyang natulog. Kinilig siya paraang pagtrato nito sa kanya. Kung ganito lang sana ito palagi sa kanya hindi na sana siya masasaktan pa.
KINAUMAGAHAN walang asawa siyang nakita. Wala na ito sa kama. Tiningnan niya rin ang banyo baka naliligo na ito pero bakante ang banyo. Tuyo rin ang sahig kaya malamang na kanina pa ito umalis. Ang nakakapagtaka lang alas sais palang ng umaga.
“Iniiwasan mo ba ako ako Liam dahil sa nangyari sa ating dalawa? Pero bakit? Anong masama sa ginawa natin gayong mag-asawa na tayo?” hindi niya mapigilang itanong sa sarili. Hanggang kailan siya iiwasan nito? Pwede namang kalimutan nalang nito ang nangyari kung yon ang pinoproblema nito.
“Ang lalim yata ng iniisip mo?” pukaw sa kanya ni Loida. Nakatingin kasi siya sa kawalan at tulad nang mga nakaraang araw si Liam na naman ang iniisip niya dahil sa pagiging mailap nito.
“Hindi ko kasi maintindihan si Liam. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema niya at iniiwasan niya ako. Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Pagkagising ko wala na siya sa tabi ko at hindi ko rin alam kung saan siya naglalagi. Diba kung may problema siya dapat lang na kausapin niya ako hindi yong pinag- uusap niya ako?” malungkot niyang sumbong sa kaibigan.
“Wala ka bang natandaang pinag-aawayan niyo o kaya nangyari na hindi niya nagustuhan?” tanong nito sa kanya. Kaya napaisip siya.
Napatingin siya sa kaibigan. “May nangyari kasi sa amin at simula non palagi na siyang umuuwing late.” turan niya pa. Nagulat pa siya nang bigla itong sumigaw na akala mo tumama sa lotto. Nagpapadyak pa ito sa tuwa.
“May nangyari sa inyo?” nanlalaki ang matang ulit nito sa sinabi niya.
“Paulit-ulit?”
“Kasi naman ang hirap paniwalaan niyang sinasabi mo samantalang walang araw na hindi ka nagrereklamo dahil wala pa ring nangyayari sa inyo.” sagot pa nito. “Hindi kaya hindi niya nagustuhan ang nangyari sa inyo kaya siya nagkakaganyan?” dagdag pa nito.
“Yan din ang iniisip ko dahil wala namang iba.” naiiyak niyang sambit.
“Ako alam ko kung ano pa ang pwedeng rason niya kaya ka niya iniiwasan.” Turan pa nito.
“Ano?” sabik niyang tanong.
“Hindi kaya confused siya sa sarili niya dahil sa nangyari sa inyo?” namimilog ang matang turan nito sa kanya.
“What do you mean?” naguguluhan niyang tanong.
“Nagugulahan siya sa sarili niya kung bakla ba siya o hindi dahil sa nangyari sa inyo.” paliwanag nito sa kanya kaya muling nabuhay ang pag-asa niya sa puso na balang araw mamahalin din siya ni Liam, kahit papano gumaan ang pakiramdam niya.
“Salamat best, medyo nakahinga na ako ng maluwag.” nakangiti niyang turan bago niya ito niyakap ng mahigpit. Dasal niya na sana tama nga ito na naguguluhan lang si Liam kaya ito lumalayo sa kanya. At sana bumalik na ito sa dati dahil sobrang namimiss niya na ito.
“Im not sure ha? Wag kang umasa sa sinabi ko dahil pwede rin na iniiwasan ka dahil sa nangyari sa inyo tulad ng sinabi mo kanina.” Kotra agad nito.
“Kapag nagmahal ka iisipin mo lahat pero syempre dahil mahal ko siya mag-iisip ako ng positibo.”
“Alam mo parang katangahan na yang pagmamahal mo kay Liam? Ang dapat mong gawin ngayon ay ihanda mo ang sarili mo sa maaaring mangyari.” turan pa nito sa kanya.
“Kung katangahan man ang tawag mo dito sa nararamdaman ko wala akong pakialam dahil kahit ako naiinis rin sa sarili ko. Opinyon mo yan, pero mahal ko talaga ang asawa ko at handa akong maghintay na mahalin niya kahit pa umabot ng taon.” napabuntong hininga niyang turan.
“Paano kung umabot kayo ng two years pero ganito pa rin ang pagsasama niyo?”
“Ayoko munang isipin yan dahil matagal pa naman. Ang importante ngayon asawa ko siya at akin siya.” ingos niya dito.
“Kung gusto mo talagang malaman kung saan nagpapalipas ng gabi ang asawa mo bakit hindi mo siya sundan?” suhestiyon nito.
“Paano ko gagawin yan eh hindi nga ako marunong magmaneho?” tanong niya pa. Hindi kasi siya pinaturuan ng Lola niyang magmaneho.
“Wag mo na akong paringgan dahil alam ko naman kung ano ang gusto mong mangyari. Kung bakit ba kasi nasabi ko yon ako din pala ang gagawa.” natatawa nitong turan sa kanya. Ito ang gusto niya sa kaibigan maaasahan sa lahat ng oras.
Halos hindi siya makatulog sa kakabantay kay Liam. Naghihilik pa rin ito sa tabi niya. Kagabi pa sila naghanda ni Loida ng mga gagamitin nila sa pagsubaybay sa asawa at kahit na inaantok na siya nilalabanan niya pa rin ang antok lalo pa at gusto niyang malaman kung saan ito pumupunta araw-araw. Alam niyang alam nang Lola niya kung saan pumupunta ang asawa pero hindi niya magawang magtanong sigurado kasing iisipin nitong may problema silang mag-asawa. Ayaw niyang bigyang pa ito ng alalahanin lalo pa at palagi itong sinusumpong ng diabetis nito.
Maingat ang kilos niya habang kinakapa ang cellphone sa ilalim ng unan. Agad niyang tinawagan ang kaibigan dahil tumayo na kasi Liam para maligo. Madilim pa sa labas ng bahay, alas kwatro palang kasi nang madaling araw. Matagal bago sinagot ni Loida ang tawag niya nakailang dial din siya ng numero nito bago sinagot. Pupungas-pungas pa ito habang sumasagot.
“Naliligo na si Liam. Maghanda kana.” bulong niya sa kabilang linya. Hindi pa rin kasi siya makatayo dahil mararamdaman ni Liam na gising siya at tiyak na mabubulilyaso ang lakad nila kapag nalaman nito ang balak nila.
Hindi pa sila makasunod kay Liam lulan ito sa sasakyang binigay niya. Sa likod ng bahay sila nagkita ni Loida at hanggang ngayon nandun pa rin sila sa loob ng sasakyan. Nagpalipas lang sila ng oras para hindi mahalata ni Liam na may nakasunod dito. Kung may makakakita lang sa kanila tiyak na iisping magnanakaw sila dahil sa ginagawa nila.
“Sigurado ka bang hindi kilala ni Liam ang sasakyang ito?” tanong niya sa kaibigan pero hindi ito sumagot. “Hoy?” untag niya dito, nakapikit pa rin kasi ang mata nito na parang inaantok habang nakahawak sa manibela.
“Sorry, inaantok pa kasi ako.” humihikab nitong sagot.
“Mamaya maaksidente tayo ha?” nag-aalala niyang tanong.
“Wag kang mag-alala kaya ko ito. Tuloy ang plano! Susundan natin ang asawa mong hitad!” nakangiti nitong sagot. Bilib talaga siya sa kaibigan kahit naiinis na ito sa ginagawa niya nandito pa rin ito sa tabi niya at tinutulungan siya kahit na puyat na puyat.
Mahigit isang oras na yata nilang sinusundan si Liam pero tuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Walang kamalay-malay ang asawa niya na sinusundan nila ito. Siya na ang naiinip sa kakasunod nila.
“Bilib talaga ako sa asawa mo. Lumabas nalang ang araw pero nandito pa rin tayo sa daan at nakasunod sa kanya. Hindi kaya nakatunog siyang sinusundan natin?” inip na tanong nang kaibigan niya.
“Hindi naman siguro dahil naging maingat naman tayo.” sagot niya. Maya’t-maya pa lumiko ito sa kanan na tila may tinutumbok na bahay. Huminto ang sasakyan nito sa batong bahay. Hindi iyon kalakihan pero hindi rin maliit. May sarili itong susi ng gate kaya tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng bahay.
“Sinong pinupuntahan niya dito?” tanong sa kanya ni Loida. Wala siyang maisagot sa tanong nito dahil ang alam niya walang malayong kamag-anak ito sa Sta. Rosa.
“Maghintay nalang tayo.” mahina niyang sagot. Ngawit na ang leeg niya makita lang nang malapitan ang naturang bahay pero kahit anong gawin niya hindi niya makita ang loob ng bahay may kataasan din kasi ang gate.
Nakatulog nalang si Loida sa paghihintay nila sa labas ng bahay. Walang taong lumabas ng bahay at maging si Liam ay hindi niya nakita. Gustong-gusto niya nang pumasok sa loob pero nagtimpi pa rin siya baka mamaya hindi niya magustuhan ang makita at makapatay pa siya ng tao. Inabot na sila ng tanghalian sa loob ng sasakyan, mabuti nalang at may dala silang pagkain. Halos mabitawan niya ang hawak na thermos nang makita niya si Liam na palabas nang bahay, may kayakap itong babae at naghahalikan ang mga ito. Daig pa ang ahas kung makapulupot ang babae sa asawa niya at ang asawa niya naman kulang nalang hubaran ang babae. Gustong-gusto niya sugurin ang mga ito sa galit pero nagpigil siya. Agad niyang tinapik ang kaibigan para makita nito ang nasaksihan niya. Maging ito ay nagulat. Hindi niya namalayan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha niya. Wala silang kibuan nang kaibigan habang pauwi. Panay ang hagod ng kamay nito sa likod niya dahil sa wala niyang tigil na pag-iyak. Hindi siya dumiretso ng uwi sa bahay kundi sa kanilang tambayan, sa kubo. Doon niya binuhos ang sama ng loob sa asawa.
“Best, tama na! Dapat nga matuwa ka dahil napatunayan mong hindi naman pala bakla ang asawa mo. Talipandas siguro pwede ng itawag sa kanya.” turan sa kanya ni Loida. Hindi na kasi nito alam ang gagawin para lang tumahan siya. Pagkapasok nila ng kubo agad niyang binuksan ang biniling wine at agad iyong tinungga. Hindi niya alintana ang pait ng alak na gumuguhit sa sikmura niya.
“Silahis siya! Silahis ang asawa ko!” umaatungal niyang sagot.
“Tama na yan!” pigil nito sa kanya dahil lasing na siya. Pilit nitong kinukuha sa kamay niya ang bote ng alak pero hindi niya binibigay. Sunod-sunod na tungga ang ginawa niya sa bote ng alak hanggang sa masimot niya ang laman non.
“M-ahirap ba akong mahalin? Lahat naman ginagawa ko para sa kanya pero bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Bakit hindi nalang ako ang hinalikan niya total asawa niya ak-o? Mganda naman ako at mayaman ano pa ang hahanapin niya sa akin?” atungal niya pa. Dahil sa dami ng nainom hindi niya hindi niya mapigilang magsuka pakiramdam niya hinalukay ang sikmura niya ng masayaran ng alak.
Masakit na masakit ang ulo niya nang magising. Nasa loob pa rin siya ng kubo niya pero nag-iisa lang siya. Hinanap ng mga mata niya ang kaibigan pero wala ito sa paligid. Napahawak siya sa ulo ng biglang kumirot. Muli siyang humiga sa kama dahil sa sama ng pakiramdam.
“Bakit ka naglasing ng ganyan?” tanong sa kanya ng isang tinig mula sa likuran. Alam niya kung kanino boses ang narinig dahil ang boses lang naman nito ang nagpapawindang sa kanya pero hindi siya nag-abalang tingnan ito. May hang-over lang siya pero wala siyang amnesia para makalimutan ang natuklasan kahapon. Maliwanag pa sa sikat ng araw na nagtaksil ito sa kanya. Inabutan siya nitong kape pero hindi niya iyon inabot kaya nilapag nito sa maliit na side table sa tabi niya. Inalalayan siya nitong umupo pero tinabig niya ito.
“Bakit ka nandito?” galit niyang tanong.
“Diba asawa mo ako kaya ako nandito at isa pa diba sabi mo kapag hindi kita makita ditto lang kita puntahan.” sagot nito sa kanya kaya lalong nanginig siya sa galit. Ang kapal ng mukha nitong sabihin na asawa niya ito gayong hindi naman asawa ang turing nito sa kanya.
Hindi niya ito sinagot kaya hinayaan niya lang ito kung ano ang gusto nitong gawin. Pinunasan din nito ang katawan niya para maginhawaan siya pero hindi pa rin siya kumikibo at maging ito ay nanatiling tahimik. Gusto niyang mag-isip ito kung bakit siya galit. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong niyakap at dinala ang ulo niya sa dibdib nito. Hindi siya kumibo at hindi rin nagpumiglas. Sapat na sa kanyang maramdaman ang init ng katawan nito. Naramdaman niya rin ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Hinaplos nito ng kamay ang buhok niya bago hinagkan. Kung hindi lang sana siya galit dito baka kanina niya pa tinawid ang maliit na distansiya sa pagitan nila pero hindi nito maaalis sa puso niya ang galit at kahit na humingi pa ito ng tawad sa kanya ngayon hindi niya ito pakikinggan. Masyado pang sariwa ang sakit na nilikha nito.
Nang nakita niya itong may kahalikang babae natuwa siya dahil hindi pala ito bakla pero may parte ng pagkatao niya ang nasaktan. Iyon ay ang puso niya. Hindi niya matanggap na may iba itong kahalikan at niloloko lang siya nito. Ang usapan nila ay hindi ito papahuli sa kanya kung manlalalaki man ito pero babae ang nahuli niyang kasama nito. Babaing parang linta kung makapulot sa bewang ng asawa.
“Sino ang babaing kasama nito at parating pinupuntahan? “ hindi niya maiwasang itanong sa sarili habang yakap siya nito malay niya ba kung siya ang iinisip nito sa mga sandaling ito.