"I'm done!" anang binata, at pasalapak siyang umupo sa harap ng dalawa. "Okay lang po ba kayo, sir?" pag-aalalang tanong ni Monica, sapagkat pawis na pawis ang kaniyang boss. "Yeah... okay lang si boss," sagot ni Lorence, na may kasama pang ngisi. "Hindi ikaw ng kinakausap ko!" inis na tugon ni Monica, at siniko niya ang katabi. "Don't worry about me, Monica. I'm fine!" turan niya at ngumiti nang bonggang-bongga. "Oh—My—Goshhh... ang ngiti ni sir, nakakapang-akit," bulong ng isip ni Monica. Agad naman siyang inakbayan ni Lorence, na halatang napansin niya ang titig ni Monica, para sa kaniyang boss. "Hmmm... sir! Oras na po ng tulog ni Niq. Need niya kasing magpahinga ng maaga para tataba po siya ng konting." Biglang napalingon si Monica, kay Lorence. Ngunit ngumiti lang ito