Excited na excited na si Kath na umuwi ng Pinas dahil matagal na niyang gustong makita at maka-bonding ang kanyang matalik na kaibigan na si KZ. Rumor has it, ika nga para kay Kath ang balitang gusto nang hanapan ng ama nito ang kaisa-isa niyang best friend ng isang manliligaw.
"May tainga ang lupa, may pakpak ang balita."
Napailing na lamang si Kath sa kanyang sinabi. Although, mabilis kumalat ang balitang iyon, mas gustong malaman ni Kath ng personal ang tunay na rason kung bakit. Ilang minuto na lang ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan niya galing Estados Unidos. Ilang taon na ba siya sa Amerika? Hindi na yata niya mabilang.
Walang kaalam-alam si KZ na darating si Kath. Napagpasiyahan niyang huwag ipaalam nang masorpresa niya ito. Ni hindi niya nga ito tinawagan. Mas gusto niyang makita ang mata ng kanyang best friend na naluluha o di kaya ay nilamukos sa pagtatakang nakauwi na siya ng Pilipinas. Haha. Marahang napatawa na lamang sa isipan si Kath sa kanyang naisip.
Ilang sandali pa ay lumapag na ang eroplano at isa-isa ng bumaba ang mga pasahero kasama na roon si Kath...
.....
Matagal na panahon na rin simula nang maging magkapitbahay ang mga Montego at Mondragon. Halos magkasabay na ring lumaki ang kani-kanilang mga anak. Noong mga bata pa sila ay malimit na nakikipaglaro si KZ sa bahay ng mga Mondragon. Subalit, nang maging magkaribal sa negosyo ang dalawang pamilya, nakalimutan na ni KZ ang kanyang kababatang si Lander Mondragon o mas kilala sa tawag na L.
Kahit matagal na silang hindi nagkikita ng kanyang kababatang si KZ, hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang balitang panliligaw sa bahay ng mga Montego. At kahit nakalimutan ni KZ ang kanyang kababata, hindi naman nakalimot si L. Sa puso kasi niya ay tumatak ang kanilang pagkakaibigan.
"KZ, laro tayo ng saranggola," aya ni L.
"Hindi ako marunong e," sagot naman ni KZ.
"Tuturuan kita. Ako ang hahawak ng sinulid na ito tapos ikaw ang aangat ng saranggola. Kapag sinabi kong ihagis mo pataas, ihahagis mo at sasabayan ko ng pagtakbo. Kapag tumakbo na ako, unti-unting aangat ang saranggol at liliparin ng hangin." pag-eesplika ni L.
"Sige. Sige." masayang pagsang-ayon naman ni KZ.
Hindi malimutan ni L ang araw na iyon kaya, hanggang ngayon buo pa rin sa kanyang isipan ang masasayang araw na magkasama sila ni KZ. He was 10 years old and KZ was 8 years old back then. Dalawang taon lang ang agwat nila sa isa't isa. Kaya naman, mas lalong naging observant si L sa bawat kilos ar galaw sa buhay ni KZ. Hindi naman siya stalker. Sadyang minahal na niya sa KZ noon pa man. Hindi nga lang siya nabigyan ng pagkakataong maipadama ito sa kanya.
Alam niyang labag sa mama at papa niya ang kanyang gagawin, kaya nagdesisyon siyang bisitahin ang pamilya Montego upang humingi ng permiso sa ama ni KZ na manligaw. Wala siyang kahit na anong hinanakit sa ama ng kababat niya. Ngayon n rin ang pagkakataong hinihintay niya upang masabi niya sa kanyang napupusuan na noon pa man ay may gusto na siya.
Sinadya niyang puntahan ang bahay ng mga Montego dakong ala y sinco ng hapon. Ilang metro lang naman kasi ang layo nito, kaya naglakad siya papunta roon. Nang magsimula siyang maglakad, naramdaman niyang parang may sumusunod sa kanya. Pansamantala siyang tumigil upang lingunin pero, walang tao. Wala siyang nakita.
Napakamot na lamang sa ulo si L at nagpatuloy sa paglalakad. Dala ang puting bungkos ng rosas at homemade macaroni ay nakangiti pa itong nag-eensayo ng kanyang sabihin.
Sir, magandang gabi po.
A, magandang gabi po. Ako po si L.
Mukhang tangang paulit-ulit siyang nagsasalita ng sasabihin at napapatawa na lamang siya o di kaya ay binabatukan ang sarili sa mga pinagsasabi niya. Bahala na! Yan na lamang ang nasabi ni L. Nakakalahati na siya sa paglalakad at sinipat ang orasan sa kanyang wristwatch. Time check: 6pm.
Isang oras na rin pala siyang naglalakad. Ngayon, tanaw na tanaw na niya ang bahay ng mga Montego. Nang tumigil siya upang punasan ang kanyang pawis sa noo at mukha, isang kamay kumalabit sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito, bigla na lamang siyang sinuntok sa mukha. Natumba si L sa daan at nawalan ng malay.
Agad namang binuhat ng aninong iyon ang lalaki at dinala sa isang liblib na lugar malapit sa likurang bahay ng mga Montego. Inihiga niya sa lupa ang walang malay na katawan ng lalaki. Tinanggalan ng saplot sa katawan. Pinagmasdan niya nang maigi ang hubog ng katawan ng lalaki at napaisip na di hamak na mas fit na fit ang sa kanya. Sa katawan pa lang talo na ang anino dahil mas nakakaakit ito.
Napailing na lamang siya. Ito ang pangalawang manliligaw ni KZ kaya, kailangan niyang kunin ang pang-apat na pusong ku-kumpletuhin niya. Binunot niya ang isang kutsilyo sa kanyang likuran at isang malaking boteng may lamang asido. Ibinuhos niya iyon ng pabilog sa balat na nakatakip sa dibdib ng binata. Doon na nagising si L.
Ngunit, bago pa ito magpumiglas, itinarak na niya sa iba't ibang parte ng katawan nito ang kutsilyo. Tinakpan niya rin ang bunganga nito upang hindi makalikha ng ano mang ingay sa paligid. Impit naman napasigaw si L sa hapdi at sakit na kanyang naramdaman. Ilang beses siyang pinagsasaksak hanggang sa malagutan nang hininga.
Nang masiguradong wala na itong buhay, tinanggal ng anino ang balat sa paligid ng dibdib ni L.Tinuklap niya iyon at dahan-dahang tinanggal ang balat. Hiniwaan niya ulit ng pabilog ang dibdib hanggang sa lumitaw ang puso ni L. Ilang saglit pa,dinukot niya iyon at nilagay sa isang maliit na lalagyan.
Inilapag niya ang puso ni L sa lupa at nagsimulang maghukay. Nang makagawa ng isang malalim na hukay, inihulog niya roon ang bangkay ni L at tinabunan ng lupa hanggang sa hindi na iyon makikita pa. Tumayo na ang anino at kinuha ang puso. Nagpalinga-linga muna siya at agad na nilisan ang liblib na lugar.
Nagtatakbo siya pabalik sa kanyang kinaroroonan nang bigla na lamang siyang makarinig ng busina ng sasakyan. Muntik na siyang masagasaan. Subalit, maagap naman ang drayber sa pag-apak ng preno. Yon nga lang lumantad sa ilaw ng sasakyan ang kanyang mukhang mag suot na maskara.
"Magpapakamatay ka ba? Hoy!" Sigaw nang sigaw at busina nag busina ang babae habang nakaawang ang mukha sa labas ng kotse. Agad tumalima ng takbo ang anino at hindi na iyon nahagip pa ng paningin ng babae.
Naging palaisipan naman kay Kath lalaking nakamaskara at may bitbit pang isang bagay na sa tingin niya ay parte ng katawan ng tao. Duguan din ang damit na suot nito. At nang mapagtantong baka mamamatay-tao ang nakasalubong niya, agad niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ito nang mabilis.