20 Years Later

712 Words
"Bitawan mo ako! Ano ba! Bitawan mo ako sabi e." Nanggalaiti sa galit ang isang babae at agad na sinipa sa hita ang lalaki. Tatakbo na sana siya upang makatakas pero nahawakan naman siya kaagad ng lalaki. "Akala mo siguro masasaktan ako kapag sinipa mo ako sa pagitan ng aking mga hita no? Haha. Nagkakamali ka dahil pinaghandaan ko na ang ginawa mo kaya agad kitang nahuli. Ngayon, kung ayaw mong daanin kita sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan!" Nanlilisik ang mata at mala-demonyong tumawa ang lalaki sabay hablot nang mahigpit sa kamay ng babae. "Bibitawan mo ba siya o babaliin ko ang kamay mong nakahawak sa kanya?" Parehong natigilan ang babae at ang lalaki sa isang taong nagsasalita sa kanilang harapan. "Ku-Kuya!" Sigaw ng babae at malakas na iwinakli ang kamay ng lalaking nakahawak sa kanya. Ngunit hindi pa rin ito binitiwan. "Kuya pala ha? Tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang ng kuya mo kung - " Hindi na tinapos ng lalaki ang kanyang sasabihin dahil kaagad niyang inilapit ang babae sa kanya at pinulupot ang isang kamay sa leeg ng babae habang ang isang kamay nito ay may na patalim at itinutok ito sa leeg. Pilit iniiwas ng babae ang kanyang leeg. Sa bawat iwas niya ay siyang diin naman nito hanggang sa mapansin ng tinawag ng babaeng 'Kuya' kanina ang paguhit at pagtulo ng dugo sa leeg. Hindi nakaimik ang "Kuya' ng babae. Ngunit halata na sa kanyang mukha na galit na ito. Ang kaninang malumanay pang pakikipag-usap nito sa lalaki ay napalitan ng isang matalim at matatalas na tingin. Handang-handa na rin ang kanyang dalawang kamao sa pakikipaglaban. Marahan siyang lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa. Sa bawat paglapit nito ay siya namang pag-atras ng lalaki hila-hila ang babae. Tumingin sa gawi ng babae ang 'Kuya' at tinitigan itong may pinaaabot na mensahe. Dahil likas na matalino ang babae ay nahulaan nito ang ibig ipahiwatig ng kanyang 'Kuya'. Siniko ng babae sa tagiliran ang lalaki at itinaas ang isang kamay na may hawak na patalim na siya namang pag-atras nito. Ginamit ng 'Kuya' ang oportunidad na iyon upang agad na sugurin ang lalaki. Isang magkapatid na malakas na suntok sa panga at sikmura ang pinakawalan niya. "Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong kalapastanganan sa kapatid ko lalong-lalo na ang ilagay ang buhay niya sa panganib. Kaya nararapat lamang na suklian mo ang ginawa mo sa kanya. At iyon ay - " Akmang magpapakawala na naman sana ito ng suntok ngunit pinigilan siya ng babae. "Kuya! Huwag mo siyang patayin. Bugbugin mo na lang para hindi na makatakas. Dalhin na rin natin siya sa barangay nang madala siya sa pulis. Please? Kuya, please?" Nagmamakaawang wika ng babae. "Baliw ka ba? Tingnan mo nga ang leeg mo? Hindi ba muntik na niyang laslasin 'yan? Tapos hahayaan mong - " naputol na naman ang kanyang sasabihin. "Relaks! Sundin mo na lang kasi ang sinabi ko. Kung papatayin mo siya, makukulong ka. Kung makukulong ka, madadamay ako. At kapag nadamay ako, makukulong din ako. Kapag nakulong tayong dalawa - " Siya naman ngayon ang pumigil sa sinabi ng dalaga. Alam na niya ang kasunod. Kapag nakulong silang dalawa, malilintikan siya sa Daddy nito. "Suko na ako! Panalo ka na. Sige, dalhin na natin itong lalaking ito sa baranggay nang malunasan agad ang sugat mo sa leeg." Hinawakan na niya sa kwelyo ang lalaki at agad nilang tinungo ang barangay. "Malayo itong sugat ko sa bituka, Kuya. Kaya, huwag mo na akong alalahanin. Salamat nga pala at dumating ka. Pero paano mo nalamang may masamang mangyayari sa akin? Paano mo ako natunton?" sunod-sunod na tanong ng dalaga. "KZ, nag-umpisa ka na namang mamaril. Parang armalite na naman ang bunganga mo sa kada-dada. Mas maigi pang huwag mo ng malaman kung paano. Ang mahalaga, ligtas ka. Naintindihan mo? At sa susunod na gagala ka pa ng dis-oras ng gabi, ipagpaalam mo sa akin para masamahan ka. Hindi 'yong basta-basta ka na lamang aalis. Alam mo namang malilintikan ako sa magulang mo." Sunod-sunod ding paalala nito sa babae habang hawk-hawak ang nakayuko ang ulo ng lalaking kasama nila. "Yes, Dad! Haha" matipid at may halong pagtawa na lamang ang sinagot ng babae sa kanyang 'Kuya'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD