NAABUTAN niyang naglalatag sa living room sila Kit at Miss Hernandez. Nakakunot ang noo niyang nilapitan ang dalawa. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa dalawa. "Kit can't sleep in his room. Sakop nung tatlo buong kama kaya I decided to let him sleep with me," sagot sa kanya ni Miss Hernandez. "Bakit hindi kayo sa master's bedroom?" Sabay na umiling ang dalawa. Lalong nangunot ang noo niya. Kit enlightened him that Miss Hernandez was afraid of spacious place. Hindi makatingin sa kanya ang tutor ng anak niya marahil ay nahihiya ito, but everyone has their fear. Ngayon lang niya nakitang nawala ang confidence nito sa katawan. "I'll sleep with both you of here," "Huwag na." Tanggi ni Miss Hernandez sa gusto niya. "I mean, o-okay naman kami dito but if you want you can take Kit i