Chapter 4

2400 Words
NANGINGITI akong pinapakiramdaman lang itong nakayakap sa akin. Pinaunan niya kasi ako sa braso nito habang marahang hinahaplos ang umbok ko. "Uhm. . . ibaba mo pa," kagatlabi kong utos dito. "Baba pa?" ulit nitong tanong na ikinatango ko. Pigil-pigil ang sarili kong mapasinghap na bumaba pa nga sa aking puson ang kamay nito. Nasasagi na nga nito ang kaselanan ko na hindi niya napapansin. "T-teka. . . iba na d'yan," utal kong pigil na nalingat lang ako saglit ay ang kaselanan ko na ang hinahaplos nito hindi ang baby bump ko! "Kasali ito. Dadaanan niya ito soon kaya dapat hinahaplos din ito," pilyong bulong nito na ikinapikit kong unti-unting nabubuhayan ng init sa katawan. Kagat ang ibabang labi ko na pigil-pigil mapaungol habang malaya nitong nilalaro ang c******s ko. Hindi ko naman siya masaway dahil kahit itanggi ng isipan ko ay alam ko sa sariling gustong-gusto ko na hinahaplos niya ako. "You like it?" bulong nito na ikinasinghap ko. "O-oo." Utal kong sagot na nag-iinit ang mukha. "Ang landi mo." Ingos nito na binawi na ang kamay na halos ikaluwa ng mga mata ko. "Hoy! Ikaw itong malandi!" asik ko na akmang sasabunutan itong napangising kinuha ang kamay ko na pinagsalinop ang mga daliri namin. Napabusangot ako na ikinulong ako nito sa bisig nito. Sa laki niyang tao ay para lang akong paslit na nakakulong sa yakap nito. "Matulog na tayo. Bawal magpuyat ang mga bundat." Wika nito na napahalik sa ulo kong ikinasilay ng ngiti ko na mas nagsumiksik sa bisig nito. KINABUKASAN ay nagising akong mag-isa na lamang sa kama. Mataas na rin kasi ang araw sa labas. Mabigat ang katawan ko na nagtungo ng banyo para maglinis ng katawan bago bumaba ng sala. Naabutan ko naman ang nakababatang kapatid ni Noel na nandidito sa sala at nagkakape. "Good morning, sister in law!" masiglang pagbati nito na malingunan ako. Napangiti akong naupo sa harapan nito na sinenyasan ang isang katulong nilang lumapit. "Manang, pagawa po ng gatas ni Ate Sheena." Utos pa nito. "No need. I have already prepared her milk." Napatayo ako na namimilog ang mga matang malingunan si Noel na siyang nagsalita at may dala ngang gatas ko! "Great! Ganyan dapat, Kuya. Asawa mo ang asikasuhin mo. Hindi 'yong kabit mo," bulalas ni Joseph na sinenyasan kong manahimik pero ngumisi lang ang damuho. "Excuse me? She's not my mistress. Fiance ko siya." Ingos ni Noel dito na unti-unting ikinapalis ng ngiti kong naupo na ng sofa. "Drink this while it's still hot to warm your stomach." Wika pa nito na iniabot sa akin ang gatas na gawa nito. "Thank you," mahinang saad ko na akmang lalabas nang hawakan nito ang kamay ko. "Where are you going?" Pilit akong ngumiti na binawi ang kamay ko at hindi na ito sinagot pa. Kahit nakatalikod ako ay ramdam kong nakasunod ng tingin ang mga ito sa akin. Lumabas ako ng mansion na nagtungo sa garden. "What was that for?" Napaikot ako ng mga mata na sumunod din itong naupo dito sa swing kung saan ako naupo. "Ang alin naman?" sagot ko na napasimsim sa gatas na tinimpla nito. Napapanguso naman itong nakamata sa akin na tila binabasa ang mga tumatakbo sa isipan ko. "Are you mad?" "Hindi." "Eh bakit nagsusungit ka?" Napailing lang ako na sumimsim sa gatas ko na hindi na ito sinagot. "You know what, Sheena? I'm trying my best to be patience with you because you're pregnant. Paano kita maiintindihan kung hindi ka naman nagsasalita," iritadong wika nito na ikinalingon ko dito. "Bakit? Dapat ba matuwa ako, Noel? Sinong asawa ang matutuwa na malamang may kabit ang asawa niya, ha?" inis kong saad na ikinahinga nito ng malalim. "Hindi ko siya kabit, okay? Don't call her that way." "Hindi mo siya kabit? Noel, asawa mo ako. Ano? Ako na lang ang magiging kabit sa aming dalawa gano'n ba? Ang legal wife ang maga-adjust sa inyo ng kabit mo?" naiinis kong sagot dito na nag-igting ang panga. Napalunok ako na binundol ng kaba sa dibdib lalo na't kita kong hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. "Alam mo? Kung magtatalo lang din naman tayo? Mabuti pang hindi na lang ako umuuwi dito. Can't you see it? I'm trying my best para pakisamahan ka. Pero nakakasagad na." Iritadong wika nito na pabalang tumayo at iniwan na ako. Napalapat ako ng labi na namuo ang luhang nakasunod ng tingin sa pigura nitong palayo. "Ikaw pa ang may ganang magalit sa ating dalawa? Kung nahihirapan ka? Nahihirapan din ako," usal ko na nakamata sa wedding ring naming suot ko. MAGHAPON kong hindi nakita si Noel ng mansion. Narinig ko naman na umalis siya kanina pero hindi ko na alam kung saan ito nagpunta. "Hi." Napalingon ako na may nagsalita mula sa likuran ko. Pilit akong ngumiti na malingunan ang nakababatang kapatid ni Noel na pumasok ng silid. "Uhm, pinapatawag ka ni Daddy, Ate. May party kasi sa kabilang mansion. Nandoon na ang lahat. Tayo na lang ang wala." Saad nito. "P-party?" utal kong ulit na tanong na ikinangiti at tango nito. "Yup. Hindi ka na ba magbibihis?" Napababa ako ng tingin sa sarili na napakamot sa ulong nakapantulog na ako. "Uhm. . . sige magbibihis lang ako," sagot ko. "Let me. Marami akong hindi sinusuot na damit sa wardrobe ko, Ate. Tara, I'll help you fix yourself." Agap nito na hinila na ako palabas ng silid. Pilit akong ngumiti na nagpatianod na lamang dito. Wala din naman kasi akong magandang damit na maisusuot. Para na ngang basahan ang mga damit kong dala dahil bukod sa luma ay kupas na rin ang kulay ng mga iyon. Karamihan ay t-shirt at pantalon din dahil hindi ko naman ugaling bumili ng mga magagarang damit. "Come here, Ate. Akong pipili ng babagay sa'yo. Mabuti na lang hindi ka katangkaran kaya tiyak na kasya ang mga damit ko dito sa'yo." Nakangiting saad nito na humalungkat na ng mga naka-hanger nitong damit sa wardrobe nito. "Salamat, Jenny." Ngumiti lang ito na pumili ng dress na susuotin ko. Isang pink sleeveless long dress ang pinili nito na isinukat pa sa akin. "This one suits you, Ate. Dali, magbihis ka na muna para maayusan na kita." Kinikilig nitong bulalas na ikinangiti kong inabot ang dress nito. "Hindi ba sobra ito? 'Di ba, d'yan lang naman sa kabila ang pupuntahan natin?" wika ko na ikinailing nito. "Nah, that's fine, Ate. Saka. . .lahat naman tayo ay ganyan ang suot. Masanay ka na," sagot nito na sinenyasan na akong magbihis. Awang ang labi ko na napasuri ng tingin sa kabuoan ko habang nakaharap sa full length mirror dito sa loob ng wardrobe. Lalong tumingkad ang maputi kong balat sa kulay ng dress na suot ko. Nakalantad din ang balikat at likod ko na may kataasan ang slit nito sa right leg ko. "See? It suits you, Ate. Ang ganda mo po. Pero. . . mas lalo kang gaganda kung may light make-up ka." Namamanghang bulalas nito na inakay akong maupo sa harapan ng salamin. "Hindi ba't sobra na ito?" tanong ko habang inaayusan ako nito. "Nah ah. Kaysa naman hindi ka nakaayos na pupunta ng party nila Tito Haden, 'di ba?" sagot naman nito. "Ano bang okasyon sa kabila?" usisa ko dahil maging ito ay nakabihis at ayos din. "It's Kuya Jayden's birthday. Darating ang ibang kaibigan niya kaya maigi ding presentable tayong magtutungo doon." Napatango-tango ako na hindi na sumagot pa. Abala naman itong tinapos ang pagmi-make-up sa akin hanggang matapos kami. "Perfect!" bulalas nito matapos ayusin ang buhok ko na inunat nitong pinusod pataas ng bunbunan ko. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata na halos lumuwa ang mga mata na mapatitig sa repleksyon ko sa salamin! "A-ako ba ito?" utal kong tanong na ikinahagikhik naman nito. "Oo naman, Ate. Sabi na eh. Napakaganda mo lalo na kapag nag-aayos ka. Tiyak na malalaglag ang panga ni Kuya sungit nito kapag nakita ka. And I'm so excited to witness that scene." Kinikilig na bulalas nitong ikinangiti ko. "Darating si Noel?" "Yup. Nand'yan lang naman siya sa kabila buong maghapon, Ate. Hindi siya basta-basta makakalabas dahil grounded 'yon ngayon kay Mommy." Wika nito na ikinasalubong ng kilay ko. "Grounded?" "Yup. Kinuha lahat ni Mommy ang access niya. Credit card, atm kahit cellphone at susi ng kotse nito kinuha ni Mommy." Daldal pa nito na ikinatulala ko. "Bakit daw?" Nagkibit ito ng balikat na inayos na ang make-up kit nitong nasa ibabaw ng mesa. "Tara na?" wika nito matapos kaming mag-spray ng perfume nito. "Sige." Pagsang-ayon ko na sumunod na ditong lumabas ng wardrobe. Magkahawak kamay kami ni Jenny na bumaba ng hagdanan. Mukha ngang nasa kabilang mansion na ang lahat at kami na lang ang wala. Mabuti na lang at mababait ang mga kapatid ni Noel. Hindi ako nahihirapan makisama sa kanila dahil kahit hindi maayos ang relasyon namin ng Kuya nila. Napapabuga ako ng hangin na makitang nagsisimula na nga ang party sa kabilang mansion. Dinig pa namin ang hiyawan ng mga lalake at ang tugtugin mula sa pool area. NAPAPAYUKO ako na tumuloy kami ng pool kung saan naroon ang lahat. "Chin up, Ate." Bulong pa nito na pinipisil-pisil ang kamay kong nanlalamig na hawak nito. Nag-iinit ang mukha ko na mapansing nakamata na pala silang lahat sa amin nito habang naglalakad patungo sa mesa namin sa gilid. Magkakasama ang mga lalakeng pinsan at mga Kuya nito sa isang tabi na nakamata sa aming dalawa. "Sheena, right?" Natigilan kami na may tumayo mula sa mesa ng mga kalalakihan na ikinasinghap ng mga kasama nito. Maging si Jenny na kahawak kamay ko ay napapairit na nanunudyong kinukurot ang kamay ko. "Hi Kuya. Happy birthday." Masiglang pagbati nito na sa binatang sinalubong kami. "Thank you, sweetie. Where is my gift, hmm?" sagot nito na hinaplos pa sa ulo ang pinsan. "Kailangan pa ba? You have everything you want na kaya." Pabebeng sagot ni Jenny dito na mahinang natawa. "Actually. . .not yet. Hindi pa lahat," makahulugang sagot nito na nakamata sa akin. "Hindi mo ba ako. . . babatiin, sweetie?" Napangiwi ang ngiti ko lalo na't matiim itong nakatitig na nagniningning ang mga mata. "Uhm. . . h-happy birthday, Captain." Utal kong pagbati na ikinalapad ng ngiti nitong halos magsarado na ang mga chinitong mata. "Thank you, sweetie. Come, join us." Namilog ang mga mata ko na kinuha nito ang kamay ko at hinila sa table nilang mga lalake. Pero hindi pa man kami nakakarating sa upuan nito ay may humarang na sa aming sunod-sunod kong ikinalunok! Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at halos tumalon palabas ng ribcage ko ang puso ko na mabungaran. . . ang naka-pokerface na mukha ni Noel! Salubong din ang mga kilay na napasulyap pa sa kamay namin ni Jayden kaya binawi ko ang kamay kong hawak nito. "Naduduling ka na yata, dude. Hwag mong kunin. . . ang hindi sa'yo," makahulugang wika nito na kinuha ang kamay ko. Napasinghap at sipol naman ang mga kasama nito na inakay na ako ni Noel na naupo sa tabi nito. Tatawa-tawa namang napakamot sa batok si Jayden na nakipag-fist bump sa mga nadaanang pinsan nito na nagtungo sa upuan nito. "N-Noel, nasasaktan ako." Mahinang saad ko na halos pilipitin na nito ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak nito. "Masasaktan ka talaga kapag hindi mo alam kung saan ka lulugar," pabulong saad nito na lumuwag na ang pagkakahawak sa kamay ko na pinag-intertwined ang mga daliri namin. "Bakit? Saan ba dapat ako lulugar, ha?" Ngumisi naman ito na inabot ang isang orange juice na ibinigay sa akin. "Dito sa tabi ko." Hindi ko alam kung matutuwa ako sa isinagot nito o.hindi. Gusto kong matuwa dahil para itong nagseselos na binawi ako sa pinsan nitong sumalubong sa amin. Pero may parte pa rin sa puso ko na nalulungkot dahil parang nililigtas lang naman nito ang ego nito dahil alam ng buong angkan nito na mag-asawa kami. "Are you hungry?" maya-maya'y tanong nito na nilingon ako. "Hindi ako gutom." "Kumain ka. Mamaya mangayayat ka dito masisi pa ako," sagot nito na tumayong hinila na ako. Napapanguso akong nakasunod dito na hawak-hawak pa rin ang kamay ko habang nandidito kami sa mahabang mesa kung saan nakalagay ang mga handa. "Do you want salmon? Maganda daw ang isda sa buntis." Wika pa nito na naglagay ng salmon sa plato na kinuha nito. "Try this one too." Dagdag pa nitong kumuha ng manok at salad. "Tama na 'yan. Hindi ko naman mauubos eh." Awat ko na punong-puno na ang plato ko. "Oh," napasinghap ito na saka lang napansing puno na ang platong nilalagyan nito. "No worries, tulungan na lang kitang ubusin 'to." Hindi ako umimik na nagpatianod ditong hinila ako sa gilid kung saan wala kaming mga katabi. Nag-iinuman na kasi sila ng mga pinsan niyang lalake. Pero heto at sinamahan niya ako sa gilid para kumain. "Wait for me, hmm? I'll just get some drinks." Wika nito matapos akong alalayang makaupo. Napasunod ako ng tingin dito na may ngiti sa mga labing kumuha ng dalawang orange juice at dumampot pa ng dessert bago bumalik sa kinaroroonan ko. Abala naman ang lahat na nagkakasiyahan. "May gusto ka pa ba?" tanong nito na naupo sa tabi ko. "Wala. Okay na 'to. Ang dami nga eh." Sagot ko na ikinangiti nitong sinubuan ako. "Kaya ko." "Just let me." Napalapat ako ng labi na nagpipigil mapangiting hinayaan na lamang itong subuan ako. "Anyway. . . stay away from that jerk, Sheena." Saad nito na salitang sinusubuan ako at ang sarili nito. "Huh? Sinong jerk?" "Who else? Eh 'di si Jayden." Ingos nitong ikinakurap-kurap ko. "Baliw ka ba? Ang bait nong tao ginaganyan mo," pagalit ko dito na nagtaas ng kilay. "Mabait na 'yon sa'yo? Baka kursunada ka, kamo." Nag-init ang mukha ko na nagpipigil mapangiti sa pagmamaktol nito na napapahaba ang nguso. "Subukan mong naglalalapit doon. You'll taste your own punishment, Sheena." Pagbabanta pa nito. "Tss. Anong punishment naman 'yan, aber?" Ngumisi ito ng nakakaloko na ikinalunok kong bumilis ang t***k ng puso na nakamata ditong napakagat pa ng ibabang labi na napapasulyap sa cleavage kong nakalantad. "Do you really want to know what kind of punishment you'll get once you disobey me, hmm?" makahulugang anas nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. "O-oo." Napapisil ito sa baba ko na ikinasunod ko ng tingin sa mga labi nitong biglang lumapat sa mga labi kong ikinanigas ko! "You'll get more than that, Sheena. Try me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD