Ang Pakikipagkasundo

1058 Words
Hindi makatulog ang lalaki matapos ang pagkikita niya sa isang matandang lalaking nagpakilalang ama niya. Ilang beses na niyang iwinawaksi sa isipan ang mga sinabi niya sa kanya pero hindi pa rin ito mawaglit. Nakailang posisyon na rin siyang palipat-lipat sa kanyang kama pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. "Wala akong kailangan sayo... pero kailangan mo ako." "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong may napupusuan kang babae at hanggang ngayon ay hindi mo pa rin makuha-kuha ang matamis niyang 'Oo'." "Kung interesado ka, puntahan mo ako sa bundok ng Misteryo. Mayroong isang kuweba roon, pumasok ka at doon mo malalaman kung paano kita matutulungan." Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ng binata ang mga salitang iyon. Hindi siya tinigilan. Bumangon siya sa kanyang kama at lumabas. Sa isang maliit na terrace siya nagpahangin. Sinamyo ang malamig na simoy ng hangin. Nag-isip nang malalim. Tama ang tinuran ng lalaki sa kanya. Ilang taon na ba niyang pilit na sinusungkit ang matamis na 'Oo' ng kanyang pinakamamahal na babae. Ngunit, bigo pa rin siyang makuha ito. Napapabuntong-hininga ang binata sa tuwing maalala ang mga efforts niya sa babae. Subalit, sadyang hindi siya nito gusto. Napailing siya. Tumingala sa langit. "Wala namang mawawala kung susubukan ko. Hinding-hindi ako papayag na sa ibang lalaki siya mapunta. Akin lang siya. Akin lang." May bahid ng galit at pananabik ang mukha ng binata matapos banggitin sa kanyang isipan ang mga salitang iyon. Nakapagdesisyon na siya. Bukas, pupuntahan niya ang bundok ng Misteryo. Paparoon siya hindi upang mas kilalanin pa ang tungkol sa lalaling nagsabi na siya ang kanyang ama kundi upang malaman kung paano siya matutulungang mapa-ibig ang taong kanyang minamahal. ***** KINABUKASAN, tinungo ng binata ang bundok ng Misteryo. Minsan na rin kasi siyang napadpad sa lugar na iyon at pamilyar pa rin siya sa bako-bako at may pagkamatarik na bundok. Walang nangahas na umakyat sa bundok na iyon dahil sa paniniwalang may mga nakatirang ibang nilalang doon. May mga haka-haka pa ngang tirahan iyon ng isang Diyablo. Wala pang nakakakita sa yungib na sinasabi ng lalaki. Kung makita niya man iyon, siya ang unang makakatuklas. Tirik na tirik ang araw nang umakyat siya sa bundok. Pawis na pawis ang kanyang katawan. Sa wakas, narating din niya ang paanan nito. Iginala niya ang kanyang paningin upang hanapin ang kuweba pero bigo siyang makita. Nagpasya siyang maglakad-lakad. Nang mapagod ay naupo siya sa isang maliit na bato. Hinubad niya ang kanyang t-shirt at ipinampunas sa kanyang basang katawan. Sa hindi inaasahan, napansin ng binata ang isanf maliit na kweba sa di kalayuan. Sinuot niya ang kanyang t-shirt at naglakad upang siguruhing kweba na iyon. At nang makalapit siya, isang yungib nga ang kanyang nakita. Gamit ang dalang flashlight, pinasok niya ang kweba. Habang binabagtas ang loob ng kweba, iba't ibang bagay ang kanyang naapakan. Nang ilawan niya iyon, laking gulat niya dahil mga bungo ang mga ito. Biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Namamawis na rin ang kanyang noo. "Nandito na ako. Hindi na ako pwedeng lumabas. Hindi ako dapat panghinaan ng loob." Naging matapang na lang ang binata at ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad. Nang marating ang gitnang bahagi ng kweba, biglang nagliwanag ang buong yungib. Tumambad sa kanyang harapan ang isang animo'y altar pero hindi altar ng Diyos kundi altar ng isang Diyablo. Inilibot niyang muli ang kanyang paningin at napansin ang isang imaheng unti-unting lumalabas sa madilim na parte ng kweba. At nang magkamukha ito, nakangiti ang lalaki sa kanya. "Alam kong darating ka, anak ko," aniya. "Anong klaseng lugar ba ito?" ani ng binata sa lalaking nakalapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kanang kamay at dinala malapit sa altar. Pagkalapit sa altar ay doon niya napansin ang maliit na mangkok, malalaking kandila, at mga maliliit na bungong nakasabit sa isang kahoy. "Aray! Anong ginawa mo?" Napasigaw naman ng bahagya ang binata nang makaramdam siyang may humiwa sa isang daliri niya pero hindi pa rin ito binibitawan ng lalaki. Bagkus, pinatulo niya ang dugong nanggagaling sa kanyang daliri sa mangkok. "Bakit hindi mo na kasi sabihin sa akin ang pakay mo kung bakit mo ako pinapunta rito? Ang sabi mo kailangan kita at may alam ka sa pinagdadaanan ko pero bakit ganito ang ginagawa mo?" Tahasang iwinakli ng binata ang kanyang kanang kamay. Pinigilan niya ang pag-agos ng dugo sa kanyang daliri. Pinagmasdan niyang muli ang lalaki. Laking gulat niya dahil hiniwaab nito ang kanyang pulso sa kanyang kamay at pinatulo ang dugo sa mangkok. Inihalo niya iyon sa dugo ng binata. Nag-usal ang lalaki ng hindi maintindihang mga salita. Ilang segundo pa ang nakalipas, umihip ang nakakapangilabot at nakakapanindig-balahibong hangin, at namatay ang liwanag sa kweba. Saglit lang iyon dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, lumiwanag ang gitna ng altar. Isang usok ang lumabas at unti-unting nagkahugis tao. Halos mapaatras ang binata sa kanyang nakita. Isang nilalang na walang mukha, naka-talukbong ng itim na kapa, at may hawak ng isang mahaba at matulis na karet. Kahawig niya si Kamatayan. "Masaya akong makita kang muli, Panginoon. Nasa aking likuran ang aking anak. Nais ko na pong malaman ang inyong balak na tulungan kami sa aming mga hiling." nakaluhod at nagsasalita ang lalaki sa harapan ni Kamatayan habang ang binata ay nanatiling nakatayo lamang at naurong ang dila. "Kung gano'n, oras na upang malaman niya ang kanyang gagawin. Tuwing sasapit ang hating-gabi, kailangan niyang pumanhik sa kwebang ito upang dalhin dito ang puso ng mga lalaking mag-aakyat ng ligaw o magtatangkang manligaw at may lihim na pagtingin sa babaeng kanyang napupusuan. Kailangan niyang pumatay at kunin ang pitong PUSO ng mga lalaking ito. Kapag nakompleto niya ang pitong puso, lilitaw akong muli rito sa kweba at sasabihin kung kaninong puso ang kokomplete bilang IKAWALONG PUSO na iaalay. Walong puso ang kailangan. Pito ay manggaling sa mga lalaking sinambit ko at ang pang-walo, ako lang ang nakakaalam. Nasa inyo ang pagpapasiya. Kapag hindi niyo tinupad ang sinabi ko, dalawa lang ang posibleng mangyari: ang mamatay kayo o patayin ko ang taong pinakamalapit sa inyong puso." Pagkatapos ng mga salitang iyon, lalong nagimbal ang isipan ng binata. Kailangan niyang PUMATAY at kumuha ng PUSO ng tao. Hindi siya pwedeng umayaw dahil buhay niya o ng taong mahal niya ang nakasalalay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD