Lian POV
Nakatayo ako sa pwestong iyon, ang apat na sulok ng kwartong madalas na nakikipagtagisang-tapang ako. Araw-araw na nakasubsob sa mga gawaing nilulunod ako. "Kung 'yan ang desisyon mo," iyon ang sabi pa ni Tito Maxon sa akin. Sa mga oras noong nilisan ko ang opisang iyon.
Nakarehistro pa sa isip ko ang pangyayari, kung saan nagdesisyon akong kumalas muna sa pagtatrabaho dahil sa madalas na pag-absent at kung hindi naman ay delayed reports sa aking department. I sighed and bend my shoulders, nagpakawala ako ng mabigat na hangin, gaya ng nararamdaman ko ngayon.
Tsk. I'm a total disaster nowadays. Napupuno na ako sa pagka-clarify sa mga kaopisina ko na hindi lang dapat ako ang pagalitan, dapat isama rin ang mga makukupad na staff ng kompanya. But, imbes sa kanila maisisi ay sa akin pa rin ang bagsak ng feedback.
I forgot, I'm their manager. Ako nga dapat ang responsable sa mga ito, kaya kung anong lapses ng department ko, ay iyon din ang magrereflect sa performance ko. Pero 'di lang dahil sa trabaho ang point ng magpapahinga ko kung hindi dahil na rin kay Andrius, may ka-affair ito na kaopisina ko pa at ang masama ay lantaran itong ginagawa ng gagong 'yon na parang hindi ako nag-eexist, maybe dahil mas mataas ang ranggo ni Alice. She's uncle Maxon's representative and I heard she's promoted as an OIC for some branch of AXA Builders sa Netherlands.
I tsked. Sipsip kasi.
Bumalik ako sa pag-iisip kay Andrius, nag-away kami sa unang pagkakataon and it's the serious one. Okey na sana eh, pero nang malaman ko ang totoong rason ay doon na ako nagwala. Nabuntis nito si Alice, at balibalitang si Andrius nga ang ama. The f**k! May kalampungan pa rin palang iba ang gago, hindi na nakontento sa gabi-gabing ipinapakain at ipinapaubayang katawan ko para rito.
Di ko lubos maisip na matagal na pala akong binibilog ng dalawa. Katrabahong buo at ang isa sa mga naging bestfriend ko pa rito sa office.
Okey let me rewind it again, college lovers kaming dalawa ni Andrius, at wala akong ibang naging boyfriend maliban dito. Both sides ng pamilya namin ay walang issue sa relasyon namin, actually nga ay problemadong-problemado talaga kami both!
We don't open either to them, and I don't care either, at ngayon nga ay nakisabay din sa problema ko sa kompanya ang mokong. Two important things are lost in the same time.
Trabaho at Boyfriend. Tsss. Isn't that amazing?
Kahit pa nga ang tatag tatag ng loob ko still, It hurts. Satsat ng utak ko this time habang nasa airport at hinihintay na lang ang aking oras, going somewhere I could escape these shits. Mas mabuti na sigurong ganito kaysa sa araw-araw akong magpapaka-martir sa kinasasadlakan ko ngayon.
Palipad ako ngayon going to Davao, napagdesisyonan ko na doon mamalagi sa lugar na kinalakihan ng isa sa naging matagal na naging nanay-nanayan ko sa mansyon. Sa Igacos o Island Garden City of Samal. Actually, nakapunta na ako roon dati, mommy and daddy have properties there. Actually, isa ito sa mga lugar na kinalakihan nila daddy at mommy noon.
Doon muna ako magpapalamig at magmumuni muni sa buhay, sobrang stressed out ko na sa trabaho sa Manila dumagdag pa ang problema ng mokong na Andrius na 'yon, nag mi-mix emotion ako this time, self pity, galit, inis, pagkalito. Napabuntung hininga na lang ako at hinilamos ang mga palad sa aking mukha nang biglang narinig ko ang tawag ng anunsyo sa kung saan. It seems it was my gate announcement.
"Flight Cebu Pacific 7985 please procced to Gate 1." Kontroladong pinunasan ko ang namuong luha sa mata, isinuot ko pa ang black shades ko to hide some discoloration of it at agad na tumayo mula sa prenteng pagkakaupo. Mahigit isang oras ang biyahe ng eroplano patungong Davao. It's fine to chill at least while thinking what will happened, soon.
Paglapag pa lang ang eroplano ay tanaw ko na ang kaibahan nito sa Manila, napakalinis ng paligid at walang polusyon ang kalsada.Ibang-iba ang Davao sa Manila. I can tell it through the sorroundings and the people around me. It is very clean and well-maintained.
Napakamasayahin ng mga taong nakasabay ko na tila mga walang problema. Pagkalabas ko sa main door ng airport building ay bumungad sa akin ang taxi driver na pinipilit na magtagalog.."Ma'am, asan po ikaw magpunta, ma'am?" Tantya ko'y nasa edad kwarenta ito at naka-uniporme ng kompanyang pinapasadang taxi.
"Alam n'yo po ba papuntang Samal? Sa may Peñaplata sana po ako," sabi ko pa sa malambing na accent.
"Ay gan'on po ba Ma'am, opo alam ko, sasakay po tayo ng malaking bangka..'yong ano po.. Unsa gani tawag ato. Ayy Ferry boat! Ferry boat po ma'am.." Napasmirk ako sa tonado ng boses nito na trying hard na makausap lang ako ng maayos. Nakakatuwang pinagmasdan ko lang ito na halatang likas na masayahin.
Tumango ako na dahilan para maintidihan na umaayon akong siya ang maghatid sa akin doon. "Oh, sige po, tara!" Sabi ko pa habang dala-dala ang isang maliit na maleta.
"Ah, okey po, akin na po 'yang bag n'yo ma'am," sabi ng driver na agad namang kinuha ang bag ko at inilagay sa likod ng taxi. Umupo ako sa likod ng taxi at habang umaandar ang sasakyan ay tanaw ko ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin. Sakto dahil hapon na ako dumating, hindi gaanong maiinit at wala masyadong traffic sa kalsada. Nakatanaw lang ako sa paligid. Tahimik lang ako, inaalala ko pa.rin ang nangyari sa akin at kay Andrius. Akala ko'y ako ang nasusunod at kumokontrol dito, 'yon pala, ako ang naging biktima ng walang hiya't hayop na manyakis na 'yon! Nasa puso ko pa rin ang galit at kaunting sakit, sakit na, hindi ko matanggap na kapalit-palit pala ang isang tulad ko.
"Ahm. Ma'am? Bakit ikaw lang mag-isa ma'am? Magbakasyon ka sa Samal ma'am?" Putol ng katahimikang tanong ng driver.
"O-Oho," maikling sagot ko rito.
Bahagya pa itong sinipat ang salamin sa harap para makita ang repleksyon ko sa likod.
"Ku-kuan ma'am pagdating po natin sa ferry boat terminal, may bayad po ang pagsakay natin, nasa 100 pesos po basta four wheels," explain ng driver sa akin na tila nag-aalala na baka kung ano ang magiging reaksyon ko.
"Okey ho..walang problema," nakangiting sambit ko rito na noo'y dahilan sa pagbalik ng masiyahing mukha nito.
..itutuloy.