Chapter 3

2604 Words
HINDI ako mapakali na palakad-lakad dito sa loob ng silid ni Noel. Hindi ko naman alam kung saan nagtungo si Noel pagkalabas niya ng silid. Nahihiya rin akong magpakalat-kalat mag-isa sa labas lalo na't hindi ako pamilyar dito sa mansion. Napabuga ako ng hangin na napahaplos sa umbok ng tyan ko. Naiintindihan ko namang hindi ako matandaan ni Noel kaya gano'n ito kasungit sa akin. Pero may parte pa rin sa puso ko na nasasaktan sa inaasta nito kahit napag-alaman na niyang asawa niya ako. Na pinapamukha niyang wala siyang pakialam sa akin kahit asawa niya na ako at dinadala ang anak nito. "Sheena?" Kaagad akong nagpahid ng luha ko na marinig ang pagtawag sa akin ni Tita Jen mula sa labas kasabay ng pagbukas nito ng pinto. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa na pilit ngumiti nang bumukas ang pinto na pumasok si Tita. "Lumabas si Noel. Gusto mo bang saluhan na muna kami sa baba? Dumating na kasi ang asawa at iba pang anak ko. Para makilala mo din sila." Wika nito na ikinatango ko. "S-sige po, Tita." Ngumiti itong inakbayan akong iginiya sa pinto. Nahihiya man akong humarap sa kanila lalo na't wala si Noel pero. . . kailangan ko ring makilala ang buong pamilya ng asawa ko. "Are you nervous? Don't be. Hindi naman mahirap pakisamahan ang mag-aama ko. Maging si Noel ay mabait at malambing na bata iyon. Just give him enough time para makapag adjust ito. Tiyak na nahihirapan din siya na may obligasyon na siya sa'yo pero hindi ka naman maalala." Saad nito habang pababa kami ng hagdanan. "Naiintindihan ko naman po, Tita. Tama kayo. Mabait at mabuting tao naman si Noel. Malambing at makulit. Gano'n po kasi siya noon sa isla. Kaya nakakapanibago na mas malamig pa siya sa yelo ngayon sa akin." Sagot ko na ikinangiti nitong kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Pagkababa namin ng sala ay nandidito na ang pamilya nito. Pero wala si Noel na ikinatabang ng ngiti ko. Gusto ko siyang makita. Kahit nagsusungit siya ay ayos lang basta nandito siya. Pero heto at wala maski anino nito. "Sweetheart, mga anak. She's the one I was talking about." Paninimula nito na ikinatayo ng kanyang mag-aama."Guys, meet Sheena. Your Kuya Noel's wife." Napapayuko ako na nahihiyang salubungin ang mata ng mga ito kahit nakangiti silang isa-isang naglahad ng kamay sa akin. "Hi, chin up, pretty. I'm Joshua." Masiglang pagpapakilala ng isa na napakindat. Napakurap-kurap pa akong palipat-lipat ng tingin sa kanila ng katabi nito na kamukhang kamukha nito ang katabing napahagikhik. "I'm Joseph, Ate. As you can see? We are identical twins." Wika pa ng isa na nakangiti. Namamangha akong palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "H-hello." Utal kong pagbati na napapayuko sa mga ito. "I'm Jenny." Maarteng pagpapakilala ng dalagang ikinangiti ko na bumeso pa rin naman ito sa akin. "Jessy." Sunod na pagpapakilala ng pinakabata na bumeso din sa akin. "And Sheena. This is my husband, Noah. Ang ama nila Noel." Ani Tita Jen na ikinabaling ko sa katabi nitong kanina pa nakamata sa aking tila binabasa ako sa tiim niyang makatitig. "Magandang gabi po, Sir Noah." Magalang pagbati kong ikinangiti nitong hinaplos ako sa ulo. "Good evening too, hija. Pasensiya ka na at wala si Noel ngayon dito. Ako na ang humihingi ng dispensa sa behavior ng anak kong 'yon." Wika nito na ikinangiti kong tumango-tango. "Anyway. . . you are welcome here. Hwag mong isiping ibang tao ka dito dahil asawa ka ni Noel at dala-dala mo ang unang apo namin ng asawa ko. Ituring mong tahanan mo na rin dito dahil iisang pamilya na tayo dito. You get that?" "S-sige po, S-sir Noah. Salamat po sa pagtanggap." Napapayukong sagot ko na ikinahaplos nito sa ulo ko. "And don't call me Sir. You can call me Daddy or Tito kung saan ka mas komportable." Wika pa nito na ikinatango kong nahihiyang ngumiti dito. NAHIHIYA akong nakisalo sa hapunan ng mga ito. Kahit napaka maasikaso ni Tita Jen sa akin. Maging ang mga anak nito ay makukulit at malambing. Katulad na katulad ni Noel noong nasa isla pa kami. "Anak, pwede mong gamitin ang mga gamit dito ni Noel, ha?" ani Tita na inihatid akong muli dito sa silid ni Noel. Pilit akong ngumiti na tumango ditong hinaplos ako sa ulo. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko, Sheena. Hayaan mo at hindi ako titigil na kausapin ang anak ko para sa inyo ni baby." Dagdag pa nito na napahaplos sa umbok ng tyan ko. "Alagaan mo ang sarili mo. Hwag mong dibdibin ang mga nangyayari sa inyo ni Noel. Makakasama iyon sa kalusugan at development ni baby sa sinapupunan mo." "Opo, Tita. Salamat po." Tumango ito na pilit ngumiti. "Sige na. Magpahinga ka na. Kapag may kailangan ka ay bumaba ka lang at magsabi sa mga katulong, hmm?" "Opo." Napasunod ako ng tingin dito na tuluyan ng lumabas ng silid. Napahinga ako ng malalim pagkasarado nito sa pinto na naiwan akong mag-isa dito sa silid ni Noel. Napakalaki ng silid nito na triple pa ang laki sa bahay namin sa isla. Nagsusumigaw din sa karangyaan ang mga gamit nito. Mapait akong napangiti na nilapitan ang portrait nitong nakasabit sa itaas ng kama nito. Kahit naka-pokerface lang ito doon na close-up ang kuha ay napakagwapo niyang tignan sa suot niyang all black. "Noel." Sambit ko na napahaplos sa larawan nito. Mis na mis ko na ang asawa ko. Pero wala naman akong ibang magawa kundi ang maghintay sa kanya dito. Hindi nga ako nahirapan na hanapin siya pero. . . napakahirap na niyang abutin ngayon kahit nasa harapan ko na siya. "Anak, maaalala din tayo ng Daddy Noel mo. Kapit ka lang, ha? Samahan mo si Mommy na suyuin ang Daddy mo at tanggapin tayo sa buhay niya." Pagkausap ko sa anak ko na panay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Nanghihina akong humiga sa malambot nitong kama na niyakap ang unan nito. Napapikit na masamyo ang naiwang manly scents nito sa kanyang unan na ikinatulong muli ng luha ko. LUMIPAS ang mga araw na hindi ko na muling nakita pa si Noel ng mansion. Nahihiya naman akong tanungin si Tita Jen tungkol dito at kung alam ba niya kung nasaan ito. Mababait ang pamilya ni Noel. Kahit nga ang mga pinsan at kaanak nito ay mababait din. Paminsan-minsan ay lumalabas ako ng mansion na nag-iikot-ikot dito sa compound nila. Hindi naman ako lumalabas ng gate kaya kampante akong maglibot-libot kahit walang kasama. Pero may parte pa rin sa puso ko ang umaasang uuwi na ito. Gabi-gabi ay hinihintay ko ang pagdating nito pero. . . inabot na ako ng dalawang linggo dito ay hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Noel. Nahihiya na rin ako sa pamilya niya na hindi nila ito nakakasama dahil nandidito akong iniiwasan ni Noel. ISANG gabi. Habang nagpapahangin ako dito sa balcony ng silid ay narinig kong bumukas ang pinto. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na hindi makakilos sa kinatatayuan para silipin ang pumasok. Naramdaman ko naman ang mga yabag nito palapit na lalong ikinabilis ng pagtibok ng puso kong maramdaman ang pamilyar niyang prehensya at pabango! Napahigpit ang hawak ko sa baso ng gatas na iniinom ko na hindi makakilos sa kinatatayuan ko. "Why you're still awake? Hindi mo ba alam na masama sa buntis ang nagpupuyat?" anito na naninita ang tono. Tumulo ang luha ko na napangiti na makumpirmang si Noel nga ang dumating. Pero kahit ang dami-dami kong gustong sabihin ay tila nalunok ko ang dila ko na hindi makakibo. Ni hindi ako makapihit para masilayan ko ito. Naramdaman ko namang nagtungo ito ng banyo. Saka lang ako nakakilos na pumihit paharap at napasunod ng tingin sa pigura nitong pumasok ng banyo. Nangangatog ang mga tuhod ko na pumasok na rin ng silid na nagtungo sa wardrobe namin at kinunan ito ng maisusuot. Paglabas ko ay sakto namang tapos na itong naligo na tanging puting towel ang nakabalabal sa baywang nito. Napalunok ako na napahigpit ang hawak sa damit nitong pantulog na kinuha ko nang magtama ang mga mata namin. "Uhm, hi. D-damit mo." Utal kong saad na iniabot dito ang damit nito. Napababa naman ito ng tingin sa damit na iniaabot ko at pabalang iyong kinuha sa aking ikinangiti ko. "What? Panonoorin mo ako?" sarkastikong tanong nito na ikinalapat ko ng labing nag-init ang mukha. "Bakit? Nakita ko naman na lahat 'yan sa isla eh." Sagot ko na ikinasilay ng pilyong ngisi sa mga labi nito na walang kakurap-kurap na hinila ang pagkakabuhol ng towel sa baywang nitong ikinatili ko! Napatakip ako ng palad sa mga mata ko na tumalikod ditong mahinang natawa. "Nakita mo na lahat huh?" pang-aasar nito na ikinalapat ko ng labing nangingiti habang nakatalikod ako ditong nagbihis na rin. Napabuntong hininga pa ito ng malalim na sumampa ng kama at basta na lang ikinalat ang ginamit na towel. Naiiling na lamang ako sa isipan na dinampot ang mga ginamit nito na dinala sa banyo at napapikit na pati dito sa banyo ay nagkalat ang mga damit nito. Iiling-iling akong pinulot ang mga damit nitong nagkalat sa sahig na dinala sa laundry basket bago nilinisan ang banyo na ginamit nito. Ilang beses din akong naghilamos ng mukha bago lumabas ng banyo at naabutan itong nanonood ng TV sa Netflix. "Uhm, Noel. M-matutulog na kasi ako." Utal kong saad. Hindi ito umimik at maski sulyapan ako. Naiilang man ay dahan-dahan akong nahiga sa gilid ng kama na tumalikod dito. Ramdam ko naman ang mga mata nitong nakatitig sa likuran ko na ikinabibilis muli ng pagtibok ng puso ko. "I have already signed our annulment paper. Pirmahan mo na iyon para makalaya na tayong dalawa. Besides. . . malapit na akong ikasal sa mahal ko. I hope you understand." Wika nito na ikinadilat ko ng mga mata na dahan-dahang pumihit paharap dito. "Ano?" halos pabulong kong ulit na tanong dito. Napahinga ito ng malalim na pagod ang mga matang napatitig sa aking napapalunok. "Do I have to repeat my words? Nabibingi ka na ba ngayon?" sarkastikong tanong nito. "Pero ayoko. Noel, magkakaanak na tayo. Nagmamahalan tayo, Noel. Oo. . . hindi mo ako naaalala pero. . . pero mahal mo din ako, Noel. Sigurado ako doon," pakiusap ko na napaupong kinuha ang kamay nito. Sabay kaming natigilan na napababa ng tingin sa aming kamay na makadamang muli ng kakaibang boltahe ng kuryente mula doon. "Pwede ba? Ibigay mo na lang ang kalayaan ko. Mahirap bang intindihin na hindi kita gusto lalong-lalo ng hindi kita mahal?" inis nitong asik na binawi ang kamay nitong hawak ko. Tumulo ang luha ko na nakamata ditong napapairap na naman at kita ang iritasyon sa kanyang gwapong mukha. "Hindi. Ayoko. Asawa kita, Noel. Ipaglalaban ko ang karapatan naming mag-ina sa'yo. Hindi ako makakapayag mawala ka sa akin." Matatag kong saad na pabalang nahiga na tinalikuran ito. Napalapat ako ng labi na pigil-pigil ang sarili kong mapahagulhol kahit para na akong sasabog. Hindi ko naman siya masumbatan dahil alam kong hindi niya ako naaalala. Pero sobrang sakit pa rin sa akin na hinihingi na niya ang kalayaan niya sa akin. Pilit ko siyang inuunawa pero. . . nahihirapan at nadudurog din ako. Para akong nakasinding kandila na unti-unting nauupos kahit anong pagpapakatatag ko sa sarili. "You know what, Sheena? If you really love me? Let me go. Hayaan mo akong mamili ng makakasama ko. And sorry to say this pero. . . hindi ang katulad mo ang nanaisin kong mapangasawa. Pirmahan mo na ang annulment natin para mapawalang bisa na ang kasal na nag-uugnay sa ating dalawa. Dahil hindi ko. . . hihiwalayan si Aliyah para sa'yo. Kahit pa. . . dala-dala mo na ang anak at apelyedo ko." Wika nito na bumangon na ng kama. Napayakap ako sa sarili na impit na napahikbi nang lumabas itong muli ng silid namin na halos ibalibag na ang pinto. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na napahagulhol nang mapag-isa na ako. "Kaya ba siya umuwi? Para sabihin na pirmahan ko na ang annulment namin?" usal ko na napahagulhol. Hindi ko kaya. Iyon na lamang ang pinanghahawakan ko sa kanya. Na magpapatunay na sa akin siya. Kung ibibigay ko ang nais nito? Para ko na rin itong ipinamigay sa fiance nito. NANGUNOTNOO ako na maramdamang nanunuot sa buto ko ang lamig. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi na nakatulugan ang pag-iyak. Mapait akong napangiti na maliwanag na sa labas pero. . . wala si Noel sa tabi ko. Hindi siya dito sa silid natulog kagabi. Kahit nanghihina ako ay pinilit kong bumangon na nagtungo sa banyo na maramdaman ang morning illness ko. Sabi ni Tita Jen ay normal lang daw na magsuka ako at manlanta sa umaga. Parte daw iyon ng paglilihi ko lalo na't nasa tatlong buwan pa lang ang dinadala ko. Panay ang duwal ko dito sa sink ng lababo nang maramdaman kong bumukas ang pinto. "What's wrong with you? Are you sick? Pinapabayaan mo ba ang anak ko?" galit na wika nitong hinagod-hagod ang likuran kong ikinangiti ko kahit hinang-hina na ako kakasuka. Matapos kong magmumog at hilamos ay nanlalata akong parang inaantok na naman. Napatingala ako dito na inalalayan ako sa baywang ko. Kahit salubong ang mga kilay niya na naka-pokerface ito ay kita sa mga mata niya ang pag-aalala. "Dito ka lang, mahal. Kailangan kita," pakiusap ko na nangilid ang luhang niyakap ito. Ramdam kong natigilan ito pero hinayaan lang naman ako na yakapin ito. Maya pa'y maingat ako nitong kinarga na inilabas ng banyo at dinala sa kama. Hindi ito umiimik pero kita ko naman ang pag-aalala sa mga mata nito. "May gusto ka bang kainin? Don't get me wrong. Hindi ko ito ginagawa para sa'yo. Kundi para sa anak kong nasa sinapupunan mo." Wika pa nito na ikinangiti ko. "Dito ka lang, Noel. Gusto namin ni baby na makatabi ka." Paglalambing ko na ikinahinga nito ng malalim at napipilitang humiga katabi ako. Napangiti akong nagsumiksik sa dibdib nitong hindi naman umangal na hinayaan lang ako. Panay ang pagtulo ng luha ko na damang-dama ko ang init ng katawan nitong hinahanap-hanap ko. Mas nagsumiksik pa ako ditong napahinga ng malalim na umayos ng higa kaharap ako at unti-unting. . . ginantihan ang mahigpit kong yakap dito. "Damn. Sino ka ba para maapektuhan ako sa'yo?" mahinang usal nito sa ilang minuto naming katahimikan na magkayakap. Napangiti akong tiningala ito na mabilis siyang hinagkan sa pisngi na namimilog ang mga matang pinamulaan ng pisngi. "Ako ang mahal mo. Kaya kahit itanggi ako ng isip mo ay dama ako ng puso mo. Kasi nga. . . mahal mo ako, Noel." Wika ko na may ngiti sa mga labi. "Really, huh? Ni hindi ka nga kagandahan eh. Hindi ka rin sexy at ang bansot mo. Para ka ngang dwende sa liit mo. Paano naman ako nagkagusto sa'yo," ingos nito na halos ikaluwa ng mga mata kong ikinangisi nitong nagtaas pa ng kilay. "Ikaw. . . sobrang panlalait naman 'yan!" asik ko dito na nahampas sa dibdib na mahinang natawa. Parang nag-slow motion ang paligid ko na natulala ditong ngayon ko lang muling nakitang tumawa ng totoo. "Stop daydreaming of me, Sheena. Hindi kita papatulan kahit sinasabi mong asawa kita at mahal. Hinding-hindi kita. . . titikman." Napanguso akong inirapan itong napapangisi. Kahit nasasaktan ako kung paano ito magsalita sa akin ay may parte pa rin sa puso ko na natutuwa. Hindi na kasi ako nito pinapalayas. At nagagawa na niya akong kausapin kahit nakakasakit ng damdamin ang mga birada nito. "Tsk. Akala mo naman kasarapan ka. Ang laki naman ng mga itlog mo." "Fvck!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD