NATIGIL sa paglakad si Klarissa papasok nang makadinig siya nang babaeng sumisigaw. Kadarating lang niya at sinalubong siya ni Susan sa labas ng bahay ng mga Morales. Si Susan ang executive assistant ni Mr. Morales na pinakilala sa kanya ni Ms. Tanya sa email. Humarap ito sa kanya saka tinawag siya. Wala naman siya ibang nagawa kung 'di magpatuloy sa paglalakad.
"Pasensya na manang Elisa. Hindi ko na talaga kaya tiisin ang kapilyuhan ng anak ni Sir Fred. Humanap na lang po kayo ng bagong tagapag-alaga." Nadinig niyang sabi ng babaeng naiyak sa harap ng tinawag nito si manang Elisa. Mabilis itong umalis at para lang silang pintuan dalawa ni Susan. Nakita niya ang sunod sunod na pag-iling ni manang Elisa. Nilapitan ito ni Susan saka hinagod ang likod.
Sa isang sulok na nakita niya ang batang dahilan ng maagang komosyon na iyon. Nilapag niya sa mahabang bar counter ang bitbit niyang itim na folder saka nilapitan ito. Nakayukyok ito at tila nanginginig pa sa takot.
"Hey..." aniya sa bata. Nag-angat ito nang tingin sa kanya dahilan para sumilay ang mga ngiti sa mga mukha niya. "What did you do?" tanong niya dito.
"I made ate Lucille cry. Nilagyan ko ng ipis yung damit niya," anito sa kanya. Napangiwi siya sa sinabi nito. Sobra nga iyon at kahit sino maiiyak sa ginawa nitong kapilyuhan. Sigurado siyang hindi iyon ang unang beses na ginawa nito ang bagay na iyon.
"Stand up there, young man and face to that wall now." Utos niya na nakakuha sa atensyon nina Susan at manang Elisa. Tumayo naman si Kit at sinunod nito ang utos niya. Sinundan niya ito hanggang sa pareho silang makarating doon.
Tumingin pa muli sa kanya si Kit. "Papaluin mo ba ako?" tanong nito sa kanya.
"No. I just want you to face that wall to reflect on what you did awhile ago, young man," wika niya kay Kit. "Anong mali sa ginawa mo?"
"I should not done it. Alam ko po na takot siya sa ipis at sumobra ako sa pagbibiro." Nilapitan niya ito saka ihinarap sa kanya. Pinunasan niya gamit ang laylayan ng suot niyang cardigan ang mukha nito. "I'm sorry po," anito saka yumakap sa kanya.
"Hindi ka sa 'kin dapat nagso-sorry, Kit," bulong niya dito.
"Wala na si ate Lucille eh." Nilayo niya ito sa kanya saka muling pinunasan ang mukha nito. "Should I call her?" Tumango siya bilang sagot sa tanong nito. "Lola!" bulalas ni Kit saka patakbo itong lumapit sa ginang na katabi ni Susan at manang Elisa. Marahan siya tumayo saka lumapit din dito.
"Who are you, hija?" tanong ng ginang sa kanya.
"Private tutor po ni Kit," sagot niya.
"Ohh, the newly hired. Where did you learn that way of disciplining a kid like my apo? May anak ka na din ba na kaedad ni Kit?" Nababakas sa mukha nito ang pagka-curious. Wala siyang tigil sa pagkutkot ng mga kuko niya. Pakiramdam niya mali na dinisiplina niya si Kit na walang pahintulot nito o kahit ni Mr. Morales.
"W-wala po. G-gano'n po kasi kami idisiplina ng mama ko kapag may nagawa kaming mali," paliwanag niya dito.
A bright smile flashed on the old lady's face. "Alfred, my son, should learn from you, hija," Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. "By the way, I'm Letizia Morales. Ako ang mama ng bago mo'ng boss at lola nitong bata na first time in the history na may sinunod," Halos bumagsak ang panga niya nang malaman kung sino ito. That's too much for her first day. "I think, Susan must start the briefing now and you young man, take a bath now. Huwag mo paghintayin itong maganda mo'ng tutor. Be nice to her, okay?" Nakangiting sumunod dito si Kit. Nilapitan din siya nito saka niyakap sa baywang bago tuloy tuloy na umakyat sa second floor ng bahay.
Inaya na siya ni Susan sa magiging classroom nila ni Kit. Inabot nito sa kanya ang daily schedule ni Kit at listahan ng mga lessons na dapat ituro sa bata sa araw araw. Nagkaroon siya nang pagkakataon na makatsismisan si Susan habang naghihintay kay Kit. Sinabi nito na siya lang sa lahat ng tutor ni Kit ang sinunod nito. Nakwento din nito na naabutan nga ni Mrs. Morales ang ginawa niyang pagdidisiplina kay Kit kanina. Kahit ang mga ito ay nagulat din sa ginawa niya.
Sinabi pa ni Susan na nakakuha daw siya ng bonus points dahil nagustuhan siya ni Mrs. Morales. Nawalan ng pagkakataon na magkita sila ni Mr. Morales dahil maaga itong umalis papuntang Singapore. Tatlong araw itong wala sa bansa kaya naman nakahinga pa siya ng maluwag. Nang dumating si Kit, iniwan na sila ni Susan at inumpisahan na niya na turuan ito. Masunurin naman si Kit at napakagiliw pa sa kanya kaya masasabi niyang smooth naman ang lahat.
Sana sa susunod na araw ay ganito din... Taimtim niyang hiling.
NAKAKUNOT ang noo ni Alfred nang mabasa ang email sa kanya ng mama niya. Sinabi nito doon na nagustuhan nito ang bagong tutor ni Kit ngayon. Nakalagay din doon ang eksenang naabutan nito sa bahay niya kung saan dinidisiplina ng bagong tutor ang anak niya. His mom said that the new tutor made Kit faced the wall to reflect on what the kid did. He never done that thing to his own son. How dare she do that without asking his permission?
Swerte pa ngayon ang bagong tutor ng anak niya na wala siya sa bansa ngayon. He's now in Singapore for a three days business conference. Nawalan ng time kanina na makilala niya ito dahil maaga siyang umalis sa bahay. Binukas niya ang laptop niya saka nag-log in sa skype account niya. He dialed Tanya's skype ID. Ito ang nakakakilala sa bagong hire na tutor ni Kit at negative ang dating sa kanya ng email ng mama niya. After three rings, Tanya answered his calls.
"Hi Fred, how was your flight?" tanong sa kanya ni Tanya.
"The flight was good but the news in Mama's email is not. I've seen the newly hired tutor's profile and from there I've read that she's an online teacher and former CSR. Why the hell you hired her?" Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata ni Tanya.
"Her way of disciplining your son is normal. Okay nga 'yon kaysa paluin si Kit. Perfect fit si Miss Hernandez na maging tutor ni Kit, Fred. Even Tita Letty likes her. Hindi ako nagkamali na i-hire siya saka pumasa naman siya sa standards. Walang boyfriend, walang anak, at pamilya lang priority."
Natahimik siya bigla. May point naman si Tanya sa mga sinabi nito. Dahil sa sobrang pagka-competitive niya, pati sa pagdidisiplina sa anak niya ay ayaw niyang nalalamangan siya.
"Tita Letty was right when she say you should learn from Miss Hernandez. Baka sakaling mawala ang takot sayo ni Kit,"
Kit is afraid of him. Hindi rin ito gaano ka-affectionate sa kanya kagaya ng ibang bata sa ama nito. Napapaisip tuloy siya kung anong mali sa paraan ng pagpapalaki niya dito. And reading those email of appreciations for his son's tutor hit his big ego. Marahas siya napabuntong hininga.
"I still don't like her. Pagsabihan mo na lang na huwag na ulitin iyon," aniya dito.
Hindi talaga siya magpapatalo. Sa pagitan nilang dalawa ng bagong tutor ni Kit, siya ang higit na may karapatan dahil siya ang ama. Tinapos niya ang pakikipag-usap kay Tanya at sunod namang tinawagan ang kanyang anak.
"Hello daddy, how was your flight po?" Bungad na tanong sa kanya ni Kit mula sa kabilang linya. Napatingin siya sa orasan niya, pasado alas siete na ng gabi.
"It was good, son. Thank you for asking. How about you, how are you?" He tried to be more approachable to Kit so that he can erased his son's fear of him.
"I'm also good. I did a bad deed awhile ago but Miss Hernandez didn't get angry at me. We both called ate Lucille and I apologise for what I did to her. I like Miss Hernandez because she's sweet and she always smiles." Nahilot niya ang kanyang noo. Pati anak niya gusto na din ang bagong tutor nito.
"She made you faced the wall, what is good with that?"
"Hmm, it made me reflect that what I did was wrong, daddy. I asked her if she going to hurt me but she said no." Marahan siyang tumayo mula sa pagkaka-upo. Patuloy niya pinakinggan ang nga kwento ni Kit sa kabilang linya. "Kailan ka po uuwi, daddy? Pwede po ba tayong maglaro pagbalik mo?"
"I'll be home on Saturday morning and yes, we can play after I get enough rest,"
"Yehey! See you on Saturday, daddy!" Masayang sabi ni Kit. "I love you, daddy."
"See you and I love you more,"
That words made him smile. He has a sweet son and he thanked God for giving Kit to him.