A Father's Proposal

963 Words
"KZ, naman. Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa iyo na tigilan mo na ang pakikipagbarkada. Hindi mo ba alam ang salitang PANGANIB?" may diin at seryosong wika ng ama ng tahanan kay KZ. "At ngayon, hindi mo na naman ako pakikinggan? Labas at pasok na lamang ba ang mga sinasabi kong pangaral sayo sa tainga mo? Hindi ka na bata!" dagdag pa ng ama habang si KZ naman ay subo lang nang subo ng kanyang pagkain. "Hay naku! Imbes na humaba pa ang buhay ko sa mundong ito, pakiramdam ko ngayon unti-unting lumiliit ang puwang ko diyan sa puso mo. Mabuti na lamang at nandito ang Kuya JR mo na kahit hindi ko sabihing bantayan ka, ginagawa niya. Kaya, tuloy napapahamak din siya kasama mo." buntong-hiningang tugon ng ama. "Dad, naintindihan ko po ang mga sinasabi ninyo. Huwag po kayong mag-alala, hahaba pa po ang buhay ninyo." sarkastiko at nakangiting sagot ni KZ. Sa wakas at nagsalita rin siya. "KZ! Ang bibig mo. Ama mo ang nasa harap mo. Magbigay galang ka naman." saway ni JR. "Sanay na ako, JR. Kung hindi mo susundin ang mga sinasabi ko, wala akong choice kung hindi ipataw ang isang kasunduan." Mulagat parehi sina KZ at JR. Pareho rin silang nagkatinginan. Alam nilang pareho na kapag magbigay ng kasunduan ang ama ay hindi na ito mapipigilan. "Huwag niyo akong tingnan ng ganyan. Oo, sinabi ko ang kasunduan na term at gagawin ko iyon. Walang pipigil sa kung ano ang gusto ko, KZ. 20 years old ka na and it's time to look for the right person na makakasama mo habang buhay." Anito ng ama. "Dad!" ani JR. "But, Dad! Ibig mong sabihin, irereto mo ako sa isang taong hindi ko mahal? I mean, ipapakasal mo ako?" Pakakasiguro ni KZ. "Tama ka riyan, KZ. Pero hindi naman ibig sabihin na ako ang pipili. Ikaw ang pipili siyempre. Baka sabihin mo na naman, masyado na akong nakikialama sa pribado mong buhay. Ang sino mang aakyat ng ligaw sa iyo ay kailangang dumaan dito sa bahay. Hindi pwedeng sa labas o kahit saan. Kung talagang hindi pera ang habol nila sa panliligaw sayo, nararapat lamang na sa bahay ko sila mismo manligaw. Naintindihan mo?" Maotoridad na sabi ng ama. "Pero Dad. Bakit ako? Hindi ba dapat si Kuya JR ang mauna?" ani KZ. "I know what you mean pero tahasan mo ng sinusuway ang mga utos ko. Labas dito si Kuya mo. At gagawin ko ito para tumino ka. Gets mo? Tapusin niyo na ang pagkain nang makapagpahinga kayo. Wala ng tanong-tanong. My decision is final." Huling tugon ng ama at ipinagpatuloy ang pagkain. Sa halip na suwayin ang ama, tinapos na lamang ni KZ ang kanyang pagkain. Ngunit sa isip niya, ang unfair naman para sa kanya. Part of her mind says na gusto niya rin ang proposal, but on the other part ayaw niya dahil baka kung sino-sino ang manliligaw niya. Hindi naman siya choosy pero may point din ang kanyang ama kung sakali ngang may manligaw, kailangang malinis ang hangarin. Iyon nga lang, kailangan niyang magpa-Maria Clara. ******* Sa isang kuwebang malayo sa bayan, pumunta ang isang lalaking nasa edad 50 y anyos pataas. Nang marating niya ang kuweba, pumasok siya roon. Dala ang isang sulo ay isa-isa niyang sinindihan ang mga ilaw. At lumiwanag ang buong paligid sa loob ng kweba. Inayos niya ang altar na may malalaki at malili na bungo ng mga tao. Naroroon din sa magkabilang bahagi ang magkaibang mukha at ulo ng hayop. Ang isa ay ulo ng malaking usa at ang isa naman ay ulo ng malaking leon. Sinindihan ng lalaki ang dalawang kandila at inilagay sa gitna ang inalay niyang puso ng isang tao. Naalala niyang 20 years ago ay nag-alay rin siya ng isang puso upang kausapin ang tinatawag niyang pinuno. Ngayong sumapit na ang ika-20 taon ng kanyang anak, pumunta siya upang alamin kung ano ang sinasabing paraan ni Pinuno upang maisakatuparan ang pinaka-inaasam-asam niyang mabuhay ang kanyang minamahal. Nagsimula siyang lumuhod at nag-usal ng hindi maintindihang panalangin para sa kampon ng kadiliman. Sa bawat pag-usal nito ng mga kataga ay ang pag-iba ng ihip ng hanging pumasok sa loob ng kweba. Biglang namatay ang liwanag sa loob. Napuno ng kadiliman ang paligid hanggang sa isang natatanging liwanag ang nasilayan ng lalaki sa gitna. Mula sa kadiliman ay unti-unting sumilay ang liwanag sa buong kweba. Lumantad ang isang nakaitim at walang mukhang nilalang na may kasamang Karet na parang karet ni Kamatayan. "Nagbalik ka." "Opo, mahal na pinuno. Nagbalik ako dahil sinabi po ninyo." "Magaling kung ganoon." "Gusto ko na pong malaman kung papaano ko mabubuhay ang mahal ko, pinuno." "Sige, sasabihin ko sa iyo pero handa ka na bang gawin ang ipagagawa ko sayo?" "Susundin ko ang lahat ng iuutos ninyo." "Kahit buhay mo at ng anak mo ang kapalit?" Natigilan ang lalaki sa huling binitiwang salita ng pinuno. Hindi niya alam ang kanyang isasagot. Buhay niya at buhay ng anak niya ang magiging kapalit? "Mukhang hindi ka pa yata handa. Bumalik ka na lamang kapag handa ka na." "Hindi po, pinuno. Buo na po ang pasya ko. Susundin ko ang lahat ng sasabihin mo kahit buhay ng anak ko o buhay ko pa ang maging kapalit." "Hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo. Maaasahan ka. Ngayon, pakinggan mo ang sasabihin ko." Pagkatapos ng pakikipag-usap ng lalaki sa pinuno ay nawala na ito ng parang bula. Lumabas sa kweba ang lalaking laylay ang balikat. Hindi siya makapaniwalang napakalaking tinik pala ang gagawin niyang pakikipagsundo sa pinuno. Ngunit wala siyang magagawa. Kailangan niyang panindigan ang sagot niya sa pinuno. Kakausapin niya rin ang kanyang nag-iisang anak upang maisakatuparan ang kanyang ninanais.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD