Bukod sa pagiging myembro ko sa banda nag e extra din akong mag model, kahit anong raket ng mga ka tropa ko nakiki ride ako, sayang kasi ang kikitain, pantulong ko rin kay Inang sa gastusin namin lalo na ngayong nasesante si Lentina sa pinapasukang factory ng mga tela. Kagaya ngayon mag mamadaling araw na nasa studio pa rin ako para sa isang photo shoot.
"O, Val, last na'to, itodo mo na para makauwi na tayo!"
Hindi na'ko sumagot, basta umupo na lang ako sa kahon na nakapwesto sa gitna ng studio at nag pose. Matapos ako kuhanan ng ilang shots, tumayo na ako kaagad at pumasok ng dressing room para makapagpalit ng damit.
"Val, nextweek daw ulit sabi ni Ivan."
Tumango at tinapk ko na lang si Rio ng madaanan ko palabas ng pinto. Napabalik ako ng maalala kong lakad namin ni Inang nextweek.
"Syanga pala Rio, may lalakarin pala kami nextweek ni Inang, Next time na lang ulit ako tatanggap ng raket ha! Mauna nako, salamat."
Diko na hininhay ang sagot nya, kasi magbubukang liwayway na't magpapalit na kami ni Lentina. Tinakbo ko ng aking motorsiklo sa parking lot , kaagad na sumampa saka pinaharorot pauwi ng bahay. Papasok na sana ako ng bahay ng makarinig ako ng pagtatalo. Nanatili akong nakatayo sa labas ng pintuan namin at nakinig.
"Hindi mo maitatago habang buhay ang mga anak ko Fierah, kahit saan pa kayo magpunta at magtago mahahanap at mahahanap ko rin kayo."
Kunot nuo akong napasilip sa siwang ng aming pintuan na hindi masyadong nakasara. Una kong nakita si Inang katabi nito si Axis at sa likuran nila sila Karamel at Kiana. Nasilip ko rin si Rios, ang ama namin ni Lentina. Nagulat na lang ako ng sinakal nito ang babaeng nasa harapan ni Inang.
"Subukan mong saktan ang mga anak ko Farah, baka makalimutan kong Ina ka nila."
'Ha! Dyatat sya si Farah ang Ina namin ni Lentina? Napakaganda naman nya hindi mukhang masama, napakaamo ng kanyang mukha.'
"Bakit Rios, papatayin mo rin ba ako kapag kinanti kong mga Anak mo? Hahaha, alam kong hindi mo magagawa yun sakin."
"Wag mong sagarin ang aking pasensya Farah, dahil alam ko na alam mo, kayang kaya kitang burahin anumang oras gustuhin ko."
"Hah! Kala mo natatakot ako sayo, Rios? Kayang kaya kitang tapatan."
"Talaga lang ha, Farah? Di nga ba't kaya ka lumisan ng Secrecy para maghanap ng kakampi, kasi alam mong mahina ka at di mo ako kaya? Masyado kang mapagmataas at gahaman kaya mas ninais mo pang umanib sa kadiliman. Nakakaawa ka Farah, ng dahil lang sa kahibangan mo pati sarili mong pamilya kinakalaban mo."
Mula sa kung saan may lumitaw na dalawang babae sa magkabilang tabi ni Farah, pinagitnaan sya ng dalawa at basi sa mga hitsura ng mga 'to malalakas na salamangkera nga ang kakampi ng Ina namin ni Lentina. Magkaganun man ni hindi man lang natinag sila Inang at mga kasamahan nito. Nakamasid lang sila sa tatlong nakatayo sa kanilang harapan.
"Anuka ngayon Rios, ba't kayo natahimik? Sila Quinn at Reil pa lang ang kasama ko nanigas na kayo? Anupa kaya kung pati si Ezra ay nandito, eh di baka nangisay na kayo sa takot hahaha."
"Wag magyabang Farah, dahil yang mga kasama mo ngayon ay di uubra samin, kahit pa si Ezra."
"Tingnan natin.. Bantayan nyong maigi sila Val at Lentina, wag kayong kukurap at baka ma surpresa kayo nasa akin na pala ang isa sa kanila. At kapag hawak ko na't napatay ang isa sa kanila.. goodbye Secrecy, hahahaha."
At naglaho ng tatlong salamangkera. Napilitan akong lumayo sa pintuan ng makita kong nagliliwanag na, ilang segundo lang nagpapalit na kami ng katauhan ni Lentina.
"Anak, kumain ka na't may pasok kapa."
"Huhu.. wala na po akong trabaho Nay, sesante na po ako."
"Aba'y! kelan pa?"
"Kahapon po, nung nakipagkita tayo kay Itay Rios."
"Ganun? grabe naman, kahapon ka lang naman di pumasok tapos sinesante kana agad?"
Lalo tuloy ako nalungkot, ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayo.
"Eh sadyang ganun po talaga, maghahanap na lang po ulit ako ng trabaho Inang."
Hindi ko naitago ang lungkot sa boses ko dahil namomroblema ako kung san na naman ako nito patutungo. Wala akong kamalay malay na kahit pala si Inang ay apektado rin. Naisip ko bigla si Akiro, nakaramdam ako ng konting pag asa ng maalala ko sya. Kaagad akong nagpaalam kay Inang at nagmamadali nakong lumabas ng bahay para puntahan si Akiro sa kanila. Sure akong nandun pa yun kasi napakaaga pa. Pero pagkalabas ko pa lang ng bahay nasalubong ko na kaagad si Akiro.
"Dyosa! magandang umaga, papasok kana ba sa work?"
"Lana ko work Akiro, hay.. maghahanap na naman ako ng bagong trabaho."
"Talaga! Wala ka na dun sa pabrika?"
"Bakit tila masaya kapa na wala nakong trabaho ha?"
"Di naman! May dahilan lang ako sa kasiyahan ko ngayon hehe."
"Ano?"
"May hiring sa office namin, interesado kaba?"
Napaisip ako bigla, office work? Boring yun para sakin, kaya lang kelangan ko ng trabaho, kawawa naman kasi si Inang kapag na tengga lang ako sa bahay. Nakangiting hinila ko si Akiro sa nakaparada nyang sasakyan.
"Sige tara na! Mag a apply nako dun."
"Tanggap kana, Miss Lentina Alonzo, pwede kana mag start bukas hahaha"
"Sira, sana ganun lang nga kadali magkatrabaho."
Napabuntong hininga na lang ako pagkaupo ko sa passenger seat ng kotse ni Akiro. Ikakabit ko na sana ang aking seatbelt ng masulyapan ko ang tatlong babaeng matiim na nakatingin sakin di kalayuan saming pwesto. Bigla akong kinilabutan ng makita kong ngumiti sakin ang babaeng napagitnaan nung dalawa. Bakit parang pamilyar sya sakin, parang kahawig ni Inang. Parang si..
Tiya Farah?
INA!
?MahikaNiAyana