CHAPTER 1• LITTLE LIAN
[Simula]
Lian POV
Unti-unting nagsi-sink in sa akin na hindi nga ako nanaginip. I'm with someone whose holding my arms too tight, like what my dream is telling me about. Pero parang may mali, nagre-rewind ang pangyayari. It's like a flash of baliktad na eksena. Biglang nagfa-flashback ang mga pangyayari sa utak ko. Mula sa simula, heto na naman ang eksenang nandoon ako.
Nakatayo ako sa kung saan.
Baybayin, hampas ng alon, mga ibong malayang lumilipad, mga matatayog na puno ng niyog, puting buhangin, ang ganda ng asul na karagatan at ang nag-iisang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa aking harapan, matamang nakatutok sa kung saan, sinasayaw ng hangin ang suot nito. Isang eksena habang babad kami sa magandang sinag ng takip-silim.
Dahan-dahan akong lumapit, isang hakbang papalapit, isang puldaga na lang ang aking mga kamay, upang sana'y mahawakan ko ito. Nang biglang—
"Hon, bangon na! Male-late ka na riyan, traffic pa naman ngayon!" Namulatan ko si Andrius, ang aking live-in partner for almost two years, we're schoolmates noon sa college, until nakagradweyt and ngayon nga'y may mga sari-sarili ng trabaho.
He's a chief in an exclusive five star hotel, ako nama'y isang manager sa kompanyang pinamamahalaan ng aking angkan. I'm still on process for a higher rank, pero ine-enjoy ko munang matuto sa ibaba.
And that's how we lived together, even taliwas ito sa kagustuhan ni mom, my ancestry told that I'm creating a wrong decision with Andrius, dahil sa obvious na reason, hindi nila ito gusto para sa'kin.
As a Hettleworth eldest daughter, I must marry someone that could bare and profit as what my level was, yes. Mataas ang estado namin sa buhay pero, mas pinili kong maging low standard.
My lolo is Don Delfino Robertson, a highly ranked sitting on it's business throne for a long time. Makapangyarihan, mahirap banggain, while my mom, Cassandra Robertson. The early profit as a daughter of a business tycoon. Ipinakasal kay daddy McKenzie, at viola! Nabuo ako. Ang panganay nila na inaasahang tatahak din sa kanilang kagustuhan, but, hindi.
I do whatever I want. Hindi nila ako nahahawakan, maybe let's just say, I'm the black sheep of the family, I put disgrace on our surename, in fact.
Eh, sino ba kasing matinong babae na may respitadong apelyido na sasama at makikipag-live-in sa isang hamak na fratman, basagulero at party hooker na si Andrius.
Oo, we just met in the club, na-hook, nagkataong schoolmate, nag-date, nag-travel ng magkasama, and so on.
So, heto nga ang bagsak ko sa piling niya. Kung tatanungin n'yo kung masaya ba ako. H'wag na, dahil ang isasagot ko, my middle f*****g finger!
Sa totoo lang, masaya lang ako kapag nagpapaligaya siya sa akin gabi-gabi. Kung ipinapalasap niya ang langit at paraisong hinahanap ng katawang-lupa ko.
Yes, I admit. I'm just attracted to this desire called lust. Hindi ko matanggihan ang sariling kahinaan, lalo pa't isang Andrius Legaspi ang magpapatotoo ng mga iyon.
Sa paningin ng iba, he is just a dumb, patapong lalaki na walang pag-asa sa buhay, he is just like me, having a controlled life with his family. Business heir sana ng kaniyang ama, pero gaya ko'y nagpakalihis ng landas. Muli ko pang naramdaman ang halik niya sa aking taenga at noo'y nauna na itong tumayo sa pagkakahiga. Hubot-hubad itong naglalakad sa aking harapan papuntang bathroom. Tinapunan pa niya ako ng tingin at nag-smirk ng makahulugan.
"I've enjoyed last night," turan pa nito sa akin bago pumasok sa loob ng banyo. Ngumiti lang ako dito pero alam kung hindi na 'yon importante. Like what I've said, never itong naging emotionally attached sa akin. Malihim si Andrius, ni hindi pa nga ako nakakapunta sa kanila, not with an extra relative or whom I could connect with.
Tanging circle of friends lang ang tanging nakakasalamuha ko with himself.
Marahan akong napaupo at sumandal sa kama.
Tinatabunan ko ng puting kumot ang aking kabuuan, and I accidentally gazed my reflection to the mirror in front of our bed.
Sino nga ba ako?
I'm just Lillian Hettleworth, Lian for short. A lost princess from her own castle and wandering out her circle, a princess who choose to take off her shoes and walk a different path with her bare feet.
Siguro nga tama ang sabi ni mommy.
You'll learn to pick your own mess once it will ruin your own dreams. Pero ano nga ba ang dream ko? Parang wala naman yata akong plano sa buhay eh.
I feel exhausted. Gusto kong mag-break muna sa reyalidad ng buhay na meron ako ngayon.
Napabuntung-hininga muna ako bago marahang tumayo. Inabot ko ang robe sa isang banda at isinuot iyon, matapos ni Andrius ay ako naman ang sumunod na maliligo sa banyo at gaya ng aming everyday routine, mabubungaran ko na lang ang kabuuan ng kwarto namin na ganoon. Left without any trace of courtesy, parati na lang.
Lumabas ako sa banyo habang pinapatuyo ang buhok, tumambad sa akin ang makalat na kwarto. Mga damit sa sahig, mga bote ng alak sa gilid ng kama, upos ng sigarilyo sa kahit saan, mga nagkalat na pagkain sa ibabaw ng tokador, at tissue na alam kong ginamit na pamunas sa kung anong likido kagabi.
Isa-isa kong pinulot ang mga iyon at nilinis bago magpasyang magbihis. Gaya pa rin ng dati si Andrius, he will left me here without saying goodbye, no breakfast, no exact communication na nag-eexist ako sa umaga .
I am just existing at night para sa kaniya, I guess.
Nang makasuot na ng aking corporate attire ay pagod na napaupo ako sa kama at isinuot ang stockings. Matapos ay nag-pause ako saglit sa ginagawa at bahagyang napaisip.
Kung sumunod kaya ako kina mommy at daddy, ano kaya ang sitwasyon ko ngayon? Ganito rin kaya?
Pagak akong napangiti pero kasunod n'on ay ang mahihinang hikbi at gayun nga'y mumunting luhang namuo sa gilid ng aking mga mata, isang udyok pa ng emosyon at maglalaglagan na iyon, pero, nanatili akong matigas at dali-daling pinunasan iyon.
Tumayo ako at muli'y hinarap ang repleksyon sa salamin. Lumapit pa ako doon at kinuha ang pulang lipstick sa drawer at marahang pinintahan ang aking labi. Napansin ko rin ang isang libro na nakabuklat sa isang pahina, doon ko nabasa ang mga katagang ni hindi ko inakalang pwede pala, dahil sa gaya kong mahina, hindi ako pwede sa akdang ito.
Marahan ko pang binasa ang nakasaad doon.
KAHAPON…
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.
NGAYON…
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.
BUKAS…
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya…
Mapait kong pinunasan ang mukha ko at mahinang napasinghot mula sa marahang pag-iyak.
"You're strong enough Lilian to make them believe what they think you are." Mapait akong ngumiti at dinugtungan iyon, "Even it's not," satsat ko sa sarili. Matapos ay lumabas na ako sa aming condo at hinarap ang daily toxic life na mayroon ako. Kahit pa mahirap ay mananatili muna akong matigas, wala pang taong nakakapagpalambot sa isang Lilian Hettleworth.
...itutuloy.