Kulang nalang sumigaw siya sa labis na gulat. Nagising kasi siyang may lalaking nakapulupot sa bewang niya at siya rin ay ganoon din, nakalingkis din siya dito. Si Lucas ang kasama niya kagabi, ito ang dati niyang nobyo kaya naman akala niya ito ang katabi niya ngayon pero hindi, dahil ang katabi niya ngayon ay ang asawa niyang ilang araw niya ng tiniis na wag kausapin. Mahigpit itong nakapulot sa bewang niya kaya hindi siya makagalaw. Iginala niya ang mga mata sa paligid, nahagip ng mata niya ang isang bungkos ng roses sa side table. Lihim siyang napangiti. Iyon kasi ang palagi nitong binibigay noong magkabati pa sila.
“Liam!” pukaw niya sa asawa. Hindi naman siya nahirapang gisingin ito dahil agad din itong nagmulat ng mata. Hinapit siya nito kaya lalong nagdikit ang mukha nila. Hindi siya nakakibo. Lumakas ang t***k ng puso niya.
“I miss you baby!” bulong nito sa kanya.
“Tama ba ang naririnig ko?” hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Kumurap-kurap pa siya baka mamaya panaginip lang pala ang lahat at nag-iilusyon na naman siya na balang araw mamahalin din siya ng asawa.
“Bakit ka nandito?” tanong niya uli sa lalaki. Muli itong pumikit at isinubsob ang mukha sa leeg niya. Hawak din nito ang isang kamay niya na tila ayaw siyang pakawalan. “Liam?” inis niyang tanong kaya napilitan itong dumilat.
“Ano ba namang tanong yan. Nandito ako dahil nandito ang asawa ko.” Sagot nito sa kanya. Umupo ito sa kama at tinitigan siya. “I do not want to feel pain because I miss you. Ayoko ko ng masaktan kaya ako nandito.” Dagdag niya pa.
“What happen?” Hindi niya mapigilang itanong sa sarili. Noon kasi kulang nalang ipagtabuyan siya nito tapos ngayon kung makadikit ito sa kanya wagas. At sinadya pa talaga siya nitong puntahan kahit na napakalayo nila. Tarlac to tagaytay.
“Asawa ba ang tingin mo sa akin? O kabayaran lang ng utang na loob niyo kay Lola?” tanong niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito kahit ang totoo gustong-gusto niya na itong yakapin ng mahigpit at pugpugin ng halik.
“Hindi mo na ba ako mahal? Akala ko hindi ka susuko?” tanong nito sa kanya.
“Im sorry but im not thinking about you anymore!” Pagsisinungaling niya.“I’m hurting too much dahil sa pagmamahal na yan at sa tingin ko panahon na para magising ako kahit ano pa ang gawin ko hindi mo naman ako mamahalin tulad ng palagi mong pinamumukha sakin. Kung anuman ang rason mo ngayon ikaw lang ang nakakaalam kung totoo yan o hindi. Pinaniwala mo akong bakla ka pero ang totoo may babae ka!” Hindi niya mapigilang isumbat.
“Hindi yan totoo. Nararamdaman kong mahal mo pa rin ako! At oo hindi ako bakla at ginawa ko lang yon para hindi ako ipakasal sa babaing hindi ko naman mahal pero ngayon mahal na kita Gemma, mahal na mahal and I want you to feel how much I love you.” pilit pa nito. Tumayo ito at nilapitan siya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya na tila nagsusumamo. Kulang nalang lumuhod ito sa harapan niya para lang tanggapin niya.
Pilit niyang inaalis ang kamay nito pero hindi niya magawa dahil mahigpit nitong hawak ang kamay niya. Mas higit itong malakas sa kanya. Nakikita niya sa mga mata nito ang lungkot.
“Hindi mo kailangan ipakita sa akin na mabuti kang asawa at hindi mo rin kailangan magpanggap pa dahil nauntog na ako.” sagot niyang hindi makatingin sa mata ng asawa dahil kung nababasa lang nito ang puso niya tiyak na malalaman nito ang totoo.
“Mahal kita. Walang halong pagkukunwari at kasinungalingan.” agaw nito sa sasabihin niya. Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Nagloloko ba ito? O baka naman pakitang tao lang dahil nakakapansin na ang Lola niya sa pag-aaway nila?
Napakurap-kurap siya at tila binabasa ang saloobin nito.
“P-ero bakit? Bakit ngayon lang?” hindi niya mapigilang tanong.
“Kailangan ba ng sagot para mahalin ang isang tao? Ikaw? Bakit mo ako minahal samantalang wala naman akong pinakitang mabuti sayo? At kahit sabihin kong bakla ako nandiyan ka pa rin.” balik nito sa tanong niya. Tama nga naman ito wala siyang dahilan kung bakit niya ito minahal at iwan niya ba kung bakit naadik siya sa lalaking ito.
“Ang gusto ko lang naman malaman kung ano ang nakain mo at nandito ka ngayon at sinasabing mahal mo ako? Sa pagkakaalala ko hindi naman kita ginayuma para magkaganyan ka ngayon.” Nakaarko ang kilay na tanong niya.
“Tama na bang sagot ang nauntog ako kaya nandito ako ngayon sa tabi mo at sinasabing mahal kita? Namimiss ko ang pagiging makulit mo at lalong namimiss ko ang pagmamahal mo. Ayoko sanang aminin pero baka mabaliw ako kapag hindi ko ito sinabi sayo. You transformed me into a better and happier man. I miss you when you’re gone.” nakangiting nitong pahayag sa kanya.
“Kung ganun dapat noon pa kita inuntog para sana hindi na ako nasaktan. Sana hindi na nasayang ang mga luha ko sa bawat gabi na wala ka.” hindi niya mapigilang sagot. Muli siya nito niyakap at kinantilan ng mabining halik. Hindi na siya nagpakipot pa at gumanti din siya ng halik dito, puno ng pagmamahal nang may bigla siyang naalala.Tinulak niya ito sanhi kaya nabuwal ito sa kama.
“Hindi ka ba talaga bakla?” nanlalaki ang matang tanong niya. Nagulat pa siya ng biglang humagalpak ito ng tawa.
“Alam mo ba sa tuwing sinasabi kong bakla ako natatawa ako lalo na kapag nakikita kong nagseselos ka? Bakit kahit minsan ba naniwala kang bakla ako? ” sagot nito sabay turo sa sarili. Nakakaloko ang ngiti nito sa kanya.
“Syempre, dahil yon ang narinig kong sinabi mo sa mga magulang mo at pinanindigan mo pa sa akin. Nabibingi na nga ako sa paulit mong sinasabi na bakla ka pero ang totoo kahit minsan hindi naniwala ang puso ko na bakla ka talaga kaya kahit masakit ito pa rin ako nagmamahal sayo at patuloy na nagpapakatanga.” amin niya.
“Hindi ka nagpapakatanga dahil mahal na kita at tulad ng sinasabi mo, ikaw na naman ang panalo dahil nakuha mo na ang puso ko at about naman sa sinabi ko na bakla ako wala lang kasi akong naisip na palusot sa kanila kaya ko yon sinabi. Akala ko namang hindi sila papayag na pakasalan kita dahil sa pagkatao ko pero natuloy pa rin ang arranged marriage natin dahil sa pananakot mo kina Nanay at Tatay.” bintang nito sa kanya.
“Hindi ko sila tinakot, talagang gusto lang talaga ng mga magulang mo na malahian kayo ng mestisa.”irap niya dito.
“Wow, kapal ha!” hiyaw nito kaya pinagkukurot niya ito sa tagiliran.
“So pangit ako ganun ba?”nakapamewang niyang tanong.
“Oo na! Maganda ka na! Ikaw na!” natatawa nitong sagot.
“Hindi ka talaga bakla?” pagtitiyak niya pa.
“Hindi nga! Kung gusto mo patunayan ko sayo.” sagot nito at muli siyang kinabig pero muli niya itong tinulak.
“Bakit na naman?” napakamot sa ulo na nitong tanong.
“Kung ganun sino ang babaing kahalikan mo?”
“Noong sinusundan niyo ako ni Loida?”tanong nito sa kanya na labis niyang ipinagtaka.
“Paano mo nalaman na sinusundan kita?”
“Amoy mo lang alam ko na agad na nasa paligid ka lang.” natatawa nitong sagot. Ang babaing yon ay kaibigan ko lang. Sinadya ko talagang makita mo kami para masaktan ka at tuluyan mo akong iwan. Ang hindi ko alam ako pala ang masasaktan sa pag-iwas mo.” paliwanag nito sa kanya.
Dahil sa sinabi nito hindi niya pagilang yakapin ang asawa sa sobrang tuwa. Malinaw sa kanya ang lahat ngayon at sa nakikita niya hindi na siya muling iiyak pa at hindi na siya magmamakaawa para mahalin nito dahil mahal din pala siya ng asawa.
“I won’t give up baby.” bulong niya sa punong tenga nito.
“Thank you for that baby. Sana hindi ka magsawang bigyan ako ng second chance para magbago at para na rin maipakita ko sayo kung gaano kita kamahal. Pinapangako ko na simula sa araw na ito mamahalin kita higit pa sa buhay ko. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko.” pahayag pa nito sa kanya.
Hindi niya mapigilang maiyak dahil sa sinabi nito. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa mundo. Totoo pala ang forever at sa tamang panahon ay kusang dumarating. Hindi mo na kailangang hanapin. Nagmahal lang siya sa isang lalaking hindi niya sigurado kung mamahalin din siya pero nandito ito ngayon sa tabi niya at pinapadama ang init ng pagmamahal nito.
“Regrets?” tanong nito sa kanya pagkatapos nilang pagsaluhan ang init ng pagmamahal sa isat-isa.
“Walang dapat ipaghinayang lalo pa at ang kasama mo ay ang taong nagsisilbing buhay mo.” nakangiti niyang sagot. Nakayakap siya sa hubad nitong katawan samantalang hinahagod nito nito ang likod niya.
Matuling lumipas ang mga araw at buwan. Ngayon mahigit isang taon na silang nagsasama at masasabi nilang napakasaya nang pagsasama nila. Naging napakasaya niya sa piling ni Liam. Wala kasi itong ginawa kundi ang pakiligin siya at mahalin kaya naman labis na nag-uumapaw ang puso niya sa sobrang saya. Magkasama din silang nagtayo ng negosyo. Nagtayo sila ng merchandising sa bayan at magkasama silang namamahala hanggang sa umunlad iyon dahil lahat ng kailangan ng tao ay nasa tindahan nila. Masasabi niyang naging matatag ang pagsasama nila dahil magkasama nilang nahaharap ang mga pagsubok. Kahit na halos wala silang oras sa isat-isa dahil busy sila sa negosyo hindi nila nakakalimutang ipadama ang pagmamahal sa isat-isa kahit na ilang oras lang silang magkasama. Naging napakasaya ng buhay niya kay Liam. Wala na siyang mahihiling because of Liam.
“Ang saya ng bestfriend ko ah.” puna sa kanya ni Loida. Hinihintay niya kasi si Liam. Tinawagan siya nitong pagbihis dahil kakain sila sa labas. Hindi niya alam kung bakit bigla itong nagyaya. Unang-una hindi naman nila anniversary at lalong wala siyang matandaang okasyon para magyaya ito ng date.
“Ganito talaga ang inlove. Lutang na naman!” napabungisngis niyang sagot.
“ Always ka namang lutang pagdating kay Liam eh! Ang tagal niyo nang nagsasama kinikilig ka pa rin? Sabagay, sa gwapo ba naman ni Liam? Tiyak na araw-araw kayong-”
“Uy, hindi naman grabe ka talaga.” putol niya sa sasabihin nito.
“Wow assuming lang! Ang ibig kong sabihin araw-araw kayong masaya.” turan nito sabay bungisngis ng nakakaloko. Pinamulahan siya ng mukha sa pagkapahiya.
“Tigilan mo nga ako. Ang sabihin mo naiinggit ka lang. Kung bakit ba kasi hindi ka nalang maghanap diyan sa tabi-tabi para naman hindi ako ang pagdiskitahan mo!” sagot niya.
“Dont worry malapit ko na ring mahanap si the one and take note mas higit siyang gwapo sa asawa mo.” Nakangiti nitong turan.
“Baka bakla.” Tukso niya.
“Hindi no? Likas lang talaga na gwapo siya at napatunayan ko na ang pagiging mandirigma niya.” Kinikilig nitong kwento.
“Good for you para naman tigilan mo na ako. Makipagdigma kana muna sa kanya.“ natatawa niyang sagot. Agad niya itong iniwan nang magbusina si Liam sa labas ng bahay. Dali-dali niyang iniwan ang kaibigan.
“Hoy! Magpaalam ka naman. Dumating lang ang lalaking yan nakalimutan mo na ako! Baka madapa ka!”naririnig niyang sigaw ng kaibigan pero hindi niya ito pinansin.
“Bakit parang sumisigaw si Loida?” natatawang tanong ni Liam sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Agad siya nitong kinantilan ng halik sa mga labi.
“As usual, inggit na inggit sa atin.” natatawa niyang sagot. “Teka nga pala anong meron at kakain tayo sa labas?” hindi niya mapigilang tanong dahil kanina pa siya nag-iisip kung ano ang okasyon.
“Gusto ko lang makasama ang espesyal na tao sa araw na ito.” malambing nitong sagot. Ginagap nito ang kamay niya at dinala sa mga labi bago hinagkan.
“Palagi naman tayong magkasama ah?” nagtataka niyang turan dahil sa kakaiba nitong ikinikilos.
“Ayaw mo ba akong makasama sa araw ng birthday ko?” tanong nito sa kanya na ikinagulat niya.
“What? Birthday mo ngayon?” tanong niyang hindi makapaniwala. Napaka-walang kwenta niya namang asawa dahil mismong kaarawan ng asawa niya hindi niya alam. “Im sorry hindi ko alam.” malungkot niyang pahayag. Nahiya siya bigla dahil wala man lang siyang regalo dito.
“Wala kang kasalanan dahil ako naman ang hindi naging open sayo simula’t sapol. Asawa mo nga ko pero marami ka namang hindi alam sa akin.”
“Wala man lang akong regalo sayo. Okay na ba ang katawan ko?” natatawa niyang alok sa katawan.
“Pwede nang pagtiyagaan yan! Ulam din yan kapag walang makain.” sabay halakhak nito.
“Ang sama mo!” sabay hampas niya dito. “Pero sana huli na ito. Sana wala ka ng tinatago sa akin. Gusto kong malaman kung anong klasing tao ang asawa ko.” turan niya bago siya humilig sa balikat nito.“Happy birthday my baby!” malambing niyang pahayag.
“Kung sakali bang may tinatago pa ako handa mo pa kaya akong tanggapin?” baling nito sa kanya kaya tinitigan niya ito.
“Tulad nga ng sinabi ko sayo mahal kita. Pinakasalan kita, at handa kong tanggapin ng buong-buo ang pagkatao mo. I wont give up baby hangga’t alam kong dapat pa kitang ipaglaban hindi ako susuko.” turan niya pa.
Ang romantic nang lugar kung saan siya dinala ng asawa. Punong-puno ng rosas ang carpet na dinadaanan niya habang may naririnig siyang musika na nagmumula sa violin. Punong-puno din ng ilaw ang dinadaanan nila, ibat-ibang kulay. Sobrang saya ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon pakiramdam niya hihimatayin siya dahil kanina pa nagwawala ang puso niya sa kilig. Napasulyap siya sa asawa, kindat lang ang tanging sagot nito sa kanya. Pakiramdam niya para siyang isang prinsesa.
“Hindi ko naman birthday pero bakit ako yata ang nasorpresa?” tanong niya ng makaupo sila sa mesang inihanda nito. Nagulat pa siya ng bigla itong lumuhod sa harapan niya at may inabot na maliit na kahon. Hindi pa nga siya nakakahinga sa pagkamangha sa lugar may panibagong surprise na naman. “Ano ito?”
“Buksan mo.” utos nito sa kanya. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang binubuksan ang inabot nitong kahon. Tumambad sa kanya ang isang mamahaling singsing.
“Marry me again, my baby? This time, gusto ko maging espesyal ang araw natin bilang mag-asawa. I want to spend the rest of my life with you over and over again.” alok nito sa kanya. Napaluha siya sa sobrang kasiyahan. “Magpakasal muli tayo kung papayag ka?” untag nito sa kanya dahil natigilan siya. Sino ba naman ang hindi matitigilan sa ganitong sitwasyon? Hindi niya na kailangan pang makipagkasundo dito para pakasalan siya dahil nandito na ito sa harapan niya at inaalok siya ng kasal, walang halong kondisyon.
“I will marry you my baby, kahit ilang beses pa basta ikaw ang groom ko.” umiiyak niyang pahayag. Tumayo ito at niyakap siya nang mahigpit. Napapitlag pa siya nang biglang may nagputukan sa langit. May fireworks display pala itong hinanda.
“Ang ganda!” bulalas niya. Nakatingala sila sa langit habang magkayakap.
“Gagawin ko ang lahat para sayo. Tulad ng mga fireworks na yan pinapangako kong magiging makulay ang buhay mo sa piling ko.” pahayag nito sa kanya.
“ I really appreciate it. Thank you!”
Naging napakasaya ng gabing iyon para sa kanilang mag-asawa. Kumain sila at sumayaw sa saliw ng malamyos na musika. Ang gabing iyon ang hinding-hindi niya makakalimutan. Naging napakasaya niya dahil sa pagdating ni Liam sa buhay niya. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang mapanatili ang magandang pagsasama nila kasama ang magiging anak nila.