Ang Pagkikita

662 Words
Hindi mapakali ang matandang lalaki sa sinabing kasunduan ng tinatawag niyang 'Pinuno'. Pero buo na ang loob niyang gawin ang kasunduang iyon kahit ang magiging ugat ay ang hindi pagkakaunawaan ng kanyang nag-iisang anak. Dalawampung taon niya itong hindi binalikan. Wala siya sa tabi ng kanyang asawang hindi niya totoong minamahal nang manganak ito. Ang gusto lang niya ay maanakan ang babae. Gusto niyang magkaroon siya ng anak na lalaki. At hindi naman siya nagkamali dahil nakibalita siya sa mga taong nakakakilala sa babaeng inanakan niya na lalaki ang magiging anak niya. Kaya, hindi na siya nag-aksaya ng oras na puntahan ito. Sinadya niyang dumulog sa gabi upang hindi siya mapansin o makilala man lamang ng kahit na sinong taong makakasalubong niya. Alam niyang 'Wanted' na siya dahil noon pa man ay pumapatay na siya ng mga tao. Nang marating ang bahay kung saan nakatira ang kanyang anak, nagmasid muna siya sa buong kapaligiran. Nang masigurong walang taong dumaraan sa lugar kung saan siya nagtago, naghintay siyan ng ilang oras upang masilayan ang paglabas ng isang lalaki. Hindi naman siya nabigo dahil lumabas ang isang may katangkaran, mestiso, at magandang lalaking kawangis na kawangis niya noong kabataan niya. Matagal niya ring sinubaybayan ang lalaking masasabi niyang anak niya sa loob ng dalawampung taon. Hindi nga lang siya nagpapakita dahil baka kuyugin siya ng mga tao noon. Nakita niya ang binatang lumabas upang magtapon ng basura malapit sa kanyang pinagtataguan. Gumawa siya ng ingay sa pamamagitan ng pagpito (whistle) rito. Natigilan naman ang binata at kunot-noong nakiramdam. Nang marinig muli ang tinig ay sinipat niya ito at napansin ang paglabas ng isang lalaki. "Kumusta ka na?" anito. "Ipagpaumanhin niyo po, pero... hindi ko po kayo kilala?"aniya. "Hindi mo na kailangan pang alamin kung sino ako pero matagal na kitang kilala," wika ng lalaki. "Kung wala po kayong kailangan, pwede na po kayong umuwi. Gabi na po at baka mapano pa kayo sa daan, Maiwan ko na po kayo at ako'y papasok na sa loob." kunot ang noong tanong ng binata. Tatalikod na sana ang binata nang biglang nagsalita ang lalaki. "Wala akong kailangan sa iyo... pero alam kong kailangan mo ako." maotoridad at may diin ang pagkakasabi ng lalaki. Kaya naman lumingon ang binata sa kanya at binigyan siya ng isang napakaangas na ekspresyon. "Pwede niyo po bang deretsahin kung ano ang ibig ninyong tukuyin?" May kainisan na sa tonong tanong ng binata. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong matagal ka ng may gusto sa isang babae pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin makuha-kuha ang matamis niyang 'Oo'. Kaya naman, may alam akong paraan kung paano mo siya mapa-ibig sayo. Kung interesado ka, puntahan mo ako sa bundok ng Misteryo. Mayroong isang kweba roon, pumasok ka at doon mo malalaman kung paano kita matutulungan." pag-eesplika ng lalaki. Naiwan namang puno ng katanungan ang mukha ng binata. Tatalikod na sana ang lalaki nang muli itong magsalita. "Ako nga pala ang nawawala mong ama." Lumakad na ang lalaki at sinundan na lamang ito ng tingin ng binata. Hindi na rin siya nilingon nito. Lalong nagulantang ang buong sistema ng katawan ng binata ng banggitin nito ang salitang 'Ama' dahil ni minsan ay hindi niya ito nasilayan sa tanang buhay niya. Ang sabi lamang sa kanya ng kanyang yumaong ina ay patay na ang kanyang ama. At pinagbawalan pa siyang banggitin ang kahit ano mang patungkol sa kanya. Hindi niya aakalaing sa ganitong tagpo ay may baliw na taong kakausap sa kanya at sasabihing siya ang kanyang ama. Napailing na lamang ang binata. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang usaping iyon. Totoo ang kanyang sinabing hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakukuha ang matamis na 'Oo' ng babaeng mahal na mahal niya. Alam niyang darating ang panahon na malalaman din ng babae ang kanyang tunay na damdamin. Sa ngayon, ipagwawalang bahala na lamang niya ang kung sino mang lalaking nakadaupang palad niya ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD