CHAPTER NINE

2598 Words
                                                      Alam niyang nagtataka sa ikinikilos niya ang asawa pero ang lahat nang yon ay sinasadya niya. Gusto niyang maramdaman nito ang sakit na dulot nito kaya siya umiiwas. Ayaw niyang makipag-usap sa asawa kaya palagi siyang umaalis, baka kasi hindi siya makatiis at biglang niyang masabi ang mga dahilan kung bakit siya lumalayo. Ilang araw na rin siyang nakikipag usap sa lawyer para ayusing ang annulment nila at kahapon lang nabigay sa kanya ang papeles. Ang kailangan niya nalang ngayon ay papirmahan kay Liam ang naturang papeles para matuloy na ang proseso ng paghihiwalay nila. Mahirap sa kanya ang naging desisyon dahil hanggang ngayon mahal niya pa rin ang asawa pero hindi ibig sabihin magpapakatanga na siya. May anak ito sa ibang babae at ibang kaso yun. Kasalukuyan niyang binabasa ang binigay ng lawyer nang biglang sumulpot ito. Matalim ang mata nitong nakatingin sa kanya.  “Aalis ka na naman?” tanong nito sa kanya. Bihis na bihis kasi siya nang mga oras na iyon. “Marami akong gustong itanong sayo pero bakit ka umiiwas?” dagdag pa nito. Nararamdaman niya ang hinanakit sa tinig nito pero ang lahat ay nagbago na. Hinding-hindi na siya maniniwala sa mga sasabihin nito. Hindi na siya papadala sa paawa effect nito at lalong lalabanan niya ang damdamin para wag nang maniwala pa. Hindi siya sumagot sa tanong nito. Inabot niya nalang ang brown envelope na hawak.           “Ano ito?” nakaarko ang kilay na tanong nito. “Bakit hindi mo buksan at basahin.” pauyam niyang sagot. Pinagmamasdan niya ito habang binabasa ang papel na hawak nito. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito dahil sa galit. Bahagya ding naningkit ang mga mata nito.  “Annulment papers?” hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya.  “Pirma mo nalang ang kailangan para maprocess na nang lawyer ang paghihiwalay natin at pwede ka ng magdiwang after our this.” napapalunok niyang sagot.          “Hindi maaari ito! Anong kalokohan ito ha Gemma?” sigaw nito sa kanya na ikinagulat niya. Dumagungdong ang boses nito sa loob ng kwarto at tiyak rin na dinig hanggang sa labas ng bahay “Kahit hindi pa two years binibigay ko na ang kalayaan mo but dont worry dahil tutupad ako sa kasunduan. Tulad nang pinangako ko bibigyan kita ng pera!”matatag niyang sagot. Nagulat pa siya ng hinagis nito ang annulment papers sa sahig at inapak-apakan.  “May iba na ba at gusto mo nang makipaghiwalay sa akin?” tanong nito sa kanya pero hindi siya nagpakita ng takot kahit pa ngayon niya lang ito nakitang magalit.  “Siguro kasya na ang five million para mabuhay mo ng maayos ang anak mo?”pauyam niyang sagot. Nakita niya ang gimbal sa mukha nito. Napatitig ito sa kanya. Tila sinusukat kung ano ang alam niya na hindi nito alam. Naramdaman niyang kinabahan ito.          “Akala mo hindi ko alam na matagal mo na akong niloloko? Bakit Liam anong ginawa kong masama sayo para saktan mo ako ng ganito? Maiintindihan ko naman kung may anak ka pero dapat sinabi mo para hindi ko na pinilit ang sarili ko sayo! Napakaunfair mo! Minahal kita pero para sayo laro lang ang lahat. Pinagmukha mo akong tanga! Pinaniwala mo ako sa isang kasinungalingan!”hilam ang luhang sumbat niya dito. Hindi ito makapagsalita sa sinabi niya. “Kung hindi pa ako pinuntahan ng babae mo dito hindi ko malalaman ang lihim mo. Well, salamat nalang sa kanya dahil nagising na ako sa pagkakahimbing. Ngayon ko lang napatagtanto na hindi lahat ng mahal mo ay mahal ka dahil ang iba diyan handang magpakasal dahil lang sa pera at handang manakit ng tao dahil lang sa pera!” pauyam niya pang sumbat.  “Pinuntahan ka ni Lucy?” usig nito sa kanya na parang siya pa ang may kasalanan.         “Kung sino man siya wala akong pakialam. Ang importante sa akin ang katotohanan.” Galit niyang sagot.          “Napakababa naman ng tingin mo sa akin. Bakit duda ka ba sa pagmamahal ko? May naalala ka bang nanghingi ako ng pera sayo? Akala ko kilala mo na ako hindi pa pala dahil kayong mayayaman wala kayong ibang alam gawin kundi ang manghusga ng walang basihan.” galit nitong sagot.            “Sana nga naging mapanghusga ako para hindi na ako nagpakasal sayo! Bakit ano ang rason mo at nandito ka pa rin sa tabi ko ha? At sino ang batang yon? Diba anak mo siya?”                  “Kung sabihin ko ba na anak ko ang batang yon matatanggap mo ba ako? Diba hindi?”             “Pero dapat sinabi mo! Madali kong maintindihan ang bata Liam, pero ang ina ng bata hindi ko siya matatanggap kaya binibigay ko na ang kalayaan mo. Tapusin na natin ang kalokohang ito dahil iyon naman talaga ang hinihintay mo mula sa akin at pwede mo ng pakasalan ang babae mo!” turan niya pa bago ito tinalikuran pero hinablot siya nito paharap dito.            “Hindi ko pipirmahan ang mga papel na yan. At kahit kailan hindi ako pipirma ng mga yan. Mahal kita at sana maniwala ka. Wala na kami ni Lucy, matagal na at kaya ka siguro pinuntahan dito dahil galit siya sa akin pero sa bata patuloy ko pa rin siyang sinusuportahan. Hindi ko siya pwedeng talikuran.” paliwanag nito sa kanya pero sarado na ang isipan niya sa lahat ng sasabihin nito.          “Paano pa kita paniniwalaan kung ang lahat sayo ay kasinungalingan?” tanong niya.          “Naghahanap lang naman ako ng tiyempo. Sasabihin ko rin naman sayo ang tungkol kay Mike sa tamang panahon. Ayoko lang na masaktan ka kaya hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi!” pangungumbinsi pa nito sa kanya pero nag matigas siya.            “Nasaktan na ako at hindi mo mababago ang nangyari.”               “Mahal kita Gemma. I’m so sorry kung nasaktan kita.” pagsusumamo pa nito sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigit pero hindi siya gumanti ng yakap. Labis talaga siyang nasaktan sa natuklasan kaya siguro parang manhid na siya. Ilang araw na ring nasaid ang luha niya.           “Letting go doesnt mean na hindi kita mahal dahil alam mong mahal na mahal kita kaya ako nagkakaganito at kahit kailan I never stopped loving you dahil  ikaw lang ang lalaking minahal ko ng sobra kaya sana hayaan mo akong hanapin ko ang sarili ko at sana rin hanapin mo ang sarili mo habang wala ako. Tapos na tayo Liam.” pakiusap niya sa asawa.           “What do you mean?”           “Gusto ko munang mag-isa malayo sa lahat at malayo sayo.” umiiyak niyang pahayag.      “Kung gusto mong pirmahan ang annulment puntahan  mo lang dito at kung ayaw mong pirmahan ang annulment natin wala akong magagawa pero hindi ibig sabihin nito na asawa pa rin ang tingin ko sayo dahil hanggang ngayon hindi pa kita napapatawad.” Akala niya hindi na siya iiyak pero ito siya ngayon humahagulhol sa harapan nito habang nagpapaalam. Buo na ang desisyon niyang lumayo muna. Mahirap makalimot lalo na kapag ang taong yon ay nasa paligid lang. Gusto niyang makalayo mula sa sakit, mula sa nakaraan para hindi na siya mahirapang tanggapin na maghihiwalay sila.            “Hindi mo kailangan gawin ito. Kung gusto mo ako nalang ang aalis sa bahay na ito.” Pakiusap pa nito. Hawak pa rin nito ang mga kamay niya.            “Wala kang karapatan para pangunahan ako dahil for now on hindi na kita asawa.” matigas ang tinig na turan niya.          “Wag naman ganito Gemma. Alam mong mahal na mahal kita. Please wag mo akong iwan!” pagsusumamo nito sa kanya. Umiiyak na rin ito sa kanya habang yakap-yakap siya.          MAHIGIT isang buwan na siya sa Los Angeles pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat ng sakit na iniwan sa Pilipinas. Pakiramdam niya naiwan ang buhay niya sa Pilipinas dahil para siyang naglalakad na wala sa sarili. Walang araw na hindi niya naiisip ang asawa. Kung kumusta na ba ito? Kung kumakain ba ito sa oras at kung sino ang kasama nito? Nahihiya naman siyang magtanong kay Loida tungkol kay Liam baka mamaya makarating pa sa asawa niya na hinahanap niya ito. It’s hard to forget someone who gave you so much to remember. Kahit anong gawin niya ayaw mawala sa isip niya ang asawa. Hanggang ngayon walang nagbago mahal niya pa rin ito mahal na mahal. Labis na ang pangungulila niya sa asawa.      Gusto niya nang umuwi ng Pilipinas pero natatakot siya. Hindi pa siya handa. Hindi pa handa ang puso niya. Hindi pa siya handang malamang pinirmahan na ni Liam ang annulment nila at lalong hindi pa siya handang makita na ibang babae na ang kasama nito. Because of Liam she never afraid to fail, she don’t care kung nagmumukha na siyang tanga. She doesn’t care kung siya ang umaamo sa asawa at nagbibigay ng flowers. Words may lie, but actions will always tell the truth dahil parati niyang natatagpuan ang sariling hinihanap ang presensya ng asawa. Paulit-ulit niyang binabalik-balikan ang mga magagandang alaala nila noon at sa tingin niya sa alaala niya nalang makakasama si Liam.     Napangiti siya nang makita sa screen ng telepono ang pangalan ng kaibigan. Tamang-tama ang tawag nito dahil tinatalo siya ng lungkot. Kailangan niya ng makakausap.        “Best, kailangan mong umuwi.” Bungad sa kanya ng kaibigan. Hindi pa nga siya nakakapaghello iyon agad ang bumungad sa kanya. Kumabog ang dibdib niya, si Liam agad ang pumasok sa isip niya. Hindi niya man ito kaharap ngayon alam niyang natataranta ito dahil sa panginginig ng boses nito.         “Bakit?” pasigaw niyang sagot.         “B-est si Liam.” Umiiyak nitong sumbong sa kanya. Napaupo siya sa kama nang marinig ang pangalan ng asawa. Pakiramdam niya may masamang nangyari sa asawa. Hindi naman sana. Nahiling niya.          “Nasa intensive care unit ngayon si Liam! Kailangan mong umuwi baka hindi mo na siya maabutan.” Sabi pa nito sa kabilang linya.  Hindi niya na sinagot ang kaibigan. Sa tono kasi ng boses nito parang kritikal ang lagay ng asawa. Napahagulhol nalang siya sa takot na baka mawala ang asawa na hindi man lang sila nag-uusap. Agad siyang nag-impake at nilisan ang bahay niya sa L.A mabuti na nga lang at nakakuha agad siya ng plane ticket to Philippines kaya ilang oras lang ang hinintay niya at nakalipad din siya agad.       Agad siyang dumeritso sa St.luke hospital sa Manila dahil ayon kay Loida sa Manila daw ito naaksidente, bumangga daw ang sasakyan nito sa ten wheeler truck. Kiladkad ito ng truck at ayon sa mga nakakita ang sasakyan daw ni Liam ang nagpagiwang-giwang bago bumangga sa naturang truck kaya ito nakaladkad, nawalan daw ng preno ang sasakyan nito.         “Kumusta siya?” agad niyang tanong kay Loida. Umiiyak siyang niyakap ng kaibigan. Nasa icu pa rin ang asawa.         “Unconcious pa rin siya ayon sa doctor. Maraming nawalang dugo sa kanya kaya sinalinan siya dugo. Ilang parte ng buto niya ay nabali.” Kwento nito sa kanya. Napahagulhol nalang siya sa nalaman. Pinagmasdan niya ang asawa sa loob ng icu. Kung anu-anong aparato ang nakakabit dito at maging ang paa nito ay nakabenda. Awang-awa siya sa asawa.        “Gemma?” tawag sa kanya nang ina ni Liam. Hindi niya namalayan ang pagdating nito. Kasama nito ang ama ni Liam. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala sa anak.       “Nay?” tanging sambit niya bago niya ito niyakap ng mahigpit. Gumanti naman ito ng yakap sa kanya. Kapwa sila nagkaiyakan.      “Kailan ka pa dumating?” tanong ng ama ni Liam sa kanya.      “Kanina lang Tay.”sumisinghot-singhot niyang sagot.     “Dapat nagpahinga kana muna bago ka pumunta dito. Ang layo din ng pinanggalingan mo.” Nag-aalala nitong turan sa kanya.   “Hindi rin po ako makakatulog hangga’t hindi ko malalaman kung kumusta na ang lagay ni Liam.” Sagot niya. “Nay,Tay im sorry po sa nangyari sa amin ni Liam.” turan niyang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng mga ito. Hiyang hiya siya sa mga ito.         “Wala kang dapat na ihingi ng tawad dahil kami nga itong may atraso sayo. Ipinagtapat sa amin ni Liam ang lahat na hindi siya bakla at kaya niya sinabi yon dahil ayaw niyang makasal at dahil rin may anak na siya sa ibang babae. Masaya na kami dahil nandito ka na para sa anak namin. Alam kong gagaling siya dahil nandito na ang babaing palaging hinahanap niya. Ang babaing mahal na mahal niya.” Pahayag ng ama nito kaya napatingin siya sa mukha nang ama ni Liam.      “Po?”nakamaang niyang tanong.      “Tama ang narinig mo Gemma. Mahal na mahal ka ni Liam. Bago siya naaksidente sinabi niya sa amin na susundan ka niya sa Los Angeles at hindi niya kayang mawala ka sa kanya. Ikaw ang palaging bukang-bibig nang anak namin kaya sana bigyan mo siya ng chance para bumawi.” Sabat ng ina ni Liam bago ginagap ang kamay niya.      Sasagot pa sana siya nang biglang lumabas ang doctor galing sa icu. Agad nila itong sinalubong.       “Kumusta ang asawa ko Doc?” umiiyak niyang tanong. Panay naman ang hagod ni Loida sa likod niya.       “Tatapatin ko na kayo Misis, hindi mabuti ang lagay ng asawa mo. Comatose siya ngayon at kung hindi siya magising within twenty four hours maaari siyang mamatay lalo pa at may namuong dugo sa utak niya. Sa ngayon inoobserbahan namin siya.” Paliwanag ng doctor sa kanila.        “Doc, parang awa niyo na pagalingin niyo ang asawa ko. Magbabayad po ako kahit magkano.” Pakiusap niya dito.         “Nauunawaan ko kayo Misis. Ginagawa namin ang lahat nang makakaya namin dahil iyon ang trabaho namin pero ang Diyos ang may hawak ng buhay natin. Siya lang ang tanging makakapagpagaling sa asawa mo. Magtiwala lang tayong gagaling ang asawa mo.” Pahayag nito sa kanila.         “Salamat po Doc.” Hilam ang luhang sagot niya.        Sa daming dagok na nangyari sa buhay niya nakakalimutan niya ng magdasal. Pakiramdam niya kasi lahat ng mahal niya kinukuha sa kanya. Una ang Lola niya, sumunod natuklasan niya ang panloloko ng asawa tapos ngayon manganganib na mawala ito ng tuluyan sa kanya.                 Natagpuan niya ang sariling nakaluhod sa harapan nang Diyos at humihingi ng tulong “Lord, ngayon lang po ako muling hihiling sayo. Mahal na mahal ko po si Liam kahit na sinaktan niya ako. Sana po bigyan mo kami ng pagkakataon para muling magkasama. Hindi ko po kayang mawala siya sa akin. Ikamamatay ko po kapag nawala siya. Hayaan niyo pong bumuo kami ng pamilya.” umiiyak niyang dasal.                        “Gagaling si Liam Best, magtiwala ka lang.” turan sa kanya ni Loida, kasama niya itong nagdadasal sa kapilya.           “Mahal ko pa rin siya Best. Mahal na mahal, hindi ako mabubuhay kung mawawala siya.” Umiiyak niyang pahayag sa kaibigan.           “Tahan na, kanina ka pa umiiyak at hindi ka pa rin kumakain baka ikaw naman ang magkasakit niyan.”          “Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako mamamatay kapag hindi ako kumain pero si Liam nakikipaglaban siya sa kamatayan. Masyado pang maliit ang anak niya para maulila.”          “Tanggap mo na ang anak ni Liam sa ibang babae?” tanong sa kanya ni Loida.          “Tanggap ko naman siya noon pa man at kahit minsan hindi ako nagalit sa bata. Wala siyang kasalanan sa lahat ng ito.” Sagot niya. Kahit minsan hindi siya nagalit sa anak ni Liam. Tulad nga ng sinabi niya sa kaibigan hindi dapat madamay ang bata. Handa niyang kalimutan ang lahat mabuhay lang ang asawa niya.                                                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD