Lian's POV Nagsimula na kaming sumayaw. Napakasaya ko, parang nanumbalik ang kabataan ko noon, iyong first time kong gumala kasama ang high school friends ko, nag-cutting classes pa nga kami noon 'eh. Para akong nasa ulap na dinuduyan ng tugtug, sinasabayan ko rin sina Dorina at Ynes sa mga trip nito na nag-a-action ng kung anu-anong katatawanan habang nagsasayaw, budots style daw 'yon. Isang kilalang sayaw ng dabawenyos. Mayamaya, may lumapit sa aming grupo ng kalalakihan, inaaya kaming tatlo na makipagsayaw ng pares-pares at sa pagkakaintindi ko sa kanilang lenggwahe ay parang kilala rin ito ng dalawang dalagita. "Oy! Hi..sayaw tayo!" Ani ng isang binata na tanaw ko ay nasa 20 o 21 ang itsura. "Hi Mark! Hi Dave! Hi kuya Alex!" Bati ni Dorina sa mga ito. Pinakilala ako nila Ynes at