Ang Unang Manliligaw

964 Words
Hayskul pa lang ay nahumaling na si Kristoffer kay KZ. Nagsimula lang iyon sa isang tuksuhan nang minsang maging kapartner niya ang dalaga sa isang laboratory experiment. Hindi nagtagal ay naging stalker na siya ni KZ. Hindi rin maintindihan ni Kristof kung bakit ganoon na lamang ang bilis ng t***k ng kanyang puso sa tuwing nginingitian siya ng dalaga. Kulang na lang ay lumundag ang puso niya upang halikan si KZ sa mukha. Kung iisipin ni Kristoff, nababaliw na siya. Oo. Tama. Baliw na nga siya. At ang kabaliwang iyon ay ang pagmamahal niya kay KZ. Ngayong nasa iisang company lang sila nagtatrabaho, hindi malabong ituloy ni Kristoff ang balak niyang ligawan siya. Kahit pa alam niyang Boss niya si KZ. Si KZ ang kaisa-isang anak na babae ni Sir Karl. Ang kanilang kompanyang KZ & Karl Chocolates and Pastries ang isa sa sikat na company sa buong Pilipinas. At siya ang isa sa pinagkakatiwalaang assistant ni Mr. Montego. Gaya nang nakagawian, maagang gumayak si Kristoff sa office upang masilayan si KZ. Kung tutuusin, walang nagbago sa kanyang nararamdaman mula nang magustuhan niya ang dalaga. Pero siyempre, isa si KZ sa kanyang inspirasyong pagbutihin pa ang pagtatrabaho sa kompanya. Siya ang in-charge sa marketing and sales. At dahil sa kanyang kakayahan, lalong lumago ang business ng mag-ama. Kung ipagpapatuloy pa niya ang pagsisikap, hindi malabong maging Manager o Head na siya sa Marketing and Sales Department. "Good morning, Ms. KZ." bati ng isang empleyado. Nasa opisina na si Kristoff nang marinig niya ang pagbati ng kanyang mga kasamahan sa boss nila. Kaya naman, agad siyang tumayo upang batiin rin si KZ. "Magandang araw po, Ms. KZ." bumati rin si Kristoff pero isang matipid na ngiti lamang ang ipinukol niya sa kanya. Dere-deretso itong pumunta sa opisina ng kanyang ama upang makipagkita. Nang makapasok ito sa opisina ng kanyang ama, siya namang pagtawag sa kanya ni Mr. Montego. "Mr. Borja, please come in my office. I havr something to tell you." utos ni Mr. Montego. "Yes, Sir. I'll be right there." Kaagad namang inayos ni Kristoff ang sarili at pinuntahan ang opisina ng kanyang boss. Kumatok siya at pumasok sa loob. Pinaupo naman siya ni Mr. Montego sa kaliwang bahagi niya at sa kanan ay naroon si KZ. Magkaharap silang dalawa. Ngunit wala yata sa mood si KZ. "Thank you for coming in, Kristoff. I want you to know that you have been chosen as one of the contender for Head/Managerial Position in the Marketing and Sales Department of our office. Please, do your best." masayang pag-iinform ni Mr. Montego kay Kristoff. "It is an honor to be selected as one of the candidates Sir. I will really do my best. Thank you Sir." kinamayan naman ni Kristoff ang may-ari bilang pagpapasalamat sa pagkakapili sa kanya as candidates. Nang ituon naman niya ang atensyon kay KZ, busangot pa rin ang mukha nito. "By the way, I have also called KZ to let you know that you are one of my candidates as her boyfriend." wala nang paligoy-ligoy pang wika ni Mr. Montego. "Dad! Akala ko ba ako ang pipili?" disappointed ang mukhang sabi ni KZ. "Yes, it is true. Ikaw ang pipili pero magsu-suggest rin ako. Ikaw na rin ang nagsabing malaki ka na. Kaya naman, I want you and Mr. Borja here to go on a date." sambit ni Mr. Montego. "A, Sir. If you excuse me for interrupting you, baka po pwedeng tanungin o kausapin ko muna si KZ. Kung okey lang po? Ayaw ko pong magdamdam siya sa inyo at sa akin." nahihiyang tanong ni Kristoff. "It's all up to the both of you. If you will excuse me, I have to go. I have an appointment with other partners. Kristoff, ikaw na ang bahala muna sa anak ko. Don't forget to go at our house tonight for dinner. You are invited." Agad na tumayo si Mr. Montego at hinalikan sa noo ang naka-cross arms pang anak na si KZ. Pagkalabas ng ama ni KZ, nag-usap ang dalawa. "De-deretsahin na kita Kristoff. If you want to go on a date with me, it's fine. If you want to go to our house tonight for dinner, that's my fathers choice and you cannot ignore that. But, let me tell you one thing, hanggang kaibigan lang at office mates ang tingin ko sayo." dere-deretsong sambit ng dalaga sa kanya. Masakit man para kay Kristoff ang binitiwang salita ni KZ, naglakas-loob pa rin siyang magsalita. "Aaminin ko, ramdam kong kaibigan lang ang turing mo sa akin. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na sana bigyan mo ako ng pagkakataong maipakita sayo na hindi ako basta-basta susuko. Since high school mahal na kita. At sana paniwalaan mong totoo ang aking binitiwang salita." Halos namawis si Kristoff nang banggitin sa harap ni KZ ang tunay niyang nararamdaman. Tigalgal naman at hindi makapagsalita ang dalaga. Walang sino man sa kanila ang sumunod na nagsalita. Kusang naunang tumayo si Kristoff at nagpaalam na lalabas na siya at babalik sa kanyang station. Tinanguan na lamang siya ni KZ. Pagkalabas sa opisina ni Mr. Montego, laylay ang balikat niya. Kulang na lang ay sumabog ang kanyang dibdib. ****** Lingid sa kaalaman nina Kristoff at KZ, may nagmamasid pala sa kanilang pinagtatrabahuhan. Nasa kabilang building at katapat mismo ng opisina ni Mr. Montego ang isang lalaking may suot na hearing device. Rinig na rinig niya ang pag-uusap kanina nila Mr. Montego, Kristoff at KZ. "Kung inaakala mong basta-basta mo na lamang makukuha si KZ, nagkakamali ka. Akin lang si KZ. Akin lang siya. At dahil nagdesisyon kang ligawan siya, magsisimula nang maging miserable ang iyong buhay, Kristoffer Borja. Ang iyong puso ang uunahin kong dudukutin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD