CHAPTER EIGHT

2737 Words
Ang buong akala niya lubusan na siyang magiging masaya pero hindi pala dahil pag-uwi niya patay na ang Lola niya. Ayon kay Loida inatake daw ang Lola niya at hindi na umabot sa hospital. Dead on arrival daw ito. Labis niyang dinamdam ang pagkawala ng abuela. Pakiramdam niya nawalan siya ng isang braso. Nahirapan siyang tanggapin na sa isang iglap bigla nalang itong lalaho. Ilang araw din siyang nagkulong sa sariling silid mabuti nalang at hindi siya iniiwan ng asawa, hindi siya nito pinababayaan. Palagi rin itong nasa tabi niya, kaya kahit papano gumagaan ang pakiramdam niya. Nawawala ang takot niyang nag-iisa nalang siya dahil dito.           “Hindi mo na ako kailangan bantayan pa. Okay na ako. Puntahan mo na ang negosyo natin, ilang araw ka na ring hindi tumatao dun. Kailangan ka dun.” nakangiti niyang turan sa asawa.           “Baka kasi hindi kana naman kumain.” nag-aalala nitong sagot sa kanya.           “Tanggap ko ng wala na si Lola, nahirapan lang ako sa ngayon dahil hindi ako sanay na hindi siya nakikita at nakakasama pero nandito ka naman diba at hindi mo ako iiwan?”sambit niya. Hinaplos nito ang mukha niya at masuyong inalis ang sunod-sunod na pagpatak ng luha niya.         “Hinding-hindi mangyayari yan. Baka nga magsawa ka na sa mukha ko dahil ako nalang palagi ang makikita mo.” nakangiti nitong sagot kaya natawa na rin siya. “Mabuti naman at tumawa kana dahil matagal ko nang mamimiss ang tawa na yan. Nalulungkot din ako kapag malungkot ka.” Turan pa nito.         Inaliw-aliw niya ang sarili nang makaalis si Liam. Pilit niyang iniiwasan ang parte ng bahay na parating tinatambayan ng abuela. Bawat sulok kasi ng bahay ang masayang mukha ng abuela ang parati niyang nakikita. Ayaw niyang magpatalo sa lungkot dahil alam niyang masaya na ngayon ang Lola niya dahil natupad na nito ang hiling na maging asawa niya si Liam. Alam niyang kahit nasaan man ito ngayon panatag na ito. Malaki ang naimbag ng Lola niya sa pagmamahalan nila ni Liam. Sayang lang dahil hindi na nito masasaksihan ang pangalawa nilang kasal at lalong hindi nito malalaro ang magiging mga anak nila. Hindi niya kailangan maging malungkot dahil alam niyang bago umalis ang Lola niya inayos na nito ang buhay niya at inaasahan nitong ipagpapatuloy niya ang iniwan nitong buhay para sa kanya at kasama na doon ang asawa niya. Nasa malalim siyang pag-iisip nang biglang may nagdoorbell. Day off ng dalawang katulong nila, si Loida naman ay namili ng mga kailangan sa farm kaya napilitan siyang pagbuksan ang nag-iingay na doorbell. Wala sana siyang balak pagbuksan iyon pero napakakulit ng nagdodoorbell. Napakunot-noo siya ng mapagsino ang panauhin. Familiar sa kanya ng mukha ng babae, at sa tingin niya minsan  niya na itong nakita. Hindi niya nga lang matandaan kung saan at kailan. May kasama rin itong batang lalaking karga ng yaya nito. Sopistikada ito at sexy kung manamit pero mas matangkad siya dito. Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya na akala mo may atraso siya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago tumango.           “Anong kailangan nila?” tanong niya sa mga ito.         “Gusto lang sana kitang makausap.” nakataas ang kilay na sagot nito sa kanya. Nagdalawang-isip siya kung papapasukin ito o hindi baka mamaya kasi masamang tao pala ito at tinaon pang wala siyang kasama sa mansiyon pero sa huli pinapasok niya rin ito. Sa garden niya piniling makipag-usap ditto.        “Pasensiya na wala akong maiaalok sa inyo dahil walang gagawa.” Hingi niya ng paumanhin.        “It’s okay. Baka mamaya lagyan mo pa ng lason kapag nalaman mo kung sino ako.” Sagot nito. Hindi niya agad nagustuhan ang tabas ng dila nito. Hindi niya pa naman ito inaalok na umupo kusa na itong umupo samantalang ang kasama nitong yaya ay nilalaro ang bata sa garden nila.         “Kilala mo ba ako?”hindi niya mapigilang itanong.         “Sa personal hindi, dahil ngayon lang kita nakita pero sa kwento ni Liam, kilalang kilala kita.” sagot nito sa kanya na ikinagimbal niya. Ano ang kinalaman ni Liam sa bisita niya? Napasulyap siya sa batang hinahabol ng yaya sa garden niya. Bibo ang bata, sa tantiya niya nasa edad dalawang taon na ito.          “Bakit mo kilala ang asawa ko?” tanong niya pa..          “Kunwaring asawa!”pagtatama nito sa sinabi niya.          “Pwede ba diretsahin mo na ako? Ang dami mo pang paligoy-ligoy. Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin at bakit mo kilala ang asawa ko?” may kataasan ang boses na tanong niya. Unang kita niya palang sa babaing ito hindi na magaan ang pakiramdam niya, pakiramdam niya kaaway niya ito at kung kanino hindi niya pa alam.          “Bago ka dumating sa buhay ni Liam ako ang nauna. Pinakasalan ka lang niya dahil sa utang na loob sa Lola mo at sa perang pinangako mo sa kanya after two years. Tama ba ako?” sagot nito. Pakiramdam niya umakyat ang dugo niya sa ulo sa galit na naramdaman ng mga oras na iyon. Hindi siya makahuma sa binitiwan nitong salita.          “Kung nauna ka bakit ako ang pinakasalan?” nakataas nag kilay niyang sagot.          “Dahil iyon ang usapan namin. After two years magsasama na kami para maging isang buong pamilya kasama ang anak naming si Mike. Nakikita mo ba ang batang yan? Anak yan ng asawa mo? Mas higit na nauna kami kesa sayo!”sabay turo nito sa bata. Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha niya dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya sinaksak siya ng paulit-ulit dahil sa sakit na nararamdam. May anak ang asawa niya sa ibang babae? “Niloloko ka lang ni Liam! Maawa ka naman sa anak naming naghihintay sa pag-uwi ng ama niya. Sinira mo ang pagsasama namin! Dahil sa kondisyon na hiningi mo kay Liam nasasaktan ang anak ko! Palibhasa kasi sarili mo lang ang iniisip mo!” dagdag pa ng babae. Gustong-gusto niya na itong kaladkarin palabas ng bahay pero nagtimpi siya.          “Bakit ka pumayag na pakasalan ako ni Liam?”  matatag ang boses na tanong niya. Pinahid niya ang mga luha gamit ang mga palad.          “Sabi ni Liam magiging maganda ang buhay namin kapag pinakasalan ka niya. Sino ba naman ang hindi papayag kung kapalit nun ay magandang buhay? Obvious naman siguro na dahil sa pera mo kaya nasa tabi mo pa rin si Liam. Lahat ng kinakain naming mag-ina ay galing sa pera mo Gemma! Idilat mo ang mga mata mo! Wag kang magtanga-tangahan! Ginagamit ka lang ni Liam at lalong hindi ka niya mahal!” madiin ang boses na turan nito sa kanya.         “Umalis na kana!” hindi niya mapigilang bulyaw sa babae. Hindi niya na inisip ang batang makakarinig sa kanila sa sobrang galit niya. Napansin niyang natigilan ito at maging ang yaya nito ay napatigil.         “Wag kang magpakatanga at lalong wag kang umasa na mahal ka rin ni Liam dahil may pamilya siyang inuuwian kapag wala siya sa tabi mo. Kasal lang kayo pero kami may anak kami at tunay na nagmamahalan! Sampid ka lang sa buhay niya!” turan pa nito. Kanina pa gustong lumipad ng palad niya sa pisngi nito pero nagpigil siya wag lang siyang hahamunin nito dahil hindi siya mangingiming saktan ito.           “Wag kang mag-alala at ibibigay ko sayo ang lalaking mahal mo! Magsama kayo! Umalis kana sa pamamahay ko bago pa kita ipahabol sa aso!” ganti niyang sagot sabay turo sa gate. Ang tanong kaya niya bang ibigay si Liam sa babaing ito? Dapat lang siguro na gawin niya ang tama at wag siyang magbulag-bulagan. May bata siyang nasasaktan iyon nalang ang iisipin niya para hindi siya masaktan.          Para siyang nauupos na kandila nang makaalis ang mga bisita. Hindi niya magawang umiyak. Pakiramdam niya namanhid ang buong katawan niya sa nalaman. Gusto niyang magwala at magalit pero bakit pa? Para kaawaan ni Liam? Hindi yon mangyayari, pinapangako niya.       “Kumusta ang araw ng baby ko?” tanong sa kanya ni Liam ng dumating ito. Hinagkan siya nito sa labi pero hindi siya gumanti. Binaling niya ang tingin sa ibang direksyon.        “Masama lang ang pakiramdam ko.” malamig niyang sagot.        “Kumain ka ba kanina?” tanong pa nito pero hind siya sumagot. Nagkunwari siyang nakatulog para hindi ito mag-usisa. Kung pwede lang na ibato sa mukha nito ang lahat ng nalaman niya gagawin niya pero hindi pa ito ang tamang panahon. Titiisin niya muna ang sakit habang pinaplano niya ang dapat gawin. Habang nakatalukbong hindi niya napigilang umiyak. She feels betrayed again. Pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng mundo. Una kinuha ang Lola niya ngayon naman natuklasan niya ang panloloko ni Liam. Kailangan niyang maging matatag lalo pa at wala na ang Lola niya na handang makinig sa mga hinaing niya. Kung nasaan man ito ngayon sama bigyan siya nang lakas ng loob para harapin ang mga pagsubok.           “Umiiyak ka ba?” tanong sa kanya ng asawa. Nagulat pa siya sa tanong nito dahil pinagmamasdan pala siya nito. “Kung may gusto kang sabihin makikinig ako.” dagdag pa nito pero nanatiling tikom ang bibig niya.“Alam mong andito lang ako, handa akong makinig. Mahal na mahal kita Gemma. Ikaw lang ang buhay ko ngayon. Hindi kita iiwan.” dagdag pa nito. Gustong-gusto niya itong murahin sa kasinungaling binibitiwan nito sa kanya pero pinilit niyang itikom ang bibig may tamang panahon para komprontahin niya ito na tiyak na ikagigimbal nito.           HINDI maintindihan ni Liam kung bakit parang ayaw siyang kausapin ng asawa. Dati naman lahat sinasabi nito lalo na kapag namimiss nito ang Lola Stella. Naninibago talaga siya. Isang beses lang siyang nawala sa tabi nito bigla nalang itong nagbago at hindi siya kinikibo.        “Mabuti at nandito ka.” pukaw niya kay Loida nang makita niya itong nanonood sa sala. Mag-isa itong nanonood sa dilim.         “Nagmumulto nga ako dito. Iwan ko ba diyan sa asawa mo, inutusan akong bumili ng dvd tapos ako lang pala ang manonood. Horror pa naman itong pinabili niya.” sagot nito sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan at nakinood na rin.         “Wala ka bang napapansin kay Gemma?” tanong niyang dumudukot ng popcorn sa supot.         “Kanina pagbalik ko galing sa pamimili nadatnan ko siyang may iniisip at parang hindi mapakali. Tinatanong ko ayaw namang magsalita kaya hinayaan ko nalang muna baka kasi namimiss niya si Senyora.” Sagot nito.         “Hindi naman siya ganyan kanina nang iwan ko. Masaya na nga siya at saka simula ng mamatay ang Lola niya hindi naman siya ganyan. Oo tahimik siya pero kapag kinakausap ko siya sinasagot niya ako pero ngayon lahat ng tanong ko parang hindi niya naririnig. Para akong kumakausap sa hangin at parang hindi niya ako nakikita.” nag-aalala niyang kwento.      “Hayaan na muna natin. Baka may iniisip lang o baka naman may sumpong. Kapag bukas ganyan pa siya dun na tayo mag-alala.” turan pa nito sa kanya. Hindi na siya nagtagal sa sala at agad na bumalik sa kanilang silid. Tulog na si Gemma ng pumasok siya kaya tumabi nalang siya sa kama. Pinunasan niya ang pisngi nitong nabasa ng luha bago niya ito hinagkan. Nakatulog siya sa pag-iisip. Sana tama si Loida na okay na ito bukas. Siya ang labis na nahihirapan at nasasaktan kapag nakikita itong malungkot.           Wala na si Gemma nang magising siya kinabukasan. Tanging kapirasong papel lang ang nakita niya sa side table. Nagpaalam lang ito na aalis. Dati-rati naman kapag umaalis ito ay sinasama niya. Worried na talaga siya sa ikinikilos ng asawa. Kahit sa sulat nito walang kalambing-lambing. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya kung saan man ito pupunta.           “Nasaan si Gemma?” tanong ni Loida sa kanya. Naghahain ito ng almusal sa mesa. Hindi na sana siya kakain dahil nawalan siya ng gana pero nahiya naman siya kay Loida nag-abala pa naman itong maghanda tapos wala naman palang kakain. Plano niya sanang hanapin ang asawa.          “Wala na siya sa kama nang magising ako. Sabi niya sa sulat may pupuntahan lang siya.” napabungtong-hininga niyang sagot.         “Saan daw?”nagtataka nitong tanong.         “Hindi niya sinabi. Nag-aalala nga ako sa ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan.”        “Sinabi mo pa. Teka lang ha baka naman nag-away kayo o baka naman may natuklasan na naman na naman siyang hindi maganda?” tanong nito sa kanya na ikinatigil.        “Oh bakit hindi ka makasagot?” untag pa nito sa kanya.        “Wala akong tinatago.” pagkakaila niya para matigil lang ito. Buong maghapon siyang hindi umalis ng bahay dahil hinintay niya ang pagdating ng asawa pero inabot na ng alas siyete nang gabi ang paghihintay niya wala pa rin ito. Hindi na siya mapakali sa labis na pag-aalala. Kung anu-ano na ang iniisip niya. Napasugod siya sa gate nang may biglang humintong sasakyan. Ang asawa niya ang nakitang bumaba ng sasakyan kasama ang isang lalaki. Sa tantiya niya lasing si Gemma dahil pasuray-suray ang lakad nito kaya naman halos nakayakap  na sa bewang nang asawa niya ang lalaking kasama nito na naging sanhi kaya napasugod siya. Agad niyang kinuha sa lalaki ang asawa.         “Binabastos mo na ang asawa ko ah?” sigaw niya sa lalaki bago niya ito tinulak.         “Hindi ko siya binabastos pare!” alma nito.         “Kung hindi mo siya binabastos bakit kung makahawak ka sa bewang niya kulang nalang hipuan mo?” sigaw niya pa. Kung hindi niya lang hawak ang asawa tiyak na kanina niya pa ito sinugod.         “Kung matino kang asawa dapat hindi mo siya hinayaan magpakalasing!” ganti nito sa kanya na lalo niyang ikinagalit. “Lucas, umalis kana.” awat ni Loida sa kanila. Nagising din ito sa sigawan nila, nagmumura pa ang lalaki habang bumabalik sa sariling sasakyan. Binuhat niya ang asawa sa sariling silid.     Tumatawa si Gemma habang umiiyak. Kapwa sila napapatingin ni Loida sa isat-isa dahil sa ikinikilos ng asawa. Pinunasan niya ito bago pinalitan ng damit. “Sino ba ang Lucas na yon at bakit yon ang kasama niya?” hindi niya mapigilang itanong kay Loida. “Siya ang tinutukoy kung dating kasintahan ni Gemma. Kung bakit sila magkasama yan ang hindi ko alam.” sagot nito.  “Sige ako na ang bahala kay Gemma. Bumalik ka nalang uli sa tulog. Salamat din pala at pasensiya na sa abala.” Turan niya. Habang pinagmamasdan niya ang asawa hindi niya maiwasang hindi mag-isip. Tulad nalang kung bakit ito biglang nagbago? At bakit kasama nito ang dating nobyo? Ang dami niyang katungan sa isip na hindi masagot-sagot. Ilang araw na siyang hindi nakakatulog dahil sa pag-iisip. Halatang marami itong nainom dahil bagsak ito, nagulat pa siya nang bigla itong naduwal at sumuka sa sahig. Wala siyang nagawa kundi hagurin ang likod nito. “Okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong pero tulad ng dati wala siyang nakuhang sagot. Bumalik ito sa higaan para matulog, alam niyang nagtutulog-tulagan lang ito kaya kinakausap niya pa rin ito.         “Namiss na kita Gemma. Namimiss ko ang pangungulit mo lalo na kapag wala akong kibo asking if there is anything bothering me and if you can do anything about it. Gusto ko sanang ako ang mangulit sayo ngayon at tanungin ka kung ano ang maitutulong ko pero ayaw mo akong kausapin. Nahihirapan ako kapag nakikita kitang nagkakaganyan kaya sana lang kausapin mo na ako at ibalik na natin ang dating saya sa bahay na ito. Siguro kung nakikita ka ngayon ni Lola Stella masasaktan siya dahil ayaw niyang nalulungkot ka. Kung may pinagdaanan ka nandito lang ako handa akong makinig.” Pagkakausap niya dito at habang sinasabi ang mga yon hindi niya mapigilang maiyak. Nag-aalala siya sa sinabi kanina ni Loida na baka may natuklasan na naman ito sa kanya. Humahanap lang siya ng tiyempo para sabihin dito ang tungkol sa anak niya kaya lang natatakot siyang hindi nito matanggap ang nakaraan niya lalo pa at kamamatay lang ng abuela nito at dumaranas ito ng depression. Takot siyang magalit ito ng lubusan sa kanya dahil hindi niya kakayanin at ikamamatay niya kapag iniwan siya nito. Mahigit tatlong buwan na silang hiwalay ni Lucy kaya anumang oras pwede niyang ipakilala ang anak sa asawa. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Lucy, nang una nagbanta pa itong sisirain ang buhay niya at iyon ang ikinatatakot niya ngayon. Natatakot siyang baka naunahan na siya ni Lucy magtapat tungkol kay Mike.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD