Bigla niyang pinahinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. At napatingin sa kawalan kasabay ng pag-agos ng kaniyang mga luha. "Mula noon hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit. Sinisisi ko ang aking sarili kung hindi sana ako nagbanyo noon ay hindi sana nawala ang aking kapatid. Wala sana si Mommy sa mental hospital ngayon. Hindi sana nakapag-asawa si Dad, nang iba." "Huwag mong sisihin ang sarili mo, sir. Hindi mo naman ginusto iyon 'di ba?" "Of course not," tugon nito, sabay tingin sa dalaga. Hindi naman mapigilan ni Monica, ang kaniyang awa sa kaniyang boss. Lalo na at nakita niya ang mga luha. "Hindi ba ninyo siya hinahanap ng Daddy mo?" "Hinahanap naman, pero after madala si Mommy, sa mental hospital ay nakatanggap si