CHAPTER TEN

2694 Words
                                                          Hilam ang luha niya habang pinagmamasdan ang kalagayan ng asawa. May tubo ito sa bibig at may gasgas din ang gwapo nitong mukha. Mabuti nalang at pinayagan siya ng doctor na pumasok sa loob ng icu. Pinasuot siya nang laboratory gown at mask bago pinayagang pumasok. Dahan-dahan siyang kumuha ng upuan at nilagay sa gilid ng hospital bed nito.        “Baby, naririnig mo ba ako?” garalgal ang boses na turan niya. “Alam mo ba kung bakit ako nandito? Nandito ako dahil naiwan sa Pilipinas ang puso ko. Nandito ako sa tabi mo para maging asawa mo ulit. Please gumising ka na, lumaban ka para sa akin. Mahal na mahal kita my baby. I’m not afraid to risk my love again mabuhay kalang. Diba sabi mo magpapakasal pa tayo? Maghihintay ako.” umiiyak niyang turan habang hinahaplos ang mukha nito. Gustong-gusto niya itong yakapin pero hindi niya magawa. Napapitlag siya nang biglang gumalaw ang kanang daliri nito.          “Liam, ako ito si Gemma.” nataranta niyang sambit. Hawak-hawak niya ang kamay nitong gumagalaw. Maya’t-maya pa ay dumilat na ito kaya agad niyang tinawag ang doctor.        Hindi makapaniwala ang mga doctor sa pag-gising ni Liam. Akala kasi nang mga ito tulayan ng mamamatay ang asawa dahil sa natamo nitong pinsala sa aksidente pero nagkamali ang mga ito.            Agad niyang tinawagan ang pamilya ni Liam, maya’t maya pa ay dumating na ang mga ito. Bakas sa mga mukha nito ang saya. Agad niyang i-kwinento kung paano nagising si Liam.       “Power of love ang tawag diyan.” Natatawang turan ni Loida nang marinig ang kwento niya.        “Tama ka diyan iha, tiyak kong narinig ni Liam ang lahat ng sinabi mo kaya nilabanan niya ang nangyari sa kanya. Gumising siya dahil sayo Gemma.” Umiiyak na pahayag ng ina ni Liam dahil sa tuwa. Nag-kaiyakan sila sa labis na tuwa nang biglang may umagaw sa atensiyon niya. Ang ina nang anak ni Liam na dating sumugod sa bahay niya. Agad niya itong hinarangan dahil tutuloy sana ito sa silid ng asawa.         “Anong ginagawa mo dito?” mataray niyang tanong sa babaing nag-ngangalang Lucy. Nagulat pa ang mga kasama niya sa ginawa niya. Nakatingin lang ang mga ito sa kanila.         “Nandito ka na pala?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.         “Eh ikaw anong ginagawa mo dito?” mataray niya ring sagot. Handa siyang makipagbuno dito para kay Liam. Hindi niya ito uurungan.          “Dinadalaw ko ang ama ng anak ko.”nakataas ang kilay nitong sagot sa kanya.         “Ang kapal din naman ng mukha mong pumunta dito no? Sa tingin mo ba papayagan kitang puntahan si Liam? Ang anak niya may karapatan pero ikaw wala kang karapatan dahil hiwalay na kayo!” malakas ang boses na sagot niya.                “Anong karapatan mong pigilan ako?” hamon nito sa kanya.    “Hindi mo ba alam na ang kaharap mo ngayon ay asawa ni Liam? At kung ayaw mong kaladkarin kita palabas umalis ka ngayon din!” madiing niyang turan. Napansin niya ang biglang pagbago ng mukha nito. Tila naduwag ito sa nakitang galit sa mukha niya.    “Pagkatapos mo siyang iwan, ngayon nagpapakabuti kang asawa? Pathetic.” Sabat nito.   “Kung noon hindi kita pinatulan at hinayaan kong masira mo ang pagsasama namin hinding-hindi na yon mangyayari ngayon dahil kahit kuko ng asawa ko hindi mo pwedeng hawakan or else ulo mo ang tatanggalin ko. Mamili ka?” nanlalaki ang mga mata niyang sagot. Nagulat pa siya at bigla itong tumalikod palayo sa kanya. Lihim siyang napangiti. Duwag din pala ito.         “Bravo!!!”sigaw ni Loida bago pumalakpak nang ubod ng lakas. Maging ang mga magulang ni Liam ay nakigaya na rin sa kaibigan niya. “Grabe ka best, natulala kami sayo. As in umurong ang dila namin. Akala ko pa naman kailangan mo ng resbak. Maghahanda na sana ako ng pamalo.” Natatawang dagdag nito.         “Ngayon ko lang nalaman na may pagkaamazona ka pala. Napatakbo sa takot ang Lucy na yon dahil sayo at sa wakas nakahanap na rin siya ng katapat. Palagi nga yan pumupunta sa bahay at hinahanap si Liam at kahit anong paalis ko bumabalik pa rin tulad ng pusa. Mabuti nalang at pinatulan mo!” Sabat ng ina ni Liam. Napailing nalang siya sa mga ito. Hindi niya rin lubos maisip na magagawa niya ang magsalita ng ganun basta ang alam niya masaya siya dahil naipaglaban niya ang asawa na dapat sa noon niya pa ginawa.          Nasa recovery room na si Liam pero hindi niya pa ito napupuntahan. Bigla yata siyang naduwag. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.      “Hoy! puntahan mo na ang asawa mo at kanina ka pa hinihintay non! Mahaba na ang leeg ng asawa mo kakatanaw sa labas ng pinto. Nang hindi siya gising panay ang daldal mo sa kanya ngayong gising na ang asawa mo para kang namatanda diyan, pumasok ka!” Singhal sa kanya ng kaibigan. Nasa labas lang kasi siya ng silid nito. “Matagal pa ang new year!” biro pa ng kaibigan.      “Natatakot kasi ako at syempre iniisip ko kung ano ba ang dapat kong sabihin. Mahal niya pa kaya ako pagkatapos ko siyang iwan?” Sagot niya dito sabay ingos.        “Wag ka ng mag-isip pa dahil tiyak kong makakalimutan mo naman kapag kaharap mo na siya, Ikaw pa! Kulang nalang maglupasay ka kapag nakikita mo si Liam.” Tukso pa nito. Kahit ayaw niya pang pumasok sa silid ng asawa wala rin siyang nagawa dahil tinulak siya ni Loida papasok ng silid. Agad na nagtagpo ang mga mata nila ni Liam. Tila nakaabang ito sa pagdating niya. Pakiramdam niya natutunaw siya sa mga titig nito. Pinagmasdan siya nito.       “Kumusta kana?” atubili niyang tanong.       “Mabuti na. Nagagalaw ko na ang katawan ko at medyo nawawala na ang mga sakit.” mahina nitong sagot.       “Mabuti naman.” pilit ang ngiti niyang sagot.           Ginagap nito ang kamay niya at hinila siya palapit. Natatakot siya baka madaganan niya ang sugat nito pero wala siyang nagawa nang yakapin siya nito ng mahigpit. Naramdaman niya ang impit na pag-iyak nito kaya hindi niya na rin pinigilang ang luhang kanina pa gustong kumawala. Gumanti siya ng yakap dito pero hindi niya hinigpitan dahil baka matamaan niya ang sugat nitong hindi pa magaling.       “Mahal na mahal kita my baby!” bulong nito sa kanya.       “Mahal na mahal din kita Liam. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sayo.” pag-amin niya dito. Kung nasaktan man kita dahil sa mga sinabi ko noon sana mapatawad mo ako. Hindi ko lang kasi matanggap na niloko mo ako.” paliwanag niya dito.       “Wala kang kasalanan dahil ang lahat na nangyari ay kasalanan ko. Kung hindi ako nagsinungaling hindi sana tayo nagkakalayo at lalong hindi ka namumuhi sa akin. Dalawang buwan kong hinintay ang pagbabalik mo. Bawat araw na nagdaan ikaw ang parating laman ng isip at puso ko. Pakiramdam ko nga minsan nababaliw na ako sa kakaisip sayo. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Isang oras ka pa nga lang nawawala hindi na ako mapalagay. Buwan pa kaya?” kwento nito sa kanya.         “Noong nasa Los Angeles ako walang araw na hindi kita iniisip. Ikaw lang ang tanging taong mahalaga sa buhay ko ngayon. Siguro natatakot lang akong magtiwala muli pero ngayon handa na akong tanggapin ang lahat.   I don’t care about your past. Mamahalin ko ang mahal. Handa kong tanggapin ang anak mo sa buhay ko. Sobra kita mahal Liam. Kung alam mo lang kung ilang beses akong nagsisi sa desisyon kong hiwalayan ka. Pakiramdam ko ang tanga ko dahil sinuko kita. Hindi ko kayang mawala ka sa akin.”        “Hindi ko anak si Mike.” mahinang sagot ni Liam sa kanya na ipinagtaka niya.       “Diba sabi mo anak mo siya? Paanong nangyar-       “Noon pa man may hinala na akong hindi ko anak si Mike pero naniwala ako sa kanya na ako ang ama ng anak niya hanggangsa mahuli ko si Lucy na may kasamang lalaki sa bahay. Doon na ako higit na nagduda kaya kumuha ako ng DNA sample at negative ang naging resulta. Hindi ko anak si Mike.” malungkot nitong pahayag nito sa kanya.          “Im sorry to hear that.” Sagot niya. Nabasa niya sa mga mata ni ang lungkot.          “It's okay, my baby. What's important now is you. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayong nandito ka.” turan pa nito.          “Kaya magpagaling ka na diyan dahil gusto na kitang mayakap ng matagal.” Nakangiti niyang turan.           “Pwede mo naman ako yakapin ah?”          “Ayoko! Baka mamaya matamaan ko pa ang sugat mo.” Sagot niya sabay ingos.                     “Titiisin ko kahit masakit. Yakapin mo lang ako. Gusto ko kasing maramdaman ang mga yakap mo.” Hiling pa nito sa kanya.          “Ayoko pa rin!” tanggi niya.          “Kung matitiis mo ako. Maiba ako bakit parang mataba ka yata ngayon?” pansin nito sa kanya. Sinipat pa nito ng maigi ang katawan niya. Actually hindi lang ito ang nakapansin sa pagtaba niya kundi maging si Loida. Iyon agad ang sinabi sa kanya ng kaibigan ng magkita sila.        Napahalukipkip siya sa sinabi nito. “Kapag kasi naiisip kita pagkain nalang ang nilalantakan ko para mawala ang stress ko. Bakit hindi mo na ba ako gusto kung mataba na ako?” ismid niyang tanong.          “Para sa akin you will be the most beautiful, the most elegant and most charming woman in this world kahit magmukha ka pang balyena mamahalin pa rin kita. Mas maganda ka nga ngayon eh. Hindi kana payatot hindi tulad dati. Masarap ka ng yakapin.” sabay kindat nito sa kanya.      “Bolero! Makabalyena ka wagas.Kumusta ka pala ng mawala ako?” usisa niya.      “Naging miserable ang buhay ko nang mawala ka. Akala ko sumuko ka nang mahalin ako dahil mag-dadalawang buwan na hindi ka pa rin umuuwi. Kapag tinatanong ko naman si Loida hindi mo daw ako tinatanong sa kanya. Sana noon pa ako naaksidente para noon pa kita nakasama.” malungkot nitong pahayag.                     “Masamang biro yan!” inis niyang sagot. “Kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala nang makita kitang comatose, kulang na nga lang mag-makaawa ako sa doctor para lang pagalingin ka. Sobra akong natakot.” Kwento niya dito.            “Sorry kong nag-alala ka. Alam mo bang narinig ko lahat ang sinabi noong nakacoma ako? And i think iyon ang dahilan kung bakit ako nagising dahil may dahilan pa para muli akong manatili sa mundo at ikaw ang dahilan na yon.” Sambit nito. Muli siya nitong niyakap ng mahigpit. AFTER TWO WEEKS           Tuluyan nang nakalabas ng hospital si Liam. Hindi naman naapektuhan ang paglalakad nito dahil sa nangyari kaya maayos na itong nakakagalaw mag-isa. Ito na nga ang nagmaneho nang sasakyan. May handaan nang makauwi sila sa mansiyon. Malalapit na kaibigan at pamilya lang ang tanging mga panauhin nila. Munting salo-salo sa pagkakaligtas ni Liam at sa muling kabanata ng buhay nila.           “Bakit?” tanong sa kanya ni Liam nang biglang siyang napaupo. Bigla kasing nagdilim ang paningin niya.       “Sumama lang ang pakiramdam ko dahil siguro sa pagod at mahabang biyahe.” Sagot niya. Inalalayan siya nito papunta sa silid nila. Mabuti nalang at nakaalis na ang mga bisita. “Wag kang mag-alala okay lang ako.” Awat niya sa asawa nang makitang natataranta ito.                      “Bukas na bukas din pupunta tayo sa doctor.” turan nito.           “Hindi na kailangan.” Pigil niya.           “Pero bakit? Pagbigyan mo na ako dahil hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko malalaman ang dahilan.” Masuyo nitong pakiusap sa kanya.          “Galing na ako sa doctor.”turan niya para matigil ito.          “Ha?Anong sabi?”           “Ako din naman hindi mapalagay dahil ilang araw na rin akong ganito at ayon nga sa doctor three months pregnant daw ako. Iyon ang dahilan kung bakit nagiging matakaw ako at tumataba.” Nakangiti niyang kwento sa asawa. Natulala ito sa harapan niya kaya kinurot niya nag pisngi nito.           “Hoy!”sabay tapik niya ditto.           “Tatay na ako?” bulalas nito.           “Bakit ayaw mo?” tanong niya. Nagulat pa siya ng bigla itong tumalon-talon kaya inawat niya ito. Nagsisigaw ito sa tuwa kaya naman sunod-sunod na katok ang sumalubong sa kanila. Si Loida at ang mga magulang ni Liam ang kumakatok. Nagtatanong ang mga mata ng mga ito sa kanilang mag-asawa.                     “Anong nangyayari? Sabay-sabay na tanong ng mga ito.          “Three months pregnant si Gemma!” sigaw ni Liam sa mga ito kaya naman pati ang mga ito ay nakitalon sa asawa. “Daddy na ako!”        “Congratulations best!” bati sa kanya ni Loida.         “Sa wakas magkakaroon na rin ako ng tunay na apo.” Turan ng ina ni Liam.         “Sigurado akong napakagandang bata ang magiging anak ninyo.” nakangiting pahayag ng ama ni Liam. Sa mansiyon niya na pinatira ang mga ito para may makasama silang mag-asawa total napakalaki naman ng bahay. AFTER ONE YEAR        “So many times I thought I would never find someone who will love me the way I needed to be loved. Then you came into my life and showed me what true love really is. I love you for what you are, but for what I am when im with you. I promise to love you for eternity.” Turan ni Liam sa kanya. They renewed their vows after she gave birth.          “From the moment I first saw you I knew you were the one with whom I wanted to share my life.  Your cute smile and your laughter attracts me, but your love is the reason why I want to spend the rest of my life with you. Your love has changed me so very much. I want to be your wife again Liam.” Madamdamin niyang bigkas. Kung pwede lang araw-araw siyang magpakasal       sa lalaking ito hindi siya tatanggi sayang lang at hindi na nasaksihan ng Lola niya ang renewal of their vows.      Agad na inabot sa kanya ni Loida ang anak nilang si Sapphire pagkatapos ang seremonya ng kasal nila. Ano pa nga ba ang mahihiling niya? Buo na ang pamilya niya with a loving husband and beautiful daughter. Nakikita niya ang sariling tatanda kasama ang mga ito.       “Sa wakas mangyayari na ang honeymoon natin.” pilya niyang turan sa asawa nang minsan mapagsolo sila sa kwarto. Kapwa sila pagod sa maghapong pag-aasikaso sa mga bisita, mabuti nalang at maagang natulog si Sapphire kaya makakapagpahinga na siya.       “Oo nga. Kung alam mo lang kung gaano ako nagtimpi noong unang kasal natin kulang magbabad ako sa freezer para maalis ang init ng katawan ko lalo na at napakalaking tukso mo.” pilyo nitong sagot sa kanya habang tinutudyo ng halik ang leeg niya.    “Ang arte mo kaya noon. Ayaw mo ngang magpayakap eh. Napakahard to get mo! Tapos ngayon para kang linta kung makadikit sa akin!” nakaisimid niyang sagot.       “Syempre, kailangan kong panindigan na bakla ako kaya todo iwas ako.”       “At naalala ko pa, unang kasal natin inaaway mo ako!” paalala niya pa.       “Past is past baby.  Dahil ngayon ang oras na dapat tayong bumawi para masundan na natin si Sapphire.”pilyong ngiti nito.        “Four months palang si Baby susundun mo na agad? Gusto mong malosyang ako?” nanlalaki ang mata na tanong niya.             “Ako ang mag-aalaga sa kanila.”      “Ikaw nalang kaya ang manganak.”      “I want more babies para naman sumaya itong mansiyon. Mamaya mag-mukha na itong haunted house.” Napapabungisngis nitong sagot. Humilig siya sa balikat nito bago yumakap ng mahigpit.         “Naniniwala ka ba sa forever baby?” tanong niya dito.         “Totoo ang forever dahil ikaw ang kasama ko.” bulong ni Liam sa kanya.         “Ako ikaw ang forever ko!” turan niya pa.         “I love you.” Bulong sa kanya ni Liam bago siya hinagkan sa labi.        “And I love you forever.” nakangiti niyang sagot.                                                                   END  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD