Lian's POV
Masarap na sumasamyo ang hangin sa pisngi ko, nasa tapat ng bintana ang kama ko na noo'y makikita na ang aliwalas ng araw kahit pa nakapikit ako ay nakikinikinita ko ang sikat nito, mayamaya pa'y minulat ko ang aking mga mata at bumungad ang kay gandang tanawin ng likod bahay. Ang paborito kong tanawin dito sa tahanan ni nanay Serena.
Marahan akong bumangon at sumandal sa kama. Hinaplos ko ang magkabilang balikat na tila may kung anong kulang sa akin ngayon. Kalinga't pagmamahal, iyon siguro ang tinutukoy ng isip ko. Paano nga ba magsisimula? Mag isip ka Lian ha! Tama na ang kagagahan mo, move on. Himutok ng aking isipan.
Wala sa sarili kong inabot ang isang bagay at niyakap iyon, niyayakap ko ang malambot na unan, na tila nagpapa-comfort ako rito. Mayamaya pa'y may narinig akong kumatok.
"Dhay..gising ka na? Mag almusal na tayo dhay." Tawag ni nanay Serena, gaya pa rin ito ng dati sa mansion na kung makakatok sa pintuan ko ay tila bomberong may sinasalba sa sunog. Bumangon ako at nag-ayos sa sarili, pagkatapos ay marahang binuksan ang pinto.
Napabungad ako sa kabuuan ng tahanan ni nanay Serena. Naalala ko na lahat, dahil sa maliwanag at maaliwalas na umaga ngayon ay mas lalong naging makulay at may buhay ang loob nito. May malalaking bintana na dahilan upang pumalibot ang kay preskong hangin at sinag mula sa labas.
"Magandang Umaga po.." Bati ko rito habang tanaw ko ito sa kusina na abalang nagsasandok ng kanin para sa plato ko.
"Ali na diri, mangaon na ta!" [Halika na dito at kakain na tayo!] Himig pa niya sa akin habang kinakawayan akong lumapit sa kaniya.
Maasikaso ito gaya ni mommy, magagaling magluto ang pamilya nila lola kaya siguro namana din ni mommy Cassandra iyon sa mga ito. Kaya di maipagkakaila na busog at malulusog ang mga pinsan, at kapatid ko na sina Kenjie, Danicka at pinsan kong si Gabriel. Ako lang yata ang balingkinitan sa aming magkapatid dahil na rin sa stress ng trabaho at siyempre dahil kay Andrius.
Lumapit ako at umupo sa lamesa. "Salamat po sa agahan 'nay!" Nakangiting sambit ko kay nanay na gaya ko'y napakaaliwalas ng mukha.
"Sus dhay, h'wag ka munang magpasalamat, kumain ka muna oy! ang payat-payat mo na oh..naunsa ba? Bakit ba kasi ikaw ganiyan? Nag-diet-diet ba ka dhay?" Mixed language na tanong ni nanay sa akin na naiintindihan ko naman kung ano ang ibig sabihin.
Ngumiti ako at marahang umiling.
"Hindi po, baka sa trabaho lang po, walang gana kumain." Sambit ko dito habang sumusubo ng pagkain.
"Ah oh sige kaon ka ng marami," sabi ni nanay habang gaya ko'y maganang kumakain. Masarap na pinakbet ang ulam, may pritong itlog at preskong isda na tinatawag nilang inun-onan, o paksiw sa tagalog. Kumain kami habang nagkakamustahan, sinabi ko rin ang nangyari sa relasyon namin ni Andrius at ang rason kung bakit napagpasyahan kong magbakasyon dito. Ang mommy Cassandra ko lang at si nanay Serena ang pinagsabihan ko lang nito, sila lang ang nakakaalam ng sitwasyon ko. Hindi ko na sinabi sa mga kapatid ko at kay daddy McKenzie dahil baka mas lalong gumulo ang sitwasyon.
"Naku..kaya pala dhay napakalungkot mo kagabi, makita ko man sa mata mo ba. Akala ko sa pagod lang..pero 'yan pala ang dahilan.." Sabi pa ni nanay habang kumakain ng nakakamay.
"Oho," tipid kong responde.
"Sige lang, maging masaya ka rito. Dito ka muna kung kailan mo gusto, no problem!" Wika ni nanay habang naka aprob pa ang kamay.
Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti, ngumiti ako dito at ipinagpatuloy ang aking pagkain. It's gonna be interesting! Satsat pa ng isipan ko.
Matapos kong kumain ay tinulungan kong magligpit at mag-ayos si nanay. Nang matapos iyon ay namitas kami ng mga prutas sa bakuran nito, nagharvest din kami ng mga gulay at pati na rin ang pamamasyal sa mga bakanteng lupa roon. Inilibot ako ni nanay sa mga amiga at kakilala niya roon, namasyal din kami sa mga kapilya doon at nagtirik ng kandila. Isa sa nagustuhan ko kay nanay Serena ay ang makadiyos at napakarelihiyosang babae nito. Hindi rin namin pinatawad ang mga buko ng niyog, na noo'y ipinag-akyat ng mga tauhan ni nanay, nakisuyo kami sa isang trabahador niya na isang magkokopras ng mga niyog. Sabik na sabik akong inumin ang preskong sabaw ng buko.
Ahh. Heaven! Bulalas ko pa nang makainom ng sabaw, pinahiran ko pa ang gilid ng aking bibig sa pamamagitan ng aking braso. Masaya kong pinagmasdan ang scenery ng paligid. Naaalala ko ang kapanahonan ng kabataan ko noon, simple lang ang lahat. Napakasaya at napakagandang childhood memories ko, here in Samal.
Mag aalas-dose na ng hapon nang kami'y makauwi. Wala kaming sasakyan kaya naman ay naglakad lang kami sa gilid ng kalsada. Malawak ang kalsada na kitang-kita ang nga niyugan at ibang klase ng prutas sa magkabilang lote na nandoon. Halos pamilya ni nanay ang may ari n'on pero nasa kasimplehan pa rin ng pamumuhay si nanay na halatang kahit nakakaangat na ngayon ay makikita mong walang luho ito, simple lang. Praktikal kumbaga.
Nagluto kami ng monggo na nilagyan ng kinudkud na niyog at inihalo ang gata nito, preskong-presko. Nilagyan din namin ito ng tuyong dilis na isda o kilala bilang bolinaw.
Tinulungan ko si nanay sa paghahanda. Pagkatapos ay nanood lang ako sa pagluluto nito sa isang tinatawag na 'abohan', na doon ay gamit lang ang kahoy na panggatong at hinihipan. Nakahilera ang mga tuyong kahoy sa ilalim at ibabaw nito. Mas masarap daw ang luto pag sa 'abohan' niluto. Malasang malasa. Ito ang patunay ng kasimplehan ng pamumuhay ng mga taga roon, kahit na sa makabagong panahon ngayon, nananatili pa rin ang pagiging simple ng mga taga roon.
Pagkatapos, kumain na kami at gayundin sa pagsapit ng gabi, nanood lamang kami ng telebisyon at nag-usap kami sa darating na pyesta rito sa kanilang baranggay. May gaganapin daw na sayawan o disco ng nayon.
Nagpatulong din si nanay sa akin na mag-suggest kung anong masarap na putahe ang kaniyang ihahanda. Nagbigay ako ng suhestyon dito at nilista ito sa papel. Masayang nag-usap kaming dalawa, gaya ng dati. Nanay Serena is one of my bestfriend noon sa mansion, aside mommy Cassandra, ito ang naging takbuhan ko kapag nag-aaway kami ni Danicka at Kenjie.
Naisip ko na kung sa ganoong paraan lang sana ako namuhay ay wala siguro akong inaaalalang makakabibigat sa puso at isipan ko ngayon, kay sarap lang nang ganoon. No worries and very simple.
Sa kabilang banda, na-eexcite ako sa darating na pyesta, first time kong makakapunta sa ganoong pagtitipon, dahil madalas sa Manila, sa bar lang ang diskong alam ko. You know, iba rito, ibang-iba talaga sa probinsya.
Matapos naming mag-usap ni nanay ay pumasok na ako sa kwarto at nagpahinga, panibagong araw na naman kinabukasan para sa akin. "Lian, pakatatag ka..kaya mo 'yan.."
Himutok ng aking isipan bago dalawin ng antok..
...itutuloy.