5

1195 Words
"DITO ka na magdinner, Miss Hernandez, please?" Pakiusap sa kanya ni Kit. Pinapungay pa nito ang mga mata nito para lang mapilit siya na doon mag-dinner. Napatingin siya kay Manang Elisa at nginitian siya nito. Parang gusto din nito sabihin sa kanya na pagbigyan na niya ang alaga nito. Matapos umalis nung tagapag-alaga ni Kit nang nakaraang linggo, hindi na ulit kumuha ang mga ito ng bago. Si Manang Elisa na ang nagboluntaryo na mangangalaga kay Kit at pinasa nito sa anak ang pagluluto sa kusina. Yumukod siya kapantay ni Kit saka inayos ang buhok nito. "Kailangan ko na kasi umuwi ngayon, Kit." Nakita niya ang paglungkot ng mukha nito na naka-antig sa puso niya. Naisin 'man niya na sumabay dito ay hindi niya magawa dahil ayaw niya makita ang tatay nito. Hindi siya nito tinanggal sa trabaho ngunit halos araw araw naman na pakiramdam niya'y ang lapit lapit niya sa impyerno dahil sa mga tingin nito sa kanya. Tila sinusunog noon ang kanyang kaluluwa. "Miss Hernandez, glad that you're still here," ani nang tinig na nagpa-ayos sa kanyang tayo. Pagtingin niya ay agad niyang nakita si Mrs. Morales na nakangiti at kasama ang anak nitong kampon ni Lucifer. Gaya kaninang umaga na halos masunog na siya dahil sa tingin nito ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Ibinaling na lang niya sa mag-lola ang kanyang atensyon. Nakita niyang nakayakap na sa ginang si Kit. "Lola, can you convince Miss Hernandez to stay and have dinner with us, please?" Nadinig niyang pakiusap ni Kit sa lola nito. "Have dinner with us, Miss Hernandez. Let's celebrate because its been a week since you start working with us," ani Mrs. Morales sa kanya. Napangiti siya. Yes, one week na siyang nagta-trabaho sa mga ito. Isang linggo na din siyang palaging malapit sa impyerno ang pakiramdam. Hindi niya sukat akalain na makakatagal siya sa trabaho. Mabuti na lang lumaki siyang matigas ang mukha. Kaya niya sabayan ang ugaling mayroon si Mr. Morales - ang psycho niyang boss. "Ma'am, kailangan ko na po umuwi. Kapag po kasi ginabi pa ako, wala na po masasakyan pauwi sa amin," aniya dito. "Saan ka ba nakatira?" tanong ni Mrs. Morales sa kanya. "Antipolo pa po." Nakita niya ang gulat na rumehistro sa mukha nito ngunit mabilis itong nakabawi. Napansin niyang nakalukot ang mukha ni Kit. Sa tingin niya mananatiling gano'n iyon kapag hindi pa siya pumayag na sumabay sa kanila. "Manang, tell mang Ramon na ihatid si Miss Hernandez mamaya pagtapos natin magdinner." Pare parehong nanlaki ang mga mata nila dahil sa pagsabat na iyon ni Mr. Morales sa usapan nila. Pagkatapos nito magsalita ay nauna na itong pumasok sa bahay nito. She heard a loud yes from Kit. Wala na siyang nagawa kung 'di sumama sa mga ito na magdinner. Nagtext na lang siya sa mama niya na gagabihin siya ng uwi. Habang nakain, nag-uusap ang mag-inang Morales tungkol sa negosyo habang siya at si Kit naman ay abala sa pagkain. Nakita niya kung gaano kagana na kumain ito. Halos hindi na nito napapansin na may kumalat na sauce sa mukha nito kaya namab kinuha ang table napkin at pinunasan iyon. "Thank you, Miss Hernandez," ani Kit sa kanya. A smile flashed on her face. She caress Kit's cheek. "Talagang na-love at first sight sa 'yo ang apo ko, Miss Hernandez," natatawang sabi sa kanya ni Mrs. Morales. "Ano pala trabaho ng parents mo, hija?" "Matagal na po'ng patay ang papa ko habang si mama hindi ko na po pinagta-trabaho. She just managing a canteen near our house." "Sorry, about your father. Do you have siblings?" "Opo. Isa at babae din. College na po at business administration major in banking and finance po ang course niya," "Pinapa-aral mo?" Tumango siya bilang sagot. "Ang bait mo namang kapatid. Actually, your sister can be part of our scholarship program since business ad naman ang course niya, right, Alfred?" Napatingin siya sa boss niya. "Yes, 'ma," seryosong sagot nito. "Once maging part siya ng scholarship program at makatapos, sigurado na may trabaho na siya agad sa MSC," "We'll tell Susan to help your sister in compiling all the requirements needed," ani Mrs. Morales sa kanya. "Thank you po," aniya dito. "Its Alfred's token of appreciation for being nice to his son, hija." Napatingin siyang muli sa boss niya. Wala siyang nakitang reaksyon sa mukha nito. Seryoso pa din ito sa pagkain kaya hindi katakatakang takot dito si Kit. Nagpatuloy sila sa pagkain habang nagku-kwentuhan. Pagkatapos ng dinner nila, unang umalis si Mrs. Morales na siyang hinatid muna ng driver ni Mr. Morales. Malapit lang naman ang paghahatiran kaya pinahintay na ito sa kanya doon. Nagawa tuloy niyang patulugin si Kit matapos basahan ng libro na paborito nito. Nang masigurong tulog na ang bata, lumabas na siya sa kwarto nito at tumungo sa labas kung saan naabutan niya si Mr. Morales na naka-upo malapit sa pool. Nagtatalo ang isip at puso niya kung lalapitan ba niya ito para pasalamatan sa binigay nitong opportunity na matapos ang kapatid niya. Mag-thank you ka lang tapos ay umalis ka na, aniya sa isipan. Huminga siya nang malalim bago lumapit dito. Isang tikhim ang pinakawalan niya na siyang kumuha sa atensyon nito. Napabaling ito sa gawi niya at kitang kita niya ang pagkunot ng noo nito. Wala yata talagang ibang expression ito kung 'di magseryoso at sumimangot. Pasimple niyang naikot ang kanyang mga mata. "Uhmm, thank you, sir," aniya dito. "For what?" Nagtatakang tanong nito sa kanya. "Sa scholarship at itong pagpapahatid mo sa akin pauwi," "Thank my mom instead. I can't say no to her," anito saka tumayo. Halos malaglag ang panga niya nang hubarin nito ang suot nitong robe. For heaven's sake, why he have to flunt his half naked body in front of her? Everything about Mr. Morales is almost perfect. Palyado lang talaga sa ugali nitong hindi niya maintindihan. "Just do your work properly and I approved that revised schedule because of my mom and as I've said, I can't say no to her." Hindi niya alam saan papaling ang tingin niya. She can't looked straight to his dark piercing eyes because it drains all her energy. Lalong hindi naman niya magawang tingnan ito sa katawan nito. Parusa ba ito o biyaya sa kanya? Awtomatiko siyang napa-atras nang humakbang ito palapit sa kanya. Kailangan ba talaga siya pahirapan ng gano'n? Nararamdaman na niya ang pamamawis ng kamay at paa niya. Can somebody come and saved her? Habang lumalapit ito, hindi niya maiwasan na maamoy ito. Is that a perfume or his natural scent? "Why? What's wrong, Miss Hernandez?" Right, he's testing me, aniya sa isipan. Patuloy ito sa paglapit at siya naman panay lang ang pag-atras. "Uhmm, I'll thank your mom tomorrow. S-sige uwi na ako," aniya saka tinalunton niya daan sa gilid nito. Saktong dumating si Mang Ramon kaya naman madali siyang lumapit dito. Napalingon siya sa gawi ni Mr. Morales at saktong nakita niya ang pagngisi nito. Nakuyom niya ang magkabila niyang kamay dahil doon. Kampon talaga ni Lucifer, tsk! Aniya sa isipan. But he's too hot to be a demon? His looks really can be deceiving. He's a total sin! Sigaw niya pa sa kabilang bahagi ng kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD