"HINDI talaga ako nagkamali nang paraan sa pagpapalaki sa inyong dalawa."
Masayang sabi ng mama niya matapos niya ma-kwento lahat nang naganap sa maghapon niyang pananatili sa bahay ng mga Morales. Mula sa umagang komosyon, sa pagdisiplina niya kay Kit hanggang sa pagpuri sa kanya ni Mrs. Morales. Maghapon na nagstay sa mansion ang ginang at nagpatulong pa ito sa kanila ni Kit na magbake ng mga cookies na dadalhin nito sa tinutulungan orphanage ng pamilya nito.
Sinunod niya ang lesson list na binigay ni Susan sa kanya. Humingi siya ng permiso kay Mrs. Morales na baguhin iyon para naman maranasan ni Kit na makasalumuha ng ibang bata dalawang beses sa loob ng isang linggo. Pumayag ang ginang sa suhestyon niya at sinabi nitong makakatulong nga iyon sa social aspects ng buhay ni Kit. Every Monday, Wednesday and Friday, Kit will attend a normal classes with his own cousins. Tuwing Tuesday naman ay music class nito at Thursday ang physical education nito. Hindi na niya sinama sa schedule ang Sabado at Linggo para magkaroon ng bonding ang mag-ama.
"Unang araw palang affectionate na sa 'yo yung bata, ate. Hindi ka ba natatakot na baka lumaon ituring ka nang ina ni Kit?"
She has a big heart with kids. Alam iyon ng mama at kapatid niya. Kaya nga iyon ang kinuha niyang propesyon. Kahit hindi magawang matapos iyon ay nangako naman siyang ipagpapatuloy niya once na makaipon. Na-apply din naman niya sa pagtuturo ang ibang natutunan niya sa kolehiyo.
"Ang sweet na bata ni Kit. Unang impression ko nga doon ay ubod ng kulit pero kanina hindi naman siya gano'n. Sabi nga ni Mrs. Morales, ngayon lang daw sumunod si Kit sa tutor niya,"
"Nagkakilala na ba kayo ni Mr. Morales?" Umiling siya bilang sagot. "Bakit? Hindi ba sila magkasama ng anak niya bahay?"
"Magkasama pero maaga umalis at may three days business conference sa Singapore," tugon niya.
"Kung mabait yung Mrs. Morales, baka mabait din ang anak niya," ani naman ng mama niya. Tumango tango naman si Kris sa sinabing iyon ng mama nila.
"Hindi din 'ma. Minsan kabaliktaran ng puno ang bunga. Tingnan mo kami, ang bait niyo ni papa pero kami ni Kris ubod ng maldita." Natatawa niyang sabi.
"May point si ate. Pero mas maldita siya, ah." Tinampal niya sa braso si Kris. Nagpatuloy sila sa pagku-kwentuhan hanggang sa pare-pareho na silang dalawin ng antok.
SUMAPIT ang Sabado at kahit kulang siya sa tulog, pinilit niya na pumasok pa rin. Sinabi sa kanya ni Mrs. Morales kailangan pa ng approval ni Mr. Morales tungkol sa binago niyang study schedule ni Kit. Kasalukuyan silang nasa labas ng mansion at nag-iisip siya kung ano pwede ipagawa kay Kit. Ayaw niya sundin ang normal teaching schedule na binigay sa kanya ni Susan. Sabado naman at yung ibang bata sa normal school naglalaro na kasama ang mga magulang kapag gano'ng araw.
"Kit, may alam ka ba na larong kalye?" tanong niya dito.
"Ano po 'yon?" Maang siyang napatingin sa bata. Hindi siya makapaniwala na wala itong ideya kung ano ang sinabi niya.
"Seryoso ba 'yan?" Tumango lang si Kit bilang sagot.
"Wala din naman siya lalaruan dito, Isay. Hindi 'yan pinapayagan na lumabas at pumunta sa clubhouse para maglaro."
It was Manang Elisa who has a genuine smile on her face. May dala itong merienda para sa kanilang dalawa ni Kit. Sa tatlong araw niya pagta-trabho doon, agad niyang nakapalagayan ito ng loob. Mabait ito at kagaya ng mama niya madami din itong mga payo na sinabi sa kanya. Manang Elisa has been Mr. Morales' personal nanny. Pitong taon daw si Mr. Morales ng pumasok ito doon para maging nanny. Hanggang sa ngayon, naninilbihan pa din ito at anak na ng dating alaga nito ang binabantayan nito.
"Bawal po ba talaga kahit kasama ako?" Tanong niya.
"Darating ngayon si Alfred, baka hanapin kayo noon." Bumagsak ang mga balikat niya.
"We can play ball games here, Miss Hernandez. Saka gusto ko din magtayo ng tent dito para may malaruan ako na hindi maiinitan," suhestyon sa kanya ni Kit. Napatingin siya kay Manang Elisa at nakangiti itong sumang-ayon sa gusto ng bata. Agad nila inayos ang tent na gawa sa pinagdugtong na mga puting kumot. Magaling siya sa gano'ng department dahil minsan na siyang nagpart time sa isang day care center. "Uhmm, Miss Hernandez, why you did want to teach me my regular lessons today?"
Binaba niya ang hawak niyang laruang kotse saka tumingin dito. "Hmm, because its Saturday. Kids at your age enjoys this day playing to relax their mind from whole week of studying,"
"So, I'm a regular kid now? Yung iba ko po na tutor, sinusunod nila ang gusto ni daddy kaya hindi ako masaya,"
"Eh, ngayon, masaya ka ba?" Tumango ito saka ngumiti. "Secret lang natin 'to, okay? Hide out natin ito at bawal silang lahat dito,"
"Aye aye, ma'am!" Pareho silang tumawa saka pinagpatuloy ang paglalaro doon.
"Kit?" ani nang baritonong tinig na nanggaling sa labas ng ginawa nilang tent.
"Daddy!" Agad itong lumabas at pati siya ay lumabas na din.
Nakita niyang yumakap si Kit sa tinawag nitong daddy. Binundol nang matinding kaba ang dibdib niya nang mapunta sa kanya ang tingin nito. He looks dashing in his plain white shirt, navy blue shorts and whit running shoes. Kahit naka-itim na shades ito, tumatagos pa din doon ang tingin nito sa kanya. Pakiramdam niya may sinusunog na kung sa loob niya ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Ito nga si Mr. Alfred James Morales. Ang CEO ng Morales Steel Corporation at tatay ni Kit. Ang kanyang bagong boss.
"Who are you? What is this?"tanong nito sa kanya.
"Daddy, she's Miss Hernandez, my tutor." Si Kit na ang nagpakilala sa kanya sa ama nito. Muling nagtama ang kanilang mga mata at dahil nakakabulag iyon, una siyang umiwas. "She said that its okay to play today since it's a Saturday naman po," paliwanag ni Kit na naging dahilan nang mariin niyang pagpikit.
"Kit, go inside muna. Miss Hernandez and I will have to talk," anito sa malagom na tinig na lalong nagpatindi sa kaba niya. Sinunod naman ito ni Kit at matamang humiwalay dito saka pumasok na sa loob ng bahay. Naiwan silang dalawa doon ni Mr. Morales at sa umpisa wala ni-isa sa kanila ang kumikibo. Not until Mr. Morales spoke. "Didn't you get Kit's study schedule from Susan?"
"I-I got it sir but didn't you get my email about Kit's study schedule revision?" Hindi niya alam kung bakit siya nauutal. She tried to calm her self first before talking again. "Kailangan ni Kit na magkaroon ng pahinga sa pag-aaral kahit dalawang araw sa loob ng isang linggo, sir." Paliwanag niya dito na kinakunot ng noo nito.
Natikom niya ang bibig niya saka napayuko. Hindi na niya kayang salubungin pa ang tingin nito ngayon inalis na nito ang suot nitong shades. He looked more handsome without that damn black shades.
Really, Isay? Ginigisa ka na niya nakuha mo pansinin ang kung gaano ito kagwapo, singhal niya sa isipan.
"I didn't approved it and why would I need to approved a revision of my son's schedule made by you? You're just his tutor, Miss Hernandez. Also, I didn't like your way of disciplining my son on your first day at work. Hindi mo ako kailangan pangunahan, Miss Hernandez. I know what's best for my son."
Tila nagpantig ang tainga niya nang sabihin nitong tutor lang siya ng anak nito. Tutor lang siya. Oo nga naman pero wala pa din itong karapatan na sabihin iyon sa kanya.
Malalim siya huminga muli bago nagsalita.
"Do you really know what's best for your son, sir? Did you ever asked him if he's happy? Tutor nga lang ako ng anak mo, sir pero alam ko kung hindi na masaya ang bata sa ginagawa niya, sir,"
"Have you been a parent, Miss Hernandez?" Umiling siya bilang sagot. "Then, stop acting like you know how hard to raised a child alone. You may now go," anito saka tinalikuran na siya.
Inis na inis naman siyang dinampot ang bag niya saka nilisan ang bahay ng mga ito. Hindi na niya nagawang magpaalam pa kay Kit dahil ayaw naman niya pumasok sa bahay ng mga ito at makita ang tatay nitong nakapasama ng ugali. Her predictions were right. Kabaligtaran talaga ng puno ang bunga nito. Kung gaano kabait si Mrs. Morales ay siya namang pinangit ng ugali ng anak nito. Now wonder why Kit was like that. Wala siyang pakialam ngayong tanggalin 'man siya ni Mr. Morales. Ang mahalaga nasabi niya ang kung ano nasa dibdib niya. Hindi niya mapapayagan na nila-lang nito ang pagiging tutor niya. Never! Kahit sino pa ito sa society.