CHAPTER SIX

2516 Words
            Sino nga ba si Gemma sa buhay niya? Ang tahimik niyang mundo ay nagulo simula nang halikan siya ni Gemma sa bar. Nagulat nga siya sa ginawa nito kaya para siyang tuod nang lumapat ang labi nito sa labi niya. Inakma niyang habulin ito pero nagmamadali itong lumabas ng bar. Naiwan siyang tulala sa panghahalik nito at hanggang sumapit ang gabi hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang babaing bigla nalang nagnakaw ng halik sa kanya. Malaki ang utang na loob niya sa Lola nito dahil likas na mabait talaga ang abuela nito sa kanilang mahihirap, at dahil kaibigan nito ang mga magulang niya hindi ito naging madamot para tumulong sa abot ng makakaya ng mga ito at maging sa pag-aaral niya tinulungan siya nito at kung hindi dahil dito hindi siya naging ganap ng architect. Siya din ang nagmamay-ari ng Bar kung saan sila unang nagkita ni Gemma.       Hindi niya sinadyang sabihin na bakla siya. Sinabi niya lang iyon dahil ayaw niyang ipakasal ng mga magulang sa babaing hindi niya naman mahal. Nagulat pa nga siya nang malaman na si Gemma pala at babaing nanghalik sa kanya sa bar ay iisa. Nagkasubuan nalang kaya pinanindigan niya na bakla talaga siya pero ang totoo lalaking-lalaki siya. Ang lahat ng sinabi niya noong kasal nila ay totoo at alam niya rin at nararamdaman din niya na mahal siya ni Gemma kahit na ang alam nito ay isa siyang bakla. Kung pwede niya nga lang ipagsigawan na mahal niya ito gagawin niya pero hindi maaari dahil may anak siya sa ibang babae at ang babaing ina ng anak niya ay umaasa ng kasal after two years, kapag binigay ni Gemma ang kalayaan niya. Ayaw niyang saktan ang asawa pero wala siyang magagawa. Mas mabuting magalit ito sa kanya dahil kung patuloy siya nitong mamahalin masasaktan lang ito lalo na kapag natuklasan nito ang katotohanan sa pagkatao niya. Nangako siya kay Lucy na bibigyan niya ito ng kompletong pamilya kapag hiwalay na sila ni Gemma kaya todo iwas ang ginagawa niya ngayon. Alam niyang sinundan siya ni Gemma nang isang gabi at sinadya niya talagang makita nito na may kasama siyang babae para magalit ito sa kanya at ito na mismo ang sumuko at hiwalayan siya pero bakit ngayon siya ang nasasaktan sa nakikitang lungkot sa asawa. Ang sigla nitong ay biglang naglaho. Ang pangungulit nito sa kanya ay nawala. Ang mga ngiti nitong pinananabikan niyang makita ay biglang nawala. Kahit ang kausapin siya hindi nito ginagawa. Para siyang hangin na hindi nakikita at dinadaan-daanan lang. Nasasaktan siya sa ginagawa nito. Hindi siya sanay. Namimiss niya ang pagiging makulit nito at malambing kahit na hindi niya pinapansin. Namimiss niya ang pag-aasikaso nito sa kanya at higit sa lahat namimiss niya ang pagmamahal nito.         Ilang beses na siyang pinagkanulo ng sariling damdamin na ipadama dito ang labis niyang pagmamahal. Hindi niya napigilan ang sarili noon kaya may nangyari sa kanila, alam ng Diyos na nagtitimpi siya dahil ayaw niya itong mahulog ng lubusan sa kanya pero hindi niya kinaya at bumigay din siya sa nararamdaman. Siya na yata ang pinakamasayang lalaki nang araw na iyon dahil sa natuklasan niya, siya ang unang lalaki sa buhay nito kaya naman mas minahal niya ito nang araw na iyon.  Gusto niyang ipadama at ipakita dito na mahal niya ito pero paano? Gusto niyang si Gemma lang ang babaing kasama niya sa buong araw pero alam niyang malabong mangyari yon dahil may Lucy siyang naghihintay at umaasa sa pangako niyang babalikan ito after two years. Isa sa dahilan si Lucy kung bakit siya nagpanggap na bakla, ayaw niyang mainlove si Gemma sa kanya pero ito siya ngayon, nahulog sa bitag na ginawa.      “Tahimik ka yata?” puna ni Lucy kay Liam. Wala kasi siyang kibo habang kumakain. Nawawalan na kasi siya ng gana para dalawin ito dahil ibang babae na ang gumugulo sa isipan niya. Ibang babae na ang gusto niyang makasama. Pakiramdam niya nagtataksil siya sa asawa sa tuwing pumupunta siya ditto kahit pa si Lucy ang nauna. Isa pa hindi niya na ito mahal at tanging si Mike nalang ang nag-uugnay sa kanila. Tanging ang anak niya ang dahil ng lahat kung bakit hindi niya magawang sabihin kay Gemma na mahal niya ito. Natatakot siyang hindi matanggap ng asawa ang anak niya.            “Ha? May sinasabi ka ba?” nataranta niyang tanong. Napasulyap siya ditto.            “Sinasabi ko malapit na ang birthday ng anak mo?” ismid nito sa kanya. Magdadalawang taon na si Mike sa susunod na linggo. Ang anak niya kay Lucy.              “Anong tungkol sa birthday niya?” tanong niya pa.              “Anong plano mo?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kanya.              “Lumabas nalang tayo, mamasyal at kumain sa labas. Malaking pera din ang kailangan natin kung itutuloy mo ang birthday party na plano mo.” sagot niya.               “Isang milyonarya ang asawa mo tapos wala kang pera? Tinitipid mo ba ang anak natin?” bulyaw nito sa kanya sabay tayo sa hapag-kainan na ikinagulat niya.               “Yaya, ipasok mo muna si Mike sa kwarto.” Utos niya sa yaya ng bata. Bago niya sinudan si Lucy sa sala. Agad naman itong tumalima at umakyat sa taas kasama ang anak niya.           “Bakit ka ba ganyan Lucy? Bakit kailangan mong sumisigaw sa harapan ng bata? Diba napag-usapan na natin ito?” inis niyang kompronta sa babae.         “Sobra kana kasi! Ilang beses kana nga lang namin nakakasama dito ganyan kapa! Pati ang anak mo tinitipid mo! Diba pinangako mo na magkakaroon siya ng party? Isa pa nag-invite na ako sa mga kaibigan ko!” sigaw nito sa kanya.          “Baka nakakalimutan mo na ang asawa ko ang may pera at hindi ako?” inis niyang sagot.          “Kung wala ka naman palang mahihita diyan sa asawa mo bakit hindi mo pa siya hiwalayan? Bakit ka pa nag-titiis sa kanya? Napapabayaan mo na ang negosyo mo dahil diyan sa pagpapanggap mo!” bulyaw pa nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang bar niya sa Manila.          “Ano ba ang kulang Lucy? Lahat naman ng kailangan niyo binibigay ko. Kapag tinatawagan mo akong pumunta agad-agad nandito na ako. Kailan pa naging issue sayo ang pera? Diba sabi mo okay lang kung wala akong pera noong nagsama tayo? Bakit ngayon parang nagbago na?” Nalilito niyang tanong. Si Lucy ang girlfriend niya nang dumating sa buhay niya si Gemma. Nabuntis niya ito at kahit hindi pa siya handa maging ama pinanindigan niya ang bunga ng kapusukan. Naglive-in sila at lingid iyon sa kaalaman ng mga magulang. Naging mabuti siyang ama kay Mike at kung kulang pa iyon kay Lucy hindi niya na alam. Nang malaman niyang buntis ito hindi sia nagdalawang-isip na panagutan ito. Agad siyang bumili ng bahay at lalong nagsikap sa pagtratrabaho. Halos nasimot ang pera niyang naipon.   WALA si Gemma ng umuwi siya ng bahay. Gusto niya sanang bumawi dito pero tulad ng dati wala na naman ito. Ayon kay Loida kasama daw nito ang Lola nito. Alam niyang iniiwasan siya ng asawa dahil sa natuklasan nito. Ang inaasahan niya kokomprontahin siya nito pero hanggang ngayon tahimik lang ito at parating wala sa bahay         “Loida, bakit wala pa sina Gemma?” hindi makatiis na tanong niya kay Loida habang kumakain ng hapunan. Kanina pa siya nag-aabang sa labas ng bahay pero hindi pa rin ito umuuwi.         “Sa pagkakaalam ko tatlong araw sila sa tagaytay dahil may ka’meet sila.” Nakaismid na sagot sa kanya nito.         “Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin at sino ang ka’meet nila?” naiinis niyang tanong.          “Kung ako sayo Liam bakit hindi si Gemma ang tanungin mo dahil ako hindi ko rin alam.” sagot nito sa kanya. Naramdaman niya agad na galit ito sa kanya dahil hindi naman ito tulad ng dati dahil botong-boto ito sa kanya para sa kaibigan pero ngayon pakiramdam niya nanlamig din ito.           “Galit ka ba sa akin?” hindi niya mapigilang itanong.           “Alam mo Liam nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan si Gemma. Simula kasi pagkabata magkasama na kami. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Gemma pero sa nakikita ko para siyang nagmamahal sa lalaking walang puso. Kung pwede nga lang iuntog ko siya para magising gagawin ko para hindi lang siya masaktan.” prangka nito sa kanya.          “Naiintindihan ko ang opinion mo at naiintinidihan ko kung magagalit ka sa akin.”          “Dapat lang na maintindihan mo Liam dahil kung hindi baka ikaw ang mabatukan ko! Kung pwede nga lang ibalik ko ang nakaraan na wala ka sa buhay ni Gemma gagawin ko, wag lang siyang masaktan.” inis nitong sagot sa kanya bago tuluyang nagwalk-out. Naiwan siyang mag-isa sa hapag-kainan. Napaisip siya sa sinabi ni Loida. Narealized niyang napakasama niya kay Gemma. Bakit niya ito pinahihirapan samantalang lahat ginagawa nito para mahalin niya? Samantalang siya hindi niya binibigyan ng halaga ang effort nito. Palagi niya itong binabalewala. Kahit pa nagmumukhang tanga na ito sa harapan niya okay pa rin dito. Wala nga siyang puso para hindi makita ang pagmamahal ng asawa niya.            Nakailang tawag na siya kay Gemma pero hindi nito sinasagot. Naiinis na siya. Kulang nalang ibato niya ang cellphone sa sobrang inis. Gusto niya itong puntahan at sunduin pero paano?         “Bakit ba ayaw mong sagutin?” tanong niya sa cellphone habang pinapakinggan ang matagal na pag-ring sa kabilang linya pero hindi pa rin siya sumuko kahit na nakailang end call na siya. Kulang nalang tumalon siya nang sagutin ng asawa ang telepono nito.            “Hello, G-emma? G-emma?” paulit-ulit niyang tanong dahil maingay sa lugar nito. May naririnig din siyang nag-uusap at tawanan dagdagan pa ng maingay na tugtog.                  “Bakit ka tumawag?” malamig ang boses na tanong nito sa kanya. Walang lambing ang boses nito sa kabilang linya, pakiramdam niya nga napilitan lang itong sagutin ang tawag niya dahil sa pangungulit niya at walang tigil na pagtawag.             “Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis ka?” agad niyang tanong dito.             “Sayaw tayo?” narinig niyang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya na nagpainit na ulo niya. Pakiramdam niya umusok ang ilong niya sa galit.              “Sino yon?” mataas ang boses niyang tanong. Napahawak din siya ng malakas sa telepono. Nakailang tanong na siya pero hindi pa rin ito sumasagot sa kabilang linya. Naririnig niya pa ang tawa nito habang nakikipag-usap sa lalaki.               “Mamaya na tayo mag-usap Liam. Im busy!” sabay baba nito sa telepono.               “Wait!!” sigaw niya pero wala na ito sa kabilang linya. Naibato niya sa kama ang cellphone sa sobrang inis.                Tahimik siyang umiinom sa sala nang makita siya ni Loida. Sa alak niya binunton ang galit sa sarili. Ngayon pa siya magwawala kung noon sana pinahalagan niya na ang asawa eh di sana hindi siya nagkakaganito. Eh di sana masaya sila ngayon dahil walang nasasaktan at sana siya ang kasama nito.               “Anong meron?” tanong nito sa kanya. Nakapamewang pa ito sa harapan niya.               “Tanungin mo ang kaibigan mo!” inis niyang sagot. Medyo lasing na rin siya dahil tequilla ang tinutungga niya simula kanina, iyon lang kasi ang nakita niyang alak.              “Busy yon sa party.”sagot nitong umupo sa bakanteng upuan.              “Tinawagan ko siya kanina pero binaba niya ang phone dahil sa lalaking nag-alok ng sayaw sa kanya. Hindi ba alam ng lalaking yon na may asawa na ang babaing nilalandi niya?”              “Landi? Agad-agad? Bakit nakita mo bang nilalandi ang asawa mo? Affected ka yata?” sagot nito sa kanya.                   “Ang lalaki hindi yan manghihingi ng sayaw sa babae kung  hindi niya gusto ang babae.” turan niya pa.                   “Ok, now I know! So, ibig sabihin pala may gusto ka sa babaing kahalikan mo noong isang linggo?” napatango nitong sagot sa kanya na ang tinutukoy ay ang babaing nahuli nang mga ito na kahalikan niya.                 “Wala lang yon! Were just friends.” tanggi niya.                “Teka nga Liam, nagseselos kaba? Kung makaasta ka parang mahal mo ang kaibigan ko ah?” tanong nito na ikinatameme niya.                “May karapatan akong magselos dahil asawa niya ako!” amin niya sa nararamdaman dito.               “May kaparatan kang magselos kung mahal mo siya pero kung asawa lang na pangdisplay ang tingin mo sa kaibigan ko itulog mo nalang yan! Ego lang yan!” nakangiti nitong turan sa kanya na lalo niyang ikinainis. “Bakit kasi hindi mo aminin sa sarili mo na mahal mo rin si Gemma? Ikaw din baka mamaya mauntog yon at magising sa kahibangan sayo, lalo pa at si past ang kasama niya ngayon.” dagdag pa nito.            “Sinong past?”nakaangat ang kilay na tanong niya kay Loida nahimigan niya ang ang pang-aasar nito sa kanya.           “Eh di si x! Ang lalaking una niyang minahal.”           Umalingawngaw sa kanya ang x na sinabi nito. Nawala yata ang kalasingan niya dahil sa narinig. Kung ganun ang lalaking narinig niya sa kabilang linya ay ang nakaraan nito?            “Bakit sila naghiwalay?” curious niyang tanong kahit na gustong-gusto niyang magwala sa selos na nararamdaman.            “Nahuli niya lang naman ang boyfriend niya na may ibang babae at dahil dun nawalan siya ng gana sa lalaking yun at bago ka man dumating sa buhay niya may minahal na siya at siguro ngayon nagkabati na sila. Ganyan talaga ang  buhay nagbabago rin kaya kung ako sayo ihanda mo na ang sarili mo baka mamaya pag-uwi non makikipaghiwalay na pala sayo” pananakot pa nito.             Hindi na siya sumagot pa. Agad siyang tumayo at iniwan ito. Narinig niya pa ang pagtawag nito pero hindi niya pinansin. Sapat na sa kanya ang mga nalaman. Hinding-hindi siya papayag na makipagbalikan ang asawa sa nakaraan nito. Kung kinakailangan suyuin niya ang asawa gagawin niya kahit umabot pa iyon ng taon.                  Hindi pa sumisikat ang araw natagpuan niya ang sariling ginigising si Loida. Galit na galit ito sa pambubulabog niya. Hindi siya tumigil sa pagkatok sa pintuan nito hanggat hindi siya  pinagbubuksan.             “Bakit ba?”yamot nitong tanong sa kanya. Pupungas-pungas pa ito nang pagbuksan siya.             “Anong address ni Gemma sa Tagaytay?”agad niyang tanong. Hindi niya alintana ang galit nito. Pinasadahan siya nito ng tingin bago nag-angat ng kilay dahil bihis na bihis siya.             “Anong masamang hangin ang pumasok diyan sa utak mo at medaling araw palang gising kana?” nakaarko ang kilay na tanong nito.             “Im not joking.” Seryoso niyang sagot kaya wala itong nagawa kundi ang sabihin sa kanya ang address na hinihingi. Agad siyang umalis ng bahay nang makuha ang address ng asawa.            “Nothing can replace you in my heart Gemma. Ikaw lang ang mahal ako. Mali man ito pero susugal ako maipadama ko lang sayo kung gaano kita kamahal. Hindi ako manhid Gemma, dahil lahat ng pinapakita mo ay labis kong naapprecite. Especially your love.” Pagkakausap niya sa sarili dahil kanina pa talaga siya kinakabahan.           “Hintayin mo ako asawa ko!” hiyaw ng puso niya habang lulan ng sasakyan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD