16

1446 Words

"ALAM mo po ba na ngayon lang nagkasakit si daddy, Miss Hernandez." Napatingin siya kay Kit saka nginitian ito. Abala ito sa pagsagot sa seat work na binigay niya dito pagkadating niya doon. Tinatawagan siya ni Kit nang maaga para sabihin na may sakit ang daddy nito. Wala daw si mang Ramon kaya walang maghahatid dito sa bahay nila. May konsensya pa naman siya kahit paano kaya siya na lang nagpunta sa mansion nito para doon turuan si Kit at ipagluto na din ang mag-ama. Wala din kasi si manang Elisa na nakabakasyon mula nung isang linggo pa. "Baka nagkakasakit na siya pero binabalewala niya lang para makapag-trabaho," aniya dito. Nakita niya ang paglukot ng mukha ni Kit. Pinatay niya ang kalan saka nilapitan ito. "Why Kit?" "Minsan po nahiling ko na sana may sakit na lang siya palagi p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD