1
"DO you have a boyfriend, Miss Hernandez?"
Napatingin si Klarissa kay Ms. Tanya na siyang nag-i-interview sa kanya ngayon para sa private tutor position. Nagtataka siya kung bakit pati iyon ay kailangan pa itanong.
Requirement na ba ngayon na single ka para maging karapatdapat na private tutor?
"Well, incase you get hired today and I'm sure you will, kasama sa contract na pipirmahan mo yung no boyfriend policy during your service here in Morales Steel Corporation."
Napaawang ang mga labi niya dahil sa narinig. Kung part iyon ng contract, hindi dapat iyon sinasabi sa interview. Unless she's hired already. At bakit naman naman bawal magka-boyfriend? Kung dalawang taon ang kontrata na pipirmahan niya, ibig sabihin noon dalawang taon din siyang hindi pwedeng magpaligaw. Mali yata na nag-apply pa siya sa MSC. Nang tingnan niya kasi ito sa isang sikat na job portals sa internet, nasilaw siya sa offer na sahod para maging isang private tutor.
Triple iyon ng sinasahod niya sa aalisan niyang online teaching center. Sa gano'ng kalaking sahod, maari na niyang mabili ng bahay ang mama niya at mapag-aral sa kolehiyo ang nag-iisa niyang kapatid. Mababayaran pati niya ang mga utang nila na matagal ng overdue.
Ayos lang iyon, Klarissa. Wala ka din naman time magboyfriend 'di ba? Pamilya muna 'di ba? pangungumbinsi niya sa kanyang sarili.
"I don't have a boyfriend, ma'am," tugon niya dito. "This isn't the right time to look for a boyfriend. I need a job to support my family's daily needs and it can wait, ma'am,"
Tumango tango itong muli saka sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "May anak ka ba?" Another weird question at nagtataka na talaga siya. Private tutor ba talaga ang ina-apply-an niya o asawa ng may-ari ng MSC?
Pwede din naman yung huli. Aarte pa ba ako kung kailangan ko ng pera?
"Mr. Morales wants her son's tutor to be fully dedicated to its work. He also offer a place to stay in their house because he doesn't like people who always comes late. Very punctual na tao si Mr. Morales at na-discuss na din niyang libre ang magiging pagtira sa bahay nito."
"W-wala po," tugon niya. Napalunok siya dahil sa mga sinabi nito sa kanya. "Uhmm, h-hired na po ba ako?"
"Actually, you are. Tell us kung kailan ka pwede magsimula sa amin para maayos ko na ang pagkikita niya ni Mr. Morales at ng anak niya. Gusto ko din na pag-iisipan mo yung free luggage na kasama sa offer." Ngumiti ito saka nilahad ang kamay nito sa kanya. She accepted it immediately. "Welcome to Morales Steel Corporation, Miss Hernandez. Hindi 'man ikaw direktang magta-trabaho dito pero may mga times kasi na sinasama niya ang anak niya dito para maging pamilyar sa environment na meron siya. Dito din kadalasan nag-aaral ang anak niya."
Doon palang sigurado na siyang napaka-istrikto na ama ni Mr. Morales sa anak nito. "Ma'am, ilang taon na po ba ang anak ni Mr. Morales?"
"Ten years old."
Napasinghap siya bigla. That age should be in a normal school not home schooled. Dapat naglalaro din sa kalsada ang mga gano'n edad. Sigurado siyang sutil ang batang tuturuan niya dahil iyon ang side effect kapag strikto ang magulang at hindi nahahayaan na makalabas. Dapat na ba niya ipagdasal na bigyan siya nang mahabang pasensya?
"Do you have any other question, Miss Hernandez?" Umiling siya bilang sagot. "Then, let us know when will you be able to start,"
"Tapusin ko lang po yung dalawang araw na natitira sa pagrerender ko doon sa aalisan ko na company."
"Okay. Again, welcome to our company."
Napangiti siya saka muling nakipagkamay dito. Pareho silang napalingon nang biglang bumukas ang pintuan. Niluwa noon ang isang batang sa tantya niya ay nasa edad sampu na. Mamula mula ang matambok na mga pisngi nito, singkit ang mga mata at mataba ang pangangatawan nito. Gwapo ang bata sa suot nitong white short, navy blue polo shirt at puti sneaker shoes.
"Hi Tita Tanya!" Bati nito kay Ms. Tanya.
"What are you doing here, Kit?" tanong ni Ms. Tanya sa bata. Naglipat lipat lang ang tingin niya sa dalawa.
"Siya po ba yung bago kong tutor?" Nilapitan siya ng bata saka matamang tiningnan. "Mang Ramon said I will have a new tutor. Will she start today?" Muli siyang tiningnan ng bata mula ulo hanggang paa niya. The kid tried to intimidates her at hindi naman ito ang unang bata na nakilala niya na may gano'ng aura. Kalimitan pa nga ay ibang lahi ang mga batang nakakasalamuha niya.
"Hindi pa. May aasikasuhin pa siya sa dati niyang work bago magstart sa atin," ani Ms. Tanya kay Kit. "Be good to her, Kit. Do you understand me? Let's not give your daddy a headache. Alam mo kung paano siya magalit, right?"
"Okay..." Mahinang sabi ni Kit. Muli itong tumingin sa kanya at nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Sa isip niya, iyon marahil ang side effects ng pagiging sheltered nito. Nagpaalam siya kay Ms. Tanya at gano'n din kay Kit. Ngumiti ito sa kanya saka kumaway pa. Mukhang madadalian lang siya na turuan ito at sa tingin niya magkakasundo pa silang dalawa.
Klarissa, kaya mo 'to! Bulong niya sa isipan.
NAHILOT ni Alfred ang sentido niya at seryosong napatingin sa anak niyang tahimik na nakaupo sa sofa hindi kalayuan sa working table niya. Hindi niya alam na nagpahatid pala ito doon nang walang dahilan. Sinabi lang nito sa driver na available sa bahay na pinapatawag niya ito doon. Sumusobra na talaga ang anak niya sa pagsisinungaling nito. Hindi niya alam kung paano ito natuto magsinungaling at sigurado siyang ang mga dati nitong tutor ang nagturo noon.
"Fred, I already hired the new tutor who applied awhile ago," ani Tanya sa kanya. Katabi ito ng anak niya sa sofa.
"Can't she start today? Can she handle my son? Because if not, huwag mo na lang siya tanggapin. Baka madali lang siya ma-persuade ni Kit at kung ano ano pa gawin nila." Mahaba niyang sabi kay Tanya. Tumayo siya saka nakapamaywang na tumingin sa glass wall kung saan tanaw niya ang kabuuan ng Makati City.
"I think she can. Iba ito sa mga dating tutor ni Kit at nakikita ko na magaling din siya magturo," tugon ni Tanya sa kanya.
"Make sure of that because if this things happen again, I'll fire her." Hinarap niya ang pinsan niya. "Ipahatid mo na siya pabalik sa bahay at pag-report-in mo na yung bagong tutor niya bukas."
"Pero Alfred -"
"Made her report tomorrow." He said with authority on his voice. Kinuha niya ang coat na nakasabit saka sinuot iyon. "Kit, this is the last time you'll be crashing to my office unannounced, understood?"
"Yes, daddy..." Tinanguan niya lang si Tanya saka tuluyang lumabas sa opisina niya. He'll need to attend a luncheon meeting with MSC Chinese investors.
MSC or Morales Steel Corporation is a leading steel distributor inside and outside the country. Minana niya iyon sa ama niyang si Alfredo Morales III na yumao na. Sa balikat niya naatang ang lahat ng responsibilidad na may kinalalaman sa negosyo nila. Sa edad niyang trenta'y tres, masasabing successful na siya. Idagdag pa na kayang kaya niya makipagsabayan sa mga negosyanteng mas matanda sa kanya. Maging iyon ay namana niya din sa ama niya. He was borne and raised to be MSC's next leader.
Bente kwatro siya nang mag-umpisa siyang mag-training sa MSC. Sa edad din niyang iyon, dumating sa buhay niya si Kit - ang kaisa isa niyang anak. His girlfriend Arissa and him have Kit unexpectedly. Pinanganak pa ito na kulang sa buwan dahil maaga kinuha sa kanila si Arissa dahil na din sa kakagawan niya. Hanggang ngayon sinisisi pa din niya ang sarili niya sa nangyari sa kasintahan. If only he talked to her that night and make up with her, she wouldn't get hit by a raging car.
Stop blaming yourself, Fred, aniya sa isipan.
Walang nakakaalam na kahit sino sa labas ng pamilya niya sa nangyari. Iilan lang ang nakaka-alam na anak niya talaga si Kit at hindi kapatid. Raising a child alone was the hardest part of his life. Idagdag pa doon na kailangan niya hawakan ang MSC dahil nagretiro na ang ama niya noon. Mabuti na lang tinulungan siya ng mama niya sa pagpapalaki kay Kit. Seven years old na si Kit nang ibigay sa kanya ang pangangalaga dito.
Matalino at matured mag-isip si Kit iyon nga lang, gaya ng ibang bata, may pagka-sutil ito. Hindi niya gusto na palaging kinagagalitan ang anak ngunit sa sobrang pagkakulit nito, nagagawa niya itong sigawan. Only if Arissa was still alive, he has no problem in raising Kit. Alam niyang maaring maging mabuti ina ang yumao niyang kasintahan. Kung buhay lang sana ito, hindi siya magkakaganoon.
~•~•~
First posted: January 30, 2020
Edited: April 06, 2020
~•~•~