Episode 1- MARELLE'S BORN
SA SIMULA ay masaya ang pagsasama nang mag-asawang PILOTOS, sa katunayan ay nakabuo sila ng isang anak na lalaki si ALVIN ANGELO.
Sa kalaunan ng kanilang pagsasama ay unti-unting lumabas ang tunay na ugali ni JUAQUIN PILOTOS. Lumabas ang pagiging sugarol, lasinggero nito at sa tuwing umuuwi ito ay madalas niyang binubugbog ang may bahay na si MARCILA PILOTOS.
"Tama na Juaquin! Nasasaktan ako, maawa ka na sa akin!" Paki-usap ni Marcila, at nakaluhod ito habang nagmamakaawa.
"Sa susunod! Hindi lang bugbog ang aabutin mo sa akin!"
"Ano bang nangyari sa iyo? Ano ba ang kasalanan ko? Bakit lagi na lang ganito?! Pagod na pagod na ako sa pinaggagawa mo sa akin!"
"Pagod ka na? Oh, 'di lumayas ka at isama mo 'yang anak mo!"
Hindi na muling nagsalita si Marcila, pumasok ito sa kuwarto ng kaniyang anak at iniligpit ang mga gamit nito.
"Mommy, iiwan ba natin si, Daddy?" tanong ng tatlong taong gulang na batang lalaki.
"Oo anak, dahil hindi ko na matitiis ang mga pinaggagawa ng daddy mo at nakikita mo iyan."
"Pero, Mommy, paano na si daddy? Mag-isa na lang siya dito?
"Anong gusto mo, anak? Mamatay si Mommy, dahil laging sinasaktan ni, Daddy?"
"Ayaw po."
"Pwes, aalis tayo. Kapag mabait na si Daddy mo ay uuwi tayo dito. Okay ba iyon sa iyo?"
"Opo!"
Tuluyang nilisan ni Marcila, ang bahay tanging maikling sulat ang kaniyang iniwan sa lamesa. Nakasaad doon ang pakikipaghiwalay niya sa asawa. Umuwi siya sa kanilang probinsiya at tumuloy sa kaniyang mga magulang.
LUMIPAS ang isang taon at nasa apat na taong gulang na si Alvin Angelo, ngunit hindi man lang sila sinundan ng kaniyang ama. Nawalan na rin ng pag-asa si Marcila, na muli silang magkabalikan ng kaniyang asawa. Kaya unti-unti na rin niya itong kinalimutan.
Nakilala ni Marcila, ang isang binata at mayamang lalaki at ito ay nagkagusto sa kaniya. Niligawan siya ng paulit-ulit at paulit-ulit rin niya itong inaayawan.
Subalit hindi pa rin ito tumitigil at panay ang panunuyo sa kaniya. Hanggang sa nahulog na rin ang kaniyang loob at palihim ang kanilang pagkikita.
Nagbunga ang pagmamahalan na iyon nabuntis si Marcila. Hindi naman siya tinatakasan ng lalaki at handa nitong pananagutan ang mag-ina.
Pagkalipas ng tatlong buwan ay biglang sumulpot si Juaquin, sa probinsya. Upang sunduin silang mag-ina at nakaramdam ng sobrang takot si Marcila, dahil baka ilayo sa kaniya si Alvin Angelo.
"Ayaw ko ng sumama sa iyo, Juaquin, hayaan mo na kami ng anak ko."
"Bigyan mo ako ng isang pagkakataon, Marcila, upang makabawi ako sa aking pagkukulang. Nagbabago na ako at inaayos ko na ang aking buhay."
"Hindi na puwede, Juaquin, dahil buntis ako ngayon. Hayaan mo na lang ako, kami ng anak ko.
Bahagyang tumahimik ang lalaki at nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi siya papayag na mapunta sa iba ng kaniyang asawa.
"Marcila, tatanggapin ko ang anak mo sa iba at handa akong panagutan ang bata basta bumalik ka lang sa akin."
"Hindi na kailangan dahil panagutan naman ako ng ama nito."
"Mamili ka Marcila, babalik ka sa akin or kukunin ko ang anak natin at ipapakulong ko kayo ng kabit mo?!" Pabulong niyang pagbabanta. Upang hindi ito marinig ng kaniyang mga biyenan.
WALANG nagawa si Marcila, at napilitan itong bumalik sa asawa. Sapagkat ayaw niyang mawalay sa panganay na anak at ayaw rin niyang makulong ang ama ng kaniyang dinadala.
Muli silang bumalik sa Maynila at nakita naman niya ang pagbabago ni Juaquin. Tulad na ito ng dati at kahit papaano ay inaalagaan naman siya. Ngunit kahit ganoon pa ang ipinakita ng kaniyang asawa ay tuluyan na talagang nawala ang kanyang pagmamahal sa lalaki. Tiniis na lamang niya ang lahat alang-alang sa kanilang anak.
Dumating ang buwanan ni Marcila, at nagsilang siya nang napakagandang batang babae. Nang makita ito Juaquin, ay galit agad ang kaniyang naramdaman sa sanggol. Sapagkat ay kamukhang-kamukha ito ng kaniyang ama. Bigla itong lumabas ng kuwarto at iniwan siyang mag-isa.
Kinabukasan ng umaga ay dumating ang asawa, at agad humalik sa kaniya.
"Kailangan pabinyagan agad natin ang bata," aniya sa mahinahong boses.
"Juaquin, okay lang ba kung apelyido ng kaniyang tunay na ama ang dadalhin niya?"
"Kung iyan ang gusto mo wala akong magagawa."
"Salamat. MARELLE DELA BUINTE ang pangalan ng anak ko."
"Maganda bagay sa kaniya," anito.
Sumapit ang araw ng binyag at papunta na sila ng simbahan. Kasalukuyan silang nasa daan nang biglang huminto ang kanilang sasakyan.
"Juaquin, anong nangyari?" Marcila asked.
"Sira yata ang makina bigla na lang tumigil. Sandali aayusin ko lang."
"Bilisan mo, ha. Mahuhuli na tayo sa simbahan."
"Mommy, na popo ako," reklamo ni Alvin Angelo.
"Naku! Halika anak, hanap tayo ng banyo."
Okay po, Mommy."
"Juaquin, paki-tingnan mo muna si baby Marelle, na popo kasi si Alvin.
"Okay sige, bilisan ninyo at malapit na ito."
"Opo, Daddy!"
At maya-maya pa ay may isang babaeng lumapit sa nakaparadang kotse at lihim na kinukuha ang sanggol at nagmadali itong umalis.
Nakabalik na lang ang mag-ina ngunit hindi pa tapos ang asawa."
"MARELLE?! Juaquin, nasaan ang anak ko?"
Nagulat si Juaquin at dali-daling lumapit sa back seat at sinilip ang lagayan ng bata.
"Juaquin! Ang anak ko nasaan?!" Nagsimulang umiyak si Marcila.
"H-hindi ko alam!"
"Anong hindi mo alam?! Binilin ko sa iyo ang bata!"
"Alam mo namang may ginagawa ako dito hindi ba?"
"Sana sinabi mo! Para dinala ko na lang!" Humagulgol na si Marcila, at sobra ang pag-alala.
"So... ako ang sinisisi mo ganoon?!"
"Sino pa nga ba Juaquin?! Sino?!" bulyaw niya sa asawa.
"Huwag mo akong sigawan! Makatikim ka sa akin!"
Daddy, huwag na kayong mag-away... " pakiusap ng bata at umiiyak na rin ito.
Tumawag si Marcila ng pulis at agad niyang ini-report ang pagkawala ng kaniyang anak.
"Umuwi na lang muna tayo at sa bahay na natin hintayin ang balita." Juaquin said.
"Umuwi ka kung gusto mo! Pero dito lang ako at hihintayin ko ang mga pulis."
Halos sasabog na ang puso ni Marcila, sa sobrang pag-alala niya sa kanyang anak. Dumating ang mga pulis at agad itong nag-usisa.
"Sir, please, gawin ninyo ang lahat para mahanap ang aking anak. Baka may mga cctv dito sa paligid please, tingnan ninyo."
"Sige po, gagawa kami ng masusing imbestigasyon. Sa ngayon ay umuwi na lang muna kayo," turan ng pulis.
"Sir, paki-usap gawin ninyo ang lahat para maibalik ang aming anak."
"Huwag kayong mag-alala at gagawin namin iyan."
"Halika na, Marcila, doon na tayo maghintay sa bahay."
Tulala ang babae habang yakap ang kaniyang panganay na anak.