Lian POV Naririnig ko na ang musikang nasa dako roon. Masayang musika na nagpapa-indak sa mga kabataan, mga dalaga't binata na noo'y pumapanhik na sa disco ground o tinatawag nilang baylehan. Nakikita ko ang mga excited na mga teenager na sabay-sabay na naglalakad sa bakanteng basketbolan malapit sa tahanan ni nanay Serena. May trapal ito at may mga adornong nakasabit na ilaw, if I'm not mistaken it is an improvise discoball lights. May malalaki rin na music box na dinig na dinig ang nakakaindak na retro sounds, lalo pa at nag-eecho ang music nito sa malapad na lugar ng niyogan. Napangiti ako natutunghayan, iba talaga ang pinoy, napakamadiskarte. Kahit anong pwedeng paraan na pwedeng magamit ay ginagawa talaga, gaya na lang ng sayawan dito, never in my entire life na ini-magine na pwe