Ang Panaginip at Ang Pangalawang Biktima

1373 Words
Malalim na ang gabi at wala nang mga taong makikita sa daan. Kaya naman, binilisan ng lalaki ang pagtakbo upang makauwi sa kaniyang bahay na walang nakakapansin sa kanya. Nang makarating sa kinaroroonan ng kanyang tirahan, agad siyang dumiretso sa bodega sa likuran ng kanilang bahay at doon sa isang sirang maliit na pridyider, itinago ang unang pusong kinuha niya sa kanyang unang biktima. Pagkatapos maitago iyon pumanhik siya sa banyo. Hinubad ang duguang maskara at damit. Nilublob niya ito sa isang palanggana. Sinabunan at agad na kinusot nang kinusot upang matanggal ang mantsa ng dugo. Pagkatapos kusutin, binabad niya iyon at nagsimulang maligo. Ilang minuto pa ang nakalipas, lumabas siya ng banyong walang kahit na ano mang tuwalya o saplot sa kanya. Nasanay na siyang ganoon ang eksena dahil mag-isa lamang siyang nakatira sa maliit at walang kabuhay-buhay na bahay. Tanging liwanag lamang na nanggagaling sa gasera ang tanglaw sa loob nito. Dinala niya ang lampara paakyat sa kanyang kuwarto upang ilawan ang mga damit na kanyang susuotin. Nang makapagbihis, humilata siya sa isang katreng may kalumaan na ang kutson. Ilang sandali pa ay bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Dinala siya ng kanyang isipan sa lugar kung saan siya nakipagkasundo. Unti-unting lumiwanag ang kweba at lumantad ang isang aninong may hawak na mahabang karit. Nagsalita ito sa kanya. "Nais kong ipaalam sa iyo na binabati kita dahil nakuha mo na ang isang puso. Mayroon ka pang pitong pusong kukunin bago ko isakatuparan ang kahilingan mo," bilog at nakakapangilabot ang kanyang boses. "Ngunit gusto kong malaman mo na hindi na sa manliligaw ng babaeng mahal mo kukunin ang ibang puso. Sa halip, ang ibang puso ay manggagaling sa taong malapit sa kanya. Alam mo ang ibig kong sabihin. Kailangan mong makompleto ang natitirang anim pang mga puso. At kapag nagawa mo iyon, dalhin mo lahat ang mga ito sa kweba. Doon mo rin malalaman kung kaninong puso ang pang-walong iaalay mo. May roon ka na lamang na anim na araw. Ha-ha. Ha-ha-ha." "San-sandali. Hintay!" Sigaw nang sigaw ang lalaki at habol nang habol ito sa aninong may boses ng isang demonyo pero hindi niya maabutan hanggang sa tuluyan na siyang nagising sa kanyang panaginip. Pawisan ang kanyang mukha. Ilang minuto pa lang naman siyang nakaidlip pero hindi niya inakalang mananaginip siya. Kung totoo man ang panaginip na iyon, anim na araw na lang ang kailangan niya upang magawa niyang makakuha ng puso. Manggagaling na ito sa taong malapit sa babaeng mahal niya at kailangan na niyang makakuha ng pangalawang puso bukas ng hating-gabi o mamayang madaling araw. SAMANTALA... Madaling araw pa lamang ay nagising na si Yaya Meding. Nakaugalian na kasi niya ang paggising sa ganoong oras dahil alam niyang nasa kusina ang kanyang alagang si KZ at nagpapalipas na naman ito ng kung ano mang saloobin niya. Idagdag pang ang dahilan kung bakit napaaga siya ng gising ay dahil napaaga rin ang kanyang pagtulog at ilang oras na lang ay mamamalengke na siya. Ipagluluto niya ng mga paboritong ulam ang kaniyang amo at anak nitong si KZ. Lumabas siya sa kanyang kwarto at tinungo ang kusina. Tama nga ang kanyang hinala. Bukas ang ilaw ng kusina at naroon si KZ. Nakaupo at umiinom ng tsa-a. "Madaling araw pa lang iha. Bakit gising ka pa?" tanong ni Meding. "Yaya, ikaw pala. Hindi po kasi ako makatulog e. Hindi po kasi sumipot si Kristoff kaninang dinner naming kasama si Papa," sagot ni KZ. "Ang ibig mong sabihin, hindi naubos ang pagkaing ipinagbilin ko sa ibang tagasilbi rito kanina?" nagtatakang tanong naman ni Meding. "Tama po kayo, Yaya. Galit nga po si Papa e. Kinontak niya nang kinontak si Kristoff pero walang sumasagot. Disappointed talaga si Papa," dagdag pa ni KZ. "E, bakit ka nandito sa kusina? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang initin ko ang mga pagkain?" aya ni Meding. "H'wag na po Yaya. Tapos na po akong magtsa-a. Papanhik na rin po ako. Kayo po, dapat natutulog pa po kayo." saad ni KZ. "Mahaba na rin naman ang tulog ko kaya okey lang iha. Hmmm.... may gusto ka pa bang sabihin? Kilala kita. Alam kong may itatanong ka. Tungkol ba ito sa kondisyon ng Papa mo?" pangunguna ni Meding at napansin ang pagbuntong hininga ng alaga. "Kayo talaga Yaya! Hay... Kung buhay pa sana si Mommy..." wika niya na biglang nangilid ang mga luha. "Iha, ang desisyon ng Papa mo ay sang-ayon ako. Walang mali roon. Tradisyonal na tradisyonal ang panliligaw na gagawin ng kung sino mang taong gusto kang ligawan. Ang pamamaraan niya ay isang proteksyon para sa iyo.. sa kinabukasan mo. Hindi ka na bata at alam din iyon ng iyong ama. Kaya, labis-labis ang pag-aalala niya sa iyo. Idagdag pa ang Kuya mong si JR. Hindi ka ba naawa sa Kuya mo na tatandang binata sa kaka-alaga sa iyo?" wika ni Meding na biglang sumilay ang ngiti sa labi ng alaga. "Tandaan mong walang sino mang ama o magulang ang naghahangad ng magandang kinabukasan sa kanyang mga anak. Alalahanin mong nag-iisang babae ka lang. Kung ano ang proteksyong ginawa ng Papa mo sa iyong ina noong nabubuhay pa lamang siya, ganyan din ang pagtrato niyang ginagawa sa iyo. Mahal ka ng Papa mo. At kung buhay pa ang iyong ina, ganito rin ang sasabihin niya sa iyo." pagpapa-alala ni Meding sa alaga. "Salamat po, Yaya sa mga payo ninyo. Tatandaan ko po ang mga iyon." sang-ayon naman ni KZ at mahigpit na niyakap ang alagang basa na ang pisngi. "Sige, maiwan na kita rito at ako'y iidlip lang muli. Mamayang alas y kwatro ay mamamalengke ako upang makapagluto ng almusal ninyong mag-ama. Okey? Nandito lang lagi si Yaya kapag kailangan mo ng kausap." pamamaalam ni Meding at tinugon rin ang yakap ng alaga. PUMATAK ang alas y kwatro, nagbihis na si Yaya Meding upang lumabas at mamalengke. Dala ang isang bayong na gawa sa rattan at maliit na pouch na naglalaman ng pera, naglakad siya at lumabas sa gate. Gusto kasi ng mag-ama na lutong bahay ang kinakain at hindi puro mga de-lata. Ilang hakbang lang naman ang layo ng palengke sa bahay ng mga Montego kaya naman hindi na nag-alala pa si Yaya Meding sa mangyayari. Ngunit, ilang minuto pa lamang siyang naglalakad nang makaramdam siya na may sumusunod sa kanya. Dumagdag pa ang malamig at nanunuot sa balat na simoy ng hangin. Hindi nagpahalata si Yaya Meding na natatakot siya pero nilakihan na niya ang bawat paghakbang. Sa bawat paghakbang naman niya ay mabilis din ang mga yabag na kanyang naririnig. Hanggang sa paglingon niya ay isang anino ang kanyang nakita. Tumalima ng takbo si Meding at nagsisigaw ng "Tulong! Tulungan niyo ako! Tulong!". Lingon nang lingon si Yaya Meding upang siguruhing malayo pa ang humahabol sa kanya. Ngunit nang pansamantala siyang napatigil sa pagtakbo, napansin niyang wala nang humahabol sa kanya. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Ilang beses niya rin ginawa ang pag-inhale at pag-exhale. Nang tumila na ang bilis ng t***k ng kanyang puso, nagpatuloy siya sa paglakad. Subalit, isang lalaking may nakatakip na joker clown ang lumantad sa kanyang harapan at pinalo siya sa ulo. Natumba si Yaya Meding. Binuhat ng lalaki ang matanda at dinala sa isang liblib na may naglalakihang talahib. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang lalaki, binunot niya ang punyal sa kanyang likuran at itataga na sana nito nang magising si Yaya Meding. "Huwaggggg! Pakawalan mo ako! Maawa ka sa akin. Nagmamakaawa ako!" Panay ang pagsusumamo ng matanda sa lalaki pero hindi siya pinakinggan. Agad niyang itinarak ang punyal sa leeg ng matanda. Sumirit at umagos ang sariwang dugo. Pinagpupukpok niya pa ito ng bato sa ulo hanggang sa mawalan ng ulirat. Ginawa na niya ang kanyang huling balak na ibaon ang punyal sa puso ng matanda. Hiniwa niya ang dibdib at kinuha ang puso ng matanda. Iniwan niyang bulagta ang walang buhay na katawan ng matanda sa lugar na iyon. Sa ikalawang pagkakataon, dalawang puso na ang mayroon siya at lima na lamang bago sumapit ang pang-limang araw ay malalaman na niya kung kanino niya kukunin ang pang-walong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD