Ang Ikaanim na Puso

1162 Words
Sa isang lubak-lubak at mabatong daan dumeretso ang kotseng sinasakyan ni JR. Kasunod naman nito sa di-kalayuan ang kotseng minamaneho naman ni Kath. Hindi ito napapansin ni JR dahil buryong-buryo na ang kanyang isip sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay may sumasanib sa kanya. Hindi rin niya alam kung sadyang may ideya na si Kath sa kanya. O di naman kaya ay naghihinala na sa kanya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho na hindi inaalis ang tingin sa daan. Hindi niya rin inalis ang maskarang suot niya dahil baka magising si KZ at magulat sa kanya. Panak-naka naman siyang nakatingin sa salaming nasa loob ng kotse kung saan kitang-kita niya ang wala pa ring malay na si KZ. Kahit bako-bako ang daan at mabato ay nanatiling tulog pa rin si KZ. Napalakas yata ang pagbatok niya sa kanya. Ilang saglit pa ay narating niya ang lugar. Ipinarada niya na lamang ang sasakyan sa paanan dahil hindi na kaya pang iakyat ito. Bumaba siya sa sasakyan at hindi muna pinatay ang ilaw sa harapan nito. Pumunta siya sa likuran at kumuha ng isang flashlight. Pagkatapos makuha ang flashlight, pinatay niya ang ilaw at binuhat si KZ paakyat sa kweba. Ang hindi niya alam, naghihintay na rin pala ang isang lalaki sa loob ng kweba. Nang makapasok sa kweba, takang-taka si JR kung bakit maliwanag na ang kweba. Napailing na lamang siya. Pumasok siya sa loob. Ilang minuto pa, narating niya ang pinakagitna ng altar. Inihiga naman niya sa isang korteng kama na gawa sa bato si KZ. Tinalian niya iyon upang hindi makatakas. Binalingan niya ang altar at inilagay roon ang pang-limang puso - ang puso ng taong naging amain niya. Katabi ng mga ito ang mga puso nina Kristoff, Yaya Medy, Cruzette, at L. Limang puso na at ngayon ang pang-huling araw niya upang kompletuhin ang walong puso. Sinabi na ng tunay niyang ama na nabuntis lamang ang kanyang ina dahil sa isang kasunduan - ang buhayin ang taong mahal nito. Ngunit, sinabi rin sa kanya na kinalimutan na niya ang pangakong iyon dahil gusto niyang maging masaya siya. At ang babaeng nakahiga ngayon sa bato na si KZ ang tanging babaeng gusto niyang makasama habang buhay. "Mabuti at nakarating ka sa itinakdang araw, mahal kong anak," wika ng isang pamilyar ma boses. Nilingon niya ito at napansing unti-unting lumalabas mula sa madilim na yungib hanggang sa makita ng liwanag. "Ngayon ang huling araw pero lima pa lang po ang pusong nakuha ko, ama," sagot niya rito. "Huwag kang mag-alala dahil makokompleto mo ang pitong puso bago mo malaman ang ikawalo," isang boses naman sa harap ng altar ang kanyang naulinigan. Isang itim na aninong may suot na itim na talukbong at may hawak na karet ang lumabas. Doon naman binaling ni JR ang kanyang atensyon. "Ano po ang ibig ninyong sabihin, mahal na pinuno?" tanong ng ama ni JR. "Ang puso mo ang iaalay mo bilang pang-anim na puso!" deretso ang pagkakasabi ng anino sa ama ni JR. Wala namang bahid na kalungkutan o pagsisisi ang mukha niya nang humarap sa kanyang anak na si JR. "Kung 'yan ang ikaliligaya at kokompleto sa kagustuhan ng aking anak na mapa-ibig ang babaeng kanyang minamahal, ako na mismo ang kikitil sa aking buhay at dudukot sa aking puso," buong tapang namang wika ng ama ni JR. Wala namang masabi si JR dahil ilang saglit pa, itinarak ng ama nito ang punyal na hawak niya sa kanyang dibdib. Binalatan niya ang parte ng kanyang dibdib. Bumulwak ang pulang likido. Tinanggal niya ang balat. Nakaharap siya sa kanyang anak na si JR at inutusan itong dukutin na ang kanyang puso. "Ikaw na ang kumuha, anak ko." Parang may sariling mga isip naman ang kanyang kamay at agad na dinukot ni JR ang puso ng kanyang ama. Pagkatapos, dukutin iyon ay inilagay niya sa mga hanay ng puso ang puso ng kanyang ama. "Ngayon, ang ikapitong puso ay ang puso ng iyong minamahal," saad ng aninong may hawak ng karet. Natulala si JR. Hindi niya inakalang ang puso ni KZ ang ikapito. "Upang maisakatuparan ang kasunduan at upang maging mabisa ang paraan ng pag-papa-ibig, kailangang mamatay ang taong iyong minamahal," dugtong niya. "Ang ibig niyo pong sabihin ay - kailangan kong kunin ang puso ng babaeng aking minamahal?" napaluhod si JR habang nagsasalita at nakatingin sa nakahigang si KZ. "Tama ang iyong pagkakaintindi. At dahil nasabi ko na ang ikapitong puso, ang pangwalong puso ay... ANG IYONG PUSO!" tigalgal na naman si JR. "Gaya nga ng sinabi ko, magiging epektibo lamang ang kapangyarihang mapaibig siya sayo kapag ang puso niya at ang puso mo ay ihahalo sa anim na pusong nakuha mo. Ngayon, kunin mo ang punyal na ito at ibigay mo na sa akin ang puso ng babaeng iyong minamahal bago pa siya magising. At kapag nakuha mo na, ang puso mo naman ang aking dudukutin! Ako ang siyang tutupad sa iyong kahilingan! Haha. Bwahahaha!" Isang mala-demonyo at nakakakilabot na ngiti ang maririnig sa buong kweba. Gaya nang naunang nangyari, biglang naglaho ang aninong may hawak ng karet. At may sarili na namang pag-iisip ang kanyang mga kamay at paang tinungo ang wala pa ring malay na si KZ. Sa huling pagkakataon, tinitigan niya si KZ. Hinaplos-haplos nito ang pisngi niya hanggang sa magising ang dalaga. "Ku-Kuya? Ku-Kuya JR? Anong.." hindi na naituloy pa ni KZ ang kanyang sasabihin dahil bigla na lamang siyang sinaksak. Napaubo ng dugo si KZ. Bumulong naman ang naluluhang si JR sa kanya. "Patawad, KZ! Patawad sa aking kahangalan at kabaliwan sa iyo. Ito lamang ang tangi kong paraan upang maging tayo... upang mapansin mo ako... upang ibigin mo rin ako. Mahal na mahal kita, KZ. Patawad." Dilat na dilat ang mata ni KZ nang marinig ang mga salitang iyon sa kanyang tainga. Hindi na rin niya magawa pang makapagsalita dahil ibinaon pa ni JR ang punyal sa kanyang dibdib. Taas-baba. Samantala.... Nakaawang at napatakip naman ng bibig si Kath sa kanyang nakita. Si JR nga ang lalaking pumapatay. Si JR ang lalaking pinagpantasyahan niya simula nang maging matalik na magkaibigan sila ni KZ. Si JR na ang buong akala niya ay tunay na kapatid ni KZ ay walang pusong pinatay ang mga taong naging pamilya niya. Gustuhin man niyang sumigaw ay hindi pwede dahil baka marinig siya. Dahan-dahan siyang umatras upang hindi lumikha ng ingay pero naapakan niya ang isang maliit na batong nag-c***k at nagkaroon ng tunog. "Sino yan?" boses ni JR ang narinig ni Kath. Agad siyang nagtago habang tinatakpan ng kanyang kamay ang kanyang bibig. Hingal-aso na siya. Ilang sandali pa ay narinig niya ang papalapit na yabag at isang liwanag sa kanyang direksyon. Doon na kinilabutan si Kath nang biglang lumantad sa kanyang harapan ang nanlilisik na mata ni JR. Duguan ang mukha. Nanlilimahid din sa dugo ang damit at kamay nito. "Ikaw pala, Kath!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD