"Ay! Hindi sa ganoon, sir. Siympre boss kayo tapos sasabay ka sa amin." "Something wrong with that?" "No! No!" tarantang tugon niya. "It's okay, maybe next-time ay sasabayan mo na ako. Don't be late okay? Dahil aalis tayo mamaya." "Aalis? Saan po tayo, sir?" kinabahan niyang tanong. "Diyan lang sa tabi-tabi. Don't worry dahil may sasahurin ka pa rin," nakangiti nitong sabi. "O— Okay... bye, sir. See you later!" Pahabol ni Monica at papalabas na ito ng pinto. Bahagyang napangiti si Alvin Angelo, dahil sa pangungulit niya sa dalaga. At pansin niya rito na maprinsipyo si Monica, at hindi basta-bastang mapapayag agad. "Bakit ang tagal mo?!" nakasimangot na tanong ni Lorence, sabay tingin sa kaniyang relo. "Asus! May patingin-tingin sa relo ka pang nalalaman. Bakit? Umaandar ba '