Lian's POV
Nakarating kami sa terminal ng ferry boat at sumakay na dito. Pasado alas otso na ng gabi nang lumapag sa pier ng Samal ang ferry boat na sinakyan namin. Nagtungo kami sa address na binigay ng aking mommy Cassandra. Nakikinikinita ko ang pamilyar na lugar na 'yon, pero halos wala akong maalalang eksaktong daan papunta sa lokasyon ni nanay Serena.
Mag aalas-nuebe na ng gabi nang marating namin ang tahanan ng aking nanay Serena sa Peñaplata. Gaya ng sinabi ko, ito ang naging nanay-nanayan no noon sa mansyon, isa ito sa pinakamatagal na naging tagasilbi ng pamilya ni Lolo Delfino. Nang muli kong tinanaw ang bahay nito, simple lang ito na napapaligiran ng maraming halaman at puno. Kung hindi ako nagkakamali, nakapunta na nga ako roon, dati.
Halos niyog ang nasa paligid ng tahanan, wala masyadong ilaw ang kalsada. Payak at napakaganda sa pakiramdam ang hangin na tila sumasalubong sa aking pagdating. Pumanaog ako at kumatok sa pinto, habang nasa likod ko naman ang driver na bitbit ang bag at ibang supot na pinamili ko kanina sa terminal.
"Tao po..tao po.." Sabi ko habang walang humpay na kumakatok sa pinto.
"Kinsa na?!" [Sino yan?!] Ani ng boses ng matanda sa kabilang banda. Dinig ko pa ang sagadsad na paglakad ng paa nito sa semento.
"Ako po ito, si Lian." Sambit ko na tila nakilala naman ni nanay dahil binuksan niya ito, bumungad sa akin ang matandang babae na nakahawak sa reading glass nito at tinitingnan nang mariin ang aking hitsura. Nang mapagsino ako ay lumapad ang ngiti nito at bumukas ang dalawang braso nito na tila nakaabang sa aking pagyakap. Tumili pa ito sa pagkakabigla.
"Oyy...ikaw na ba 'yan dhay?!" Pilit na tagalog ng nanay Serena, gaya pa rin ito ng dati na bungisngis at napakalambing.
"Opo.." Sabi ko pa habang marahang ginawi ang kainyang braso at tinanggap ang mga iyon. Nagyakapan kaming dalawa at noon ay pinapasok na ako nito pati ang mga gamit na dala ng driver na noon ay nag-aantay rin sa aking bayad.
"Salamat po ma'am! Alis na po ako!" Paalam na saad ng driver sa akin habang lumalakad na ito patalikod. Kinawayan pa niya ang gawi ko. Napa-smirk na.lang ako sa pagiging masayahin ni manong driver. Pumasok na ulit ako at nakita ko si nanay na noo'y nagtitimpla ng kape.
"Oy dhay..pasensya na ha, wala tika nasundo sa airport kasi, wala naman kaming masakyan dito ba.." Explain ni nanay sa akin gamit ang mixed tagalog at bisayang accent nito.
"Okey lang po 'yon, nay," nakangiti kong sambit dito, habang nililibot ang aking mata sa kabuuan ng kaniyang tahanan.
Maraming nakasabit na mga larawan sa haliging kahoy, mga memorabilya ng nagdaang henerasyon siguro, dahil sa style ng frame nito na kahoy at tila ni-laminate ang larawan na kulay black and white. May mga adorno rin ito sa isang steel TV rack at mga samu't-saring librong nakahilera sa isang cabinet na nagmukhang library corner ng tahanan nito.
"Oh..uminom ka ng kape oh, akin na ang mga gamit mo para mai-plastar ko sa kwarto mo.." Sabi pa ni nanay habang iniaabot ang isang puting tasang may black coffee. Mag isa lang si nanay Serena sa bahay niya, nasa Manila rin kasi ang mga anak nito na nagtatrabaho at ang ilan ay nagsipag-asawa na.
Magpinsan umano si nanay Serena at mama ni lolo Delfino na si lola Francesca. Kahit na family far related na kami ay close naman si mommy Cassandra at lalo na ako rito, maraming henerasyon ng pamilya namin ang kinalinga ni nanay Serena, kaya naman kampante akong pumalagi sa tahanan nito.
Bata pa lang ako ng huling nagbakasyon kami sa lugar na 'to. Nasa edad kinse ako noong panahong nagtipon kami dahil sa pagkamatay ng isang kamag-anak namin umano rito.
Nakakaintindi ako ng bisaya kahit hindi ako masyadong nagsasalita nito, gamit kasi ng mga kasambahay namin noon ang naturang lenggwahe at madalas kong marinig iyon sa mansion noon, kaya naman nakasanayan ko na rin ito.
Inikot ko ang paligid ng bahay ni nanay Serena, may mga nagbago at meron ding mga wala. Nandoon parin ang malalaking banga sa likod ng bahay nito na pinaglalagyan ng tubig ulan, nandoon pa rin ang malaking puno ng mangga na noo'y pilit kong sinusungkit. Wala pa ring pinag-iba noong dati, kung saan masaya akong nakikihalubilo at ninanamnam ang aking kabataan. Hindi gaya ngayon na komplikado ang sitwasyon, sana nga maibalik ko pa ang mga panahong pagtulog lang sa oras ng siesta ang tinatakasan ko, hindi gaya ngayon na mismong realidad na ng buhay ko ang nais kong takasan.
Bumalik na ako sa loob ng bahay at nagpahinga na sa kwartong sinabi ni nanay kanina sa akin, ihahanda ko ang sarili sa unang umaga ko bukas sa Samal na ako lang. Si Lian, ang babaeng nais tumakas sa reyalidad ng magulong mundo, ang maging payapa at mapag-isa rito sa paraisong tatawagin kong paradise of changes.
***
Kring—!
Narinig ko ang tunog ng alarm clock ko, sinipat ko kung anong na ba ngayon, it's already seven na ng umaga. Hindi ko na i-turned off ang alarm ng phone ko, ito kasi madalas ang oras na bumabangon ako sa Manila para maihanda ang sarili for my daily routine with Andrius, that bastard! Napahawak na lamang ako sa sariling ulo. I don't want to think of him, for now.
Muli kong inilapag sa isang tabi ang telepono upang pumikit muli sa pagkakatulog. Masarap ang pakiramdam ko ngayon dito sa probinsya, it's very relaxing and calm, dapat maki-blend in ako sa vibes ng paraisong nasaan ako ngayon.
Until, I heard again some noise, it's my alarm clock again. Pikit ang isang mata ko habang kinakapa muli ang cellphone ko, sinipat ko na naman ito ulit at binasa ang schedule na naka sticky note sa screen. It's a reminder, some deadlines sa work ko before, mga deadline na dapat sana'y inaatupag ko noon. Tsss! Napangiti ako sa nabasa, 'yong ngiting mapakla at walang saya. How dumb my life was before. Kay Andrius at sa trabaho ko lamang umiikot ang mundo ko. Ini-off ko ito at pumikit ulit.
I must relax, just me and myself only. Just this time. Dapat akong magpakatatag sa pagkakataong ito, sa panahong nag-iisa ako.
...itutuloy.