HALOS malaglag sa kinauupuan niya si Klarissa nang mabasa ang email sa kanya ni Ms. Tanya. Napatingin siya sa paligid niya at nagpapasalamat siya na hindi umiikot ang supervisor ng mga oras na iyon. Ang email ay tungkol sa agaran niyang pagsisimula sa trabaho bukas. Utos daw iyon ni Mr. Morales at hindi pwede na hindi masusunod. Napalabi siya nang maalalang may dalawang araw pa siyang rendering sa Hope International Teaching Center. Doon siya dumiretso pagkagaling niya kanina sa interview sa Morales Steel Corporation.
She bit her nails and think of a plan. Gano’n siya kapag stress at kailangan mag-isip. Hindi naman kasi niya alam na on the spot maha-hire siya agad. Dagdag pa na nakita na niya si Kit – ang batang i-tu-tutor niya na anak ng CEO ng MSC. Mukha itong sutil pero natural lang naman iyon sa mga batang nasa edad nito. Napabalik ang atensyon niya sa email ni Ms. Tanya sa kanya. Ano isasagot niya dito?
Muli siyang napalinga sa paligid. Iniisip niya kung kakausapin ba niya agad ang human resource manager ng HITC. Sayang kasi ang offer sa kanya ng MSC na triple ng sahod niya sa HITC kung palalampasin pa niya. Masusuportahan na niya ang pangangailangan nila ng mama niya at kapatid. Hindi na din niya kailangan magpart time dahil nais ng magiging boss niya na fully dedicated siya sa anak nito.
Sa email ni Ms. Tanya, naka-attached ang contract niya. Nakasaad doon na tatlong taon siya maninilbihan bilang tutor ni Kit. Wala naman kaso sa kanya iyon kahit gano’n katagal ang kontrata. Ang mahalaga lang naman ay maayos siya pakikisamahan ni Mr. Morales at ng anak nito. Nakasaad din sa email iyong tanong na kung maari ay doon na siya tumira sa mansion ng mga ito para hindi na din siya hirap sa pag-co-commute.
Marahan siya tumayo sa mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Napahugot siya nang malalim na hininga bago lumakad patungo sa office ng human resource manager nila. Magpapaalam na siya sa mga ito. Hindi niya maaring palampasin pa ang MSC. Sa hirap ng buhay at paghahanap ng trabaho, bihira na ang mga katulad ng kumpanya na ito na gustong gusto siya kuhain.
Isipin mo na lang ang benefit na makukuha mo kapag tumuloy ka sa MSC, Klarissa, bulong niya sa isipan.
“NANDITO na po ako,” aniya pagkapasok niya sa bahay nila.
Hindi siya sinagot ng mama niya at ni Kris dahil abala ang mga ito sa pinapanood na drama sa TV. Tuloy tuloy siyang pumasok saka nilapitan ang dalawa. Matama niyang nilapag sa pang-isahan na sofa bitbit na sling bag at naupo doon. Kitang kita niya kung gaano katutok ang dalawa sa pinapanood ng mga ito.
Marahan siyang sumandal para ma-relax ang kanyang likuran. Naglipat lipat ang tingin niya sa TV, sa mama niya at kay Kris. Nais niya natawa ngunit ayaw niya sirain ang moment ng dalawa. Hilig talaga ng mga ito ang manood ng mga gano’ng drama na pinaka-ayaw naman niya sa lahat. Mas gusto niya manood ng adventure filled movies saka mga animation movie. Ewan ba niya kung bakit gano’n ang hilig niya. Nilapit niya ang tissue box sa dalawa nang makita niyang umiiyak na ang mga ito.
“Kaya ang da-drama niyong dalawa eh,” aniya saka sunod sunod na napailing.
“Ang ganda kasi nung palabas, ate,” ani Kris habang pinupunasan ang mga luha nito. “Sana sa totoong buhay makakilala si ate ng katulad nung bidang lalaki. Gwapo at mayaman na lalaking tutulong sa atin,”
“Ako talaga? Saka walang ganyan sa totoong buhay, noh!” Marahan siya tumayo mula sa pagkaka-upo. Tinungo niya ang kusina para tingnan kung may makakain na ba. Nagliwanag ang mga mata niya ng may makita siyang pagkain doon. Iyon naman ang maganda sa mama niya, nagluluto muna ito bago tumutok sa higit isang oras na drama sa TV.
“Malay mo naman ate meron pala.” Napalingon siya sa kapatid niya saka masama niya ito tiningnan.
“Meron nga pero malamang may asawa na ang mga iyon. Saka ayokong gawing telenovela ang buhay ko. Kaya ko naman kayo tulungan kaya hindi natin kailangan na maghanap ng gwapong mayaman na lalaki,”
“Kamusta ang interview mo?” tanong sa kanya ng mama niya. Tinulungan siya nito sa paghahain ng hapunan nila.
“Hired na po ako, ‘nay. Magstart na po ako bukas sa kanila,” tugon niya.
“Agad agad? Eh ‘di ba nag-aayos ka pa sa HITC?” Naupo siya sa pwesto niya saka inumpisahang lantakan ang pagkain na nilagay niya sa plato. Kumain na din ang mama niya at si Kris. “Sigurado ka ba na maayos na company ‘yan? Ano trabaho mo doon?”
“Private tutor po ng anak ng CEO,” wika niya.
“Anong company nga ‘yan, ate?” tanong naman sa kanya ni Kris.
“Morales Steel Corporation.” Tumayo si Kris at kinuha nito ang laptop nito saka bumalik doon. Nakita niyang nag-search ito sa Google tungkol sa MSC. Nagawa na din naman niya iyon bago siya nagpunta doon kanina. Binasa niya ang mission at vision ng kumpanya. Maging company history ay hindi din niya pinalampas.
“Nakita ko na ang CEO nito,” ani Kris sa kanya.
“You do? Paano?”
“Speaker siya doon sa business conference na dinaluhan namin sa school. Ang gwapo kaya nito at makalaglag panty ang hotness niya.”
Nabatukan niya ang kapatid dahil sa sinabi nito. Hindi naman ito umangal pa dahil alam naman nitong mali ang sinabi nito.
Ano daw? Makalaglag panty ang hotness? Naiiling siyang muling kumain. Sarap na sarap talaga siya kumain kapag nagkakamay.
“Patingin nga niyang CEO na ‘yan.” Maang siyang napatingin sa mama niya. Imbis na pagalitan si Kris at nakiusosyo pa ito. Pinakita naman ni Kris dito ang picture ni Mr. Morales sa mama nila. “Aba’y gwapo nga. Anak ba nito ang tuturuan mo?”
“Opo, ‘nay,” aniya sa ina. Gwapo nga si Mr. Morales at tama din naman si Kris nang sabihin nitong hot nga ito. Kaya naman gano’n na lang pagkadismaya niya nang malamang may anak na ito. Imposible naman na wala itong asawa. Hindi naman kasi maaring gawin mag-isa ang cute na batang katulad ni Kit. Hawig na hawig si Kit ng daddy nito.
“Pero wala siyang asawa kaya pagkakataon mo na, ate.” Muli niya binatukan ang kapatid niya. Hindi niya alam kung saan natutunan nito iyon. Having a relationship to her boss is against on her principles in life. Gaya nga ng sabi niya, hindi niya kailangan ng lalaking mayaman na tutulong sa kanila. She can provide for her own family.
“Tigilan mo na nga ang ate mo, Krisanta. Magkakabukol ka lang dyan kakaasar mo,” sita ng mama niya sa kapatid. Tuluyang tinabi ni Kris ang laptop at kumain na. Pagkatapos nila, agad siya dumiretso sa kwarto niya para magpalit ng damit. Hinanda na din niya ang susuotin niya para sa first day niya bukas.
Kinakalkula na niya ang oras ng biyahe niya papunta sa bahay ng mga Morales. Doon ang address kung saan siya pinag-re-report ni Ms. Tanya. Ang executive assistant daw ni Mr. Morales ang bahala na mag-brief sa kanya para sa overall niyang trabaho bilang private tutor ni Kit. Kung aalis siya ng alas sais sa bahay nila, makakarating siya sa Makati City ng alas otso. Sakto na iyong gano’n kaagang pag alis para hindi siya mahuli sa oras niyang 9-6pm.
Tinanggihan niya ang offer na tumira sa bahay ng mga Morales. Hindi kasi siya kumportable na matulog sa ibang bahay. Sinabi na lang niyang sisiguraduhin niyang hindi siya mahuhuli sa oras ng trabaho niya. Hindi pa niya alam kung nag-reply na ba si Ms. Tanya sa email response niya. Curious siya sa magiging response nito sa desisyon niya. Naayos na din naman niya lahat kanina HITC. Wala na din naman talaga siya ginagawa doon ngayon dahil na-turn over na niya lahat bago pa pumunta sa interview niya kanina.
“Klarissa, anak…” Natigil siya sa ginagawa nang madinig ang tinig na iyon ng kanyang mama. Marahan itong pumasok sa kwarto at naupo sa kama niya.
“Ano po ‘yon, ‘nay?” tanong niya dito. Bakas sa mukha nitong may malaki itong problema na dinadala.
“Ano kasi, si Aling Iska naniningil na sa balanse natin sa upa ngayong buwan, baka lang naman may naitatabi ka pa na extra dyan pambayad lang natin,” anito sa kanya. “Ayoko kasi na galawin yung puhunan natin sa karinderya. Pasensya ka na hindi gaano maganda ang kita,”
She reached for her bag to get her wallet. Humugot siya doon ng dalawang libo at matamang inabot sa mama niya.
“Ayos lang po iyon. Hayaan niyo ‘nay giginhawa din po tayo. Malaki po sahod ko sa bago kong trabaho kaya hindi na po natin kailangan mamoblema pa.” Niyakap lang siya ng mama niya nang mahigpit at tinugon niya ang yakap nito sa kanya.
~•~•~
First posted: January 30, 2020
Edited: April 06, 2020
~•~•~