Ikalimang Puso

1013 Words
Tatlong araw pagkatapos ang cremation sa bangkay ng mga biktima, naisipan ni Mr. Montego na umakyat sa kanyang kwarto patungo sa veranda upang makalanghap ng sariwang hangin. Doon niya na lamang ibubuhos ang lahat ng nararamdaman niya. At kasama roon ang lungkot na kanyang nadarama sa pagpanaw ni Yaya Medy. Nang marating niya ang veranda, kumuha siya ng isang sigarilyo sa kanyang bulsa at sinindihan iyon. Sa bawat pagsipsip-buga niya ay ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Hindi na niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng pagkapagod. Ilang taon na rin siyang nagtatrabaho pero ni isang araw ay hindi niya pinaglaanan ng oras ang kanyang sarili para makapagpahinga kahit na sandali. Kaunti na lang ay hahagulgol na siya. Ngunit, pinigilan niya ito. Nawalan na siya ng asawa. Nawalan naman ng pangalawang ina si KZ sa katauhan ng kanyang Yaya Medy. Kaya, wala ng ibang taong mas hihigit pang makakaunawa sa nararamdaman ng anak, maliban sa kanya. Pinunasan niya ang mga butil ng luhang patuloy sa pagragasa sa kanyang pisngi. Nilanghap niya ang sariwang hanging umiihip sa veranda. Ang sarap sa pakiramdam. Sariwang-sariwa at nanunuot sa balat. Nakapikit ang kanyang mata nang mga oras na iyon nang makarinig siya ng mga yabag. Ang ingay na iyon ay papapalapit sa kanyang direksyon. Huling hithit na niya ng sigarilyo nang bigla niyang maramdamang may nagtakip sa kanyang bunganga. Ang kanyang kamay ay hinawakan din ng mahigpit. Ngunit, hindi nagpakita ng takot si Mr. Montego. Siniko niya ang taong nasa likuran niya at napaatras ito. Nabitawan siya. Nang makaharap ni Mr. Montego ang taong iyon, hindi niya makilala. Nakasuot lamang ito ng maskara sa mukha. Lahat ng kanyang kasuotan ay kulay itim. Nang makabawi ang katawan sa pagsiko sa kanya, agad na inambahan nito ng suntok si Mr. Montego, ngunit nakailag ang huli. "Sino ka? At paano ka nakapasok sa pamamahay ko?" Nagtatanong si Mr. Montego pero hindi sumasagot ang taong kaharap niya. Kaya naman, siya na ang sumugod dito. Isang malakas na suntok sa mukha ang pinakawalan ni Mr. Montego at saktong tinamaan ang kanyang kalaban. Agad namang nakabawi ang huli at si Mr. Montego naman ang nakatikim ng suntok sa tagiliran at tiyan. Ilang beses niyang sinangga ang suntok pero malakaa ang kanyang kaharap. Hanggang sa matumba siya. Pumailanlang ang kalaban sa nakahiga sa sahig na si Mr. Montego at pinaulanan siya ng suntok muli sa mukha. Duguan ang labi at sugatan naman ang pisngi ni Mr. Montego. Halos di na ito makapagsalita. Hilong-hilo sa tinamong suntok hanggang sa mawalan ng ulirat. Pagkakataon naman iyon ng kalaban na maisakatuparan ang kanyang balak na kunin ang puso ni Mr. Montego. Kinuha niya ang isang patalim sa kanyang likuran. Ibinaon niya ito sa dibdib ng biktima. Parang naghihiwa lamang siya ng keyk nang mga oras na iyon. Pabilog at tinutusok-tusok pa ang bahaging iyon ng dibdib ng biktima. Ilang saglit pa ang lumipas, parang takip ng kaldero nitong tinanggal ang balat ng biktima sa didbdib at lumantad ang tumitibok pang puso. Walang kaabog-abog niya iyong kinuha at isinilid sa isang garapong kasya ang isang puso. Tumayo ang suspek. Iniwang nakahandusay sa sahig ang biktima. Kitang-kita ang pagdaloy ng dugo sa sahig. Lalabas na sana siya nang maulinigan niya ang yabag na patungo sa kanyang direksyon. Biglang nataranta ang suspek at hindi alam ang gagawin. Palapit nang palapit na ang mga yabag. Kaya, nagtago na lamang siya sa veranda na hindi makikita ng taong paparating. Alam niyang wala na siyang oras upang linisin ang kanyang ginawa. "D-Dad??? Daddy!!!" Isang malakas na tili at pagsigaw ang kumawala sa veranda. Si KZ ang taong nakakita sa duguan at wala ng buhay na katawan ng kanyang ama. Hindi na nag-aksaya ng oras ang suspek at agad na lumabas sa kanyang pinagtataguan. Mulagat naman ang mata ni KZ nang makita ang isang nakamaskarang taong sa tingin niya ay suspek sa pagpatay sa kanyang ama. "What the hell did you do to my father? Sino ka?" Humahagulgol at nagsisisigaw si KZ. Ngunit, sa halip na sumagot ay bigla siyang hinablot ng suspek at tinutukan ng patalim sa leeg. "Huwag kang sisigaw kung ayaw mong pati ikaw ay mawala!" mahina pero parang pamilyar ang boses na iyon sa pandinig ni KZ. Tumango na lamang ang dalaga habang ang mga luha ay patuloy sa pagpatak. "Wag na wag kang lilikha ng ano mang ingay! Tayo!" Tumayo si KZ habang tutok na tutok pa rin ang patalim sa kanyang leeg. Lumabas sila ng veranda. Nang masigurong walang taong paparating, dahan-dahan silang bumaba ng hagdan. Ilang hakbang pa ay narating nila ang pintuan ng bahay. "Parang awa mo na! Iwan mo na lang ako rito. Lumabas ka na at tumakas," nagsusumamong wika ni KZ. "Sinabi ng huwag kang maingay e!" Isang malakas na pagbatok ang ginawa ng suspek at nawalan ng ulirat ang dalaga. Binuhat niya si KZ at agad na lumabas ng bahay. Dumeretso siya sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan. Ipinasok niya sa backseat ang dalaga. Pinaandar ang sasakyan at agad na pinaharurot ito palabas ng gate. Samantala... Hindi alam ng suspek na narinig pala ni Kath ang sigaw ni KZ. Pupuntahan na sana niya ang kaibigan sa taas kung saan niya narinig niya ang pagsigaw nang bigla niyang nakitang palabas mula sa veranda ang suspek at tinututukan ng patalim ang kaibigan. Napatakip na lamang ng kanyang bunganga si Kath nang mga sandaling iyon. Nagtago siya sa ilalim ng hagdan at sinundan ng tanaw ang dalawa. Mas kinilabutan si Kath nang magmakaawa ang kaibigang pakawalan siya pero hindi nakinig ang suspek. Binatukan ng suspek ang best friens niya at nawalan ng ulirat. Hindi muna siya lumabas sa kanyang pinagtataguan habang hindi nasisigurong nakaalis na sila. Nang marinig ang pagharurot ng sasakyan sa labas, agad na lumabas si Kath at sumakay sa kanyang kotse. Susundan niya ang kotseng iyon. Gusto niyang matiyak na tama ang hinala niyang iisang tao lang ang may kagagawan ng mga krimeng kanyang nalaman ilang araw pa lang ng kanyang pagbabakasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD