Ang Unang Puso

1031 Words
Atat na atat na si Kristoff na gumayak. Hindi na siya nagpahinga pagkatapos niyang isaayos ang lahat ng papipirmahang mga dokumento kay Mr. Montego. Laman ng isip niya ang umalis at makapunta sa bahay nila. Ito ang unang pagkakataong inimbitahan siya ng kanyang amo na mag-dinner sa kanila. Kaya naman, pormal na pormal ang attire na pinili niya upang hindi mapahiya ang nag-imbita sa kanya. Gusto niya na rin kasing makita si KZ. Siya lamang ang babaeng laman ng kanyang puso at isipan. Kung noon ay napakatorpe niyang tao, ngayon ay sisiguraduhin niyang masasabi na niya ang lahat-lahat ng nilalaman ng kanyang puso. Kung hindi man tanggap ni KZ ang kanyang isisiwalat, maghihintay siya. Kahit gaano pa katagal, hihintayin niyang masungkit ang matamis na 'OO' ng dalaga. Kraak. Blag. Kraak. Pansamantalang natigilan si Kristoff nang makarinig siya ng isang bagay na animo'y nabasag. At alam niyang nasa sala ang ingay na iyon nanggaling iyon. Lumabas siya ng kanyang kwarto upang suriin kung mayroon ngang nabasag na isa sa mga mamahalin niyang figurine sa baba. Dalawang palapag lamang ang bahay niya. Simple kung titingnan sa labas pero kapag pumasok ka sa loob, sinong mag-aakalang ang mga muwebles at iba pang materyales ay hindi mumurahin kundi mamahalin dahil gawa ito at nabili sa ibang bansa. "Sino yan? May tao ba riyan?" Dumungaw si Kristoff mula sa itaas ng kanyang bahay upang tingnan kung mayroong tao. Napakamot naman siya sa ulo nang mapagtantong nagmukha siyang tanga dahil siya lang naman ang nag-iisang taong nakatira sa bahay. Bumaba siya. Nang ilang hakbang na lang ang pagitan napansin niya ang isang plorerang basag sa sahig. Ang plorerang iyon na may naka-drowing na isang pigura ni Athena ay nag-iisa lamang sa buong mundo. Wala nang kapares iyon. Kaya, ganoon na lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nabasag ito. Sa hindi malamang dahilan, napag-isip ni Kristoff na may nakapasok sa kanyang bahay. Isa marahil itong akyat-bahay o magnanakaw. Kinutuban siyang baka may balak din ang magnanakaw na patayin siya. Kaya, dali-dali siyang umakyat at bumalik sa kanyang silid. Nakasampung hakbang pa lamang siya nang bigla siyang natisod sa hagdan. At dahil do'n gumulong siya pababa. "Kapag minamalas ka nga naman o!" Bumangon si Kristoff at sapo-sapo ang kanyang ulo. Isang malapot at pulang likido ang dumaloy. Takot siya sa dugo kaya bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at tuluyang humilata sa sahig. Isang lalaking nakamaskarang mukha ng isang nakangiting joker clown ang lumapit sa nakahigang katawan ni Kristoff. Binuhat niya ang binata at dinala ito sa kusina. Upang siguraduhing hindi makakatakas si Kristoff, inihiga niya ito sa mesa. Naghanap siya ng packing tape, pisi, at kutsilyo. Nang makompleto ang mga bagay na nakuha niya, nilagyan niya ng itim na packing tape ang bunganga niya. Kinulong niya ng pisi ang buong katawan nito. Mahigpit ang ginawa niyang pagkakatali. Pinalibutan niya ito ng tali mula paa hanggang sa tiyan. Tinalian niya naman ang dalawang kamay nito. Ginawa niyang parang isang lalaking ipapako sa krus ang binata. Ang sumunod niyang ginawa ay isa-isa niyang hiniwa ang mga damit ng binata. Habang ginagawa niya iyon, nagising si Kristoff. Luwa ang matang tiningnan ang lalaking naka-maskara na pinagsisira ang kanyang suot na kamisa chino at itim na pantalon. Tanging pagpupumiglas na lamang ang kanyang nagawa. Subalit, wala siyang kawala. Ipinagpatuloy ng lalaki ang pagtanggal ng kanyang kasuotan hanggang sa tanging panloob na lamang na nakatakip sa kanyang harapan ang iniwan nito. Usal nang usal ng mga salita si Kristoff pero hindi ito maintindihan dahil may takip ang kanyang bunganga. Tahimik lang at walang sinasabi ang lalaki. Pansamantala niyang nilisan si Kristoff at tinungo ang lababo. Dala ang kamisa chinong pinag-gutay-gutay niya, binasa niya iyon ng tubig. Ilang minuto pa ang nakalipas, binalikan niya ang binata at ipinampunas sa katawan nito ang basang damit. Labis na nagtataka si Kristoff sa inaasal ng lalaki. Nagpupumiglas naman ang kanyang katawan. Iginalaw-galaw niya pa ito upang tigilan ng lalaki ang kanyang ginagawa. Ngunit, sa bawat galaw niya ay may parusa. Sinusugutan siya ng lalaki sa iba't-ibang parte ng katawan. At dahil sa inis kay Kristoff, inalis niya ang huling saplot na mayroon siya sa kanyang harapan. Walang pasubali niyang pinutulan ng p*********i si Kristoff. Halos mawalan ng ulirat si Kristoff. Sigaw siya nang sigaw pero walang nakakarinig sa kanya. Kanina pa siya mura nang mura sa kanyang isipan. Nilalabanan niya ang pagpikit ng kanyang mga mata. Hindi siya pwedeng manghina ngunit wala siyang laban. Wala na yata siyang lakas. Ang buong akala ni Kristoff ay titigil na ang suspect sa kanyang ginawa. Mali siya. Maling-mali ang sinasabi ng kanyang isip dahil itinaas ng lalaki ang kutsilyo at ibinaon iyon sa kanyang kanang dibdib. Hindi lang isa kundi dalawa, tatlo, at ilang ulit niyang sinaksak si Kristoff. Bumulwak ang dugo sa bibig ng binata. Tumilamsik ang mga ito sa sahig, sa mesa, at maging sa damit ng suspect. Isang panalangin na lamang sa kanyang isipan ang nagawang sambitin ni Kristoff. Diyos ko! Sa tanang buhay ko, wala akong naalalang ginawang mali sa kapwa ko. Hindi po ganito ang nais kong paraan ng pagpatay sa akin. Kung sa tingin niyo po ay nagkamali ako, humihingi po ako ng tawad. At sana pagbayaran ng taong ito sa harapan ko ang kanyang ginawa sa akin. Matapos sambitin iyon sa kanyang isipan, ramdam ni Kristoff na binabaklas na ang kaliwang bahagi ng kanyang balat. Mahapdi, masakit, at sadyang walang puso ang taong ito. Ramdam na ramdam niya ang bawat paghiwang pabilog na animo'y naglililok lamang ng isang hugis galing sa isang kahoy. Nang matanggal ng lalaki ang balat sa dibdib ni Kristoff, tumambad sa kanya ang tumitibok pang puso niya. Hindi na niya tiningnan iyon ng matagal. Agad niyang kinuha ang pusong nakakabit hanggang sa nakita niyang bumigay na rin ang katawan ng binata at tuluyan nang pumikit. Hawak-hawak naman ng lalaki ang puso at inilagay iyon sa kamisa chinong damit na puti ni Kristoff na ngayo'y pulang-pula na. Sa isang tupperware niya nilagay ang damit na may lamang puso at agad na nilisan ang bahay ng kanyang unang biktimang si - Kristoffer Borja.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD