Ang Bestfriend ni KZ

1031 Words
Mabilis na nakaalis si Kath sa area na yon at nakarating sa labas ng gate ng mga Montego. Nang huminto ang kanyang sasakyan sa labas, pinakalma ni Kath ang sarili. Baka isang taong ligaw lang muntikan na niyang makabangga o di naman kaya ay multo? Naiwaksi na lamang ni Kath sa isipan ang nangyari dahil hindi naman nasagasaan ang taong iyon. Inayos niya ang sarili at nang makampante na, bumusina siya sa labas ng garahe. Ilang beses niya iyon ginawa hanggang sa may bumukas. Walang iba kundi ang kuya ni KZ na si JR. Ipinasok niya ang sasakyan sa loob at nang mahagip ng tingin niya ang mukha ni JR doon lamang niya napansing may bahid ng dugo ang mukha niya. Nginitian niya ito, ngunit walang reaksyon ang mukha. Nagpatuloy siya sa pag-drive at pi-nark ang kotse sa parking area ng mga Montego. Nang bumaba siya ay sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap ni KZ. "Best friend! Kath!" Hiyaw ni KZ at biglang pumulupot ito na parang butiki sa kanyang katawan. "Grabe siya o! Masa-sakal na ako, KZ!" kunwaring saad ni Kath upang hindi masyadong dumikit at humigpit pa ang yakap nito sa kanya. Nang lumuwang ang pagkakayakap niya, siya naman ang gumanti nang napakahigpit na yakap sa matalik na kaibigan. "Na-miss kita, best friend!" wika niya at nag-beso-beso muli silang dalawa. "Ahem! Baka pwedeng sa loob na muna kayo mag-usap? Malamig na po dito sa labas." singit ni JR na ngayo'y nasa likuran na nila. Isang matamis na ngiti ang iginawad ni KZ habang si Kath ay isang hilaw na ngiti. Hindi alam ni Kath kung bakit parang may kakaiba sa kuya ni KZ. "Welcome to my humble home, Kath! Grabe! Hindi ka man lang nagpasabi na darating ka. Sana naipasundo kita kay kuya JR para hindi ka ginabi." may bahid ng pagtatampong sambit ni KZ habang paakyat sila sa kanyang kwarto. "Alam mo namang mahilig sa sorpresa ang best friend mo. Kaya, sinadya ko talagang hindi magpasundo. Ha- ha." tatawa-tawang sagot ni Kath. Malinis. Orderly. Well-maintained. Ganyan ang pagkaka-describe ni Kath sa bahay ng mga Montego. Hindi pa rin ito nagbabago. Mas lalo lang itong pinaganda ng panahon. Nasa ayos pa rin ang lahat ng muwebles at mga chandeliers sa buong mansyon. Ang nagbago lang ay ang katawan ni KZ. Ha-ha. Dati ay mataba dahil sa hilig sa matatamis na pagkain ang matalik na kaibigan. Parang siya rin noong mga bata pa sila. Ngunit, ngayon, petite na petite ang katawan. Siyempre, hindi naman paaawat sa paseksihan si Kath dahil nag-iba na rin ang kaniyang taste sa pagkain. Petite na rin siya. Ang buhok niya ay hanggang balikat pero straight na straight. Pina-curl niya ito upang bumagay sa kanyang maliit at may pagka-mestisang mukha. Idagdag pa ang tangos ng ilong niyang mas matangos pa kay KZ. Nang marating ang kwarto ng kanyang best friend, agad siyang nag-request na magpahinga muna at bukas na lang sila magkwentuhan. Sinang-ayunan naman ito ni KZ at iniwan sa loob ng kwarto ang matalik na kaibigan. Nang lumabas sa silid si KZ, tinungo ni Kath ang bintana at binuksan iyon. Isang maliit na veranda ang mayroon. Ang sarap sa pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin sa gabi. Matapos pumikit ay iginala niya ang paningin sa labas at baba ng mansyon. Nakangiti si Kath nang mga oras na iyon. Ngunit, napawi ito nang mapansin niya ang isang aninong nagtatago sa lilim ng isang puno sa labas ng gate ng mga Montego. Agad siyang pumasok sa silid at ni-lock ang bintana. Humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kamot. Ilang minuto ang nakalipas, hindi niya namalayang nakaidlip na siya at tuluyang nakatulog. Kinabukasan, maagang nagising si Kath sa ingay sa labas ng kwarto ni KZ. "Ano po? Dad? Nagbibiro po ba kayo?" naluluhang tanong ni KZ. "Hindi ako nagbibiro, KZ. Patay na ang Yaya mo. Patay na rin si Kristoff. At ang huling balitang nasagap ko kagabi ay ang pagkamatay ni L. I know, you still remember your childhood friend. Kapitbahay lang natin iyon pero ni sa hinala ay malalaman ko na lang na patay na ang kaisa-isang anak ng mga Mondragon." laylay ang balikat na sagot ni Mr. Montego. "A-ano po ang ikinamatay? Paa-pano sila namatay?" napaupo na lamang si KZ habang tinatanong ang ama. Bigla namang sumingit si JR at inalo ito habang si Kath ay nakalabas na ng kwarto ni KZ at tanaw na tanaw mula sa itaas ang eksena sa baba. Dinig na dinig niya rin ang diskusyon ng tatlo sa baba. "Tahan na, KZ. Huwag ka ng umiyak. Ang sabi sa mga nakasaksi, pare-pareho silang nawalan ng puso. Pinagsasaksak at dinukot ang mga puso nila. Nawawala ang mga puso nila. Wakwak ang dibdib." pagkukuwento ni KZ. "Hindi! Hindi pwedeng pati si Yaya. Anong kasalanan ni Yaya at bakit pati siya? Wala naman tayong naging enemy, di ba Papa? Papa, sumagot kayo!" bulyaw ni KZ. Hindi na lang sumagot si Mr. Montego. Sa halip, iniwan niya si KZ sala at umalis muna pansamantala. Kahit siya ay hindi alam kung ano ang motibo ng suspek. Wala siyang natatandaang naging kaaway nina Kristoff, L, at maging ang matagal ng naninilbihang yaya ng kanyang anak na si Medy. Natatakot si Mr. Montego sa posibleng mangyari. Hindi niya alam kung ano ang pakay ng suspek sa mga pusong iyon. Hindi niya sinabi kay KZ na apat na puso ang nawawala. Ang pang-apat ay ang puso ni Cruzette na empleyado ng kanyang kompanya. Sa pamilya lamang nila umiikot ang krimen. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit pati sina Cruzette at L o maging si Kristoff ay naging biktima. Ano ang kinalaman nila? Sino ang salarin? Sino ang susunod na biktima? Samantala, laylay din ang balikat ni Kath. Hindi niya aakalaing sa ganitong sitwasyon ay may pangyayaring hindi inaasahan sa pamilya ni KZ. Marahil may kinalaman iyon sa muntikan na niyang pagkabangga sa isang estranghero at sa dugong napansin niya sa mukha ni JR. "Hindi kaya.... OMG!" napatakip sa bibig si Kath nang sumagi sa isip niya ang isang taong maaaring may kinalaman sa mga biktima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD