bc

Taming the Cold Billionaire [NOEL MADRIGAL SERIES9]

book_age18+
273
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
HE
opposites attract
arrogant
bxg
lighthearted
campus
office/work place
multiple personality
assistant
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang dalagang pinagtutulakan mo palayo at kinamumuhian ay siya pala. . . Ang asawa mo? Ang babaeng pinangakuan mo ng wagas at habangbuhay na pagmamahal. At kung kailan napagod na itong habulin ka at sumama na sa iba, saka nanumbalik ang ala-ala mong. . . ang dalagang pinapaluha mo ay walang iba kundi ang pinakamamahal mong asawa.**

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"SIGURADO ka na ba, Sheena? Ibang-iba ang buhay sa syudad kaysa dito sa isla, ha?" Pilit akong ngumiti kay Tita Lidia. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong natanong kung sigurado na ba ako? Kung kaya ko ba talagang lumuwas ng syudad. "Tita, kaya ko po. Kailangan ko rin po itong gawin para sa sarili ko. At para. . . para ho sa anak ko." Wika ko na napahaplos sa umbok ng tyan ko. Napahinga ito ng malalim na kinuha ang kamay ko. Kasalukuyan kasi akong nagiinpake ng mga damit na babaunin ko sa Manila. Naiintindihan ko namang nag-aalala lang si Tiyang sa kahaharapin ko sa syudad. Pero kung hindi ko ito gagawin? Para naman akong matatakasan ng bait sa paghihintay kung kailan babalik ang asawa ko dito sa isla. Dalawang buwan na magmula nang bumalik si Noel sa Manila. At nag-aalala na ako na hindi manlang ito tumatawag para ipaalam kung maayos ba itong nakauwi? O kung may inaasahan pa ba ako sa kanya. Nag-aalala na ako dahil nandidito lang ako sa isla na naghihintay ng pagbabalik niya. Hindi naman siya tumatawag kaya lalo akong hindi mapakali na naghihintay sa kanya dito. Napahinga ito ng malalim na malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. Kita sa mga iyon ang takot at pangamba nito para sa akin. Marahan kong pinipisil-pisil ang kamay nito na pilit ngumiti dito. "Kaya ko po, Tita. Tatawag po ako kaagad sa inyo pagdating ko doon. Alam ko naman kung saan nakatira si Noel eh. Hwag na ho kayong mag-alala sa akin, hmm?" pagpapanatag ko dito na walang ibang nagawa kundi bumuntong hininga ng malalim. "Ano pa nga bang magagawa ko? Eh mukhang buo na ang iyong pasya na sundan sa syudad ang asawa mo. Kung sabagay. . . asawa mo iyon. Sa maiksing panahon na nakasama ko naman ang batang iyon ay masasabi kong mabuti at mabait siyang tao. Kaya nga kampante akong ipinagkatiwala ka na sa kanya." Sumusukong pagsang-ayon nito na muling napahinga ng malalim. Tumitig ito ng matiim sa mga mata ko na pinipisil-pisil ang kamay kong hawak nito. "Nawa'y maging matatag ka sa kung ano mang kapalarang naghihintay sa'yo sa syudad, anak. Kapag nahanap mo na si Noel at maayos naman pala ang lahat? Ipaalam mo sa akin para makampante naman ako dito kakaisip sa inyo, ha?" pagpapaalala pa nito. Tumango-tango ako na niyakap si Tiyang. Kinakabahan din naman akong luluwas ng syudad. Wala akong kaalam-alam sa lugar na iyon. Walang kaibigan o kakilala na maaaring sasalubong sa akin. Tanging si Noel lang ang kakilala ko. Sana lang ay madali ko lang matutonton ang kinaroroonan nito. Iniwan naman sa akin ni Noel ang isang black card nito na nakalagay ang cellphone number, complete name at address nito na siyang tanging pinanghahawakan ko para matunton ko ang asawa ko sa Manila. Nangako itong babalik dito matapos ipasa ang titulo ng isla sa kumpanya nila at masimulan na ang pagpapatayo niya ng hotel at resort dito sa isla na binili nito. Pero dalawang buwan na ang nakalalipas ay wala pa rin akong balita sa nangyari sa kanya. Nag-aalala na rin ako at hindi mapalagay na naghihintay sa kanya dito. Mabuti sana kung tumatawag siya pero. . . wala. Hindi ko naman ito matawagan dahil puro ring lang ang cellphone number nito na nasa card na iniwan sa akin. "Oh siya. Magpahinga ka na, Sheena. Maaga ang barko bukas kaya kailangan mong agahan ang pagtungo ng bayan para makasakay ka." Wika pa nito na hinaplos ako sa ulo at tyan. "Salamat ho, Tita. Goodnight po." Tanging pagtango lang ang isinagot nito na lumabas na rin ng silid ko. Napabuga ako ng hangin na tinapos na ang pagiimpake ng gamit ko bago uminom ng gatas ko at nahiga na rin sa kama. Napalapat ako ng labi na dinampot ang black card na bigay ni Noel. Nangingilid ang luha na paulit-ulit binabasa ang buong pangalan nito. "Noel Madrigal." Usal ko. "Anak, masaya ka bang makakasama na nating muli ang Daddy Noel mo? Tiyak na magugulat ang Daddy na susulpot tayo doon pero. . .mis na mis na kasi siya ng Mommy. Gusto mo rin naman 'yon, 'di ba? Na makasama na natin ang Daddy mo. Tiyak kong matutuwa ang Daddy Noel mo na malalaman niyang. . . magkakaanak na kami." Pagkausap ko sa umbok ng tyan ko. Tatlong buwan din kaming nagkasama ni Noel dito sa isla. Tatlong buwan niyang niligawan kami ni Tiyang na ibenta ang isla namin sa kanya. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay nagkapalagayan kami ng loob. Alam kong masyadong maiksi ang panahon na pinagsamahan namin para masabi kong mahal na mahal niya ako. Pero kung pagbabasehan ko naman ang mga pinagsamahan namin habang nandidito siya ay sapat na iyon para panghawakan ko ang mga pangako niya. Lalo na't hindi naman niya ako pakakasalan at bubuntisin kung hindi niya talaga ako mahal. "Sana maayos ka, mahal. At sana. . . sana ay hindi ka magbago sa amin ng anak mo," usal ko habang hinahaplos ang umbok ng tyan ko na iniisip si Noel. KINABUKASAN ay maaga akong sumakay ng bangka na nagpahatid sa daungan. Kailangan ko kasing sumakay ng barko paluwas ng syudad. Wala naman akong chopper o yate katulad ni Noel na siyang sinakyan nito nang makarating dito sa isla. Naluluha akong nakamata sa asul na dagat habang nandidito sa cabin ng barko. Marami-rami din namang pasahero ang nandidito na ini-enjoy ang magandang tanawin ng dagat. Maliban sa akin na malayo ang tanaw ng mga mata na iniisip ang asawa ko. Hindi ko alam pero. . . may bahagi kasi sa puso at isipan ko ang kinakabahan sa pagluwas ko. Nangako ako kay Noel na hihintayin ko ang pagbabalik niya dito sa isla pero. . . heto at hindi ko na siya mahintay pa. Wala akong kaalam-alam sa syudad. Si Noel lang ang makakatulong sa akin doon. Ang magiging sandalan ko doon. Kaya natatakot ako dahil baka hindi ko kaagad ito mahanap sa lawak ng Manila. May sapat naman akong dalang pera na magagamit ko. Pero natatakot pa rin ako sa dami ng mga possibilities na maaaring mangyari habang hinahanap ko si Noel sa lugar nito. ILANG oras din ang binyahe namin bago makarating ng Manila. Sakay ng taxi ay nagpahatid ako sa address na nasa card ni Noel. Yakap ang bag ko ay panay ang dasal ko na sana. . . sana magiging maayos din ang lahat. Na sana ay maabutan ko si Noel sa address na nasa card nito. Ito na lang kasi ang bukod tanging pinanghahawakan ko para matunton ko ang asawa ko. "Ma'am, nandito na po tayo." Napabalik ang ulirat ko na magsalita ang driver ng taxi. Awang ang labi na napalinga ako sa kabuoan ng lugar na pinagdalhan nito sa akin. "Uhm, Kuya. Sigurado po kayong dito iyon?" tanong ko. "Opo, Ma'am. Nag-iisa lang naman ang Madrigal's private compound dito sa Manila. Private po dito at iisang pamilya lang ang nakatira dito. Kung gusto niyo po ay magtanong na lang kayo sa mga guard." Wika pa nito. Humugot ako ng limangdaang piso sa wallet ko na iniabot ditong kiming ngumiti na inabot iyon. "Sige ho, Kuya. Maraming salamat po sa paghatid." Pasasalamat ko dito bago dinampot ang bag ko na bumaba na ng taxi. Kabado man ay lumapit na ako sa kay taas na gate kung saan naroon ang ilang guard na ngumiting yumuko pa sa akin. "Magandang hapon po, Kuya. Pwede po bang magtanong?" magalang kong tanong na ikinalapit ng isa sa gate. "Yes, Ma'am. Ano po iyon?" tanong nito. Pilit akong ngumiti na iniabot ang black card ni Noel. Inabot naman nito iyon na binasa pa. "Itatanong ko po sana kung may nagngangalang Noel Madrigal po dito, Kuya." Wika ko. Nagkatinginan pa ang mga ito na pinagpasa-pasahan ang card na kita ang gulat sa mga mata nilang bumaling sa akin. Alanganin akong ngumiti na inabot ang card na pinagbuksan ako ng gate. "Dito nga po nakatira si Sir Noel, Ma'am. Sino po kayo? Anong sasabihin namin kay Sir?" ani ng isa. Nangilid ang luha ko na napalabing parang nabunutan ng tinik sa dibdib sa narinig. Saka ko lang napansing sobrang bilis na pala ng t***k ng puso ko. "Uhm, ako po si. . . si Sheena." Paninimula ko. Siya namang pagdating ng isang magarang red ducati na huminto sa tapat kong ikinatigil ko. "Sir Jayden. Magandang hapon!" masiglang pagbati ng mga ito na yumuko pa sa bagong dating. Napapalapat ako ng labi na kita sa gilid ng mga mata kong isa itong pulis. Nagtaas naman ito ng helmet na napasulyap pa sa akin. "Good afternoon too. What's going on here? Sino itong magandang dilag na pinaghihintay niyo dito?" wika nito. Lihim akong napangiti na napakalalim ng baritono niyang boses. At sa uri ng pananalita nito ay masasabi kong mabait din siya katulad ni Noel. May lambing kasi ang pananalita nito na may ngiti sa mga labi. "Ah, si Ma'am Sheena po, Sir Jayden. Bisita ho ni Sir Noel." Pagbibigay alam pa ng isa. Pigil ang paghinga ko nang bumaling ito sa akin na napasuri pa sa kabuoan ko. Isang bestida kasi ang suot ko na may kalumaan na. Hanggang lagpas ng tuhod ko ang manggas na bulaklakin ang disenyo. Ito na lang kasi ang pinakamaayos sa mga damit ko dahil hindi ko naman ugaling magpabago ng mga damit ko lalo na't sa isla lang naman ako. "Oh really." Anito na napangiti. "Hey, I'm Jayden Madrigal. Noel's cousin. Gusto mo bang sumabay na sa akin?" wika pa nito na ikinalingon ko dito. Napalunok ako na nag-init ang mukhang kumindat pa ito na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko!! Hindi nga maipagkakaila na pinsan ito ni Noel. Bukod sa saksakan din ito ng charm at appeal ay napakagwapo din at napakatangkad niya katulad ni Noel! Idagdag pang tisoy din ito at kapareho ni Noel na chinito. "Uhm, o-okay lang po ba, Sir?" "Of course. Come, ride me. Este. . . ride with me." Makahulugang wika nito na kinuha ang bag ko. Nahihiya akong napakapit sa kamay nito na inalalayan akong makasampa sa ducati nitong kay taas. Sa liit kong babae ay halos dibdib ko na ang taas ng motor nito. "Kumapit ka, sweetie. Baka mahulog ka at magasgasan pa kita. Lagot ako kay Noel niya'n." Saad pa nito na ikinakapit ko sa balikat nito. Lihim akong napangiti na kitang mabait nga ito. Matapos nitong magpaalam sa mga guard ay pumasok na kami ng compound nila. May ilang metro pa kasi ang layo bago marating ang nasa siyam na mansion na magkakaharap lang! Malawak ang lugar at kitang may mga chopper at naggagarahang sasakyan ang nakaparada sa bawat harapan ng mansion! Napapalunok ako na tumigil ito sa kulay asul na mansion na hindi rin nalalayo ang ganda at laki sa iba pang mansion dito. Inalalayan pa akong makababa nito bago bumaba ng ducati nito na nagtanggal ng helmet. "Dito ang mansion ni Tito Noah. Ang ama ni Noel. Anyway. . . who are you? Kaibigan ka ba ni Noel?" pag-uusisa pa nito na inakay na ako sa kulay asul na mansion. Napapalunok ako na hindi makaapuhap ng maisasagot. Kinakabahan dahil nahihinulaan ko na ang lugar. Nandidito ang buong angkan ni Noel! Kaya pala pribado dito na tanging silang pamilya lang ang nakatira dito. "Magandang hapon po, Sir Jayden." Magalang pagsalubong ng mga katulong sa amin na ikinangiti at tango nitong kasama ko. "Magandang hapon din po, Manang. Siya nga pala. Nandito ba si Noel?" magalang sagot nito. "Opo, Sir. Nasa silid niya po. Kararating nga lang eh." Sagot pa ng mga itong ikinangiti ko. "A'right. Ako ng bahalang maghatid ng bisita niya." Wika pa nito na inakbayan na akong iginiya paakyat ng hagdanan. Napapalunok ako na hindi mapigilang mamangha kung gaano kagara at kaganda ng tinitirhan ni Noel dito sa syudad. Na para kang nasa totoong palasyo sa ganda at laki ng lugar. Nagsusumigaw sa karangyaan ang mga gamit na naglalakihan ang mga chandelier na nakasabit sa kisame nila. "Hindi mo pa ako sinasagot, Sheena. Sino ka? I mean. . . kaano-ano ka ni Noel?" muling tanong nito habang naglalakad kami ng hallway na may mga nadaraanang silid. "Ah. . . eh." "We're here. Dito ang silid ni Noel." Saad nitong ikinaputol ng iba pang sasabihin ko. Sunod-sunod akong napalunok na bumilis muli ang kabog ng dibdib ko. Para akong nalulutang sa mga sandaling ito na hindi makapaniwalang. . . nasa harapan na ako ng silid ng asawa ko! Kumatok ito ng dalawang beses sa double door na nakasarado. "Yes?" "Hey, dude. It's me, Jayden. May napakaganda kang anghel na bisita." Wika nito na magsalita si Noel mula sa loob. Para akong maiihi sa kaba at excitement na dahan-dahang bumukas ang saradong pinto at tumulo ang luha na sa wakas ay nasilayan ko na rin. . . ang mukha ng asawa ko! "Noel!" bulalas ko na hindi na napigilang napahagulhol na niyakap itong natuod sa kinatatayuan na hindi makakilos. Mas lalo akong napahikbi na mas niyakap pa itong kalauna'y hinagod ang likuran ko. "Oops, I'll go ahead, dude. Ikaw ng bahala sa bisita mo." Dinig kong pamamaalam pa ni Sir Jayden kasabay ng mga papalayo niyang yabag. "Are you done? Pwede mo na ba akong bitawan, Mis?" Nanigas ako na dahan-dahang napabitaw dito na salubong ang mga kilay. "Mis?" ulit kong tanong. Napatitig ako sa mga mata nitong napakasungit na wala manlang kangiti-ngiti sa mga labi. Ni hindi ko ito mabakasan ng tuwa na makita ako dito. "N-Noel." Sambit ko na akmang hahaplusin ito sa pisngi pero napaiwas ito ng mukha na nagsalubong na rin ang may kakapalan at itim na itim nitong kilay. Mas lalo pa yata siyang gwumapo na humaba ang buhok nitong nakapusod ang kalahati at papatubo na rin ang balbas kahit naka-pokerface ito. "Yes, who are you? Bakit mo ako hinahanap? Do I know you?" "N-Noel, anong ibig mong sabihin? Ako ito. Si Sheena. Hwag ka namang magbiro ng ganyan. Hindi nakakatawa." Napapangiwi kong saad na ikinapilig pa nito ng ulo pero nanatiling walang emosyon ang mga mata nito. "Hindi ako nagbibiro. At sinong Sheena? Wala akong matandaang. . . may kaibigan o nakilala akong kapangalan mo. Makakaalis ka na." Walang emosyong wika nitong ikinatulala ko na parang bombang sumabog iyon sa utak ko! "N-Noel. Ano bang pinagsasabi mo? Ako ito. . . ang asawa mo. Si Sheena. Paanong hindi mo ako matandaan? Dalawang buwan pa lang tayong nagkakalayo." Natutulala kong saad na sunod-sunod tumulo ang butil-butil kong luhang napahawak sa kamay nito. "What? Asawa?" "Oo! Ako ito, mahal. Ang asawa mo." Awang ang labi ko na napahalakhak itong napailing. 'Yong tawa na hindi natutuwa kundi. . . nang-uuyam. Para akong malulusaw sa hiya ko sa nakikitang reaction nito dahil hindi ito ang inaasahan kong maaabutan dito pero. . .heto at nangyayari na. "That's funny." Wika nito na napahawak pa sa tyan dala ng pagtawa. "Umalis ka na nga. Hwag mo akong gaguhin. Binata pa ako at may fiance na. Umalis ka na." Mga katagang parang punyal na binitawan nitong tumarak sa dibdib ko! "A-ano? F-fiance?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
208.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
144.1K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.7K
bc

My Cousins' Obsession

read
178.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
49.0K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.1K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook